Share

Chapter Six

RASHEEQA's POINT of VIEW 

"Ayusin mo nga 'yang mukha mo." suway sakin Aiah at tinapon ang isang pack ng chips sa mukha ko.

Nandito kami ngayon sa mismong bahay ko pagkatapos naming umalis sa resto. Pina-reschedule na din ni Aiah ang meeting namin kay Direk Cole dahil feeling ko magiging lutang lang ako pagnagkataon.

"Katapusan ko na ba?" wala sa sariling tanong ko sabay bukas sa chips at dumukot ng konti. 

I'm on diet at alam kong bawal 'to sakin. Pero si Aiah naman ang nagbigay kaya ayos lang.

"Ang OA mo, swear." 

Wow. Nagsalita ang hindi. 

"Magiging maayos naman siguro ang lahat kapag pumayag kang maging endorser nila." dagdag pa nito kaya inis ko siyang binalingan.

"Paano magiging maayos ang lahat kung ang hinayupak na 'yon ang boss?" tanong ko sabay subo ulit sa chips.

"What's the big deal? Naka-move on ka naman sa kanya diba?" saglit akong napahinto dahil sa sinabi niya. 

Matagal na akong naka-move on pero hindi pa din tama 'to. We shouldn't be seeing each other now dahil ganon naman talaga ang ginagawa ng mga mag-ex.

"Ang sakin lang naman, paano kung malaman niyang anak niya si Rasheen?" 

Ginawa kong rason ang anak ko dahil ayokong pagdudahan ako ni Aiah na baka hindi pa nakaka-move on.

"Natatakot ako, Aiah. Baka bigla niyang kunin sakin ang anak ko at ilayo." dagdag ko sabay higa sa sofa at muling kinain ang chips.

May parte din sakin na mangamba sa posibleng gawin ni Spruce, oras na malaman niyang may anak kami. Nakita ko kung paano siya magalit lalo na noong pinagtabuyan niya ako. Ginamit niya lahat ng mga koneksyon niya para lang hindi ako makita at hindi na makabalik sa industriya.  Mabuti na lang at nakilala ko si Aiah. She's the reason kung bakit ako nakabalik sa dati kong trabaho. Ang ipinagtataka ko lang, pagkatapos ng ilang taong naming hindi pagkikita, heto siya ngayon at umaaktong parang isang malaking kahibangan ang nakaraan naming dalawa. 

"Trust me, hangga't hindi mo sinasabi sa kanya na siya yung ama, wala tayong magiging problema." sagot ni Aiah kaya pinagtaasan ko siya ng kaliwang kilay.

Woah. Coming from her? Siya nga 'tong walang preno ang bibig kaya ako nabuking ni Spruce. Now tell me, dapat ko pa bang paniwalaan ang suhesyon ng manager ko?

"Paano kung magtanong siya kung sino ang ama ng bata? Anong sasabihin ko?" tanong ko ulit without minding her suggestion.

Sinisigurado ko lang na hindi na ulit ako maaberya sa pangalawang pagkakataon. Baka ma-hotseat ako kung sakali man.

"Ano ba namang klaseng tanong yan, Rasheeqa? As if naman na may pakialam si Spruce sa anak mo. Halata naman na wala ding pakialam sayo yung tao dahil yung kontrata lang ang habol niya sayo. Naiintindihan mo ba 'ko?" 

Okay. She has a point. 

"Atsaka huwag mo nang isipin ang lalaking 'yon. Mag-focus ka na lang sa sarili mo dahil baka kung ano na namang katangahan ang gagawin ng magaling mong pinsan na si Anastasia."

I hopelessly sighed in disbelief. Bakit ang dami ko yatang problemang kinakaharap ngayon? I should be celebrating my success dahil sa isang movie na natapos ko, pero bakit ganito ang nangyayari?

"May tao yata sa labas." puna ni Aiah na busy sa kakakain ng chips habang nanonood ng 'talk show' sa TV. 

Napakunot naman ang noo ko at maya-maya'y narinig kong may nagdo-door bell sa labas. Lumabas ako para tingnan kung sino ang nasa labas at nakitang may nakaparadang puting Mercedes-Benz sa labas ng gate.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalabas sa left door ang may-ari ng kotse. 

"I already told you na mag-uusap tayo." sagot ni Spruce at sumandal pa sa kanyang kotse. Nakahalukipkip siya ngayon na para bang pa-cool na nagmomodel sa isang kotse. 

"P-Paano mo nalaman ang address ko?" tanong ko sabay iwas ng tingin. I can't stand seeing him in his blacksuit tapos may pasandal-sandal pang nalalaman. 

May sense naman siguro ang tanong ko diba?

"I have my ways. Sakay na." cool niyang sagot.

"Tsk." 

Tinalikuran ko siya bago pa 'ko hindi makapagtimpi sa kapreskuhan niya. Bumalik ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Nagpalit ako ng hoodie jacket at sinuot ang mask at shades.

"Aiah, aalis muna ako."

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at kaagad na lumabas. Sinuot ko ang hood ng jacket tsaka binuksan ang gate.

"Masyado mong binalot ang sarili mo." 

I just rolled my eyes at hindi siya sinagot. Binuksan ko ang backseat door nang bigla siyang magsalita.

"Dito ka umupo sa passenger seat." sabi niya pero hindi ko pa din siya sinunod at pumasok na lang ako sa loob.

"Dito na ako." sabi ko pagkaupo

"Do I look like a driver? Lumipat ka na dito." magkasalubong ang kilay nitong utos. 

I have no choice kaya padabog akong lumabas at pwersahang isinara ang pinto tsaka inis na pumasok sa passenger side. Nakita kong ngumisi muna siya bago sumakay kaya napairap na lang ako. 

Nagsimula na siyang mag-drive at wala na ding may nagsalita samin. Pareho kaming tikom ang bibig at walang balak na basagin ang katahimikan. Hanggang na-realize kong medyo pamilyar sa akin ang dinadaanan namin.

"Anong gagawin natin dito?" tanong ko 

"Sinabi ko na sayo kanina na magkikita kami ni Rasheen." 

What? Hindi siya nagbibiro?

Pumarada kami medyo malapit sa gate ng eskwelahang pinapasukan ng anak ko. Saktong lunch break na nila ngayon kaya marami na din ang mga batang nagsisilabasan.

Binaba ko ang car window nang makita ang anak ko na kakalabas lang sa gate. Kumaway ako pagkatapos kong tanggalin ang suot kong shades at mabilis namang tumakbo papunta sakin si Rasheen. Nang balakin ko na sanang buksan ang pinto ng kotse, pinigil ako ni Spruce tsaka umiling.

"Stay here. Maraming tao sa labas."

Okay. 

"Wait. I know you." dinig kong sabi ng anak ko habang papalapit sila dito sa kotse.

Binuksan ni Spruce ang backseat door at inalayang makapasok ang anak ko. Napatingin ako sa rearview mirror at nakitang magkalapit ang dalawa. Nakangiting inaayos ni Spruce ang seatbelt ni Rasheen at nakabusangot naman ang anak ko dahil sa ginagawa niya.  

Aren't they cute— Oh crap that. Tssk 

"Yeah. We met yesterday, right?" sabi ni Spruce kaya binalingan ko silang dalawa.

They met yesterday? How come? Kasama ko si Rasheen  kahapon at sinama ko pa nga siya sa KBC network dahil nagyaya siyang mag— wait. Don't tell me na nagkita sila sa working place ko habang may inaasikaso ako? 

"Why are you with him, mom? Don't you know that he even called you a wench?" sabi ng anak ko kaya napatingin naman ako kay Spruce na kakaupo lang sa driver's seat. 

"I didn't mean it. Swear." nanlalaki ang mga matang sabi niya sakin at itinaas pa ang kanang kamay na para bang nagsasabi siya ng totoo.

Tssk. Isip bata.

"You mean it and I will never forgive you." giit ni Rasheen na nakapagpatawa kay Spruce.

Natatawa siya? Bago yan ha. 

"That was some sort of a joke, sweetie. Don't take it seriously." natatawang usal nito.

"Hmp." 

Medyo nasu-suffocate ako sa sagutan ng dalawang 'to. Sa totoo lang hindi ko ma-imagine dati na magkikita silang dalawa. At mas lalong hindi ko akalain na masasaksihan ko ang pagbabangayan nilang dalawa. 

Geeez. Paano na lang kung malaman nila ang karapatang pinagkait ko sa kanilang dalawa?

Muling tumahimik ang loob ng kotse dahil hindi na din nagawang sumagot ng anak ko. Muling nagmaneho si Spruce at habang nasa kalagitnaan kami ng byahe ay bigla siyang nagsalita. 

"So you had a relationship with Paul after we broke up?" pagbasag niya sa katahimikan dahilan para mapabaling ako sa kanya.

Bakit niya naman  naisip 'yon?

"If I am not mistaken, He is the father of Rasheen, right?" tanong pa niya

Medyo nasamid yata ako sa sarili kong laway dahil sa narinig. Nakita kong saglit siyang napabaling sakin at muling itinuon ang atensyon sa daan.

"Daddy Paul is not my Dad." 

Tuluyan na nga akong naubo nang sumali sa usapan si Rasheen. Manang-mana talaga 'to kay Aiah.

Pinapahamak nila ako. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status