All Chapters of Can't Get Enough Of You -TAGALOG: Chapter 21 - Chapter 30
33 Chapters
20
Nagsasalita ang host para sa next part ng event. The dance.. At dahil inuna muna ang pagseserve ng pagkain, nagsimula na din akong kumain.Nakita ko si Liam na nakatayo at kausap ang ilan kilalang tao mula sa kabilang table habang ako naiwan lang para kumain at makinig sa kanila. Ano nga naman ang alam ko sa mga pinag uusapan nila? Its just all about business. Huminga ako ng malalim. Nakaserve sa table namin ang ilan pagkain. Naalala ko tuloy nung pagsakay ko sa cruise, mga domestic food ang kinakain ko. Kinuha ko ang fork and bread knife para gamitin. Nag isip pa ako paano ko sisimulan kainin ang nasa plato ko. Nilingon ko ang mga katabi ko at sinubukan kong gayahin ang ginagawa nila. "Hello." nagulat ako sa lumapit sa akin, katabi ko sya from my left side. Sa
Read more
21
Nagsimulang tugtugin ang Ballad version ng kantang I Finally Found Someone. Niyaya nya ako sa gitna. Hindi nya binibitawan ang kamay ko. Parang ayaw nya akong pakawalan, then kinuha nya ang dalawa kong kamay saka pinatong sa balikat nya. Sinubukan ko syang sundan sa ugoy ng katawan nya."Relax. I won't bite." nanliit ang mga mata ko sa kanya then he wears a smile."Ayan kana naman ha!" bulong ko sa kanya. Lalong humigpit ang hawak nya sa bewang ko dahilan para lalo kaming magdikit."You're dancing!" natawa ako. Napansin ko nga na sumasayaw na ako, akala ko hindi sya marunong pero sya pa itong nagdadala sa akin."I thought you don't dance!" ngumiti syang pilyo."I just told you I don't para sumama ka sa akin. Kung pareho tayo hindi marunong sumayaw, for sure papayag ka." hinampas ko sya sa balikat."Ouch. That hurts!""Sira ulo ka talaga! Ginawa mo yun at nani
Read more
22
BLAG!Nagulat ako sa bumagsak. Then bago pa man ako makapasok sa opisina ni Liam, isang babae ang nakasalubong kong palabas naman at umiiyak. Nagulat ako."Why is she crying?" I asked myself saka binuksan ang pintuan.Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Ang gulo ng opisina nya. Papers anywhere. Sa lamesa, sa lapag nakakalat."Liam?" tawag ko ng di ko sya makita."I said leave me alone!!" nagulat ako sa sigaw nya. And I saw him lying in the couch. Nakabaluktot na sya. Then nakakumot sa kanya ang itim na coat nya."Its me Reena." bahagya syang natigilan sa sinabi ko. Dahan dahan syang umikot sa pagkakahiga. Nilapitan ko sya."Nagkakaganyan ka ba dahil may nararandaman ka?" tanong ko sa kanya. He slowly moved his head. Natawa ako. Para syang bata."Anong ginawa mo dun sa babae? Yun employee nyo?" nagsalubong ang kilay nya.
Read more
23
Kinabukasan.Maaga ako gumising para gumayak. May usapan kami ni Chris na magkikita at sabay mamasyal sa Sm Megamall after namin magsimba. Weekly routine nanamin yun, sayang nga lang at hindi makakasama si Jaica dahil umuwi sya sa parents nya sa Pampanga.At dahil wala si Lenard, dun ako sa kwarto ko natulog. Hindi ko na din alam kung anong oras umuwi si Liam. Basta alam ko, okay na ang pakiramdam nya. At hindi ko na sya kailangan alalahanin pa.Lumabas ako ng kwarto ko matapos ko magbihis. Nakahain na ang breakfast sa mesa. Dala ko ang isang shoulder bag ko at kinausap ko na din si Jio na ihatid ako sa simbahan ng Sto. Domingo ."Maaga ka ata ngayon Mam Reena?" nagulat ako sa bati ni Manang na naghuhugas ng pinaglutuan nya."Opo. Magsisimba po ako ngayon kasama yun kaibigan ko." Ngiting sagot ko."At sino naman kaibigan yan?" Nagulat ako sa nagtanong then l
Read more
24
Hindi kami nagpapansinan hanggang sa makauwi. Tahimik akong bumaba ng kotse nya at nauna ng pumasok. Ayoko sya tignan. Naiinis ako sa kanya. Hinanap ko kaagad si Lenard sa kwarto nya at nakita ko ang bata na naglalaro."Mama!" masaya nyang bati ng makita palang ako sa pintuan. Iniwan nya ang nilalaro nga at agad akong niyakap."Namiss ka ni Mama! How's Lolo at Lola?" tanong ko."Okay po sila. Namimiss kana din daw po nila." ngumiti ako. Naupo ako sa kama ng bata at sandaling humiga. Bumalik si Lenard sa nilalaro nya. Pumikit ako at huminga ng malalim. Naalala ko yun sagutan namin ni Liam kanina. May mali ba akong sinabi? Naging insensitive na ba ako masyado at napasobra ang sinabi ko sa kanya? Umiling ako. Bakit ko ba naiisip pa yun? Sya ang may mali at hindi ako."Si Papa po?" nagulat ako sa tanong ng bata. Bumangon ako."Baka nasa kwarto nya." sagot ko nalang. Ayoko makit
Read more
25
Nakatulog ako sa kwarto ko hanggang dumating ang kinabukasan. Hindi na pala ako nagising para kumain at magbihis, kung anong suot ko kahapon sya pa din suot ko ngayon. Nang tumunog ang alarm sa phone ko saka lang ako naalimpungatan para magising. Biglang bangon ko nang marealize ko na umaga na."Grabe, napahimbing tulog ko." I said habang kinukoskos ko ng mga kamay ko ang mga mata kong hirap pa sa pagmulat. Bumangon ako at sandaling nagbihis bago lumabas. Aasikasuhin ko pa si Lenard. Bago ako pumasok.Lumabas ako ng kwarto na nakasuot lang malaking tshirt at maikling shorts. Dadaan muna ako ng kusina para maghilamos."MAMA!" nagulat ako sa bata sa sigaw nya sabay tumakbo papunta sa akin. Bigla syang yumakap sa bewang ko."Goodmorning Anak! Nagbreakfast kana?" tanong ko sa kanya sabay hinalikan sya sa pisngi."Opo. Si Lola Caring nagluto. Kumain na kami ni Papa." nagulat
Read more
26
Binitiwan ni Chris ang kamay ko ng makita nya si Liam. Sabay lumapit ito sa akin at dahan dahan kinuha ang pitchel sa akin para lagyan ang basong hawak nya."Hi po Mr. Imperial, dadalawin lang namin si Lenard." biglang pasok ni Jaica para mabasag ang awkwardness."Ah okay, welcome here." he just said bago lumabas ng kusina. Nakahinga ako ng malalim. Akala ko kagagalitan nya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Pero yun mga tingin nya kanina parang papatayin nya si Chris.Niyaya ko ang dalawa na kumain nalang sa kwarto ko. Tinawag ko din ang bata para makita ang ninong at ninang nya. ---Gabi na din nakauwi ang dalawa. Habang ako, sinimulan ayusin ang mga dadalhin ng anak ko bukas.Tok! Tok!Nagulat ako sa kumatok sa pintuan ko, nakabukas kasi yun. At akala ko si Manang Caring o Jio ang kumatok. Nakita ko si Liam.
Read more
27
Natapos ang second part ng tug war at team ng Grade 4 ang nanalo. Afterwards, binigyan kami ng 30 minutes break bago magsimula ang sunod na laro which is the hunger games. Mga babae ang required na sumali kaya napilitan na akong lumahok. Nasa audience seat naman ang mag ama na nagpapahinga, habang ako naman ang sasabak at susubukin manalo sa sunod na activity. Kahit na di ako sure kung kakayanin ko ba. "Our next game will be Hunger Games, so mga Misis kayo muna ang maglalaro dahil tapos na po ang games nila Daddy." biro ng host at nagtawanan ang mga tatay na nakaupo at nagpapahinga. "So this is the mechanics, may 2 stages ang game na ito, at dahil ang name ng laro is "Hunger" so this is related to food. Nakikita nyo po ba ang isang malaking inflatable pool sa harapan nyo?" She asked at saka hinatak sa harap namin ang isang ma
Read more
28
Nasa tabi kami ng bonfire ni Odille habang kasama ni Lenard ang mga kaklase nya. Habang si Liam nasa ilalim ng isang puno at may kausap sa phone nya. He needs to monitor the office kahit nasaan man sya. Kaya kahit nasa camp kami kailangan magreport sa kanya ng secretary nya."Alam mo ba yan si Liam? He never been to relationships. Since highschool." nagulat ako sa sinabi ni Odille."Bakit daw? Hindi ba sya nainloved? Nagkacrush?""He had a crush but only crush. He never fell for it. Matigas yan. Gusto nya sya ang hinahabol." Natawa ako. Hindi na ako magtataka sa dami ng babaeng nagkakandarapa sa kanya."Pero hindi talaga yun ang dahilan nya.." bigla akong nacurious sa sinabi nya."What do you mean?""He's scared of losing someone that's why he choose to never fall inloved. Natatakot sya sa commitment, because he's scared to be a failure. Natatakot syang main
Read more
29
Nagising ako dahil sa dumapong tuyong dahon sa mukha ko. Dumilat ako ng bahagya. Medyo masakit ang likod ko at mga braso ko pero kakayanin kong makatayo.Nakita ko si Liam, tinapik ko ang pisngi nya. Nagising sya."Hey." he whispered at maluha luha ako sa nangyari sa amin."Why did you jumped?""You're clumsy.." Nagulat ako. Bumangon kaming dalawa. Napansin ko ang ilan gasgas sa braso nya at binti."Okay ka lang ba! Walang masakit sayo?" umiwas sya ng aakma ko syang hawakan."We need to walk forward. Kailangan makahanap tayo ng masisilungan, and we need water. Wala tayong kahit anong dala." naiinis sya the way he talked. Dahil sa pagkadulas ko, lalong lumala ang problema namin. Ngayon wala kaming kahit isang dala. Naiintindihan ko naman sya pero di lahat ng ito dapat idaan sa init ng ulo.Pinilit kong makalakad. Sinusundan ko sya habang sinus
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status