ManlolokoMabilis akong nagluto ng kanin at nag adobo ng manok, mag ihaw din ako ng kaunting baboy at ng sausage. Pagkatapos ay hinanda ko na ang mga baonan, wala na akong nakitang medyo malaki sa dalawang kulay pink na lunch box. Kaya eto nalang talaga ang lalagyan ko. Tahimik akong nagsasalin ng pumasok si Mamam sa kusina."Oh, ba't nagluto ka na? At dalawa pa ang lunch box mo. Dadalhan mo din ba si Ava?", guat niyang tanong ng tignan niya ang mga ito."Ah, kay Saint po yong isa, gusto niya daw po eh", tantyado kong sagot kay Mama."Tama yan, sabi nga nila a way to a man's heart is through his stomach", nakangiting sagot niya rin sa akin. Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko naman gusto ang lalaking iyon. Napilitan lang akong magluto dahil gusto at nangungulit siya. Muntik ko nang masabi kay Mama. Kasunod noon ay ang pagpunta rin ni Papa sa mesa."Magbabaon ka anak?", takang tanong ni Papa.Sasagot na sana ako ng inunahan na ako ni Mama."Baon daw nilang dalawa yan ni P
Magbasa pa