Lahat ng Kabanata ng Loving the Betrayed wife : Kabanata 41 - Kabanata 50
86 Kabanata
Chapter 41
Sinalubong si Dylan ni Keane ng halik, nang puntahan siya nito sa kwarto ni Allyana. Nasa mansion sila ng mga Beunafe dahil ninais ni Dylan na pumunta upang makapasok sa kwarto ni Allyana. Tila ba nais niyang balikan ang alaala, habang masaya silang dalawa. Mga alaala naagkasama silang dalawa, na walang pino-problema. Minsan nang natulog si Dylan noon sa kwarto nito, at hinayaan lang sila ng magulang nito. May tiwala ang magulang ni Allyana kay Dylan, kaya hinayaan nilang magkasama sila sa iisang kwarto noon.Kaya nalulungkot siya ngayon sa pagkawala nito at nais na hanapin ito. Subalit, alam niyang hindi niya kaaagd ito makikita.Matapos siyang halikan ni Keane ay tumalikod siya dito. Bahagya namang tumaas ang kilay ni Keane, dahil hindi niya naramdaman na gumanti ito ng halik sa kanya."What's wrong?" tanong ni Keane dito.Napahinto siya at bahagyang napapikit. Nais niya munang mapag isa saglit, ngunit dahil nandito ito ay hindi na siya makapag isip pang mabuti."Nanapansin kong ma
Magbasa pa
Chapter 42
Hindi maintindihan ni Allyana kung bakit siya nakatayo sa isang pasilyo. Tahimik at pamilyar sa kanya ang lugar. Ngunit hindi niya maalala kung kailan siya nakarating sa lugar kung nasaan siya ngayon. Tumingin siya sa paligid, subalit wala siyang makita ibang tao."Seb!" tawag niya, dahil sa pagkakaalala niya ang kasama niya ito at nasa burol sila habang masayang magkasama.Naglakad siya habang napapalingon sa kanyang likod. Napansin niyang may isang taong naglalakad sa kanyang likod. Nakaramdam siya ng kaba at takot, kaya bigla siyang napatakbo.Ngunit, napansin niyang tumakbo rin ito kaya bumalot muli ang takot sa kanyang sarili. Mamaya ay pumasok siya sa isang nakabukas ng kwarto upang humingi ng tulong. Pagkapasok niya ay natigilan siya sa kanyang nakita. May dalawang tao sa kama at nakita niyang may ginagawa ang dalawa. Nakahubad at nakapatong ang lalaki sa isang babae. Napalingon ang mga ito sa kanya at bahagyang nagulat ng makita siya. Dahan-dahan siyang napaatras habang nakati
Magbasa pa
Chapter 43
Napaupo si Allyana sa couch at bahagyang napapikit. Kararating lang nila sa resthouse at dama nila ang pagod dahil sa haba ng nilakad nilang dalawa. "Tired?" narinig niyang sabi ni Seb, na tumabi sa kanya sa pagkakaupo. Hinaplos pa nito ang kanyang noo, kaya napadilat siya."Well, yeah, I am. Ipapahinga ko lang saglit ang mga paa ko, dahil medyo napagod ako," tugon niya dito."Okay, pupunta muna ako sa itaas," wika ni Seb at hinalikan sa noo si Allyana. Tumayo na siya at dinala muna sa laundry ang damit na ginamit nila, saka siya pumunta sa itaas. Nais niya munang magshower dahil medyo malagkit ang katawan niya. Nang makapasok siya sa kwarto ay hinubad niya ang lahat ng kanyang damit, saka kumuha ng tuwalya at pumasok sa banyo. Binuksan niya ang shower at hinayaang bumagsak ang tubig sa kanyang katawan. Napaisip siya sa nangyayari sa kanilang dalawa ni Allyana. Alam niya sa sariling masaya siya dahil kasama ito. Ngunit, hindi rin niya maiwasang mag alala, kapag nalaman na nito ang
Magbasa pa
Chapter 44
Hindi pa rin makapaniwala sina Chelsea at Dion, matapos marinig ang sinabing iyon ni Seb. Dahan-dahan tuloy na lumayo si Chelsea kay Allyana, na ngayon ay alanganing ngumiti sa kanya. Hindi naman alam ni Chelsea kung ano ang kanyang sasabihin dito, dahil talagang nagulat siya sa kanyang nalaman at hindi alam kung maniniwala ba o hindi sa sinabing iyon ni Seb."I'm sorry, wala talaga akong maalala kung sino kayo..pero sinabi na sa akin ni Seb na darating kayo," mayamaya ay sabi ni Allyana."Wait a second, I need to breath," wika ni Chelsea at bumuga ng malalim na hininga.Si Dion naman ay napakunot noo na nakatingin kay Seb. Tumango lang si Seb sa kanya na sinasabing ganoon nga ang nangyayari kay Allyana, maging ito ay hindi makapaniwala sa nalaman."You really lost your memory, Allyana?" pangungumpirma ni Chelsea dito.Napatango si Allyana at bahagyang bumaling kay Seb."Maging ako ay nagulat, noong magising siya at sinabing hindi niya ako kilala. Kaya talagang wala siyang maalal
Magbasa pa
Chapter 45
Nasapo ni Chelsea ang kanyang noo, matapos siyang matauhan. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang mga narinig kay Allyana. Natutuwa siya sa mga sinabi nito, subalit, masyadong maaga para sa kanya ang biglaang pagbabago ng aura nito."I'm speechless," tanging sabi niya."Me too," sang ayon naman ni Dion.Habang si Seb ay napatingin sa itaas. Hindi niya alam kung susundan niya ba si Allyana o hindi. Nasisiguro niyang nagalit ito sa kanya, dahil hindi niya sinabi ang lahat dito."Sasabihin mo ba sa kanya, kung sino nga ba si Keane?" narinig niyang tanong ni Dion.Napatingin rin Chelsea kay Seb at bahagyang nagtataka. Maging siya ay nais malaman kung sino nga ba si Keane. Naiintriga siya sa pagkatao ng babaeng iyon at nasisiguro niyang malalim na dahilan kung bakit seryoso ang dalawa, lalo na tungkol sa babae.Napatingin naman si Seb kay Chelsea, saka muling bumaling kay Dion."Alam na ba niya ang tungkol kay Keane?" tanong niya kay Dion at tumingin muli kay Chelsea.Napatingin naman
Magbasa pa
Chapter 46
Tahimik na umiinom si Allyana sa balkonahe at iniisip kung ano ang kanyang gagawin. Mag d-dapit hapon na at kanina pa siya nasa itaas. Hindi niya nakikita si Chelsea at talagang tinupad nito na hayaan siyang makapag isip ng mabuti. Lalo na rin si Seb, hindi niya alam kung kaya niya ba itong makausap nang sila lang dalawa.. dahil nga nakaramdam siya nang panghihinayang at sakit sa katotohanang may asawa na siya. Nasasaktan siya dahil napapalit na ang kanyang loob kay Seb. Nais niyang pagbigyan ang kanyang sarili na makasama pa ito nang matagal. Subalit, alam niyang hindi na iyon pwedi.Nasapo na lamang niya ang kanyang sarili at inubos ang isang bote ng wine na nakita niya sa mini-ref ng kwarto. Hindi siya mapakali sa kanyang inuupuan, kaya napatayo siya at nagpalakad-lakad. Pasimple pa siyang tumitingin sa loob at tila may inaasahang darating."Oh, C'mon, stop this about her, Allyana. Ang isipin mo ay kung anong gagawin mo bukas pagbalik natin," sambit siya sa sarili.Subalit, iba ang
Magbasa pa
Chapter 47
Biglang binuhat ni Seb si Allyana at pinaupo paharap sa kanya na hindi napuputol ang halik. Kumilos ang kamay niya at marahang hinahaplos ang likod nito. Pilit namang hinahabol ni Allyana ang paraan nang paghalik sa kanya ni Seb, dahil para bang subrang bilis nitong kumilos. Mayamaya ay naramdaman niya ang kamay nito likod, sa loob ng kanyang suot na blouse at doon paulit-ulit na hinahaplos ang kanyang balat. Mayamaya rin ay naghiwalay ang kanilang labi, ngunit, hindi pa doon nagtatapos ang lahat dahil lumipat lang ang labi ni Seb sa kanyang leeg at doon binibigyan nito nang halik. Napahawak naman si Allyana sa batok ni Seb at tila doon kumukuha jg lakas. Napasinghap pa siya, nang makaramdam ng kiliti dahil sa pagsipsip ni Seb sa kanyahg balat sa leeg."I really like your smell, since the day I meet you," sabi ni Seb sa gitna ng ginagawa nitong paghalik sa kanyang leeg.Hindi nagawang tumugon ni Allyana dahil sa ginagawa nito sa kanya at mayamaya pa ay mahinang napaungol si Allyana d
Magbasa pa
Chapter 48
Pagbagsak na umupo si Chelsea at napasandal sa gilid ng pader, matapos niyang gawin ang mga pinagawa sa kanya ni Dion. Pakiramdam niya, pati ang kanyang katawan ay babagsak na sa subrang pagod. Hindi niya akalain na ganoon kahirap pala pag aralan ang paghawak at paggamit ng baril, na kanina pa tinuturo sa kanya ni Dion. Paulit-ulit niyang pinapaputok ang bari kanina, subalit, walang kahit ano ang natamaan niya. Puro sablay, dahil nga nangingig ang kanyang kamay, sa tuwing hahawak ng baril."Here.."Nag angat siya nang tingin at nakit so Dion na inaabutan siya ng tubig. Napairap siya dito at kinuha ang tubig. Umupo naman si Dion sa kanyang tabi at sumandal rin."Masyado bang mahirap ang tinuturo ko saiyo?" tanong pa nito.Napatingin siya kay Dion at sinamaan ito nang tingin."Obvious ba? Natural, nahihirapan ako. Mabigat kaya iyong baril at pilit kong binabalanse kapag pinapaputok ko na. Hindi ko alam kung kaya ko nga bang matutunan iyon," tugon ni Chelsea at napaismid kay Dion.Natawa
Magbasa pa
Chapter 49
Tumabi si Chelsea sa kama, kung saan nakahiga na si Allyana. Napansin niyang tahimik lang ito at tila malalim ang iniisip. Naninibago pa rin siya sa sitwasyon nito, lalo na at maraming magbabago sa pagbalik nito. Hindi sapat ang simpleng natutunan niya para protektahan ito. Ngunit, nasisiguro niyang hindi ito pababayaan ni Seb, na masaktan sa kamay ni Keane. May tiwala siya dito, lalo na at nakikita niya kung paano ito nag aalala sa kanyang pinsan."Anong gagawin mo, kapag nakabalik ka na?" mayamaya ay tanong niya dito.Matagal bago sumagot si Allyana, na tila nag isip pa kung ano ang isasagot sa kanyang tanong."Tulad nang sabi ko, makikipaglaro ako. Magiging matapang ako sa harap nilang lahat, na tila nagbago ako at hindi na ako tulad nang Allyana na nakilala nila, na mahina at walang ginagawa. Hindi ko man kayang harapan sa maaksyong laban ang sinasabi niyong karibal ko na si Keane, pwes lalabasan ko siya sa ibang paraan.. na magiging dahilan upang bumagsak siya. She ruine
Magbasa pa
Chapter 50
Natigilan sina Chelsea at Dion, matapos sabihin ni Seb sa kanila.. na nagsanay sila ni Allyana sa training room. Halos magt-tanghali na, kaya nagtataka si Chelsea na hindi pa nagigising si Allyana at tila ang himbing pa ng tulog nito, kaya hindi na niya ito ginising pa."Woah? Talaga? Anong oras kayo nagsimula?" tanong ni Dion."Kaninang madaling-araw, naabutan niya kasi ako kanina na nililinis ang baril ko. Siguro, nagka- interes siya at nais matuto. Kaya tinuruan ko na," sagot ni Seb.Hindi pa rin makapaniwala si Chelsea na nakatingin ngayon kay Seb at nais malaman kung anong nangyari sa ginawang training ng dalawa."Natuto ba siya?" tanong ni Chelsea."Hmm, I can't say she did. But, I know she's good. Makikita niyo rin kung natuto ba siya o hindi," tanging sagot ni Seb.Hindi na nakapagsalita si Chelsea at bahagyang napatingin kay Dion, na nagkibit-balikat lang sa kanya. Mayamaya naagaw ang atensyon nila, nang may marinig silang tunog mula sa itaas. Nasisiguro nilang isa it
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
9
DMCA.com Protection Status