All Chapters of Trapped in Love: Chapter 51 - Chapter 60
364 Chapters
Kabanata 51 Balak Mo ba Umaksyon
Nanginig ang mga kamay ni Caroline noong tinignan niya ang Facebook matapos ibaba ang tawag. Nadismaya siya ng makakita siya ng nakakaalarmang mga topic na pumukaw sa atensyon niya:“Walang pusong chief secretary ng sikat na kumpanya ay malupit na ipinakulong ang ama niya!”Namutla siya noong nabasa ang headline. Nabalisa siya at tinignan ang comment section habang nanginginig ang mga daliri.“Naniniwala ka ba na may ganitong tao? At secretary pa siya ng sikat na kumpanyang iyon?”“May kilala ako na nagtatrabaho doon. Ang chismis ay kabit siya.”“Hindi siya nararapat magtrabaho sa prestihiyosong kumpanya. Hindi ito magandang ehemplo!”“Basura! P*ta! Nakakadiri!”Iba’t ibang masasakit na salita ang nabasa niya. Alam niya kung gaano kalakas ang mga salita na kayang sumira sa reputasyon ng isang tao.Napansin ni Paige ang pagkadismaya ni Caroline at agad na nagtanong, “Anong problema? Hindi ba maganda nag pakiramdam mo?”Nagpanic si Caroline at ipinakita ang phone kay Paige, nakita niya a
Read more
Kabanata 52 Ano Ba Ang Kunsensiya
Noong binuksan ni Bradley ang pinto, sumilip siya sa corridor para masiguro na walang nakasunod kay Caroline. Nong kuntento siya, pinapasok niya si Caroline at sinuri habang paupo siya.“May sinabi ka na dala mo para sa akin. Nasaan na?” tanong niya.Nagsinungaling si Caroline. “Iniwan ko sa sasakyan.”Nagduda si Reuben at nagtanong pa, “At ang pera?”“Mabibigyan kita ng pera,” sagot niya habang nakatitig ng malamig sa kanya, “Pero sana sabihin mo sa akin ang totoo tungkol sa isang bagay.”Nagdilim ang mukha niya, naging defensive siya, “Wala akong alam. Huwag mo akong tanungin.”Batid ang galit sa mga mata ni Caroline. “Malakas ba ang loob mo na mangako sa libingan ni nanay na hindi ka nakipagtulugnan sa kahit na kanino para ipahiya ako? Kung malakas ang loob mo, bibigyan kita ng 2,800 dollars. Kung hindi, patunayan mo na guilty ka!”Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ni Bradley. “Caroline! Ang lakas ng loob mo na kausapin ako ng ganyan?! Walang hiya ka sa pagiging kabit ng iba
Read more
Kabanata 53 Ipinadala sa Kulungan
Natawa si Evan at nakangising nagtanong. “Bilhin mula sa iyo?”Kinakabahang tumawa si Bradley. “Sasabihin ko sa iyo kung babayaran mo ako at pakakawalan.”Puno ng panghahamak ang mga mata ni Evan. “Ikukunsidera ko ito kapag narinig ko na ang impormasyon.”“Hindi ko anak si Caroline. Inampon siya ni Katie,” isiniwalat ni Bradley.“Sumangayon ako na manatili si Caroline noong nililigawan ko noon si Katie.”“Inampon si Caroline? Ampon ba siya?” sa isip ni Evan.Napasimangot si Evan, bigla siyang may napagtanto. Nagpanic siya noong nagtanong, “Saan siya inampon?”Umiling-iling si Bradley. “Hindi ko alam. Pero may adoption certificate si Katie, at nakasulat dapat ito doon.”“Nasaan ang certificate?” agad na tanong ni Evan.Kinakabahan na lumunok si Bradley. “Ipinadala ko ito lahat sa reclamation depot noong ibinenta ko ang bahay.”Matapos ito isipin ng ilang sandali, may tinanong pa si Evan. “Isa pang bagay. Bakit ka niya ipinadala sa detention center?”“Kasi masama siyang tao!” galit na sa
Read more
Kabanata 54 Kaninong Anak Ang Iingatan Niya
Natulala si Caroline habang nakatingin kay Daniella, hindi siya makapaniwala na nagsalita, “Anong kalokohan ang sinasabi mo?”Ngumiti si Daniella. “Bakti ka kinakabahan? May dahilan ba para kabahan ka?”Nwala ang ngiti niya bigla at napalitan ng malamig na mga mata.“Walang hiya ka at nabuntis ka pa talaga ng boyfriend ko? Pero huwag ka mag-alala, ang pagpapakalat ko ng balita tungkol sa pagpapakulong mo sa ama mo para parusahan ka ay simula pa lamang.”Nahirapan si Caroline na kontrolin ang galit niya. “Daniella, hindi ka ba natatakot sa karma? Hindi ka ba natatakot na baka multihin ka ng nanay ko sa panaginip mo at kunin ang buhay mo?”Tumaas ang kilay ni Daniella, hindi siya natakot. “Kunin ang buhay ko? Hindi nga ako magawan ng paraan ng nanay mo noong buhay pa siya, paano pa ngayon at patay na siya.”Pakiramdam ni Caroline sasabog ang puso niya. Gusto niyang pagpira pirasuhin si Daniella.Pero binalaan siya ng rasonableng parte niya.Kapag sinaktan niya si Daniella, magkakaroon la
Read more
Kabanata 55 Family Portrait
Habang nakatitig si Caroline sa malamig at eleganteng mukha ni Evan, sumagi sa isip niya ang mga imahe na may nangyayari sa pagitan nila ni Evan. Naghalo ang pandidiri at sakit sa puso niya.Mabilis niyang itinaas ang kamay niya at pinalo ang kamay ni Evan, hindi niya mapigilan ang mapanghamak niyang tono. “Ano ba ang ginawa ko para galitin ka, Evan?!”Natawa si Evan. “Binigyan mo ako ng regalo sa oras na nakabalik ako.”Regalo… nagpanic si Caroline. Hindi sasabihin ni Daniella ang lihim niya. Hindi nga naman ito magiging pabor sa kanya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo!”Umiwas siya ng tingin, hindi kayang tignan ang malamig na mga mata ni Evan.“Guilty ka?” lalo naging malamig ang mga mata ni Evan noong mapansin niya ang emosyon sa mga mata ni Caroline. “Nagsama ka ng lalake dito at nakipaglandian sa kanya, hindi ba?!”Hindi mapigilan ni Caroline na matawa noong naalala niya ang ginawa ni Scott sa labas ng Villa Rosa.Landian na iyon?Ano naman ang ginawa niya?Nagalit siya, at bigla s
Read more
Kabanata 56 Nakalimutan Niya Ang Phone Niya
Panandaliang walang masabi si Caroline. Naging mabigat ang pakiramdam sa loob ng villa. Nakakasakal ang tindi ng lungkot sa paligid.“Pumanaw na ang mga magulang ko. Ang natitira ko na lang na pamilya ay ang nakababata ko na kapatid, pero kasalukuyan siyang nawawala,” inamin ni Neil, mabigat ang boses niya.Noong natapos siya magsalita, kinuha niya ang isang photo almbum at ibinigay ito kay Caroline. “Naniniwala ako na makakatulong ang mga litratong ito para gumaan ang galit natin sa isa’t isa.”Tinanggap ni Caroline ang album at nagsimulang tignan ang mga pahina. Nakakita siya ng maraming mga litrato ng batang babae at ng isang babae. Habang nagpapatuloy siya, nakaramdam siya ng guilt.Mukhang hindi nagsisinungaling si Neil noon. Sobrang magkamukha sila ng nanay niya, lalo na ang nakababata niyang kapatid. Ang pinagkaiba lang ay may nanay si Caroline, at hindi ito ang babae sa litrato.Ibinalik ni Caroline ang album, napagtanto niya ang hindi pagkakaintindihan. “Mali ako ng inisip noo
Read more
Kabanata 57 Bakit Ang Tagal Mo
Nakaramdam ng sakit sa puso si Caroline noong narinig niya na binanggit ang galit.Mahigpit ang hawak niya dito, pero nag-effort ba siya na kausapin siya tungkol dito?Hindi siya sigurado kung may nadiskubre siya pero pinili niya na hindi ito bigyan ng pansin para protektahan si Daniella. Hindi niya matiis ang walang kasiguraduhan, at patuloy ang pagtindi ng sakit na nararamdana niya.Habang nakatingin sa kanya, natawa siya at sinabi, “Sabihin mo kung anong gusto mo sabihin, Evan, pero malapit ka na ma engage. Hindi ito patas para kay Ms. Love na abala ka sa mga issue ko, hindi ba?”Naging malamig ang mukha ni Evan. “Caroline, sa oras na lumabas ka ng MK, hindi ka na magkakaroon ng pagkakataon na bumalik.”Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi ni Evan, pero nakahinga siya ng maluwag sapagkat willing na siya bumitaw. Habang nananatiling nakangiti, sumagot siya, “Maraming salamat sa lahat sa nakalipas na tatlong taon, Evan. Simula ngayon, sana maging masaya kayo ni Ms. Love!”Matapos
Read more
Kabanata 58 Ipinagkatiwalang Trabaho
Hindi pa siya buntis. Kailangan niyang bumisita pa lagi!“Nakakuha ng impormasyon tungkol sa akin ang mga tao ni Evan. Nag-aalala ako na baka mahanap nila ako.”“Nag-iimbestiga pa din sila?” tanong ni Daniella.Tumango siya. “Hindi lang iyon, nalaman ko din na sinusundan ako papunta dito.”Nabigla si Daniella, halos mapatalon. “Bakit ka pa din pumunta?”“Kulitin mo pa ako at malalaman mo ang katapusan mo!” masama ang titig niya. “Mabubuhay ka lang hanggang sa gusto ko, at mamamatay ka kapag sinabi ko!”Pinilit niyang itago ang galit niya. Naiinis siya sapagkat hindi siya makalaban.Sa ngayon, wala siyang magagawa kung hindi ang sundin siya.Pero sa oras na mabuntis siya, nangako siyang papatahimikin siya ng habang buhay.Hindi maaaring mabuhay ang lalake na nakakaalam ng mga sikreto niya.Huminga siya ng malalim at nagtanong, “Anong gagawin natin ngayon?”Ngumiti siya. “Hulihin ang mga sumunod sa akin bago pa malaman ni Evan.”*Noong Wednesday, pumunta si Caroline sa ospital sa suburb
Read more
Kabanata 59 Cloude Orphanage
Nagbigay si Mason ng tissue kay Caroline. “Naiintindihan ko na mahirap tanggapin ang bagay na ito sa sitwasyon mo, pero walang mababago ang pag-iyak mo.”Hindi alam ni Caroline na lumuluha na siya, yumuko siya matapos tanggapin ang tissue. Malungkot ang boses niya, “Pasensiya na.”Kalmado siyang sumagot. “Okay lang.”Matapos ayusin ang sarili, tumingala si Caroline at tinignan si Mr. Hall. “Mr. Hall, sinabi ng sulat ng nanay ko na baka matulungan mo ako.”Kumuha ng dokumento si Mr. Hall sa backpack niya at ibinigay ito sa kanya, at sinabi, “Makakapagbigay ako ng tulong, pero may bayad ito. Sa line of work ko, hindi ako tumutulong dahil sa kabaitan. Para sa ikabubuhay ko ito, sana naiintindihan mo.”Tumango si Caroline at tinanggap ang mga dokumento, na naglalaman ng presyo ng iba’t ibang serbisyo. Mabilis niyang tinignan ang mga presyo at nakahanap ng pasok sa budget niya.“Hindi pera ang problema,” sinabi niya habang nakatingin sa kanya ng direkta. “Sa efficiency at accuracy ako may p
Read more
Kabanata 60 Libre Ka Ba Mamayang Gabi
Hinatak pabalik ni Caroline ang braso niya mula sa pagkakahawak ni Yuliana, kalmado ang ekspresyon niya. “Ms. Xander, mukhang huli ka na sa balita. Hindi ako ang babae sa piling ni Evan ngayon. Si Daniella Love ito, ang deputy head ng fashion department.”“Kung naghahanap ka ng gulo, si Daniella ang lapitan mo, hindi ako.”Nabigla si Yuliana, “Sino?!”Inulit ni Caroline, para hindi na siya maguluhan. “Daniella Love.”Nalukot ang mukha ni Yuliana, malinaw na nasaktan siya. “Paano iyon nangyari? Bakit naghanap ng ibang babae si Evan?”Matapos bumulong, bigla siyang tumingala at tumitig ng masama kay Caroline. “Niloloko mo ba ako, p*ta ka? Hindi ganoon si Evan!”Walang masabi si Caroline.“Tinawag ba niya akong p*ta? Sa tingin ba ng babaen ito walang hanggan ang pasensiya ko?” sa isip niya.Natawa si Caroline, hindi maitago na hindi siya makapaniwala. “Ms. Xander, kung gusto mo talaga si Evan, bakit hindi mo kausapin si Daniella at sabihin siyang tumabi na? Oh, pero mag ingat ka na hindi
Read more
PREV
1
...
45678
...
37
DMCA.com Protection Status