All Chapters of CEO's Obsession: Chapter 21 - Chapter 30
106 Chapters
CO21:
•Gaea•Nanatili na lang kami sa bahay at hindi na pumunta sa opisina. Bukod sa hindi naman talaga ako pinatawag ay tinatamad din ako.Nasa sofa ngayon si Clyden at nagtra-trabaho. Nakahiga naman ako sa hita nito at nagtutulog-tulogan. Gusto kong matulog pero hindi ko naman nagawa dahil naiingayan ako sa pagpindot nito sa keyboard. Ayaw ko rin namang bumalik sa kwarto dahil gusto ko pa itong makasama. "Gaea," malambing na tawag nito sa pangalan ko. Iminulat ko naman kaagad ang aking mga mata at tumingin sa kanya. "Bakit di ka matulog muna sa kwarto mo? Alam kong inaantok ka na." Tipid akong ngumiti rito at niyakap ang kanyang bewang. Ang bango nito ay nanunuot sa aking ilong, ang sarap sa pakiramdam.Sa tingin kung kanina pa ako yumakap dito sigueradong natutulog na ako ngayon, dahil ngayon ay hinihila na ako ng antok. —Nagising ako na wala na si Clyden sa aking tabi, ngunit sa
Read more
CO 22:
•Gaea•Bumaba na ako sa kotse ni Clyden nang dumating na kami sa hintayan ng bus. Dederetso na kasi ako pauwi dahil wala rin naman si Samantha sa apartment.Wala naman akong aabutan doon. Atsaka kaunti lang naman ang dala kong gamit dahil ayaw akong pahintulutan ni Clyden na dalhin lahat at baka raw hindi na ako bumalik. "Clyden, I need to go," usal ko nang hindi pa rin ito humiwalay sa akin kahit tinatawag na ang pasahero ng bus na iyon. Umiling ito mas niyakap ako nang mahigpit. Sa halip na mahiya sa mga taong nakatingin sa amin ay napatawa pa ako dahil sa ginawa. "Para kang bata, babe, babalik din naman ako kaagad huwag kang mag-alaala tatawagan naman kita." Inilayo niya ako sa kanya at tiningnan sa mga mata. "Sigurado ka?" Nakangiti akong tumango sa kanya bago kinurot ang kanyang pisngi. "Anyway kung hindi ka naman tatawag sa akin ay ako naman ang tatawag sa'yo. Be sure na palagi kong makokontak
Read more
CO 23:
  •Gaea• Hindi ko alam kong ilang minuto o oras akong nakatulog, magaan sa balat ang dampi ng hangin, lalo na ang hampas ng alon sa barko na para bang dinuduyan ako nito. Naramdaman ko na lang na may yumuyugyog sa akin. Hinawakan ko ang kamay na yumuyugyog sa aking balikat at unti-unting idinilat ang aking mga mata. Bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Clyden na nakangiti. "The crew said that we're almost there, babe. I'm sorry if I wake you up." Kaagad akong umayos sa pagkakaupo at inilingan ito. Dati nga hindi na ako natutulog sa may barko dahil malapit lang naman ang Port Ynaya sa Port Anyan, mga isang oras lang yata ang byahe namin. "Thank you at ginising mo ako. Anyway nagugutom ka ba o baka nauuhaw ka? Sorry nakatulog kasi ako kanina." Kinusot-kusot ko pa ang aking mga mata dahil nanlalabo pa iyon dulot ng aking pagkak
Read more
CO 24:
•Gaea•Mabilis akong tumayo sa kama at tumakbo patungo sa kwarto nila Klint at Clyden nang marinig ang malakas na sigaw na iyon. Kahit si Nene na nakapikit pa ang mga mata ay sumunod na rin sa akin. Kaagad kong kinatok ang pintuan at tinawag ang pangalan ni Clyden sa loob. Kaagad naman na bumukas ang pinto at ang namumutla nitong mukha ang bumungad sa akin.  "Anong nangyari sa iyo?" nagtataka kong tanong sa kanya. Hindi ito nagsalita at yumakap kaagad sa akin. Napabuntong-hininga ako at hinaplos ang kanyang likuran para mawala ang kumalma ito. "May nangyari bang masama, Clyden?" "Narinig ko iyong malakas na kukuka-ok," saad niya. Tumaas-baba pa ang kanyang dibdib halata ang kaba na kanyang nararamdaman sa oras na ito. Ngunit hindi ko siya maintindihan kaya kinunotan ko ito ng noo. "Do you have monsters here?" Natampal ko ang aking noo dahil sa sin
Read more
CO 25:
•Gaea•Napatayo sila pareho ni Clyden sa kanilang kinauupuan nang bigla silang sinabuyan ni Nene ng tubig dagat. Napailing siya habang si Clyden naman ay natatawang nilapitan ang kanyang kapatid at nakipaglaro rito. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi habang tinitingnan sila na naglalaro. This is what I want my future to be. Me, Clyden and our future kids, happily playing together. Nanlaki ang aking mata sa aking mga iniisip kaya naman ipiniling ko ang aking ulo para iwala ang mga ito. Susunod na sana siya sa dalawa nang maalala niya si Cybell. Tumawag ito sa kanya kagabi ngunit hindi niya nasagot dahil nakatulog na nga siya, at kaninang umaga naman ay nakalimutan niya itong tawagan dahil sa gulat niya kay Clyden at naging abala na rin siya sa pagluluto. Bumalik muna siya sa kanilang cottage at tinawagan ang editor niya. Isang tawag pa lang ay sinagot naman nito kaagad iyon. "Cy, I
Read more
CO 26:
•Gaea• Gabi na ng makauwi kami dahil nawili masyado ang mga kapatid ko sa paglalangoy. Dumating din ang mga pinsan ko para sumabay sa amin dahil aalis din ang isa kong pinsan bukas.Isa itong seaman kaya minsan lamang ito makauwi, kaya kapag umuuwi ito ay palaging nagre-reunion ang buong angkan. "Bakit ka kasi nagpakalasing alam mo naman na uuwi ka bukas?" pangaral ko sa kanya at tinampal nang mahina ang kanyang dibdib. Nadala naman kasi siya sa usapan ng mga pinsan ko at naparami ang inom. Si papa rin ay inalalayan na ni papa dahil tumatagilid na ito habang naglalakad. "Gaea, sa kwarto mo na patulugin si Clyden. Hindi makakatulog si Klint kapag amoy alak ang katabi niya, okay?" Napabuntong-hininga ako sabay tango. Wala namang problema sa akin iyon dahil palagi naman kaming nagtatabi sa pagtulog ni Clyden. Natigilan ako nang ma-realize ang
Read more
CO 27:
•Gaea• Malapit na ala-una nang hapon ko naihatid si Clyden sa port, kaya pagkarating namin doon ay nag-usap lang kami saglit at nagpaalam na rin ito kaagad. Pagkabalik ko ng bahay ay kaagad kong tinawagan si Cybell para kumpirmahin sa kanya na babalik na ako bukas. Kailangan ko ring mag-trabaho, hindi naman pwedeng aasa na lang ako kay Clyden para sa pamilya ko.  "Gaea, napatawag ka? May kailangan ka ba?" bungad na tanong nito sa akin nang sagutin niya ang tawag.  "Ah, gusto ko lang ipaalam sa iyo na babalik na ako bukas d'yan. Natapos na ba ang printing?" Kailangan kong pirmahan ang mga libro kaya ko iyon naitanong sa kanya. Kailangan ko ring maghanap ng ibang trabaho dahil hindi naman makakasuporta sa pamilya ko ang kinikita ko sa pagsusulat. Baka pagbalik ko ay maghahanap na ako kaagad ng trabaho, isa akong education graduate per
Read more
CO 28:
•Gaea•Kinaumagahan ay maaga akong nagising para maaga rin akong makakuha ng ticket at makabalik din kaagad sa syudad dahil may meeting nga akong pupuntahan mamaya. Hinatid pa ako nila mama dahil minsan lang daw akong umuwi kaya susulitin na niya iyon. "Ma, alis na po ako!" paalam ko kay mama. Sasakay na kasi ako ng barko at naroon pa rin sila sa may daanan ng mga pasahero at naghihintay sa akin.  "Mag-iingat ka roon, Gaea!" hiyaw naman nito pabalik sa akin dahil malayo-layo na rin ang pagitan naming dalawa dahil bawal silang pumasok sa hintayan ng mga pasahero. Kumaway na lang din ako at sumakay na sa barko. Umupo ako sa may labas para mapanuod ang kalmadong dagat, dahil nakakawala iyon ng bigat sa aking pakiramdam. Ilang ulit na rin akong pabalik at alis sa probinsya namin pero sa tuwing bumabalik ako sa syudad ay pakiramdam ko ay bigat ng aking pakiramdam. 
Read more
CO 29:
•Gaea•Pagkatapos naming makipag-usap sa production team ay kaagad na rin kaming umalis ni Cybell. Huminto pa kami sa isang restaurant para kumain dahil ili-libre ko raw siya dahil may blessing na dumating sa akin. Sinubukan kong tawagan si Clyden ngunit hindi naman nito sinasagot ang tawag ko. Gusto ko sanang ipaalam sa kanya ang nakuha kong trabaho. "Uy, Gaea, nakatulala ka naman d'yan? Sino na naman ang iniisip mo?" kunot-noong tanong sa akin ni Cybell. Nagkamot ako sa aking noo bago umiling dahil wala pa akong balak ipaalam sa kanya ang relasyon namin ni Clyden. "Kumain ka na nga baka pumangit ang lasa niyan dahil hindi na mainit." Tumango ako at ibinalik na nga ang pokus ko sa pagkain. Baka busy nga lang si Clyden sa trabaho niya, ako rin naman ang dahilan kung bakit siya pumunta roon.  "Cybell, sa office ko na lang kaya pirmahan ang mga books? Nex
Read more
CO 30:
•Gaea•Pagkatapos naming mag-usap ni Samantha ay sinamahan niya ako sa office. Tinanong ko naman si Cybell kung pwede magdala ng kaibigan sinabi naman niya na pwede naman daw.Ayaw ko rin namang mag-isa habang pumipirma ng mga libro dahil sobrang boring kapag wala akong makausap doon. "Sumisikat ka na talaga, Pretty Gaea, parang kahapon lang hanggang 50 books lang ang mapri-print ng publisher mo. Tingnan mo naman ito ngayon!" Malapad akong napangiti sa sinabi ni Samantha. Maski ako sa sarili ko ay hindi rin makapaniwala sa naabot ko ngayon. Ma-swerte lang talaga ako dahil may mga readers akong sumusuporta sa akin ng lubos. Sa tuwing may bagong libro akong inilalabas ay sila palagi iyong nagpro-promote ng books ko. They will always be my star.  "Laking pasasalamat ko nga sa mga readers ko dahil iba sila sumuporta." "Miss Gaea, nandoon po ang
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status