All Chapters of My Bodyguard Is Now A Billionaire (Tagalog) : Chapter 21 - Chapter 30
106 Chapters
Chapter 20
KINABUKASAN Aligaga ako sa pag-aasikaso, medyo na late ako ng gising ngayon dahil napuyat ako kagabi! Lintek kase na Jace ’yon, Matapos niya ako tanungin kung Boyfriend ko ba si Raffy, bigla na lang akong iniwan kung kailan mag-sasalita ako. May pagka-bastos din pala ang isang ’yon. Nakakainis, tapos isa pa sa iniisip ko ’yung mga sinabi sa akin ni Raffy, Bigla na ko nalang kasing naalala at hindi na mawala sa isip ko. At dahil nga sa mga ’yon ay hindi ako nakatulog agad. Binabagabag ako ng itsura ni Jace at ang inakto niya sa akin. Tapos ’yung kay Raffy na may gusto daw sa akin si Jace. Argh! Ngayon tuloy ay aligaga ako. Hindi na ako nag-abalang i-blower ang buhok ko, kinuha ko na agad ang bag ko at sinukbit saking balikat bago nagmamadaling lumabas ng kwarto. Pati sa hagdan ay nagmamadali ako, Jeez! Nakakahiya kay Jace, ang aga-aga niya gumising tapos ako heto. Kainis talaga! Hinihingal ako ng makarating sa sala namin, Doon ko naabutan si Jace na naka-upo habang naka-ha
Read more
Chapter 21
Natapos ang pang-umaga naming klase katulad ng inaasahan hindi ako nakapag focus. Isama pa ang panay tingin sa akin ng dalawang prof namin na lalaki. Mukhang pati ang mga ito nakita na ang larawan na kumakalat. “Are you sure na gusto mong pumunta ng cafeteria? Pwede naman tayo mag-pahatid ng pag-kain.” May bahid ng pag-aalala sa boses ni Chantal. Ngumiti naman ako sa kanila. Kanina pa talaga sila hindi mapakali. Panay ang sulyap nila sakin. “Mas maganda ngang mag-pahitid na lang tayo ng pagkain. Girl, hindi natin alam ang pwedeng mang-yari kapag lumabas tayo. Siguradong ikaw ang pag-uusapan nila at kung ano-anong pang-huhusga ang maririnig mo.” Pang sang-ayon naman ni Trishana. Umiling ako sa kanilang dalawa. “It's okay, hindi naman ako pwedeng mag-tago at umiwas. Isa pa alam naman natin ang totoo, Kung mag-papaapekto ako sa nang-yari, mas binibigyan ko lang sila ng dahilan na maniwala. Hahayaan kona lang, mawawala din naman ang issue na ’to. Hindi na dapat patulan.”
Read more
Chapter 22
May pag-babanta sa boses ni Jace. Yes, siya ang humila sa akin at tumabig sa kamay ni Eddie. Nakakatakot ang kanyang awra ngayon, Naging tahimik ang buong cafeteria dahil sa tensyon na nagaganap. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sakto na naman ang dating niya. Niligtas na naman niya ako. Akala ko ay hindi siya mag-papakita ngayon dahil parang hindi kami ok, Hindi naging maganda ang umaga namin parehas at iniwan ko siya sa parking kanina. And now, hindi ko inaasahan na darating siya. Sinusunod talaga niya ang mga pangako niya kela mommy. Bahagya naman akong sumilip para makita ang nagaganap. Lalo na ang reaksyon ni Eddie. “So, here is the savior huh? Nice, to the rescue ang ampon! Kung ako sa’yo Jace, ’wag kang mangialam! Umalis ka sa harap ni Kylie. Hindi pa kami tapos mag-usap!” “Umalis na kayo.” Malamig na turan niya. Imbes na sumunod sila ay tumawa lang ang mga ito lalo na si Eddie. “Why should I follow you? Sino ka ba sa inaakala mo? Isang hamak na sampid ka
Read more
Chapter 23
Matapos makausap ni Kuya si mommy ay agad siyang lumapit sa akin, Sinabi niyang sobrang nag-aalala ang parents namin at pinapauwi na ako. Gusto pa nga nila akong makausap pero hindi na hinayaan ni Kuya dahil gusto niyang makapag-relax ako kahit papaano. Hindi na rin nila ako pinayagan na pumasok ngayon kaya si Kuya at Jace ay hindi na rin papasok. Sasamahan na nila akong umuwi. Grabe talaga ang nagawa ng issue na 'to, Ang dami kong naabala at napag-aalala. Patungo na kami sa parking lot na tatlo, habang sila Chantal at Trishana pumunta na sa susunod na klase. Papasok daw sila para maka-kopya ng lesson namin ngayon at mabigay nila sa akin, para kahit hindi ako makapasok may mapag-aaralan pa rin ako. Nakakataba ng puso ang pagmamahal at care nila sa akin. Naging tahimik ang naging biyahe namin hanggang sa makarating kami sa mansion. Pagkababang pagkababa ko ng kotse sinalubong agad ako nila mommy. Nakauwi na agad sila. Mukhang kanina pa sila dito sa Man
Read more
Chapter 24
Nang dumating ang order namin ay napangiti ako. I'm craving for chocolate cake actually. I think darating na ang monthly period ko thats why I'm always craving for sweets and of course stress eating ako. Doon ko natutuon ang atensyon ngayon dahil sa mga nang-yayari. Pasalamat na lang ako hindi ako tumataba kahit anong kain ko. Inurong ko ang fries na inorder ko para hati kami ni Jace. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakatitig pala siya sa akin. Napatigil tuloy ako. Kanina pa ba niya ako pinag-mamasdan? “Why are you looking at me? may dumi ba ako sa mukha?” Tanong ko dahil grabe talaga ang titig niya sa akin. Napakapa tuloy ako sa aking mukha. Ilang segundo lang ay umiling siya. May maliit na ngiti rin sa kanyang labi. “Wala. Napapansin ko lang ang hilig mo sa matatamis ngayon nag-daang araw. Hindi ba sasakit ang ngipen mo niyan?” Ako naman ang ngumiti. “Ginawa mo naman akong bata. Hindi ah, Cravings lang 'to. Saka alam mo na stress eating.” Sagot ko.
Read more
Chapter 25
Hindi maalis alis ang ngiti sa aking labi, Nasa kotse na kami at nasa biyahe. Hindi ko alam kung saan ba kami mag-roroad trip. O, kung saan man ako dadalhin ni Jace. Pumayag ang parents ko na ilabas ako ni Jace basta siguraduhin lang na hindi ako pag-kakaguluhan at hindi mapapahamak. Mas ok din daw ang gagawin ng binata para kahit papaano malimutan ko daw ang mga nang-yayari. Para ma-relax din naman daw ako. basta lang mag-iingat kami. Sinigurado naman ni Jace na safe ako at wag mag-alala ang parents namin. Hindi niya daw ako pababayaan at siyang bahala sa akin. Naka-loud speak ang phone niya kanina kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila ni Dad. Nakakatuwa na malaki ang tiwala nila sa binata, Sabagay, ginagawa naman talaga ni Jace ang lahat. Ayaw niyang masira ang tiwalang binigay sa kanya ng parents namin. And now, hindi ko alam saan ba kami patungo. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nag-mamasid. Hindi naman niya kase sinabi kung saan kami pupunta `e. Hab
Read more
Chapter 26
Alas nueve ng gabi ng maka-uwi kami ni Jace sa Mansion. Ilang oras din kaming nag-stay sa resto na kinainan namin. Sobrang ganda doon, kitang kita ang city lights. Ang sarap pa ng hangin. Ang dami naming na-order na pag-kain at naubos namin lahat habang nag-uusap kaming dalawa. Nakakatuwa nga na hindi tipid magsalita si Jace kanina. Tapos dumaldal pa siya laging nakikinig sa mga kinukwento ko. Sa totoo lang ibang-iba si Jace kanina, sinasabayan niya ako sa mga ginagawa at kinukwento ko. Tapos nag picture picture din kami gamit phone niya at phone ko. Sa sandaling oras na nakasama ko siya nawala sa isip ko ang problemang dinadala ko, nakalimot ako saglit kahit papaano at na-enjoy ang pag-gagala namin ni Jace. Naabutan namin sila Dad sa living room kanina habang nanonood sila ng movie. Nang makita nila akong maaliwalas ang mukha ay masayang masaya sila. Sobra ang pasasalamat nila kay Jace dahil sa ginawang effort ngayong araw. Kahit papaano daw ay nakapag-enjoy ako at nakalim
Read more
Chapter 27
Gosh, kanina pa ba siya nagbabasa?! Nakakahiya! Hindi ko pinapabasa sa iba ang mga gawa kong story. Sinasarili ko lang dahil wala pa akong lakas ng loob. Feeling ko kase ang OA o kung hindi kaya ang daming mali at hindi maganda. Libangan ko lang naman ang pag-susulat. Aligaga kong nilapag sa gilid ang tray at mabilis siyang nilapitan! Argh, bakit ba kase hinayaan kong nakatiwangwang ’yung sinusulat ko ’e! Sabagay hindi ko naman alam na may pagka-tsismoso ang lalaking ‘to! Walang sali-salita kong hinila ang laptop sa table. Nagulat naman siya dahil sa aking ginawa. Umatras agad ako at sinarado ang laptop, Ang kaso napasama ang pag-atras ko dahil may natamaan ako sa likod na siyang ikatutumba ko! Pero naging mabilis si Jace, agad niya akong nahawakan sa bewang. Ang kaso sa sobrang bilis niya pati siya ay nagkamali na rin. Sa huli parehas kaming tutumba! Napapikit na lang ako. Sh*t! Napamulat ako ng marinig ang mahinang daing ni Jace, Doon ko lang naramdaman na nasa likod ng u
Read more
Chapter 28
Monday “Omg! omg! talaga? Pupunta tayo sa Resort nila Raffy?” Excited na tanong ni Chantal. “Oo nga, tumawag siya sakin kanina. Nabalitaan niya daw ang mga nangyari sakin. hindi na kasi kami nag kita ulit dahil bigla siyang bumalik agad sa SG. Eh, next friday daw babalik siya. Nag-yayaya pumunta sa resort nila para daw makapag-relax naman ako.” Nakapangalumbaba kong sambit. Nandito kami ngayon sa Cafeteria at kakatapos lang kumain ng Lunch. Kasama namin si Jace na tahimik lang habang nag-babasa ng libro. Dahil madalang lang naman siya magsalita kapag kasama ko sila Chantal ay inuubos na lang niya ang oras sa pagbabasa. Samantalang ako Inaantok dahil ang aga ko nagising kanina. Letse kaseng Raffy ’yun, tatawag na nga lang sakin madaling araw pa! Tumawag ba naman sa akin ng 4am, kasarapan ng tulog ko. Tinawagan lang naman niya ako para kamustahin. Nag-aalala siya sakin, late na niya nalaman ang mga kaganapan na nang-yari sakin nitong mga nakaraang araw. Madalang kase
Read more
Chapter 29
Continuation.. ***** “Yeah, nahuli na daw kasi ang paparazzi na kumuha ng mga litrato sakin at umamin na may nag-utos lang sa kanya kaya ginawa niya ’yon. At si Jackie nga ang sinabi niya. Papunta na sila Dad dito sa university. Pupuntahan nila si Jackie. I will go with them. I will face that woman.” Seryoso kong sambit. Hinding hindi ako mananahimik this time. Sobra ang ginawa niya sa akin. “Sasama kami sa’yo, Sissy! Hindi kami papasok. Gusto kong makita ang babaeng ’yon! Kapal ng mukha niya, Kaya pala wala akong narinig sa kanyang angal noong nag-kagulo sa bar at nasira ang party niya dahil siya ang may kagagawan kung bakit ka binabash ng mga tao. Wala siyang puso! hinayaan niya na picturan ka ng paparazzi sa ganoong tagpo imbes na tulungan! Sigurado ang daming picture ng paparazzi na ’yon sa’yo. Tapos nagkaroon lang ng magandang pagkakataon kaya nakuhaan ka sa ganoong tagpo at iyon ang kinalat nila. Humanda siya sakin.” Gigil na sambit ni Chantal. Hindi ako umimik.
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status