Vuaaaklaaaah!" Rinig kong sigaw ng kaibigan kong si Migs nang maabutan niya ako sa Nurse's Station. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamot ng mga pasyente ko.Inangat ko ang ulo ko. "Kaloka naman sa pagtili, mamsh." Sabi ko sabay pamilog ng mata rito."Kaloka ka din kasi. Hindi ka man lang nagreply sa akin kahapon." Sagot naman ni Migs. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko."Wala kasi ako sa mood kahapon. Alam mo namang napagod din ako sa dami ng mga pasyente natin.Di naman ako kagaya mong energetic." Pang-aasar ko kay Migs."Asus! Kunwari ka pa. Alam ko namang pinagnasaan mo na naman 'yang Uncle mo." Patotoo ni Migs.Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Migs. Muntik ko na rin itong masabunutan.Kung minsan talaga'y walang preno ang bibig ng baklang 'to. Kung anu-ano na lang ang sinasabi.""Huy! Magtigil ka nga. Baka mamaya may makarinig sa'yo, e." Mahina kong saway kay Migs.Tatawa tawa naman ito habang kunwaring zinizipper ang bibig niya."Sensya naman. O siya, mamaya na lang ulit." Sabi pa ni
Read more