You caught me, Mister

You caught me, Mister

By:  janeebee  In-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
20Mga Kabanata
410views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

" YOLO " is her life motto. Sa edad na bente tres anyos, walang ginawa si Devon Valencia kundi ang magpakasaya sa buhay at waldasin ang perang ibinibigay sa kaniya ng ama. Wala siyang pangarap sa buhay—o kung mayroon man, hindi niya iyon alam at wala rin siyang balak alamin dahil alam niyang siya rin naman ang hahawak sa negosyo ng pamilya nila pagdating ng araw. Young, wild and free. Literal ang pagiging malaya ng isang Devon Valencia para gawin ang lahat ng gusto niya. Sa isang pitik lang ng daliri niya, nasa kamay na niya ang hinahangad niyang makuha, maliban na lamang ang atensyon ng isang binatang kabaliktaran ng ugaling mayroon siya. Isang maginoo,responsable at matipunong lalaki, Pablo Santino Regalado. Isang magsasaka na ang tanging hangad ay maiahon sa hirap ang kaniyang magulang. Sa edad na bente sais, naka-plano na ang gusto niyang mangyari sa buhay dahil maaga siyang namulat kung gaano kalupit ang realidad. Nakahanda siyang gawin ang lahat maibigay lang ang buhay na ipinangako niya sa pamilya. Ngunit sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ng pagtatalo ang isip niya nang alukin siya ng isang trabaho na may magandang suweldo at wala siyang ibang gagawin kundi ang bumuntot sa magiging amo niya. Kung tutuusin, walang nakikitang problema ang binata sa pagiging isang bodyguard dahil batak naman ang kaniyang katawan at nakasisiguro siyang kaya niyang gampanan nang maayos ang trabahong ibinibigay sa kaniya. Subalit 'yong ideya na isang matapobre ang dalagang babantayan niya, tila mas gugustuhin pa niyang makasama ang mga kalabaw na ilalim ng araw. Kapag binato ka ng tinapay, batuhin mo ng palaman. Kapag nahulog ka sa taong hindi nagpapakita ng interes sa'yo, siguraduhing may bitbit kang hagdan.

view more
You caught me, Mister Novels Online Free PDF Download

Pinakabagong kabanata

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments
Walang Komento
20 Kabanata
PROLOGUE
Kabado na may halong pananabik ang nararamdaman ng isang dalagang nakatayo sa loob ng isang malaking hacienda. Pinagpapawisan ang mga palad niya sa kabila ng lamig ng hangin na na nanggagaing sa malaking air-conditioned na nasa dalawang sulok ng silid kung nasaan siya. " Good morning po. Kayo po ba si Miss Devon Valencia? " Napalingon ang dalaga sa likuran nang madinig ang ngalan niya. Lumapit sa kaniya ang isang dalaga na mayroong salamin sa mata, hawak nito ang isang folder kung saan nakalagay resume na kaniyang ipinasa. " Ako nga. " Ngumiti si Devon, napalunok ng sariling laway nang bumalik ang nerbyos na nararamdaman niya. Ngayon na lamang siya ulit maisasalang sa job interview matapos ng apat na taon kaya hindi niya maiwasang mag-aalala sa kabila ng memoryadong sagot sa mga maaaring itanong sa kaniya. " Okay, Miss Valencia. Paki-fill-up-an niyo muna itong paper na ito, and after this, sasalang po kayo sa interview with the boss. " Inilapag ng babae sa isang lamesita ang folder
Magbasa pa
CHAPTER 01
" Happy 23rd birthday, Devon! " Sabay-sabay na pagbati ng mga kaibigan ng isang dalagang may suot na birthday hat, isa-isang hinihipan ang mga maliliit na kandilang nasa ibabaw ng red velvet cake na hawak niya bago tumili na sinundan ng palakpakan at hiyawan ng mga taong nakapalibot sa kaniya." Let's go back to party! " Hiyaw ng dalaga kasabay ng muling pa dagungdong sa loob ng isang bar dahil sa musikang nanggagaling sa entablado ng DJ. Eksaktong alas-dose na ng hatinggabi ngunit buhay na buhay pa rin ang mga taong tila ngayon lang nakaramdam ng kalayaan. Sa bawat indak at pagsabay sa kanta, siya ring paggaan ng mga dinadalang problema ng bawat isa." Devon, let's dance! Halika na roon sa dance floor! " Pagyaya ng isang dalagang may maikling buhok, ang labi ay kasing-pula ng mansanas habang ang kasuotan nito ay puro itim, mula sa see-through na blouse, maong skirt hanggang sa tigh high boots, lahat itim." I need to pee! Mauna na kayo, susunod na lang ako, Kasey! " Paalam ni Devon s
Magbasa pa
CHAPTER 02
Ala dos y medya nang madaling araw, sa isang munting bahay ay tahimik ng natutulog ang isang pamilya na magkakatabi sa banig na nakalatag sa salas. Ang mag-asawa ay nakapuwesto malapit sa likuran ng pintuan, magkayakap, animo'y pino-proteksyunan ang isa't isa sa lamig ng hangin mula sa labas na pumapasok sa dingding na gawa sa kawayan. Sa kabilang dulo ng banig, naroon ang dalawang bata, magkasalo sa isang manipis na bulaklaking kumot na dekada ng ginagamit ng pamilya.Mula naman sa isang banyo, lumabas ang isang binata na katatapos lamang maligo. Nakasuot ng maong pants, ang damit pang-itaas ay nakasampay pa sa kaliwang balikat dahil ang katawan ay basa pa ng tubig. Dumiretso siya sa mesa upang kuhanin ang tasa ng kape na maligamgam na dahil kanina pa niya ito tinimpla bago pumasok ng banyo. Dire-diretso na niya itong nilagok, kailangan niya iyon para hindi antukin sa mahigit isang oras na byahe pa-siyudad.Lumakad ang binata patungo sa silyang gawa sa kawayan at naupo. Pinagpag ang
Magbasa pa
CHAPTER 03
" Hindi, wala siyang kasama. Mag-isa lang siyang dumating dito sakay noong itim na kotse, " sagot ni Paeng, ang tiyo ni Pablo na tambay sa bakanteng lote na ginawa ng hanapbuhay ang paggabay sa mga sasakyang naghahanap ng paparadahan. " Ganda ng nobya mo, Pablo. Matinik ka pala sa mga chicks, ha? "" Hindi ko po nobya 'yon, Tito. Ni hindi ko nga 'yon kilala, " sagot ni Pablo, muling tinapunan ng tingin 'yong kotse bago ibaling ang tingin sa tiyo. " Sige ho, mauna na ko. Pakibatayan na lang ho nang maiigi 'yong kotse at baka mapag-trip-an noong mga bata rito. "Agad na tumalikod sa Pablo at naglakad pabalik sa bahay nila na ilang metro lang ang layo mula sa bakanteng lote. Salubong ang kaniyang kilay, walang mahanap na sagot kung bakit narito ang babaeng rason ng bukol niya sa ulo. Ano ang kailanan nito sa kaniya at paano siya nito natunton gayong sa siyudad niya ito nakita at hindi naman sila magkakilala?" Nandito na si Pablo! " Lalong nagbanggaan ang kilay ni Pablo nang makita ang ha
Magbasa pa
CHAPTER 04
Alas otso y medya na ng umaga noong umalis ng kama si Devon nang maramdaman ang pagklam ng kaniyang sikmura. Trenta minutos na simula nang magising siya ngunit piniling hindi muna bumangon dahil abala pa ang mga mata sa kapapanood ng video tungkol sa gulong naganap noong Linggo. Kalat pa rin ito sa mga social media pages at patuloy pa rin siyang nakatatanggap ng mga messages mula sa mga taong nakapanood ng viral video.Halo-halo ang mga reaksyon na nababasang komento ni Devon at karamihan sa mga 'yon ay patungkol sa inosenteng lalaking pinaghahahampas niya. Dalawa silang biktima pero mas lamang ang simpatya ng mga tao kay Pablo bagay na hindi makatarungan kay Devon, kaya naman bago pa tuluyang masira ang araw niya ay itinigil na niya ang pag c-cellphone para bumaba sa dining area." Good morning, Pa." Humihikab na bati ni Devon sa ama na naabutan niyang nakaupo sa harap ng mesa at nagbabasa ng diyaryo. Tumungo siya sa refrigerator para kumuha nang malamig na tubig saka sinilip si Mana
Magbasa pa
CHAPTER 05
Isang matunog na tawa ang kumawala sa kabilang linya dahilan para lalong malukot ang mukha ni Devon na kasalukuyang nagmamaneho pauwi sa siyudad." Seriously, ikaw pa ba 'yan, Devs?! " Natatawang hayag ni Kasey sa kabilang linya. " Is this some kind of joke? Baka naman nag p-prank ka lang, ha? Wala kasi sa ugali mo 'yang ginagawa mo ngayon. Hindi ko ma-imagine! "Napaikot ang mata ni Devon at sandaling tinapunan ng tingin ang cellphone sa harap. " Believe me, kahit ako hindi ko ma-imagine na gagawin ko 'to. I don't know, I just find him attractive kasi and since napag-usapan namin ni Papa ang plano niyang pag hired ng personal bodyguard , bigla na lang siyang nag pop-up sa utak ko out of nowhere! "" Devs, hindi kaya nagayuma ka? " hindi alam ni Devon kung concern ba ang kaibigan o isa na naman ito sa mga biro sa kaniya. " Kasi 'di ba siya ang tumanggap ng mga sapak na dapat sa mga lalaking nag manyak sa'yo? Sinabi mo hindi niya tinatanggap ang sorry mo kaya para makaganti, ginayuma k
Magbasa pa
CHAPTER 06
Isang matunog na tawa ang pinawalan ni Mark na siya namang kinabusangot ng mukha ni Pablo na kasalukuyang tumutulong na maibaba ang mga wala ng lamang plastic crates mula sa L300." Hindi nga? Nililigawan ka nga noong chicks kanina? " hindi makapaniwalang tanong ni Mark. " Tangina, ikaw iyong nasuntok niya pero siya ang tinamaan sa'yo? "" Naglalaro lang 'yon. " sagot ni Pablo, binuhat ang huling magkakapatong na crates na nasa L300 saka ito ibinaba sa trolley na nasa harap ni Mark. Hinampas-hampas ni Pablo ang likuran ng sasakyan para bigyan ng senyas ang driver na nakuha na nila ang lahat ng crates at maaari na itong umalis." Hindi rin! Naglalaro ba 'yong pinupuntahan ka pa rito? Nasa probinsiya tayo, siya na sa siyudad! Nasa isa hanggang dalawang oras din ang byahe. Laro pa ba 'yon sa'yo? " Makahulugang tanong ni Mark, hinawakan ang handle ng trolley para itulak ito papasok sa loob ng bodega. " Sayang, hindi ko nakita kanina. Ano ba ang hitsura? Maganda ba? "Sandaling tinapunan ni
Magbasa pa
CHAPTER 07
" Kuya, kailan ka babalik dito? " mula sa paglalagay ng ilang damit ni Pablo sa kaniyang bag, natigil siya sa tanong na narinig mula sa bunsong kapatid. " Matagal raw po kayo mawawala sabi ni kuya Radzel. Puwede po bang huwag na kayo tumuloy bukas? "" Sunny, kailangan mag trabaho ni Kuya sa malayo para kay Tatay, " sagot ni Radzel, nakaupo sa malamig na sahig habang binibilang ang mga baryang laman ng sinira niyang alikansya. " Hindi mo ba gustong gumaling ang Tatay? Gusto mo bang sa ospital lang siya nang matagal?"" Siyempre gusto kong gumaling si Tatay! " ani Sunny, " Pero 'di ba may trabaho naman ang Kuya sa may farm? Bakit lalayo pa?! "" Siyempre ganoon talaga. Hindi naman kasi tayo mayaman kaya kailangan natin nang maraming pera! " Bahagyang tumaas ang boses ni Radezel, hindi na maalala kung magkano na ang mga baryang binibilang niya dahilan para mapakamot siya sa ulo at umulit sa simula. " Tulungan mo na nga lang ako dito, Sunny. Nalito na ako sa bilang ko. Ikaw kasi, dami m
Magbasa pa
CHAPTER 08
Tatlong taon na mahigit magmula noong makaramdam muli ng kalayaan si Devon matapos niyang putulin ang koneksyon sa lalaking inakala niya'y hanggang dulo ay makakasama niya. High school noong makilala ang varsity player na kumuha ng atensyon niya dahil bukod sa mahusay ito sa paglalaro ng basketball, may taglay itong charisma na nagpapatili sa mga kababaihan sa tuwing tumutungtong ito sa gym sa kanilang eskwelahan. Walang interes si Devon sa kahit na anong sports noon ngunit araw-araw siyang pumupunta sa gym masilayan lang ang lalaking bumihag sa puso niya na kinalaunan ay naging nobyo niya. Mestizo at mayroong maamong mukha na kapag nginitian ka, maaari kang mangingisay sa tuwa. Bilog ang mga mata, may makapal na kilay at matangos na ilong. Kulot ang kulay kahoy nitong buhok na isa sa mga katangiang panlabas na kumuha sa atesyon noon ni Devon." Hello, my darling. Long time no see. " Mariing napalunok si Devon nang
Magbasa pa
CHAPTER 09
" Pa, wala nga po kaming ginagawang masama. Pinabitbit ko lang sa kaniya iyong mga pinamili namin sa kuwato ko kaya siya nandoon, " halos lumuhod na si Devon sa pagpapaliwanag sa ama na hanggang ngayon ay kitang-kita ang pagduruda sa mukha sa paliwanag na naririnig sa anak niyang dalaga. " Kung ganoon paano mo ipaliliwanag saakin iyong naabutan ko kanina? " Seryosong tanong ni David, naka-krus ang mga braso habang pinagmamasdan ang mataas na lalaki sa tabi ng unica hija niya. Kasalukuyan silang nasa salas, nakaupo si David sa sopa at nakatayo naman sa harap niya ang dalawa." Pa—"" Hindi ikaw ang tinatanong ko, Devon. Kanina ka pa sagot nang sagot, " anito saka binalingan muli ng tingin si Pablo. " Wala ka bang balak magpaliwanag saakin, hijo? Kung hindi ka magsasalita, sa presinto na lang tayo magharap. "" Papa!" Napapadyak sa inis si Devon, namumula na ang mukha dahil sa magkahalong inis at hiya. " This is my fault, okay? Nagpupumilit ako na hubarin iyong jumper ko dahil may gusto
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status