Lahat ng Kabanata ng Pangarap Ko Ang Ibigin Ka: Kabanata 51 - Kabanata 60
83 Kabanata
Chapter Fifty One
HINDI inaasahan ni Anastasia na aayain siya ni Craig na umalis pagkauwi nito galit trabaho. Tulad noong honeymoon nila, sumakay sila sa Helicopter at muli siya nitong dinala sa Baguio. Same place, same room."Bakit mo ako dinala ulit dito?" tanong niya kay Craig habang nakatanaw sa labas ng mirror wall.Narinig niya ang paghakbang nito palapit sa kanya at naramdaman na lang niya ang pagpulupot ang mga braso nito sa baywang niya."Gusto ko lang alalahanin ang mga memory natin noon, Princes. Ayaw mo ba?" Kinintalan nito ng halik ang batok niya.Napangiti siya at pumihit paharap dito. Niyakap niya ang mga braso sa leeg nito. "Thank you for bringing me here again, Craig. Pero hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba."Nangunot ang noo nito at sinapo ang pisngi niya. "Bakit?"Umiling siya. "Wala naman. Natatakot lang akong maging masaya baka muli na namang bawiin sa akin.""Hindi mangyayari 'yan, Princess. Hindi na ako mawawala ulit sayo. Hindi na ulit tayo maghihiwalay, hmm?"Tumango siya na
Magbasa pa
Chapter Fifty Two
PADASKOL na bumukas ang pinto ng opina ni Craig at ang galit na mukha Mr. Santiago ang sumalubong sa kanya.Nang sinabi kasi niya sa ibang investors na hindi na niya sinusuportahan ang Santiago company ay hindi na nagtiwala ang pa ibang investors sa kumpanya ng Santiago at walang pagdadalawang isip na hindi na nag-invest pa ang iba rito. Dahil sa nangyari ay inaasahan na niya na ganito ang mangyayari."How dare you, doing this to my company!" Duro nito sa kanya. Nasa tabi nito si Cameron na galit ding nakatingin sa kanya."What did I do to your company, Mr. Santiago? Kasalanan ko ba kung mas pinagkakatiwalaan nila ako kaysa sayo?" maang niyang sabi. Alam naman na niya na kaya nag-iinvest ang ibang investors sa kumpanya nito ay dahil din sa kanya."Damn you!"Nawala ang ngiti niya sa mga labi. Pinantayan niya ng tingin ang matalim na tinging ibinibigay nito sa kanya."I already told you, Mr. Santiago, your company is nothing without me. Binigyan ko kayo ng pagpipilian, pero mas pin
Magbasa pa
Chapter Fifty Three
"GOOD morning, prinsipe ko," bati ni Anastasia kay Craig ng pumasok ito sa kusina. Bihis na ito at handa ng pumasok sa trabaho."Good morning, Princess." Hinalikan siya nito sa noo at niyakap mula sa likod."Eksakto tinitimpla ko na ang kape mo. Upo na 'dun." Kunwari ay pagtataboy niya rito."Pupunta ka na rin ba sa restaurant?" tanong ni Craig ng makaupo na ito."Yes. Bukas na ang opening eh. Settled naman na ang lahat, pero gusto kasi naming tatlo perfect ang lahat."Inilapag niya ang tinimplang kape sa tabi ng platong kinakainan ni Craig."Perfectionist eh?""Hindi naman. Gusto lang namin maging maayos ang unang araw ng pagbubukas ng restaurant.""Just kidding, princess." Kinuha nito ang kamay niya at kinintalan iyon ng halik. "Susunduin ba kita mamaya?""Kahit hindi na. Ayokong abalahin ka pa. Pwede naman ako magpahatid kay Rolly.""Kahit kailan hindi ka sagabal sa akin, princess.""Alam ko naman 'yon. Alam kong marami ka rin inaasikasong problema sa kumpanya ninyo. Isa pa kaya ko
Magbasa pa
Chapter Fifty Four
MAAGA pa lang ay naghanda na sila Anastasia para sa gaganaping pagbubukas ng restaurant nila sa araw na iyon.Una niya munang inasikaso ay ang mga bata bago siya naligo at nag-ayos. Pinakatitigan niya ang sarili mula sa reflection ng salamin. She's wearing a cream halterneck dress, na hanggang hita ang haba at flat shoes naman para sa kanyang mga paa. Bawal kasi siya mag-suot ng high heels gawa ng buntis siya."Ang ganda talaga ng misis ko," lumapit sa kanya si Craig at niyakap siya mula sa likuran. "Parang ayoko ng ilabas ka ng bahay."Inis-miran niya ito. "Subukan mo at lalayasan talaga kita."Tumawa ito ng pagak. Pinakawalan siya at pinihit paharap dito. "I have something for you, Princess."Itinaas nito ang isang kwintas na may kulay pulang bato sa gitna. "My congratulation gift for you."Muli siya nitong iniharap sa salamin saka isinuot sa kanya ang kwintas."This is a red scarlet necklace. I ordered this from England, akala ko nga hindi aabot ngayong araw." Humaplos ang mgankama
Magbasa pa
Chapter Fifty Five
MAAGANG nagising si Anastasia kinabukasan. Pagkababa niya sa hagdan ay naabutan niya sa sala si Craig at may kausap itong dalawang lalaki.Tumingin sa direksyon niya si Craig. "Princess, come here."Humakbang siya palapit sa mga ito at nginitian ang dalawang lalaki."Don't smile at them," sabi ni Craig sa kanya na ikinatingin niya rito."Ana, this is Conner and Brad. Guys, this is my wife, Anastasia." Pagpapakilala nito sa dalawang lalaki."Nice to meet you again, Anastasia."Again? Nagkakilala na ba sila nito noon?Nang kakamayan siya ng dalawa ay inawat ito ni Craig. "No shake hands."Nagtataka na muli niyang tiningnan si Craig. Anong nakain nito at bigla itong naging ganyan?"So possessive eh?" natawang sabi ni Conner."Magtataka ka pa ba? Noon pa ganyan na siya kay Ana diba?" sabi naman ni Brad."Ay oo nga pala! Lahat ng nagtatangkang ligawan si Ana binabantaan niya," sangayon naman ni Conner."Wait. Nagkakilala na ba tayo noon?" naguguluhan niyang tanong."Nakalimutan mo na? Ouch
Magbasa pa
Chapter Fifty Six
GUSTO ng tumakbo ni Anastasia makarating lang kung saang kwarto ng hospital naroon ang kaibigan niyang si Rolly.Pauwi na sana siya sa mansion ng makatanggap siya ng tawag mula kay Peter na nasa hospital si Rolly. Hindi pa kasi ito makapunta dahil kasalukuyan pa itong nasa Baguio kasama si Craig."Ana, bawal kang tumakbo," sabi sa kanya ni Brad.Binagalan niya ang paghakbang dahil palagi siyang pinapaalalahanan at pinagbabawalan ni Brad na tumakbo o maglakad ng mabilis, baka raw mapano ang baby.Pagkababa nila ng elevator ay agad niyang hinanap ang hospital room ni Rolly sa ika benteng palapag.Agad siyang pumasok sa kwarto pagkarating nila. "Rolly." Nakita niya ang kaibigan na may cast ito sa braso at meron din itong cervical collar. Mayroon din itong pasa sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito."I told you not to come," anito na napapangiwi.Naupo siya sa upuang nasa gilid ng kama nito. "Pwede bang hindi kita puntahan? Ano ba ang nangyari?"Nakita niya ang pagtiim ng bagang nito. "An
Magbasa pa
Chapter Fifty Seven
MAINGAT ang bawat kilos na ginagawa ni Brad habang pinapasok niya ang abandonadong gusali. Madilim ang paligid pero sinanaya ang mga mata niya para sa ganitong sitwasyon.He's an ex-Navy SEAL. Ilang taon na ang lumipas ng mag-resign siya bilang Navy SEAL mula ng mamatay ang asawa niya.Sa bahay ampunan siya lumaki at inampon ng isang military sa America. Nang maging ganap siyang military, hinanap niya ang tunay niyang magulang at nalaman niyang si Tyrone Navarro ang ama niya pero nang puntahan niya ito ay pinagtabuyan siya nito at hindi tinanggap bilang anak nito. Doon niya nalaman na isang takas sa bilangguan ang ina niya.Hindi totoong sa restaurant niya unang nakita si Virginia. Una niya itong nakita noon sa Boracay at sa unang kita pa lang niya rito ay naalala niya ang namatay niyang asawa. Lalapitan niya na sana ito nang lapitan ito ni Prince at hinalikan.Nagmura si Brad sa kanyang isipan. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin ang mga nakaraan. Nandito siya ngayon para iligt
Magbasa pa
Chapter Fifty Eight
SAKAY ng helicopter, nilisan nila Craig at Cameron ang lumang gusali kasama ang iba nitong tauhan. Tahimik lang siyang nakatanaw sa mga liwanag na nasa ibaba.Sa mga oras na iyon, gusto niyang tumalon na lang. Mas gugustohin na lang niya ang mamatay, ni hindi niya magawang tingnan si Cameron dahil sa galit.Naramdaman ni Craig ang paghaplos ng kamay ni Cameron sa braso niya dahilan para mag-igtingan ang mga bagang niya."Ang tahimik mo ata? Huwag mong sabihin sa akin na iniisip mo ang babaeng iyon?""Natural lang na isipin ko siya at ang mga bata—""May usapan tayo, Craig!" sigaw nito.Nilingon niya ito. "Sa tingin mo hindi ko siya iisipin pagkatapos ng ginawa mo? Gumawa kanng gulo, Cameron!""Nagawa ko 'yon dahil sayo! Mahal kita, Craig, alam mo 'yan!""Mahal mo 'ko?" Pagak siyang natawa. "Pero nagawa mong kumalantari ng ibang lalaki? Iyon ba ang pagmamahal para sayo?!"Masama siya nitong tiningnan pagkatapos ay timutukan siya nito ng baril. "Ang usapan ay usapan. Wala kang ibang gag
Magbasa pa
Chapter Fifty Nine
NAGISING si Virginia na umiiyak. Kahit sa pagpikit ng mga mata niya ang mukha pa rin ni Prince ang nakikita niya. Naaalala niya ang sakit sa mukha ni Prince nang salagin nito ang bala na dapat ay kay Brad.Buhat-buhat siya ni Brad ng mangyari ang insidenteng iyon. Hindi rin kasi siya kayang buhatin ni Prince dahil bugbog din ang katawan nito at puno rin ng sugat.Nang makita niya ang oras mula sa pader ng hospital room niya ay alas-onse na ng gabi. Marahan siyang bumangon para maupo. Inabot niya ang basong nakatakip na may lamang tubig at ininom iyon.Doon niya napansin na wala si Brad sa kwarto. Mga ganitong oras kasi nasa loob lang ito nagbabasa ng diyaryo habang nagbabantay sa kanya.Napatigin siya sa bumukas na pinto at pumasok si Brad. "Bakit ka nagising?"Ibinalik niya ang baso mula sa bedside table. "Napaginipan ko si Prince," aniya na mapait na ngumiti."Nakaburol na ba si Prince? Pumunta ka na ba doon?" tanong niya.Umiling ito. "Hindi ako pinayagan ng ama ko na pumunta.""Ka
Magbasa pa
Chapter Sixty
NANANAKITA ang buong katawan ni Craig nang magising. Kumalansing ang kadenang nakakabit sa mga kamay niya at nakatali naman sa pader.Nagtamo siya ng bugbog nang ilang beses siyang nagtangkang tumakas sa pribadong isla. Palagi siyang pinagbibigyan ni Cameron at pinapatawad sa tuwing tatakas siya pero nang gabing gusto nitong may mangyari sa kanilang dalawa ay malakas niya itong sinampal, kaya puro bugbog ang natama niya.Umangat ang tingin niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Cameron na may dalang tray ng pagkain."Buti naman gising ka na," mataray nitong sabi. "Pinagdalhan kita ng makakain." Inilapag nito ang tray sa isang lamesa at inumpisahan na siyang pakainin."Ayokong kumain," aniya na iniwas ang mukha sa akma nitong pagsubo sa kanya."Kung 'di ka kakain hindi ka lalakas niyan.""Mabuti na 'yon. Mas gusto ko na lang na mamatay kaysa makasama ka sa impiyernong lugar na 'to."Inis na nilapag nito ang kutsara sa plato at galit siyang hinawakan sa mukha. "Hindi ka na makakaalis
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status