Lahat ng Kabanata ng So Eager To Please: Kabanata 11 - Kabanata 20
23 Kabanata
Kabanata 11
“Auntie, payagan moa na si Kari kahit ngayon lang. It’s my birthday!” sambit ni Cade sa mommy ni Kari.Nandito sila ngayon sa office nito sa bahay nila at pinagpapaalam siya ng mga pinsan niya para makadalo siya sa party.“Oo nga po, auntie. It’s been a while naman na,” pagsingit naman ni Tori.Lumingon kay Kari ang kanyang ina kaya napaiwas siya ng tingin, hindi siya kumikibo kanina pa. Syempre, gusto niyang pumunta pero ayaw niyang magsalita dahil baka lalong hindi pumayag ang mommy niya.“Okay, just for tonight!” sabi ng mommy niya kaya nanlaki ang mata niya dahil sa gulat.“Yay! Thank you, auntie!”“You’re allowed until midnight, Karisma.”Agad na kumunot ang noo niya. “What?”“It’s okay, auntie. Thank you po,” agap ni Tori at siniko siya ng maraming beses. Nagpaalam na ang mga ito sa mommy niya bago sila lumabas at hinila siya sa kwarto niya.“Magbihis ka na!”She rolled her eyes. “Nakakatamad magpunta, may curfew pa rin.”“Atleast makakapunta ka nang hindi tumatakas.”Napabunton
Magbasa pa
Kabanata 12
Tahimik na nakaupo ngayon si Kari sa isang upuan doon sa loob ng room kung saan sula nagkita ni Tobias. Nakatayo ang binata sa harap niya, nakasandal ito sa professor’s desk at nakatingin sa isang bilog na papel na pinaglalaruan nito sa kamay.Nag angat si Kari ng tingin. “Uh, how are you?”Hindi ito sumagot at binaling ang tingin sa kanya. Bigla siyang napayuko ulit at tiningnan ang sapatos niya, hindi niya alam kung gaano katagal pero nararamdaman niyang nakatingin lang ito sa kanya.“Akala ko ay hindi ka na pupunta. .”Halos tumigil siya sa paghinga nang marinig ang sinabi nito, napaangat siya ulit ng tingin at nagkasalubong ang mata nila.“Wala akong klase noong araw na iyon, pero nagpunta ako rito at hinintay kita.”At tumigil na nga talaga siya sa paghinga, ni hindi ito nahihiyang sabihin iyon habang nakatingin ng diretso sa kanya. Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa kinauupuan niya.“You were waiting for me?” hindi makapaniwalang tanong niya.Mabagal itong tumango kaya hindi s
Magbasa pa
Kabanata 13
Hindi maiwasan ni Kari ang pagngiti habang pauwi siya, nakatingin lamang siya sa may bintana at parang batang pangsi-ngisi.“Ma’am, mukhang masaya ka ngayon a,” puna ni Mang Raul. “Pumayag na ba ang lalaki na iyon na maging bodyguard mo?”Biglang napawi ang ngiti niya dahil sa tanong nito. Nawala na sa isip niya na kaya niya nga pala ginagawa iyon ay dahil kailangan niyang pilitin na maging bodyguard si Tobias. Ngunit parang nagpunta siya ngayong araw dahil sa ibang dahilan.Umiling siya. “No, mukhang wala siyang balak pumayag.”“Eh, kung gano’n, ma’am. Hindi ko na tatanungin kung bakit kayo masaya ngayon,” anito sa nakakalokong tono.Napailing na lang siya para pigilan ang pagngiti at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Tumigil ang mata niya sa isang papel na nakadikit sa glass door ng isang fast food restaurant na nadaanan nila.EMPLOYEE FOR HIRE!Napaayos siya sa pagkakaupo at bumuntong-hininga. Senyales na nga yata iyon para magtrabaho siya, bukas ay dadalhin niya ang kanyang
Magbasa pa
Kabanata 14
Maagang nagising si Kari kinabukasan. Bago siya maligo ay nagluto muna siya ng kakainin niya at ibabaon niya.Mamaya na kasi ang unang araw niya sa trabaho. Pagkatapos niyang maligo ay saka niya pinanlantsa ang uniporme niya sa trabaho tapos ay maingat iyong tinupi at nilagay sa paper bag.Didiretso na kasi siya ro’n mamaya pagkatapos ng klase niya.“Congratulations, miss independent.” Iyon na lamang ang narinig ni Kari bago siya umalis ng lunchtime sa school.Nagpaalam siya na may trabaho pa siya ngayon at kailangan na niyang umalis, mabuti na lang ay umaga lamang ang klase niya.Kumain siya sa kotse habang nasa biyahe, inayos niya na rin ang sarili niya at naglagay ng manipis na makeup. Sabi ng nag-interview sa kanya ay kailangan daw mag-makeup para presentable kung tingnan, kasi haharap nga naman siya sa mga tao.Cashier pa naman siya.“Ma’am, hihintayin ko pa ba kayo?” tanong ni Mang Raul nang malapit na sila.Umiling siya. “Come back before six to pick me up, wala ka naman gagawi
Magbasa pa
Kabanata 15
Ang pagbisita kay Tobias pagkatapos ng kanyang trabaho ay naging routine na niya, pumupunta lang naman siya para yakapin ito.Iyon lang, dahil laging nandoon si Mang Raul kaya’t yakap lang talaga. Hindi naman pwede na utusan niya lagi ito na bumili ng langis para lang magawa nila ni Tobias ang gusto nila.Medyo naiinis siya na hindi niya na nahahalikan ang binata ng ilang araw, pero bumabawi naman sa mahigpit na yakap. Sinabihan niya na rin si Mang Raul na ‘wag sasabihin sa mommy niya ang nangyayari sa kanila ni Tobias at maswerte siya na ayos lang dito iyon dahil matagal na rin naman daw nito napapansin na may kakaiba sa kanila.Wala naman daw itong magagawa sa gusto niya, nasa tamang edad naman na raw siya para gumawa ng mga desisyon para sa sarili niya. Hinihiling niya lang na sana ay gano’n din mag-isip ang kanyang ina.“Are you enjoying your work?” tanong ni Cade habang gumagawa sila ng codebook sa kiosk. “Ini-expect ko na pagkatapos ng ilang araw ay magre-reklamo ka sa’min becau
Magbasa pa
Kabanata 16
Maganda ang naging mood ni Kari, may pera na siya ay may kotse pa siya na magagamit ng sampung araw. Kailangan niya lang muna isipin kung paano niya itatago sa mommy niya iyon, ngunit mag-iisip siya ng paraan mamaya.Nagluluto ang kanyang ina at mga auntie ngayon sa kusina, silang magpipinsan ay nasa salas ngayon at may sari-sariling ginagawa.“Kari, swimming later?” tanong ni Cade kay Kari kaya napalingon sa kanya sina Raven.“Oh, Kari! Nandyan ka pala!” bati ni Maggie kaya sarkastiko siyang ngumiti, alam niyang alam nito na nandoon naman talaga siya. Ayaw lang talaga siyang pansinin.“Nice to see you again,” pagbati niya rin.Ang mga pinsan nilang lalaki ay napailing na lamang, binati na siya ng mga iyon kanina.Lumapit naman sa kanya si Raven, hila-hila ang kamay ni Trace. Umupo ang mga sa tabi niya kaya napapailing na nagbuntong-hininga si Tori na nakaupo sa single couch.“Do you bring your swimsuit? Let’s swim later after dinner,” aya ni Raven habang nakangiti kaya tumango na la
Magbasa pa
Kabanata 17
Halos hindi nakatulog si Kari buong gabi. Hindi kasi siya komportable, ang dalawang kasama niya ay mga tulog pa kaya nauna na siyang naligo.Iika-ika siya kung maglakad dahil sa paa niyang nabugbog, nalagyan naman na iyon ng first-aid kit ngunit sabi ni Cade ay mukhang kailangan iyon ipatingin sa doktor.Pagkatapos niya maligo ay saktong nagising ang mga kasama niya, hinintay niya pa ang mga itong matapos na mag-asikaso bago lumabas dahil ayaw niyang makita mag-isa ang mga iba niyang pinsan. Naririnig niya ang mga ingay ng mga iyon mula sa kwarto nila kaya alam niyang gising na ang lahat.“Mags, nasaan sila mommy?” tanong ni Cade kay Maggie na mag-isang umiinom ng kape sa dining area.“Nag-grocery shop,” sagot nito at tumingin saglit kay Kari ngunit agad din umiwas ng tingin.“‘Yung boys?”“Uh, they’re playing basketball somewhere.”Tumango si Cade at umupo rin, si Tori naman ay kumuha ng bread sa lamesa at siya naman ay nagpunta sa kusina para kumuha ng maiinom na gatas.Naramdaman n
Magbasa pa
Kabanata 18
Hindi alam kung paano sila nakarating ni Tobias sa isang bakanteng classroom, hindi na niya maalala ang nangyari dahil sa sobrang pag-iyak.Kani-kanina ay umalis si Tobias saglit at pagbalik ay may mga dala nang pagkain at inumin, kaya naman nilantakan niya ang mga iyon. Gutom na gutom siya. Kagabi pa ang huling kain niya at napagod pa siya dahil sa kakaiyak.Napatigil siya sa pag nguya nang mapansin na pinapanood pala siya ni Tobias. Nakapatong ang kanang bahagi ng mukha nito sa lamesa ng inuupuan nito at nakatingin lang sa kanya.Bigla na lang siyan nabulunan kaya agad binuksan ng binata ang bote ng tubig at iniabot sa kanya na agad niyang ininom.“Dahan dahan.” Mahinahon na sabi nito.Pinunasan ni Tobias ng likod ng palad ang bibig niya at sumubo ulit ng pagkain. Sumandal ito sa upuan at idiniretso ang mahaba nitong binti, naramdaman niya ang isang kamay nito sa likod niya na maingat na pinaglalaruan ang dulo ng buhok niya.Lumingon siya sa binata kaya tumigil ang kamay nito at tuma
Magbasa pa
Kabanata 19
Nagpaalam si Kari kay Tobias nang madilim na. Sinabi niya ay uuwi na siya kahit hindi naman, kahit kasi umiyak siya sa harapan nito ay hindi nito tinanong ang dahilan niya.Gusto niya iyon, ayaw niyang mapag-usapan kung gaano kagulo ang kanyang pamilya. Well, hindi naman magulo, ayaw lang talaga sa kanya ng mga ito.Nandito siya ngayon sa parking lot ng school na pinapasukan niya, doon niya napagpasyahan na iwan ang Bentley ng kanyang Kuya Felix para hindi makita ng mommy niya tapos ay saka siya sasakay ng taxi pauwi.Iyon ang plano niya. Pero ayaw niya pang umuwi, ayaw niya na ro’n dahil sumasama lamang ang loob niya.Sumandal siya sa backrest ng drivers seat, pumikit ako at wala nang nagawa kundi bumuntong-hininga. Pagod siya at walang gana.Nami-miss agad niya si Tobias, nang kasama niya ito kanina ay nakalimutan niya ang lahat. Ang galing niya nga dahil hindi nito napansin na iika-ika ang lakad niya, tiniis niya iyon ng husto kanina.Napadilat siya ng mata nang mag-vibrate ang ph
Magbasa pa
Kabanata 20
Tanghali na nang magising si Kari kinabukasan. Ayaw niyang bumangon pero may kumatok sa pinto ng kwarto niya.“Sino ‘yan?” tanong niya habang nakapikit pa rin.“Ma’am Kari, oras na po ng pagkain.”Suminghap siya at hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang unan. “I don’t wanna eat, please, stop disturbing my sleep.”“Sige po, ma’am. Pasensya na.”Wala na ulit kumatok sa pagkatapos no’n pero hindi na rin siya nakatulog ulit. Naligo na lang siya at inayos ang sarili, aalis siya dahil hindi siya mapakali sa bahay nila. Hindi na siya komportable. Wala rin siyang ganang pumasok sa eskwelahan.Naglagay siya ng concealer para matakpan ang pamumula ng magkabilang pisngi niya dahil sa mga sampal ng ina, mabuti ay hindi sobra ang pamamaga kaya hindi masyadong halata. Slippers lang ulit ang sinuot niya dahil hindi siya makakalakad ng maayos sa sapatos.Pagkababa niya ay nagulat siya nang may humarang sa kanya na kasambahay.“Binilin po ni Mada’am Elena na wag kayong paaalisin.”Napairap siya sa han
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status