All Chapters of Vengeful Love: Chapter 41 - Chapter 50
55 Chapters
Chapter 41. You Are Mine Only Mine.
Maagang nagising si Lyka upang pumasok sa kumpanya. Nalulungkot siya dahil wala si Vladimir. Nakapag message naman ito kagabi sa kanya bago siya matulog. Inabala ni Lyka ang kanyang sarili maghapon sa kanyang trabaho. Sinubukan niyang tawagan si Vladimir ngunit hindi ito sumasagot naisip niya na marahil ay abala ito sa meeting kasama si Mr. Belmonte.Ala syete na ng gabi ngunit nasa kanyang opisina pa rin si Lyka at abala sa kanyang mga gawain. Mahinang katok ang umagaw sa kanyang atensyon. Dahan-dahan na bumukas ang pintuan ng kanyang opisina.“Lukas..” Mahinang sabi ni Lyka“Hi good evening. Are you still busy?” Nakangiting tanong ni Lukas.Tumingin si Lyka sa kanyang relo, “Gabi na pala hindi ko namalayan ang oras.”“Kumain ka na ba?”“Not yet. What are you doing here?”“Binibisita ka? I called you earlier but you didn’t answer. I got worried a little.”Natawa si Lyka ng mahina, “Pfft..are you my husband Lukas?”“Don’t tease me. Concerned lang ako sayo as a friend mali ba?”Niligpi
Read more
Chapter 42. Unknown Sender
Walang kamalay malay si Lyka sa mga nangyari sa pagitan ni Vladimir at Wendy. At wala rin siyang alam na malaking kaguluhan ang magaganap na magpapabago ng pagsasama at pag-iibigan nila ni Vladimir.Tatlong araw nang nasa business trip si Vladimir. Sa loob ng tatlong araw na ito ay hindi man lang ito komontak o nagpadala ng mensahe sa kanya. Hindi naman ito sumasagot sa kanyang mga mensahe at tawag sa telepono.“Anak, may problema ka ba? Pansin ko kasi parang balisa ka nitong mga nagdaang araw,” sabi ng ina ni Lyka.“Wala naman akong problema mama wag po kayo mag alala. Hindi lang po kasi ako mapakali dahil tatlong araw nang wala akong balita kay Vladimir,” sagot ni Lyka.“Lyka, anak baka naman sadyang masyado lang abala ang asawa mo sa kanyang pakikipag meeting sa mga business partners nyo sa abroad.”“Ewan ko po Mama. Pero parang iba po ang kutob ko. Hindi ko rin po maintindihan kung bakit ganito po ang aking nararamdaman.”“Anak, marahil ay dala na rin yan ng pagod mo sa trabaho ka
Read more
Chapter 43. He Betrayed Me And Hurt Me
Nanginginig si Lyka habang hawak-hawak ang kanyang telepono at pinapanood ang video na senend sa kanya. Galit at kirot sa puso ang kanyang nararamdaman sa mga sandaling ito kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha ay ang pagbuhos ng kanyang galit. Tinabig niya ang lahat ng nasa ibabaw ng kanilang lamesa. Nabasag ang bote ng alak at natapon ang mga pagkain. Malakas siyang sumigaw habang umiiyak.“Lyka, ano ba ang nangyayari? Ano yung nakita mo sa telepono?” Nag aalala at nalilitong tanong ni Mitch.Lumapit sila kay Lyka at sinubukan itong pakalmahin. Kaagad din na lumapit ang staff ng restaurant upang linisin ang mga nabasag na bote at natapong pagkain. Kinuha naman ni Bryan ang telepono ni Lyka at tinignan ang kaninang pinanonood ni Lyka.Laking gulat ni Bryan nang makita at mapanood ang nilalaman ng video. Maselang video ito ni Vladimir at Wendy habang nagtatalik. Hindi makapaniwala si Bryan sa kanyang napapanood. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng kanyang bestfriend kay Lyka.
Read more
Chapter 44. You Love Her? But What About Her?
Nung sumunod na araw pagkatapos ng nangyari kay Vladimir at Wendy ay walang paglagyan ang kaligayahan na nararamdaman ni Wendy dahil sa nangyari. Sa wakas ay may pag-asa na syang mabawi ang dating nobyo. Maaga siyang nagising kinaumagahan nung araw na yun at bumalik sa kanyang sariling kwarto at naligo. Pagkatapos maligo at mag ayos ng sarili ay masaya siyang bumalik sa silid ni Vladimir.“Good morning babe!” Nakangiti niyang bati kay Vladimir nang pagbuksan siya ng pintuan nito.“Babe? Stop calling me like that Wendy!” Naiinis na sabi ni Vladimir.Kaagad na pumasok si Wendy sa loob ng silid at umupo sa sofa, “Bakit Vladimir, hindi mo ba naaalala kung gaano ka ka lambing sa akin kagabi at kung gaano kainit ang iyong mga halik sa aking mga labi?”Natigilan si Vladimir at naguguluhan sa mga sinasabi ni Wendy, “What the hell are you talking about?”Ngumiti si Wendy at lumapit kay Vladimir. Inilingkis nito ang kanyang mga braso sa leeg ni Vladimir, “We made love last night. Don’t you reme
Read more
Chapter 45. He Doesn't Deserve My Bestfriend
Habang nasa bar sina Lyka hindi inaasahan na naroon din si Lukas. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan ng napansin niya ang isang babae na sumasayaw na tila ba kilala niya tinignan niya itong mabuti at tama siya kilala niya ang babae si Michelle ang matalik na kaibigan ni Lyka na sumasayaw sa dance floor. Kaagad niyang hinanap kung sino ang kasama nito. Nilinga niya ang kanyang mga mata sa paligid malapit kay Michelle at nakita niya si Lyka at Bryan sa table na di kalayuan. Nagpaalam si Lukas sa kanyang mga kaibigan upang puntahan sina Lyka. "Michelle!" Malakas na tawag ni Lukas.Napalingon naman kaagad si Mitch sa pinanggagalingan ng boses."Lukas! Wow! Nice seeing you here! Sino kasama mo?" Sigaw ni Mitch. Sobrang lakas ng tugtugan sa loob ng bar kaya naman kailangan nilang sumigaw para mag karinigan."I'm with my friends! I saw Lyka and Bryan over there!""Magkakasama kami. Si Lyka kasi may problema gusto magpakalasing!"Natigilan si Lukas sa narinig, "What? Bakit anong nangyari?
Read more
Chapter 46. Forget About Her And Be With Me.
Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan ni Vladimir kasama si Wendy at Mr. Belmonte. Nagmamadali si Vladimir patungo sa exit ng airport. Kanina pa niya tinawagan ang kanyang driver na sunduin siya. Tinanong niya kung nasaan si Lyka hindi alam ng driver kung nasaan ito na labis niyang kinainis."Vladimir, wait! Sabay na ako sayo!" Sigaw ni Wendy.Ngunit hindi man lang siya pinapansin ni Vladimir pero sumakay pa rin siya sa sasakyan nito. Gusto niyang makita mismo ng kanyang mga mata ang pag aaway nina Lyka at Vladimir. Dahil may isa pa siyang alas na ilalabas mamaya para tuluyan na niyang mabawi si Vladimir.Hindi mapakali si Vladimir ngayon pa lang ay nanginginig na siya sa galit at selos na kanyang nararamdaman. Samantalang lasing na lasing na si Lyka at nakatulog na sa hotel kung saan sila nag inuman. Sa kabilang kwarto naman matutulog sina Mitch at Bryan upang magpahinga."Bro Lukas, may tiwala ako sayo kaya ikaw na muna ang magbantay kay Lyka ah. Lasing na rin itong si Mitch at n
Read more
Chapter 47. I'll Come Running For You
Umaga na nang magising si Lyka. Sobrang nahihilo pa siya at masakit ang ulo. Narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng silid at bumungad sa kanya ang matalik na kaibigan."Beshie good morning. How do you feel?" Tanong ni Mitch."I'm not feeling well. Nahihilo ako at masakit ang ulo.""Eh paano hindi sasakit ang ulo mo eh wala kang pakundangan kung maka inom ng alak kagabi. Jusko ka naman Lyka maawa ka naman sa sarili mo!" Sermon ni Mitch.Nakahiga pa rin si Lyka sa kama at nakapikit ang mga mata, "Mitch, can you please stop your nagging. Lalo sumasakit ulo ko eh.""Concerned lang ako sayo kaibigan. Walang magandang maidudulot ang araw-araw na pag inom mo ng alak ng dahil dyan sa walang hiya mong asawa!"Hindi sumagot si Lyka. Dahan-dahan siyang tumayo kahit nahihilo at nagtungo sa banyo upang maligo."Lalabas muna ako ah," paalam ni Mitch.Nilublob ni Lyka ang kanyang katawan sa bathtub upang ma preskuhan. Mabigat ang kanyang pakiramdam dahil sa hangover. Hindi niya narinig ang pagpasok
Read more
Chapter 48. You Are Mine And Mine Alone
Hindi napigilan ni Vladimir ang galit nang makita si Lukas. Kaya naman kaagad niya itong sinugod at sinuntok sa mukha. Nataranta si Lyka at natakot sa nakikita na suntukan ng dalawa.Lihim naman na natutuwa si Wendy sa kanyang nakikita na kaguluhan.“Vladimir! Tumigil ka!!!” Sigaw ni Lyka.Ngunit hindi ito nakikinig sa kanya. Patuloy ito sa pakikipag suntukan kay Lukas. Kaya naman ipinatawag niya ang mga bodyguard upang umawat sa dalawa.“Walang hiya ka Lukas! Tarantado ka! Bakit si Lyka pa!” Galit na sigaw ni Vladimir.“I don’t know what you’re talking about! Wala kaming ginagawang masama ni Lyka!” Sigaw ni Lukas sabay ganti ng suntok.“Walang ginagawa? Ano ibig sabihin ng mga litrato na yun ah!”Dumating ang mga tauhan ni Vladimir at inawat silang dalawa. Kaagad naman na lumapit si Lyka upang magpaliwanag.“Vladimir, wala kaming ginagawang masama ni Lukas! Ikaw nga itong gumagawa ng katarantaduhan sakin! Kayo ni Wendy! Tapos ngayon babaliktarin mo ako! Ang kapal din talaga ng mukha
Read more
Chapter 49. I Don't Know What The Right Thing To Do.
Masakit ang buong katawan ni Lyka ng siya ay magising. Inilinga niya ang kanyang mga mata at nakita ang orasan sa pader ng kwarto. Hating gabi na pala. Hindi maganda ang kanyang pakiramdam nilalagnat siya at puno rin siya ng pasa sa katawan dahil sa pwersahan na ginawa sa kanya ni Vladimir.Hindi niya na pigilan ang pagtangis. Ang sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman ay pilit na nangingibabaw sa sakit ng katawan na kanyang nararamdaman ngayon. Sinisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nagtiwala siya sa katulad ni Vladimir. Nagsisisi siya kung bakit ibinigay niya ang kanyang puso at pagmamahal sa isang tao na sasaktan lang pala siya kalaunan.Wala siyang lakas para kumilos pa. Nanatili siyang nakahiga at tahimik na umiiyak. Maya-maya ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya si Vladimir kasama ang kanilang kasambahay. May dalang pagkain, inumin at damit pamalit ang kasambahay.“Lyka, get up. You need to eat and after that clean your filthy body.” Sarkastikong sabi ni Vladimir.“
Read more
Chapter 50. Vladimir Never Loves You At All.
Nakapag pahinga na ng maayos si Lyka. Nanumbalik na rin ang kanyang lakas at nawawala na ang mga pasa sa kanyang katawan. Isang linggo na ang nakalipas ng dalhin siya ni Vladimir sa basement ng mansyon at ikulong sa malaking kwarto. Laging may bantay sa labas ng silid at hindi siya maaaring lumabas ng walang pahintulot mula kay Vladimir.Tumingin siya sa orasan alas otso na ng gabi at wala pa rin si Vladimir. Pumasok ang kasambahay sa loob ng silid na may dalang pagkain para kay Lyka. Hindi naman siya binabalewala ni Vladimir sa pagkain. Alaga siya sa masasarap na lutong pagkain.Ngunit hindi na niya matatagalan ang manatili pa ng matagal sa loob ng silid. Kailangan niyang makalabas. Kaya naman napagpasyahan niya na kausapin si Vladimir tungkol dito. Naghintay siya sa pagdating ni Vladimir ngunit nabigo siya at nakatulog na lang sa paghihintay sa asawa.Naalimpungatan siya at dahan-dahan na nagising dahil sa halik na dumadampi sa kanyang leeg. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay naki
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status