Lahat ng Kabanata ng ANG TAKAS: Kabanata 41 - Kabanata 50
118 Kabanata
CHAPTER 41 : THE MANIPULATOR
  Naghihinala si Sophie na inuutakan na naman siya ni Ella, at pagkatapos ay muli siyang pagtatawanan.“Isa kang ahas, Ella. A scheming manipulator. Pero hindi mo na ako muling matutuklaw. I’ve learned my lesson. Hindi mo na ako mapapaikot pang muli!”Ihahanda niya ang sarili sa paglaban.“User ka, Ella at tatapatan ko ang pagiging user mo,” pakikipag-usap ni Sophie sa wala, “alam kong ginagamit mo lang ako for reasons na hindi ko pa lubos na alam. Okey lang. Gagamitin din kita para sa sarili kong pakinabang. Maggagamitan tayo, traydor kong kaibigan.”Ah, ang baliw niyang kaibigan, na may prinsipyong wala sa lugar. Hindi niya naiwasan ang matawa nang maalala kung bakit hindi nito tinanggap ang yellow belt na dapat sana’y siyang unang may kulay na sinturon nila, ay dahil ayaw nito sa kulay na sinisimbulo ng yellow sa pulitika. Pulitika rin ang dahilan kung bakit hindi nila sinipot an
Magbasa pa
CHAPTER 42 : SASAKYAN KITA
  Gulantang na nagising si Sophie sa mainit na sinag ng araw na nakadantay sa kanyang katawan. Pabiglang bumangon, iginala niya ang tingin sa paligid.Ang malaking telebisyon na nakakabit sa medyo mataas na bahagi ng dinding sa paanan ng kama ang unang napansin niya.Bigla ay naalala niyang pinalipat nga pala siya ng silid ni Senyor Gaspar, at doon siya dinala sa malaking silid na iyon na halos kasinlaki na ng isang simple, maayos na bahay.Ibinagsak agad niya ang katawan sa kama nang makaalis si Senyor Gaspar at mga tauhan ni Tony. Dahil sa sobrang pagod, stress, tensyon at kasabikan na rin na makapagpahinga sa maayos na kama ay ipinikit niya ang kanyang mga mata. Pinakiramdaman ang parang ulap sa lambot na higaan,   at ang kasiyahang hatid niyon sa likod niyang nakalapat doon.Nakatulog siya nang hindi niya alam kung gaano katagal at nagising lang sa matinding init ng sikat ng araw.Tiningnan niya ang pinto ng
Magbasa pa
CHAPTER 43 : CORAZON SALVACION
                                                                                        Naghihinagpis at tila sasabog na ang kanyang puso sa labis na sama ng loob na nadarama. Hindi niya maunawaan kung ano ang dahilan, kung ano ang kanyang naging kasalanan o pagkukulang sa asawa.“Bakit mo nagawa sa akin ang ganitong kalupitan, Cory? Ano ba ang napakalaking kasalanan ko sa iyo at nagawa mo akong lokohin nang ganito?”Kahit anong pilit niyang pagbabalik tanaw sa mga nakaraan nila ng asawa, ay wala siyang maalal
Magbasa pa
CHAPTER 44 : KUNG ANO ANG INUTANG...
  Malinaw ang mga salitang narinig ni Ella.“Ayoko siyang makita o makausap.”“Si Sophie na anak n’yo, ayaw n‘yong makita o makausap kahit sa phone man lang?” Tanong niya na hindi makapaniwala.“You heard me right, Ella. Kaya please lang, tantanan mo na ang pangungulit mo sa ‘kin.”“Gusto niyang dalawin ang mama n’ya. Karapatan niya ‘yon bilang anak.” Pangangatwiran ni Ella.Hindi agad nakapagsalita si Gener.“Please, Don Generoso… ““Sinabi ko na sa ‘yong ‘wag mo akong tawaging Don!” Agaw ni Gener sa pagsasalita ni Ella.“Okey, sige Mang Gener… “ “Get out of here!” Biglang utos ni Gener, sabay turo sa pintuan.“Wait lang,” tanggi ni Ella, “nasaan muna si Ma’m Cory?  Saan n’yo siya inilipat na ospit
Magbasa pa
CHAPTER 45 : INGGIT AT PANIBUGHO
  Maliwanag ang resulta ng mga test at diagnosis ng mga doktor kay Gener Samonte. Barren siya. Baog at imposibleng maging biological father siya ni Sophie.Natural lamang sa mga lalaking lampas sa kanilang kabataan ang nagkukulang na sa sperm count upang makabuo ng sanggol sa katawan ng kapartner nito sa kama. Pero hindi iyon ang dahilan ng kawalan niya ng kakayahang magkaanak.Ayon sa mga doctor, may mga dilated na ugat sa lalagyan ng kanyang mga sperm. At ang pamamagang iyon ng mga ugat sa paligid ng lalagyan niya ng sperm, ang nagiging dahilan upang mabarahan ang pagdaloy ng sperm mula sa kanya, patungo sa fallopian tube ng babae, upang doon ay katagpuin ang egg cell na galing sa obaryo ng kanyang asawa, magsasama at magiging isa upang maging sanggol sa sinapupunan ng ina.Napakagandang paraan ng paglikha. Na mula sa dalawang katawan ng mga taong pinag -isa ay magmumula ang dalawang sangkap na magsasama at magiging isa, upang malikha
Magbasa pa
CHAPTER 46 : ANG PAG-IBIG AY SUGAL
  Inihahanda na ni Gener ang pagbebenta ng lahat ng ari-ariang binili ng kanyang asawa noong ito ay nabubuhay pa. Kasabay noon ay kinukuwenta niya ang halagang mapagbebentahan, kasama ang mga iba pa nilang ari-arian. Ibig niyang matiyak kung aabot ang lahat ng perang makakalap niya, bilang pambayad sa napakalaking utang niya sa mga Sandoval. Ibig niyang matapos na ang lahat ng problema niya sa mga Sandoval, upang makalaya na ang kanyang anak sa mga ito.KRRRIIINNNGG…Tiningnan ni Gener ang cellphone niyang nakalapag sa center table ng kanilang sala. Binasa ang pangalang nasa screen niyon.Senyor Gaspar Sandoval.Hindi pa siya handa sa pakikipag-usap sa Senyor. Kailangan muna niyang matiyak na sasapat na pambayad sa kanyang utang, ang magiging pera sa pagbebentahan ng kanyangmga aria-arian. Nakapagdesisyon na siyang kukumpletohin muna niya ang perang pambayad, kasama pati ang interest bago niya kausapin ang kanyang pinagkak
Magbasa pa
CHAPTER 47 : MOTHER'S LOVE
  Taas noong hinarap ni Victor ang humahamon sa kanya ng pakikipagkarera ng kotse. Hindi lamang ang pag-ibig ni Sophie ang nakataya sa pagtanggap niya sa hamon, kundi pati ang kanyang pagkalalake at ang karangalan ng kaniyang pangalan bilang isang Madrid.“Tinatanggap ko ang hamon mo, sabihin mo kung saan at kung kailan.”Itinago ni Tony naramdamang paghanga sa tatag ng pananalita at tapang ni Victor sa pagtanggap sa kanyang hamon.  “Gusto ko munang malaman mo na walang rules ang magiging labanan natin. Do or die.”Pagpipilit pa rin niyang mabasag ang kumpiyansa nito sa sarili. Ang gusto niya'y makaramdam ito ng takot at pagkaandap sa kanya. Ibig niyang maramdaman nito na higit ang kanyang pagkalalake kaysa dito.“Call!” Tugon ni Victor nang walang gatol.Sarkastikong ngiti ang ginawa niya sa bibig para sa lalaking kanyang hinahamon at pinipilit durugin ang tiwala sa sarili.
Magbasa pa
CHAPTER 48 : KARERA NG KAMATAYAN
  Ilang araw na siyang inip na inip. Gusto niyang makita at makaharap si Ella, na magmula noong tulungan siya nitong tumakas ay hindi na nagpakita sa kanya. Nanggigigil siya at gusto niyang manakit sa tuwing maaalala ang katraydurang ginawa nito sa kanila ni Victor.“Hayup kang babae ka talaga,” bulong ni Sophie “wala ka talagang kuwenta. Hindi ka talaga dapat na pinagkakatiwalaan!”Hindi na niya bilang kung ilang araw na ang nakakaraan mula noong araw na nagtangka siyang tumakas sa pamimilit na rin ni Ella. Pagtakas na nalaman niyang pakana pala ni Tony Sandoval, upang makaramdam siya ng pagkapahiya. Pagkapahiyang hanggang sa mga sandaling iyon ay ramdam na ramdam pa rin niya.Nanliliit ang kanyang pakiramdam sa tuwing maaalala ang ginawa niyang paglambitin sa lubid at pagtalon sa hardin, hanggang sa paglabas ng gate ng mansiyon ng mga Sandoval. Ang dami niyang mixed emotions noon.Excited siya sa pag-asa
Magbasa pa
CHAPTER 49 : ANG PINAKAMATINDING TAKOT
  Masayang dumating ang designer kasama ang kanyang assistant upang sukatan si Sophie, para sa tatahiing wedding gown.“So, siya pala ang Nurse Sophie Samonte na pakakasalan ni Tony Sandoval,” saad ng assistant, “maganda pala siya talaga.”Hindi umiimik, nanatiling nakasalampak sa sahig ang nurse.“E, ma’am, puwede po bang tumayo ka para masukatan na kita?” Puno ng paggalang na wika ng assistant.Parang walang narinig si Sophie. Walang tinag na nanatili ito sa pagkakasalampak.Napatingin ang designer at assistant nito kay Ella.“Bingi ba siya? At saka bakit siya nakasalampak sa lapag?” Tanong ng assistant.“A, siguro mas madali kung ako ang sukatan n’yo. Tutal naman ay halos magkasing-katawan kami ng bespren ko.”Pinaglipat-lipat ng designer ang kanyang tingin kay Sophie at Ella, habang nakatingin naman sa kanya ang assistant niya,
Magbasa pa
CHAPTER 5O : HIDDEN AGENDA
  Hindi malaman ni Amanda kung paano aaluin ang anak. Ilang araw nang ayaw nitong makipag-usap sa kahit kanino, mula nang matalo sa pakikipagkarera kay Tony. Nagngingitngit ito, sa dahilang hindi patas ang naging pagkatalo niya sa lalaking ngayon ay nababalitang ikakasal kay Sophie Samonte. Hindi naman nito makontak si Sophie, para ipaliwanag ang lahat.“Hayup ka, Tony Sandoval. Hindi ako papayag na makasal sa ‘yo ang babaing pinakaiibig ko!”Ibig niyang malaman ng babaing minamahal na hindi siya nagpabaya. Kahit ang sariling buhay ay kanyang itinaya, para lamang maipanalo ang pakikipagkarera sa mandarayang kalaban.Muli niyang sinubukang tawagan si Sophie.“The number you dialed is now unattended.”Bagsak ang pag-asang ibinagsak ni Victor ang katawan sa kama. Naiiyak na siya sa inis at galit na nararamdaman.Naiinis siya sa sarili, dahil hindi niya nabasa ang paraan ng pandarayang gaga
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
12
DMCA.com Protection Status