Lahat ng Kabanata ng Memory Of Love: Kabanata 31 - Kabanata 40
48 Kabanata
CHAPTER 31
"Did you kill them?""Sorry, boss. Nakatakas po sila," takot na sagot ng lalaki sa kanilang boss nang tumawag ito sa kanila para alamin kung ano na ang nangyari."That's bullshit! Ilang kapalpakan pa ba ang mangyayari before you can kill them?!" bulyaw nito mula sa kabilang linya."Sorry, boss-----"Sorry is not enough!" muli nitong bulyaw, "...find them and kill them!"Nagkatinginan ang dalawang lalaki pati na ang dalawa pang nasa loob ng sasakyan."Sugatan po ang babae at sigurado po kami na pupunta rin ang mga iyon sa hospital.""I don't care about that fucking woman! Ang gusto kong mangyari ay ang mapatay niyo ang Rhodly na 'yan!"Agad pinatay ng kanilang boss ang tawag nito at galit na binalibag nito ang hawak phone matapos malaman na hindi pa rin napatay ng kanyang mga tauhan ang taong naging malaking tinik sa kanyang daan sa pagiging CEO ng kompanya.
Magbasa pa
CHAPTER 32
Pakiramdam ng binata, biglang tumigil ang kanyang mundo sa pag-ikot nang maramdaman niya ang malambot na mga labi ni Angge sa kanyang bibig.Nag-uunahan sa pagpintig ang kanyang puso at ang kanyang pulso. Halos hindi niya maintindihan ang kanyang sarili.Napatitig na lamang siya sa mukha ni Angge nang biglang lumungayngay ang ulo nito at bumagsak ang kamay nitong nakahawak sa kanyang pisngi.Tulog na tulog na ito!Dahan-dahan niya itong muling inihiga sa higaan saka niya pinahiran ang mga luha nito."Sino ka ba talaga, Angge?" naguguluhang tanong niya habang pinagmamasdan niya ang mukha nito at walang anu-ano'y hinalikan niya ito sa noo at saka niya ito niyakap.Hindi niya maintindihan kung bakit everytime na sanay na sanay siyang magkadikit ang kanilang mga balat. Ni hindi man lang siya nakaramdaman ng pagiging awkward at para bang komportable pa siya kapag nasa
Magbasa pa
CHAPTER 33
"Dahan-dahan baka mapa'no ka," sabi ni Rhodly habang inaalalayan niya si Angge para makapunta nang maayos sa tabi ng beach.Ang bahay na napuntahan nila ay nasa tabi lamang ng isang beach kaya mas lalong naging malamig ang klima du'n."Okay lang naman ako. Ang balikat ko naman ang may sugat hindi ang paa ko," sabi niya dahil sa totoo lang kahit na sobrang lamig na ng Baguio, naiinitan pa rin ang dalaga sa ginagawang paghawak sa kanya ni Rhodly."Hayaan mo muna ako. I just want to see the  beach, too," sabi nito kaya wala na siyang nagawa para kontrahin ito.Habang tahimik silang naglalakad sa gilid ng beach ay biglang napatigil si Rhodly sa paglalakad."Anong nangyari sa'yo?"Nag-aalalang nilapitan ng dalaga si Rhodly na nakahawak sa ulo nito na para bang nasasaktan."Rhodly, anong nangyayari sa'yo?" takot na takot niyang tanong."I s
Magbasa pa
CHAPTER 34
Nagkautal-utal ang dalaga kung ano ang kanyang sasabihin habang tumatambol naman ang kanyang puso sa kaba.Napatingin siya kay Daphne at nakikita niya sa mga mata nito ang sakit dahil sa katotohanang siya ang fiancee pero hindi niya alam na allergy pala ang binata sa lobster. Matagal kasi siya sa abroad kaya hindi na niya nasusubaybayan pa si Rhodly."Ms. Ramirez?" tawag ni Rhodly sa dalaga na naguguluhan pa rin sa kung ano ang dapat na isasagot."Ano kasi..." Hindi niya alam kung ano ang dapat sasabihin kaya nagpalipat-lipat ang kanyang paningin sa tatlong kasalo niya ng hapunan."I told her," pagsisinungaling ni Gilbert at kahit papaano nakahinga nang malalim si Angge sa ginawa nitong pagligtas sa kanya. Pero ang kagaya ni Rhodly ay hindi basta-basta naluluko at dahil ilang taon na niyang nakasama si Gilbert, hindi na mahirap para sa kanya ang suriin kung nagsasabi ba ang kaibigan ng katotohanan o nagsisinungaling lamang ito sa kanila ngayo
Magbasa pa
CHAPTER 35
"I met him at my workplace before, sa isang department store," pagtatapat niya rito, "...pero hindi ko pa alam na siya pala si Rhodly. Ang Rhodly na kilala ng lahat sa pangalan lang at hindi sa mukha," dagdag pa niya.Naaalala niya ang unang araw na nakilala niya ito. Unang araw na nakita niya ito doon sa mismong pinagtatrabahuan niyang department store."What is your name by the way?"Naaalala rin niyang tanong ng kanyang manager sa binata noon nang sabihin niyang mag-aapply ito ng trabaho sa kompanya."M-my name?" "Yes, your name.""Don't tell me, nakalimutan mo rin ang pangalan mo.""Ahmmm, I'm..." "I'm RJ," "RJ? What?" "RJ..." "RJ Paligsahan po."Napangiti pa siya nang marinig niya an
Magbasa pa
CHAPTER 36
Nagtatakang napatitig sa kanya ang ginang at para bang pinag-aaralan siya nito."Si Angge nga. Teka! Ano bang nangyari sa'yo? Bakit parang hindi mo siya naaalala?" kunot-noong tanong ng kanyang dating yaya."Papaano niya makakalimutan ang taong masyado siyang tinamaan?"Napatingin siya sa asawa ni Aling Lorna na nagtataka."Hindi ko po siya girlfriend. Girlfriend po siya ng kaibigan ko," saad niya na siyang ikinataka ng mag-asawa."Si Gilbert ba ang tinutukoy mong boyfriend ni Angge?" kunot-noong tanong ni Aling Lorna sa kanya."O-opo," matipid naman niyang sagot.Nakikita niya sa mukha ng mag-asawa ang labis na pagtataka dahil sa kanyang mga sinabi at talagang hindi ng mga ito naiintindihan ang lahat."Mareng Lorna?!" tawag ng isang babae mula sa labas ng bahay nila na agad namang nilabas ng ginang saka niya ito pinapapasok.
Magbasa pa
CHAPTER 37
Dahan-dahan niyang binuklat ang kanyang diary saka niya binasa ang unang nakasulat.I am Rhodly James Smith. Unang talata na kanyang binasa at saka ipinagpatuloy pa rin niya ang pagbabasa hanggang sa umabot na siya sa mga panahong nakilala niya si Angge.Napaawang na lamang ang kanyang mga labi nang makita niya ang picture ni Angge na nakadikit sa kanyang isinulat na diary.She's Angge. Angelica Ramirez who claimed me as her boyfriend.Binubundol ng malakas na kaba ang kanyang dibdib habang binabasa niya ang mga nakasulat."Kalat na kalat ngayon sa social media ang video ng isang babae kung saan, ipinagsigawan niyang boyfriend niya si Rhodly James Smith, isang bilyonaryo businessman na hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ng personal ng taong madla. Marami ang kinilig para sa kanila, marami naman ang hindi naniwala dahil malayo raw ang estado nila
Magbasa pa
CHAPTER 38
"A-anong ginagawa mo rito?" pasigaw niyang tanong para lang marinig nito dahil medyo may kalayuan ito mula sa kanyang kinatatayuan."Alam mo ba kung ano ang pangarap ko?" tanong nito sa kanya na siyang ikinataka niya. Bakit parang familiar sa kanya ang linyang 'yon?"Pinangarap kong maglakad sa gilid ng dagat kasama ang girlfriend ko!""Alam mo bang pinangarap ko na talaga noon pa ang ganito?" Naaalala niyang sinabi sa kanya noon ni Rhodly sa kanya habang naglalakad sila sa gilid ng dagat na kapawa nila kinatatayuan ngayon."Ang alin?" "Ang maglakad sa gilid ng dagat kasama ang girlfriend ko."Napaawang ang mga labi ni Angge sa kanyang naaalala. Hindi niya napigilan ang muling pagdaloy ng kanyang mga luha ng mga oras na 'yon.Hindi pa rin mag-sink-in sa kanyang utak na heto na ngayon sa harapan niya ang lalakin
Magbasa pa
CHAPTER 39
Napatda si Rhodly sa picture na sinend sa kanya ni Mr. Wong.Si Angge!"Hello?!" galit na tawag niya kay Mr. Wong mula sa kabilang linya. "Do you know where she is right now? Cause I know her exact location."Naikuyom niya ang kanyang kamao sa tinuran ng kanyang kausap."Don't ever try to touch her," may pagbabanta na saad niya rito.Gumuhit naman sa mukha nina Gilbert at Ronald ang pagtataka kung anong nangyayari kaya nagkakaganito ngayon ang binata. Tumawa ito nang mala-demonyo saka agad nitong pinatay ang tawag  nito sa kanya."Hello?" Napakunot ang noo ni Rhodly nang hindi na niya marinig ang boses ni Mr. Wong sa kabilang linya."Hello?!" singhal niya saka niya nasuntok ang kanyang mesa sabay patakbong lumabas ng kompanya."Dude!" "Mr. Smith!"Sabay-sabay na tawag sa kanya ng dalawa at nag-aalalang napasunod ang mga ito sa kanya. At bago pa man naabutan ng dala
Magbasa pa
CHAPTER 40
"Lola, inumin niyo muna 'to," sabi ni Gilbert kay Lola Apolinaria nang iabot niya rito ang isang malamig na inumin."Salamat, apo."Binalingan naman ng tingin ng binata ang kanyang kaibigan na kanina pa hindi mapakali. Si Ronald, bumalik na ng kompanya habang inaasikaso ang tungkol kay Mr. Wong.Hindi nila hahayaang hindi nito mapagbayaran ang mga nagawa nitong kasalanan. Makukulong ito at dapat itong magdusa."Here," sabi niya sabay abot sa inumin na kanyang binili at bago pa man tinanggap iyon ni Rhodly ay biglang bumukas ang pintuan ng emergency room at iniluwa iyon ng doktor na siyang nag-aasikaso sa dalaga. Agad namang napatayo si Lola Apolinaria at mabilis na lumapit sa doktor. "Doc, ang apo ko?" mangiyak-ngiyak na tanong ni Lola Apolinaria. "How is she?" nag-aalala ring tanong ni Rhodl. "She's okay and she's resting right now dahil 'yon ang pinaka-kailangan niya sa ngayon," nakangiting sagot ng do
Magbasa pa
PREV
12345
DMCA.com Protection Status