All Chapters of Fragments of Memories1: Married at Seventeen (Filipino): Chapter 21 - Chapter 30
35 Chapters
Chapter Twenty: Bathtub 3 / Five Hours and a half
August 10, 2015Baguio City, Philippines  Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Panaka-naka pa rin ang kulog, ang kidlat, at naghahamon pa rin ang bagyo sa labas. Thera’s body was slightly shaking, nararamdaman na niya ang panunuot ng lamig sa kanyang katawan na walang saplot maliban sa suot na underwear.Bumuntong-hininga si Sean. Lumapit ito sa kanya nang makita ang panginginig niya. Dinampot nito ang basang damit niya, saka siya inalalayan para maupo sa tub na unti-unti nang nagkakatubig.Nagpaubaya si Thera. Namamanhid ang kaloob-looban niya. Pati ang utak, pakiramdam niya ay tumatangging gumana.Ano pa ba ang dapat niyang gawin para bumalik sila ni Sean sa dati? Wala na ba? Wala na ba talagang pag-asa? Nagpapakatanga na lang siya, alam niya. Pero gusto niyang kahit paano ay maliwanagan.Ang nangyari noong gabi
Read more
Chapter Twenty One: The Devil in the Palace
Pinalis ni Thera ang luha sa mga mata. Hindi niya kilala ang lalaki pero mukhang kailangan nga nito ang tulong niya.“My car broke down few meters away from here. You can see it from here. There!” Itinuro nito ang isang pulang kotse sa bandang likuran niya. Naka-hazard signal habang nakaparada sa gilid ng kalsada.“S-saan ka ba papunta?”“Sa Pangasinan, Miss. May a-attend-an akong seminar bukas ng umaga. Puwede ba akong makisabay?”Nag-hesitate si Thera. Maraming modus sa kalye, hihingi ng tulong kunwari nasiraan ng sasakyan pero iyon pala kidnapper, carnapper, o rapist. Pero hindi naman niya maaatim na basta na lang itong iwan, mas malamig ang temperatura ng Baguio dahil sa bagyo.“Ibababa kita sa Pangasinan,” sa wakas ay sabi niya. Nagliwanag ang mukha ng lalaki, agad tumalima para sumakay sa kotse.
Read more
Chapter Twenty Two: Beating Again
Bago pa makasagot si Thera, nahawakan na ni Sean ang kanang kamay niya. Hindi na niya namalayan kung paano sila nakalabas ng restroom pero nakaringgan niya ang sinabi nito sa dalawang empleyado bago siya iginiya palabas ng pinto.“See me in my office tomorrow,” sabi nito sa seryosong anyo at tono.Nagtataka si Thera, paano nito nalaman na nasa restroom siya? May pakiramdam siya na alam din nito na nagigisa siya sa loob nang walang kalaban-laban.Pumasok ito sa banyo na laan para sa mga babae hindi para itanong kung puwede pa ba itong maging asawa niya uli. Kundi para iparating sa dalawang empleyado na hindi na siya makakanti uli ng mga ito. Dahil ba-backup-an na siya nito kahit ano ang mangyari.Malalaki ang mga hakbang at mahigpit ang hawak ni Sean sa kamay niya. Sinusundan sila ng tingin ng bawat madaanan at masalubong nila sa pasilyo ng palapag na iyon kahit hanggang sa hilera ng elevator kung saan sila huminto.Baki
Read more
Chapter Twenty Three : First Day
Nakailang hugot at buga ng hininga si Thera habang nag-iipon ng lakas ng loob na lumabas ng banyo. May ilang minuto na siyang tapos maligo at nakabihis pero hindi pa rin niya makuhang lumabas.Nabistahan na niya ang loob ng condo kanina. Partikular ang kama na nasa gitna ng kuwarto. Double bed. Si Sean mismo ang nagpalit ng bedsheet bago ito naligo kanina.Ano ba ang naisip niya noon para bumili ng ganoon kakipot na kama? Kung hihiga sa tabi niya si Sean, tiyak na magmumukhang single bed ang higaan.Inalok niya si Sean noon na matulog sa tabi niya. Ni wala siyang naramdaman kahit kaunting pag-aalangan, bakit ngayon, para siyang sinisilihan?Pa-treinta ka na, Thera, hindi seventeen. Bakit kung umarte ka, parang teenager pa rin? pagkausap niya sa sarili.For the nth time, nagbuga siya ng hangin sa baga. Masyado siyang nag-o-overthink, baka nga sa couch pa matulog ang lalaki imbes na tumabi sa kanya.Binuksan ni Thera
Read more
Chapter Twenty Four: Thera Baguio - De Marco
“A-ano’ng ginagawa mo?” Kandautal si Thera sa takot. “S-sino—?”Lalong ngumisi ang lalaki. Sa likod nito, bahagya pa niyang nasulyapan ang pagsasara at autolock ng pinto.“Ang dali mo namang makalimot, Thera. Ni hindi pa nga halos naghihilom ang magkabila kong panga,” sabi nito na ikiniling ang mukha para ipakita sa kanya ang panga.Nalilito si Thera. Hindi niya matandaan ang lalaki kahit anong pilit niya. My atraso ba sila sa isa’t isa? Kagabi, nginitian niya pa ito nang dumaan sa harap niya.“K-kung ano man ang ginawa ko sa ‘yo noon, humihingi ako ng tawad. H-hindi ko…”Nanlisik ang mga mata ng lalaki. Bawat hakbang palapit sa kanya ay may katumbas na hakbang paatras sa kanya. Panay ang tahimik na pagdarasal niya na dumating na sana agad sina Ringgo at Laida.“You humiliated me in front of those people! Dahil sa ‘yo, tuluyan nang nak
Read more
Chapter Twenty Five: Faces
“Sir, naka-ready na ang suite,” sabi ni Yumi na katatapos lang makipag-usap sa housekeeping gamit ang cell phone.Imbes na ibiyahe pa si Thera pauwi ng condo, Sean decided to spend their night at The Palace Hotel. May mga kailangan din siyang tapusing trabaho sa opisina dahil sa halos kalahating araw na pagsunod kay Thera.Babalik siya sa opisina pagkatapos masigurong tulog na ito mamaya. Kumilos siya para alalayan itong tumayo.Malalim ang hinugot na hininga ni Sean nang mag-angat si Thera ng mukha. Sa namumungay na mga mata, ngumiti ito. Sapilitan niyang binawi ang tingin nang ikawit nito ang braso sa kanyang batok nang maingat niya itong pangkuin.Pagdating sa suite, inihiga niya si Thera sa malambot na kama. Panay ang kilos nito, tinatangkang hubarin ang blouse.Gusto niyang mapailing. Bakit hinayaan niya itong malasing? Nagbuga siya ng hangin, saka naupo sa kama.Kinalas ni Sean ang butones ng suot na b
Read more
Chapter Twenty Six : A Painful Trip Down Memory Lane
 August 11, 2015Pangasinan, Philippines  Ipinarada ni Thera ang kotse sa gilid ng daan. Sa tapat ng isang restaurant nagpababa ang lalaking isinakay niya mula sa Baguio.“Thank you, Thera. I owe you one.”Matipid siyang ngumiti. May sasabihin pa sana ang lalaki pero itinikom na lang ang bibig. Napilitan itong bumaba ng sasakyan nang mapansing wala pa rin talaga siya sa mood na makipag-usap.Humarap itong muli sa kanya. Pigil-pigil sa kaliwang kamay ang pintong nilabasan.“Gusto mo bang magkape muna? Pareho yata tayong hindi pa nag-aalmusal.”Umiling si Thera. “Busog pa ako. Salamat.”Isinara ng lalaki ang pinto. Bumuntong-hininga nang patakbuhin na niya ang sasakyan palayo. Thera had the prettiest yet saddest eyes Top ever laid his eyes on. Duda ang binata kung
Read more
Chapter Twenty Seven: Girl on a Ledge
October 14, 2015The Palace Hotel  May ilang saglit na nakatitig si Mr. Hernandez kay Thera. Nakaupo na siya sa couch habang ang matandang lalaki naman ay nanatili sa pagkakaupo sa likod ng mahabang working table.Paano ba niya uumpisahan ang tanong? Paano kung tsismis lang ang narinig kanina? Bakit naman siya pag-aaksayahan ni Mr. Hernandez ng panahon at pera?But the way Mr. Hernandez was looking at her,  parang marami itong gustong sabihin.“Siguro panahon na para malaman mo ang totoo, hija.”Kumabog ang dibdib ni Thera. Ilang beses na niyang napanood at narinig ang mga ganoong linya sa mga palabas sa TV. Kakayanin ba niya ang susunod nitong sasabihin?“Bago mo pa nakilala si Sean, matagal na kitang pinasusundan. It’s true that five years ago, I talked to him. It was I
Read more
Chapter Twenty Eight: Miracle from Heaven
Inayos ni Sean ang pagkakapulupot ng braso sa baywang ni Thera habang sinusubukang hulaan ang passcode sa electronic door lock ng unit nito. Halos sumampay na sa kanyang mga bisig ang babae dahil sa kalasingan. Sinubukan niyang i-input ang birthday ni Thera. Ang birthday ng nanay at tatay nito. Ang araw ng kasal nila. Pero walang tumama.“Hey…” anas niya nang humulagpos ito sa kanyang mga bisig. Parang batang naupo ito sa sahig, sumandal sa dingding. Nakapikit pa rin.Sean knelt to scoop her up. Umungol si Thera, sumandal sa dibdib niya. Nagtatayuan ang balahibo niya sa batok tuwing nararamdaman ang pagpaypay ng mainit at mabangong hininga nito sa gilid ng kanyang leeg.Akmang pipindot uli siya sa lock nang paungol na magsalita si Thera.“Ten, fifteen, fifteen, idiot.”Nang makapasok sa loob ng unit, maingat na inihiga ni Sean si Thera sa kama.
Read more
Chapter Twenty Nine: Lost
Ilang minuto nang gising pero pinili ni Thera na manatili muna sa pagkakahiga. Masakit ang ulo niya dahil sa magdamag na pag-iyak. Alas-sais beinte ang nasa digital clock nang sa wakas ay bumangon siya. Iniwasan niyang sulyapan ang isang bahagi ng kama.Tinungo niya ang pantry at nag-umpisang maghanda ng pagkain para sa sarili. Pero nakailang bukas-silip-sara na siya sa ref na puno naman ng pagkain, wala pa rin siyang maisip na lutuin.Kinuha ni Thera ang blazer at handbag niya matapos magbihis. Nagdesisyong tawagan si Laida para yayaing kumain sa labas. Lumapit siya sa pinto matapos isuot ang oversized sunglasses.Pero pagkabukas niya ng pinto, nakita agad niya ang bulto ni Sean. Natutulog nang nakaupo sa sahig ang lalaki, nakatiklop ang isang hita. Gusot ang puting long sleeve at naka-loose ang kurbata.Sa labas ng unit niya ito nagpaumaga kung pagbabasehan ang suot at ayos nito.“Please don’t shut everyone out, T
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status