Chapter Four

RASHEEQA's POINT of VIEW

"There's no need for you to guard me. Sigurado akong hindi na nila ako masusundan dito. Tinawagan ko na din ang manager ko para papuntahin dito kaya pwede ka nang umalis." sabi ko habang nakatingin sa kabuuan ng resto. Walang masyadong tao at mahigpit na nagbabantay ang security guard sa entrance.

"I'll stay whenever I say so." 

Napayoko na lang ako at inayos ang suot kong shades para masigurado kong walang makakakilala sakin dito kung sakali man. 

"Alam kong marami ka pang gagawin at masasayang lang ang oras mo—"

"I am the boss, remember?"

Mabuti na lang at naka-shades ako ngayon. Malaya akong umirap dahil sa kapreskuhan ng lalaking 'to.

"A-Alam ko, kaya nga kita pinapaalis dahil may mga dapat ka pang asikasuhin sa mga oras na 'to." rason ko

Bakit kasi hindi na lang siya umalis? Maliban na lang kung may binabalak pa siyang iba.

"I'm the one who holds my time." 

"Pero..." napaiwas na lang ako ng tingin.

Nasaan na ba kasi si Aiah? Kailangan ko siya ngayon para umalis na 'tong lalaking 'to. Hindi ako sanay na makausap siya ng harap harapan pagkatapos ng nangyari samin nine years ago.

"Kung ayaw mong masayang ang oras ko sa paghihintay, pwede naman nating pag-usapan ang tungkol sa contract mo sa kompanya ko. Mas mabuti din na malaman mo ang incentives na—"

"Si Aiah." pagputol ko sa kanya at nag-wave para makita ako ng kaibigan kong kakapasok lang sa entrance. "Pwede ka nang umalis." taboy ko ulit sa kanya.

Tumayo ako at sinalubong ang kaibigan ko. 

"Hey, are you okay?" mabilis niya akong niyakap at nag-aalalang tumingin sakin. "May masakit ba sayo? Nasaan ang mga pasa at galos mo? Gusto mo ba'ng dalhin kita sa hospital? Baka nagka-injury ka na kaya pacheck up na lang tayo at nang maagapan." pag-hihysterical niya.

Maarte din 'to e.

"I'm fine." maikli kong sagot 

"Sigurado ka?"

Tumango na lang ako para tumigil siya sa kakatalak. Nang balakin niyang umupo, napansin niya si Spruce na nakaupo sa harapan ko.

"Mister Constello?" kunwari nagulat pa ang loka. As if naman na hindi niya kilala ang lalaking 'to. "Woah. It's nice to see you here. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng pagkakataon na makaharap ang isa sa mga successful Bachelor dito sa pilipinas." 

Napaawang na lang ang bibig ko dahil sa kaplastikan ng babaeng 'to. Bakit parang natutuwa pa siya na makaharap 'tong si Spruce? Nasaan na ang mga pinakawalang mura niya sa lalaking yan dati?

"Thank you nga pala sa pagligtas sa kaibigan ko. You are really such a good man." nakangiting sabi ni Aiah at nakipagkamayan pa kay Spruce.

Siguro kung may kinakain lang ako ngayon, malamang sa malamang ay kanina pa ako nasuka dito. 

'You are really such a good man' saan niya naman nakuha ang katagang yan? At si Spruce pa talaga ang sinabihan niya na halos isumpa niya dati.

"It's also my pleasure to meet you, Miss Salvistre." nakangising tugon ni Spruce

"Kilala mo 'ko?" gulat na tanong ni Aiah at napatingin pa sakin.

Overacting niya masyado. Tsk

"Who wouldn't knew such beautiful maiden like you." 

"Enebe. Nakaka-flattered."

Napairap na lang ano nang wala sa oras dahil sa kabaduyan nilang dalawa. Ilang beses na ba akong umirap ngayong umaga? Pinagtataksilan ako ng kaibigan ko nang harap harapan. Ang bilis naman yata niyang makalimutan ang galit sa lalaking yan. 

"Can you excuse me for a minute or two? May kukunin lang ako." paalam samin ni Spruce at ginawaran naman siya ng malapad na ngiti ni Aiah.

"Sure, Mister Constello. Take your time."

Nang makaalis na si Spruce, bigla naman akong siniko ng katabi ko. "Ano?" inis kong tanong.

"Siya ba yon? Yung totoong daddy ni Rasheen?" tanong niya dahilan para takpan ko ang bibig niya at tiningnan ang paligid.

"Pwede mo bang itikom yang bibig mo? Baka may makarinig satin." paalala ko sa kanya.

Mahirap na, baka may sekretong nagmamasid samin dito. Kailangan na naming mag-ingat lalo pa't alam na ni Spruce ang tungkol kay Rasheen.

"Kaya naman pala ang gandang lahi meron ang anak mo. Saan mo ba nabingwit dati si Mister Constello?" tanong niya pa dahilan para mapairap na naman ako. 

"Crap that nonsense, Aiah." utos ko at umiwas ng tingin.

Napatahimik naman siya na para bang alam niya ang ibig kong sabihin pero maya maya'y nagsalita din.

"About sa nangyari sayo? Namukhaan mo ba kung sino ang mga kumaladkad sayo kanina?"

Medyo napaisip naman ako dahil sa tanong niya. Nakita kong kinuha ni Spruce ang bonet mask ng lalaki, pero malabong makita ko ang mukha nun dahil nakatalikod sila sakin at medyo malayo sa pwesto ko.

"Hindi e. Pero sigurado akong tauhan na naman yon ni Anastasia." 

Wala naman akong pwedeng maituro na suspect maliban sa kanya. Dati niya pa ako sinisiraan at pilit na hinihila pababa kahit na noong magkarelasyon pa kami ni Spruce. Pinsan ko siya at siya ang may pakana ng paghihiwalay namin ni Spruce. 

"Wala na ba talagang ibang magawa ang Montemayor na 'yon? Mabuti sana kung tuluyan nang bumagsak ang Montemayor Corp nang sa ganon ay magkaroon siya ng ibang mapagkakaabalahan." inis siyang napahampas sa mesa at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa malayo.

"Aiah," hinawakan ko ang kamay niya dahil sa pangangamba. "What should I do? Paano na lang kung natuluyan talaga ako kanina? Kinakabahan na ako dahil baka mas malala pa sa susunod ang gagawin nila sakin." masyado na akong naaabala sa mga plano ng babaeng yon.

"Papa-imbestigahan ko—"

"No. You can't do that." pigil ni Aiah kay Spruce na kadarating lang. Kunot noo siyang tumingin sa amin na para bang may mali sa sinabi ni Aiah. "Huwag ka na lang makialam dahil baka mas makagulo ka pa sa sitwasyon." sagot nito.

Halos hindi naman maipinta ang itsura ni Spruce dahil sa sagot ni Aiah. "What kind of manager are you? Muntik na siyang mapahamak tapos ayaw mo pang paimbestigahan ang nangyari?" 

Hindi ko alam kung galit ba yung tono niya o hindi. Ewan.

"We already did it last time na nasa ganitong sitwasyon din si Rasheeqa but nothing's work. Mas napasama lang siya sa publiko at puro batikos ang inabot niya sa netizens. May reputasyon siyang pinapangalagaan sa harap ng nakararami kaya hindi pwedeng mangyari ang nangyari noon." pilit na pagpapaintindi ni Aiah.

Yeah. Aiah was right. I was been bashed online dahil lang sa pagkidnapped sakin dati. Kumalat ito sa buong media platform so I received some sympathy coming from my fans pero dahil ang pinsan ko ang may pakana ng lahat, nagpalabas siya ng article na gawa gawa ko lang na nakidnapped ako. Nag-hire din siya ng mga tao para i-bash ako online kaya mas lalong lumala. 

"L-ntik na reputasyon yan. Mas importante pa sa inyo ang sasabihin ng publiko? Paano kung mas malala ang nangyari sa kanya?" 

Okay. Mukhang hindi na maganda ang pag-uusap na 'to. Kailangan ko na ba silang pigilan? 

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, gugustuhin mo ba siyang masaktan sa pangalawang pagkakataon? Wala kang alam sa daloy ng mundong kinabibilangan ng kaibigan ko kaya huwag kang makialam." ramdam ko ang concern kay Aiah. 

Ang sweet talaga ng kaibigan kong 'to. Pero sabi ko nga, kailangan ko na silang awatin dahil baka umabot pa sila sa madugong usapan. Psh 

"Diba kikitain pa natin si Direk Cole? Tara na ." hinila ko si Aiah at bago pa man kami makalayo nang tuluyan, biglang nasalita si Spruce dahilan para saglit kaming mapahinto at binalingan siya.

"Fine."

"Ha?"

Anong fine—fine ang pinagsasabi niya?

"I... I will.. D-mn." napasabunot siya sa buhok niya at tumalikod sa'min. Maya-maya'y muli siyang humarap samin at tinitigan kaming dalawa ni Aiah.

May saltik ba siya?

"I will take full responsibility of Rasheeqa." seryoso nitong sambit tsaka umiwas ng tingin

Ano daw?

Napatingin ako kay Aiah na blangkong nakatingin kay Spruce. Hindi naman mapakali ang loko na para bang may sinabi siyang hindi niya dapat sabihin.

Iisipin ko na lang na hindi ko narinig 'yon.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status