Lahat ng Kabanata ng ANG NABUNTIS KONG PANGIT: Kabanata 11 - Kabanata 20
90 Kabanata
CHAPTER 11
"Oh, bote mo." Pilyong abot ni Andy sa bote ng gatorade sa kanya."Jeez, nakakahiya talaga!" sa loob-loob naman ni Yolly kasabay nang pahablot na pagkuha niyon. Hindi na talaga mailarawan ang kanyang mukha. Para siyang nakakain ng kalamansi o para siyang natatae na ewan ang hitsura niya. Pinagpapawisan na kasi siya ng malapot. Hindi ba talaga bubuka ang lupa nang kainan na siya? Naman, eh!"Samahan mo ako," dikawasa'y parang wala lang kay Andy ang lahat na anito.Napalabi siya na nayakap sa kanyang dibdib ang bote ng gatorade. "Saan tayo pupunta?""Kahit saan basta 'yung tahimik na lugar. Gusto kong magpakalayo-layo." Mababakas na ang lungkot sa mukha ng binata."Bakit ano’ng nangyari sa 'yo?"Tumaas ang mga balikat ni Andy. "Basta I need your company now," pero ang sabi lang naman nito kasabay ng pagbaba rin ng mga balikat. "Let's go?"Tinaasan niya ito ng isang kilay. Hindi ba nito kita na nakapantulog pa lang siya? Saka wow! Kung magyaya ay parang close na close na sila, ah?"You'l
Magbasa pa
CHAPTER 12
"Oh, di ba ang sarap sa pakiramdam?" Maaliwalas ang mukhang tanong ni Yolly kay Andy. Ngiting-ngiti silang dalawa na lumabas sa simbahan. Patungo na sila kung saan nakaparada ang sasakyan ni Andy."Salamat, ha? I somehow feel better.""Okay lang 'yon. Basta kapag may problema ka o may gumugulo sa isip mo ay dito ka lang pumunta kasi ganito lagi ang ginagawa ko.""At ano naman ang mga problema mo sa buhay?"Napalabi si Yolly sa tanong na iyon ni Andy. Gusto niyang sabihin na love life niya ang problema niya sa buhay kaya lang ay naunahan siya ng hiya."Basta marami rin pero mga simpleng problema lang naman," kung kaya sabi na lang niya."Ah, buti ka pa," bulalas lang din ni Andy."Kuya, Ate, bili na kayo banana cue ko?" Isang batang naglalako ang nagpatigil sa kanila sa paglakad at pag-uusap.Nagkatinginan sila."Sige na po, Ate, Kuya, bili na po kayo para maubos na ito para makauwi na ako upang mapakain ko na rin po ang nanay ko," nakakaawang pilit sa kanila ng bata."Okay, pabili ako
Magbasa pa
CHAPTER 13
Pinamaywangan ni Yolly si Andy. "Ano na naman? Anong magulong lugar na sinasabi mo?""Basta samahan mo na lang ako. Gusto kong magwala. Parang sasabog ako, eh. Baka makapatay ako ng tao nito.""Kumalma ka nga.""Tara na kasi?""Hindi ako puwede.""Bakit naman? I thought we were already friends?"Kamot-ulo si Yolly. Kinokonsensya pa talaga siya, ay naku."Anak, bakit hindi mo papasukin ang bisita mo?" Ang nanay niya."Tama. Mabuti pa ay pumasok ka muna."Yumukod si Andy kay Aling Yolanda. "Magandang hapon po.""Magandang hapon naman. Sige na doon na kayo ni Yolly mag-usap sa loob. Ang init dito sa labas, oh.”Tiningnan siya ni Andy. "Tara sa loob," kaya alok niya ulit dito."Huwag na. Aalis na tayo," ngunit ay bulong sa kanya nito.Napakagat-labi siya na tumingin sa nanay niya. Doon niya napansin na bihis ito. "’Nay, may pupuntahan ka?""Ay, oo." Nagpupulbo ang ginang. "Kaya ikaw muna ang bahala rito sa bahay. Baka madaling araw na akong makauwi. Huwag kang aalis ng bahay, ha?"Sinulya
Magbasa pa
CHAPTER 14
Napahawak sa kanyang ulo si Yolly. Naramdaman agad niya paggising niya na masakit ang kanyang ulo. Para ba'y mabibiyak."Ano bang nangyari? Ba't ang sakit ng ulo ko?" paungol niyang sabi sabay bangon.Ngunit anong dilat ng kanyang mga mata nang maramdaman niyang may mabigat sa kanyang ibabaw. At bunbunan ng isang lalaki ang kanyang unang nasilayan.May nakadagan sa kanya!"Aaahhh!!" awtomatiko na malakas na sigaw niya kasabay nang buong lakas niyang pagtulak sa sinumang lalaki na iyon."Oy!" Biglang balikwas ng bangon ang lalaki na nakahiga sa kanyang ibabaw. Subalit hindi agad ito nakabangon dahil nagkatumba-tumba ito sa sobrang pagkataranta. Muntik pang nahulog ito sa kama."Eiiihhh!" tili ulit ni Yolly nang makitang wala sila parehas pang-itaas na saplot ng lalaki. Agad niyang itinakip sa kanyang hubad na katawan ang kanyang nakapang kumot.Takang-taka na nagkatinginan sila ng lalaki. Lalaki na si Andy pala! Holy sh*t!"A-Andy?!" Hindi makapaniwalang bulalas niya. Tapos ay bumaba a
Magbasa pa
CHAPTER 15
Gugulohin ang buhok, tapos mapapahilamos sa kanyang mukha, saka mapapangiwi. Paulit-ulit na ganoon ang gesture ni Andy kanina pa."Dude, okay ka lang?" pansin na sa kanya ni Patrick.Nasa condo unit siya ng kaibigan dahil gusto niya ng kausap. Gulong-gulo kasi ang isip niya. Malapit-lapit na siyang mabaliw."Dude, naranasan mo na bang ma-block out sa inuman?"Nag-isip si Patrick. "Hindi pa naman. Bakit?""Dude, na-block-out yata kasi ako kagabi. Naparami yata ang inom ko kaya ayun paggising ko ay hindi ko na alam ang nangyari. I can't recall anything.""Talaga ba? But I thought you were used to drinking? Humina ka na?" kantyaw sa kanya ni Patrick."Ewan ko ba. This is the first time this has happened to me.”Tinapik ni Patrick ang isang balikat niya. "Okay lang 'yan.""Hindi nga okay, Dude.""Bakit naman?""Kasi hindi ko alam kung nagalaw ko siya o hindi.""P*tcha!" napamura si Patrick sa inamin niya. "Mahirap nga talaga 'yan," pero sa huli ay natawa rin ito.Napapalatak na lang siya
Magbasa pa
CHAPTER 16
Napatingin si Yolly sa katabi niya. kinalabit kasi siya nito. Wala pa ang prof nila sa next subject nila kaya puwede pang mag-chikahan sila."Bakit?" tanong niya sa pinsan na hindi agad niya napansin."Wow, nakalimutan mo yata na sidekick mo ako sa kuwentong ito. Kausapin mo naman ako, para naman may role ako."Nagpapatawa si Cristine pero ni ngiti ay hindi niya magawa."Ano’ng nangyari noong umuwi na ako, ha?" may kilig sa boses ni Cristine na tanong na sa kanya.Gawa niyon ay naalala na naman niya ang problema. Napalingon siya sa kinauupuan ni Andy. Na dapat hindi na lang pala niya ginawa dahil nakita lamang niya ang binata na nakikipag-sweet-sweet-an kay Karen. Kay Karen na pinakamaganda sa klase nila at dating girlfriend nito.Nagyuko siya ng ulo nang iniiwas niya ang tingin sa dalawa. May kung anong pumiga sa puso niya. At ewan niya kung ano ang tawag sa pakiramdam na iyon. Ngayon lang niya naranasan na makaramdam ng ganoon, eh.Malamang ay dahil nasasaktan siya. Sa kilos kasi ta
Magbasa pa
CHAPTER 17
"Hahaha!" Ang lulutong ng mga tawa ni Yolly. Hindi niya inakala na ang saya-saya pa lang kasama ni Leandro. Joker pala ito. Sobrang kalog. Ibang-iba sa character nito na seryoso at istrikto kapag duty bilang guwardya sa Sanchi College."Hindi ba tama ako?" nakatawang ani Leandro.Magkaharap silang kumakain sa isang fast food chain. Tapos na nilang kinain ang nauna nilang in-order na burger kaya nagkukutkot na lang sila ngayon ng fries ni Leandro habang nagkukuwentuhan.At ang totoo, ayaw niya nga sanang kumain ng fries dahil naalala niya 'yung masaya nilang moment ni Andy. Noong nilibre rin siya, noong wala pa silang hindi pagkakaintidihan. Ang kaso hindi niya mapigilan. Talagang favorite niya ang fries. Kahit na anong fries. Kahit pa nga iyong tagsampung piso na fries sa kanto, papapakin niya talaga."Oo na," aniya na tawa pa rin nang tawa. Binigyan kasi siya ng puzzle ng binata pero hindi niya nasagot. At nang i-reveal ni Leandro ang sagot ay corny pala pero nakakatawa naman."Sabi
Magbasa pa
CHAPTER 18
"Buti dumating ka na. Kumusta ang school?" salubong na tanong ni Yaya Chadeng sa alagang si Andy."Okay lang po. Sina Mom at Dad dumating na, 'Ya?" walang ganang sagot at tanong din ni Andy."Ayun, lasing na dumating kanina ang Mommy mo at nang magising ay umalis na naman. Si Daddy mo naman ay hindi pa bumabalik simula umalis."Tumango-tango si Andy habang napapahimas-batok. Inasahan na niya iyon kaya hindi na siya nagtaka. Gayunman, kahit ayaw man niya ay sobrang apektado talaga siya sa mga nangyayari ngayon sa relasyon ng kanyang mga magulang."Bakit hindi mo sila kausapin?"He shook his head. Ayaw niya. Wala rin naman siyang magagawa. He is aware that no matter what he says to them, their decision will remain unchanged. Ni hindi na nga nila naisip kung ano ang nararamdaman niya ngayon bilang anak nila, eh."Oh, siya. Hayaan mo na sila. Matatanda na sila," pagsuko ni Yaya Chadeng.Malungkot niyang nginitian ang matanda."Siya nga pala tumawag si Cindy kanina. Tinatanong kung puwede
Magbasa pa
CHAPTER 19
"And what do you think you're doing?!" Salubong ang dalawang kilay ni Andy na dinampot ang bote ng gatorade sa basurahan.Takang-taka na napatingin si Yolly rito. "A-anong ginagawa mo rito?""Dinadalaw ka dahil ayaw ko man sana ay hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na kamustahin ka. And this is all I can see? Really?" Masama talaga ang loob ni Andy.Inirapan ni Yolly ang binata. Ito pa talaga ang may ganang magalit? Wow! Ito nga ang hindi namamansin sa school, eh. "Umalis ka na nga!" Hinablot niya ang bote ng gatorade tapos ay padabog na itinapon ulit iyon sa basurahan at saka mataas na humalukipkip.Napasinghap naman sa hangin si Andy. Masama ang tingin sa kanya na dinampot ulit sa basurahan ang bote ng gatorade.Pero hinablot din agad niya iyon at tinapon ulit. Kinuha niya ang takip ng basurahan at padabog nang tinakpan. "Huwag mo nang pulutin dahil wala nang pakinabang ang bote na 'yan sa 'kin! Wala nang halaga!""Talaga lang, ha?" Inalis ni Andy ang takip ng basurahan at kin
Magbasa pa
CHAPTER 20
"Waaahhh!" ngawa pa rin ni Cristine na sinasabayan ni Yolly. Nagyayakapan silang dalawa, tapos maghihiwalay, tapos magyayakapan na naman tapos maghihiwalay rin ulit. Parehas na silang parang tanga na nag-iiyakan sa isa't isa na hindi naman alam ang dahilan kung ano’ng iniiyakan nila.Si Cristine dahil buntis nga ito.At si Yolly dahil sa virginity niyang nawala na hindi man lang niya namalayan, tapos ay may posibilidad pang mabuntis siya."Bakit ka ba grabe kung makaiyak?" tanong niya sa pinsan sa gitna ng paghahagulgol."Eh, ikaw bakit ka rin umiiyak?" ngunit balik-tanong ni Cristine sa kanya.Natigilan silang magpinsan. Makikita sa mukha nila na may gusto silang sabihin sa isa't isa kaya lang ay parehas din naman nilang hindi masabi kung ano ang mga iyon. Siguro dahil sa takot o hiya kaya naman iyakan na lang ulit silang dalawa.Sa isip-isip ni Cristine. "Paano na ang kinabukasan ko?"At sa isip-isip naman ni Yolly. "Paano na ang virginity ko?""Okay ka na ba?" tanong ni Yolly haban
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status