All Chapters of The Self-centered Billionaire's Lady Makulit: Chapter 41 - Chapter 50
56 Chapters
41
41Why Self-centered?Emman'sAng sama sama ng tingin sa akin ni honey my loves ko habang nakaupo sya sa upuan, na halos parang di sya magkasya. Inis sya kasi ang sabi ko sa mananahi habang sinusukatan ako ay isang pulgada lang ang palda ko. Tanong agad ni ni honey ko ay kung isang pulgada above the knee? Sabi ko, hindi. Isang pulgada below my waist. Bwisit na naman sya sa akin at parang gusto niya akong tusukin ng karayom. Sabi niya magpalda pa raw ako eh sisilip din naman daw doon ang dulo ng kwan ko. Ayaw niya nun libre ang view?Malamang kung di nya ako mahal, baka tinahi na niya ako dun sa makina at tinapalan ng tela ang bunganga ko sa sobrang daldal ko.Buti na lang loves niya akong talaga.Ngayon ay parang salubong pa rin ang mga sungay niya habang nakasakay kami sa kotse niya, pauwi na."Honey so seloso, binibiro lang kita," sabay hawak ko sa hita niya, malapit sa longganisang kulay pink. Umungol sya. "Not on that." he glanced at me. Nawala ang pagkasalubong ng mga
Read more
42
42 Annyeong Haseyo (maganda pa ako sa gabi) Emman's Nagplantsa ako ng buhok kong ispongha. Iwinawagayway ko ito sa harap ng salamin at kumikendeng ako na parang majorette. Pangarap kong maging majorette kasi noong hayskul ako kaso naman kulang pang pambili ng asukal ang kinikita ng nanay at lagi na itong sumasakit ang tiyan kaya di ako nakapag-majorette. Pasado na sana ako, sexy ako... Maganda ako... May height naman ako, kasing puti ko si Snow white... Perfect na ako. Kaso nga walang pambili ng uniform kaya sorry na lang ang lola niyo. Di na nga ako nakatapos ng hayskul kaya nag exam na lang ako sa Alternative Learning System o ALS. Matalino naman kasi ako kahit ganito ako noh. Sabi ko sa inyo na lahi nga ako ng matsing di ba? Paulit ulit talaga ako. Kumendeng ako sa harap ng salamin at pasexy kong itinaas ang laylayan ng dress kong maikli sabay paikot ko ng mga balikat ko. Bagay ang suot ko sa akin na dress, kulay itim sya pero hindi naman porket itim ay pamburol. Black is el
Read more
43
43EMMAN BEST ACTRESSEmman'sNapapormal ako nang makita ko ang babaeng sosyal na nakaupo sa isang mesa. Pati paraan ng pagpunas nito ng table napkin sa bibig ay sobrang nakakatanga.Lihim kong ginagaya sa utak ko ang kilos nito. Nakapitik ang mga daliri ng babae. Parang yung ina ni Kanton my so seloso ang kikilusin nito, nakabaluktot ang mga daliri. Parang tinamaan ng arthritis na hindi na lagi na lang nakaunat ang mga pesteng joints nila.Naramdaman kong inayos ni Braden ang pagkakahawak niya sa kamay ko kaya tiningala ko sya."Ano ang sa'yo," sabi niya saka ngumiti sya.Maganda pa raw ako sa gabi. Baka ibig niyang sabihin ay mas maganda pa rin ako kahit sa babaeng kaharap namin na parang sinalo lahat ng kagandahan sa mundo.Pero di ako naiinggit dito. Cute naman kasi ako.Tumayo ang babae at ngumiti. Bakit parang kamukha ko ito kapag ngumiti? Hindi. Parang kamukha ko talaga. Nakikita ko na ang hitsura ko kapag tumanda ako.Tiningnan ko ulit si Kanton. Kahit sya ay parang
Read more
44
44Kind Lady MakulitEmman'sMabilis akong bumaba sa kotse at tumakbo ako papasok ng bahay pagkabukas ni Manang ng pintuan. Dire-diretso ako sa kwarto ng Nanay. Ilang beses akong tinawagan ni honey so seloso pero di ko nasagot. Ayoko na marinig niya akong umiiyak."Nanay!" hagulhol ko sabay yakap ko sa katawan ni Nanay na nababalot ng kumot. Parang itong turon. Nilalamig yata ito sa aircon.Isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib, pero bakit parang amoy utot ang Nanay. Wag kayong tumawa. Nag-eemote ako.Ganto na ba ang amoy ng dibdib ni Nanay? Amoy bugok?"Nanay ko," iyak ko pa sabay kiskis ko ng pisngi ko sa dibdib niyang balot ng kumot."Buhay pa ako, anak. Wag mo akong iyakan," anang nanay.Napaangat ako ng mukha dahil ang ulo niya ay nasa paanan.Kaya pala mabantot ang naaamoy ko ay pwet niya pala ang yakap ko. Pero okay lang, nanay ko naman ito kahit mabantoto ito.Naupo ito at binalot ng kumot pati na ulo saka hinimas ang buhok ko."Ano bang iniiyak mo? May nama
Read more
45
45#EMMANTON LOVE TEAMEmman'sAnd now I'm back. Tapos na ang Oscar's Red Carpet Awards at ako ang best actress at ang supporting ay ang aking Nanay. Kagabi lang yun.Paseksi akong lumabas ng kwarto habang suot ang aking uniform na pang nursing. Bitbit ko ang bag ko. I look beautiful, alam ko na yun. Wag niyo ng sabihin. May kaiklian talaga ang skirt ko pero okay na ito, maputi naman ako.Ngayon ang araw na sasagutin ko na si Honey so seloso para official na kaming mag-on. Kawawa naman sya. Baka ubanin na kasi sya sa paghihintay ng sagot kong oo, i can be his girlfriend.Tinanaw ko muna sya at kinilig ako nang makita ko ang kalahati ng katawan niya na nakaupo sa sofa. Asan ang kalahati? Natatabunan ng dyaryo. Nasbabasa kasi siya. Hindi naman sya manananggal.Bumaba ako ng hagdan at seksing seksi ang lola niyo. Mamayang hapon magpapa-hair extension na ako para hindi ko na kamukha ang ate kong german shepherd. Gurang na din naman pala ang ate ko, ang taray taray pa nito. Baka nam
Read more
46
46EARTHQUAKE TO THE MAX(ACCEPTANCE)EMMAN'SGabi na ako nakauwi from the salon. Kababa ko pa lang ng kotse at gandang ganda ako sa hair ko. I'm back to the real Emmanuelle Vera noong mga panahon na mukha pa kong pera, very long big curly hair. I look pretty good, I know.Humakbang na ako papasok, pa-sexy, syempre. Mataray ako eh. I know hinihintay na ako ni my loves so seloso ko pero isang boses ang nagpatigil sa akin sa paghakbang. Kaagad akong sumilip sa pintuan at nakita ko ang isang matandang lalaki na kamukha ni Kanton. Nahawakan ko ang bibig ko.Now I know sa pagtanda niya kung akong itsura niya! Pogi pa rin pa pala ang boyfriend ng lola niyo. Alam ko si daddy ang nakikita ko.Si Daddy, ang aasawahin ni Nanay.Dahan dahan akong pumasok at magkahawak ang mga kamay ko sa harap ko. Naiilang ako. Ano ba ito? Si Daddy lang naman ang makilala ko. Parang tumandang kanton lang naman ito.Inhale.... Exhale....Parang nakakita ng multo si Kanton sa katauhan ko. Napatulala sya
Read more
47
47 BAGAY KAMI! Emman's Hello I'm back! Hila-hila ko ang mga kaibigan kong kilala ko na kung sino, pinakilala ko na sila dati pa. Hila ko sila papasok ng hall sa highlands golf club. It is a big hall anyways. Ayaw nilang pumasok kasi nahihiya sila ng sobra. Sabi nila mayayaman ang lahat ng nandito ngayong gabi. Sabi ko naman ay hindi. Nakauniform pa kasi ang mga kaibigan ko kaya ayaw nilang pumasok sa loob. "Bakit mo sila pipilitin kung ayaw nila? They're not on their formal dresses. Wala ka talagang alam sa buhay ng mga nasa alta sociedad, Palibhasa kung saan saan ka lang pinulot ni Bradenton!" galit ang boses ng babae sa likod ko. Natigilan ako sa paghatak sa mga friends ko. Kilala ko na kung sino ito. Parang hinipan ako ng masamang hangin galing sa mala posonegrong bunganga ng babae. Kontrabida talaga ito sa buhay ko. Si donya mommy ala bruha y surayda de pormalin. "Hoy! Wag mong inaaway ang anak ko! Tutuhugin ko ng stick yang ngalangala mo." sabat naman ni Nanay. Nanlalaki
Read more
48
48LUCKY ME KAY KANTONEmman's"Baby," boses ni Kanton ang naririnig ko saka may umaalog sa braso ko habang nakadapa ako sa malambot na kamang parang ulap.Umungol ako sabay dampot ko ng kumot na nakabalot sa katawan ko. Tinakpan ko ang mukha ko pero bakit biglang nilamig ang pisngi ng pwet ko? Ano ba ito?Lalo kong hinila ang kumot at buong katawan ko na ngayon ang nilalamig.Ano ba? Butas ba ang damit ko at tagusan hanggang buto ang singaw ng aircon? Letse! Patayin ang aircon na yan. Balak pa yatang gawing frozen cheeks ang pwet ko. Nakadapa pa man din ako dahil latang - lata ako pagkatapos kong lumaklak ng sangkaterbang alak sa party ni Kantot ko."Babe, labas ang pwet mo," sabi niya kaya napaangat ako ng ulo at natingnan ko ang likuran ko habang saklob ang kumot sa ulunan ko.Oh yesssss! Hubad ang lola niyo! Bakit ganito? Nilindol na naman yata ako kagabi ng asawa kong pogi.Inirapan ko sya.Binalutan ko ulit ng kumot ang katawan ko habang sya ay nakasandal sa headboard
Read more
49
49BAD HABIT IS HARD TO DIEEmman'sKadarating ko pa lang galing school at halos tumalsik ako sa lakas ng pagkakabanggan namin ni Kantot ko sa may pintuan, habang ako ay papasok at sya naman ay palabas, pero hindi niya ako pinansin.Nalingon ko sya.Oh no! Sinasapian na naman yata sya ng demonyo. Dilim ang anyo niya sa pagkakasulyap ko. Nakagat ko ang daliri ko sa tensyon."Honey my loves so sweet?" pumihit ako para habulin sya pero hindi niya ako pinakinggan.Sunud-sunod din na sumakay sa limousine nya ang mga surot niya.Kinakabahan ako, "Braden!" seryosong tawag ko sa kanya kaya tumigil sya sa pagsakay. Saglit niya akong nilingon at tama ako, nagdidilim nga ang mukha niya ngayon.Yung tipong may bagyo.Pero nginitian niya ako ng malungkot kaya naalarma ako. Mukhang may gagawin naman syang hindi maganda. Magpapabugbog na naman ba sya?Why?Why?Why?Delilah?Honey kong seloso... Kaagad akong natakot kahit wala namang multo. Natatakot ako sa iniisip ng Kantot ko."Bra
Read more
50
50HE LOVES ME OR HE LOVES ME NOTEmman'sHindi ako mapakali. Paroot parito ako sa labas ng bahay. Nangyari na ito noon na para akong pusa na hindi mapaanak sa sobrang kaba ko pero ang pagkakaiba lang, wala ako sa mansyon ngayon para hintayin ko ang pagdating ni Bradenton.Nag-aalala ako para sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyayari."Oy anak, ano na? Wala ka bang balak na matulog? Aba alas onse na ah. May pasok ka bukas," boses yun ni Nanay sa may pintuan."Matutulog ako Nay, dilat nga lang." sagot ko sa kanya saka ko ito tiningnan.Napakamot sya ng ulo niyang may mga buhok na parang mga alambreng nakatusok."Bakit ba kasi anak umalis ka? Naiwan mo naman yata ang isip mo roon?" tanong pa ni Nanay.Hmp! Naiwan ko nga yata. Wala nga yata sa bao ng ulo ko ang utak ko ngayon. Parang dala-dala ni Bradenton iyon."Mali ba Nay na iniwan ko sya? Gusto ko kasi syang matuto. Baka kasi may exam sya, eh di maperfect niya di ba?" sabi ko pa kay Nanay ko."Eh bakit? Gusto mo ba per
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status