All Chapters of Psycho Secrets: Chapter 11 - Chapter 15
15 Chapters
Psycho 5.2
(Continuation of chapter 5)Tanya's POV "Parang hindi kita nakita dito kahapon, ah," wika ko kay Lea habang naglalakad kami dito sa hallway ng ospital.  Kanina ay nakita ko siyang pumipitas ng bulaklak sa garden ng ospital kaya naman naisipan ko siyang lapitan. Na-miss ko din naman ang presensya niya. Nakasuot siya ng pink na dress na maraming bulaklak sa palibot nito at saka hairband na kulay pink din. Sa paa naman niya ay nakasuot siya ng doll shoes na puti. "Nandito ako, hindi mo lang siguro ako napansin. Araw-araw naman akong nandito eh. Ikaw nga nakita kita, kausap mo si Kuya Devin," tugon niya at makahulugang nakatingin sa akin.  "Naku! Ikaw talagang bata ka, para sagutin 'yang tingin mo d'yan ay hindi. Malamang makakausap ko siya kasi pasyente ko siya 'no." "Pasyente lang ba talaga, Ate?" Kinurot ko siya sa tagilir
Read more
Pyscho 6.1
Tanya's POV Takbo. Tama! Kailangan kong tumakbo! Kahit napapagod, pinagpapawisan, hinihingal ay kailangan kong tumakbo. Kung hindi papatayin niya din ako! Ngunit bakit ang dilim? Wala akong makita kundi ang walang hanggang kadiliman at hindi ko alam kung nasaan ako. Mag-isa lamang ako. Pero bakit may naririnig akong mga yabag ng paa?  "Layuan mo 'ko!" sigaw ko.  Papalapit nang papalapit ang mga yabag ng paa. Malapit na siya sa kinaroroonan ko at sigurado akong pag naabutan niya 'ko ay papatayin niya din ako kagaya ng ginawa niya kay Cora at Walter.  Habang tumatakbo ako ay nakatingin ako sa aking likuran upang masiguradong walang nakasunod sa akin. Hindi ko napansin ang isang salamin kaya nabangga ako dito. Nakikita ko ang repleksyon ko sa salamin at...&
Read more
Psycho 6.2
(Continuation of chapter 6)Tanya's POV Pagkatapos ng duty ko this morning ay pumunta na ako sa kantina ng ospital para kumain ng tanghalian. Si Grace ay kasama ang boyfriend niya at may pinuntahan. Babalik naman daw sila agad.  Pinaikot ko ang pansit sa tinidor ko at saka ito isinubo. Ang boring kapag walang kasabay na kumakain.  "Mahal na mahal ko ang ospital na ito." Halos mabulunan ako sa kinakain ko nang biglang nagkaroon ng tao sa aking harap na upuan. Napainom ako agad ng tubig dahil sa pagkabigla at pinunasan ko ang aking bibig.  "D-doctor Dominic?" Nakaupo siya sa aking harapan habang nakatingin sa akin. Nakasuot pa siya ng kanyang uniporme at nakadaop ang mga palad niya habang nakapatong sa lamesa. "Pasensya na, nagulat ba kita?" Kumurba ang kanyang labi at gumuhit dito ang napaka tamis na ngiti. Kung hindi
Read more
Psycho 7.1
Tanya's POV "Nakikiramay po kami," wika ni Grace na kausap ang mga magulang ni Doctor Dominic.  Nandito kami ngayon sa lamay niya, alam kong masakit sa mga magulang niyang tanggapin na ang panganay nilang doktor ay basta-basta na lang binawian ng buhay ng hindi pa nakikilalang tao.  Pinagmamasdan ko ngayon si Dominic na nasa kabaong. Hinaplos ko ang bubog ng kabaong niya. Hanggang kamatayan ay hindi pa din nawawala ang kagwapuhan niya. Bilang katrabaho niya sa ospital, nalulungkot din ako na nalagasan na naman kami ng isang kasama.  "Mahal na mahal ko ang ospital na ito." Napangiti ako nang maalala ang huling pag-uusap namin kahapon. Napaka bilis ng pangyayari, kahapon lamang ay masaya pa kaming nagkukwentuhang dalawa. Hindi ko inakalang iyon na pala ang huling araw na makikita ko siya sa ospital. "Eh, ikaw ba? Wala ka bang boyfrie
Read more
Psycho 7.2
(Continuation of chapter 7)Tanya's POV "Ihahatid ka na namin." Nagtindigan ang mga balahibo ko sa katawan nang may marinig akong nagsalita mula sa aking kaliwang bahagi. Parang naestatwa ako at hindi ko ito malingon. Boses babae ito. "'Wag kang mag-alala, Tanya. Kami ang bahala sayo." Tumulo na ang luha ko nang madinig ang isa pang boses mula naman sa kanan ko.  Boses lalaki ito. "G-george." Garalgal na ang boses ko habang patuloy sa pag-iyak. Ito na siguro ang pinaka nakakatakot na naranasan ko. "Wala na si George," tugon nito. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang nangyayari. Bahagyang gumalaw ang lalaki sa driver's seat at dumoble ang takot ko nang makita ang mukha nito. Hindi ito si George.  Ito si... Dominic.
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status