Share

VII. Face to Face

"Kanina ka pa hindi mapakali, ayos ka lang ba?" Hinawakan ako ni Maple sa kamay nang mapansin marahil niyang hindi ako kumikibo.

"Naiinitan ka pa rin ba, Eli? Kasi ako, parang init na init na eh." Nanlalanding sabi naman ni Chu na halatang nag-eenjoy sa presensiya ng katabi niya.

Sinenyasan ko itong manahimik pero tila naman nananadya itong lalong inilapit pa ang sarili sa katabi. Mabuti na lang rin at ayos lang iyon kay Jae, wala naman kaming narinig na pag-angil dito kahit pa panay ang pagdiga ni Chu sa kanya. In fact he was all for it, game siyang nakipagkwentuhan rito kahit oa ng personal na mga bagay.

Tinignan ko si Maple at saka ako ngumiti. Hindi na sana ako magsasalita pa ngunit bigla kong nabali iyon dahil sa narinig kong turan ni Jae kay Chu nang tanungin siya nito kung may girlfriend na siya.

"I don't have one right now, pero kung papayag iyong kausap ko. Baka magkaroon na ako very soon." He said teasing me with his gaze and smiles.

"At sa tingin mo naman papayag siya?" sinandiya kong maging sarcastic, para maramdaman niyang hindi ako nag-eenjoy sa presensiya niya. I wanted him gone, kahit pa may utang na loob ako sa kanya sa pagkakaligtas niya sa reputasyon kom

"Hindi naman ako papayag na ganon na lang iyon after ng nangyari."

"May nangyari ba talaga?"

"Ayaw mong maniwala?" Diretso niya akong tinanong na siya namang ikinagulat naming lahat, lalo na ako.

I was about to answer back ngunit biglang sumingit si Maple at Chu na halos sabay pang nagsalita.

"May nangyari na sa inyo?"

I was in total shock, nawala sa isip kong hindi lang pala kaming dalawa ang naroon dahil nagingibabaw ang pagkainis ko sa kanya. The fact na hindi niya sinasabi sa akin ang totoong nangyari noong gabing magkasama kami matulog ay lalo namang nadaragdagan ang bwisit ko sa buong pagkatao niya.

"W-wala!"

"Yes!"

Napabaling ako ng tingin kay Jae nang marinig ko ang sinabi niya na halos kasabay lang ng pagtanggi ko. Nakita kong nagbago rin ang itsura nila Maple at Chu na parehong biglang napainom ng beer mula sa mga hawak nilang baso.

"A-ang init nga 'no? K-kukuha muna ako ng yelo," sabi pa ni Chu sabay tayo at alis sa mesa kung nasaan kami.

Nanunukat naman akong tinignan ni Maple bago ito nagpaalam na pupunta saglit ng banyo. Binulungan pa niya ako bago umalus tapos ay nagpaalam ito kay Jae na diretso lang na nakatingin sa akin.

Hindi ko na pinalampas pa ang pagkakataon para komprontahin siya, gusto ko siyang batuhin ng boteng nasa harapan ko at higit sa lahat ay gusto ko siyang tanungin nang mga oras na 'to.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo sinabi iyon?"

"Nagtanong sila eh."

"Bakit sinabi mong oo? Hindi ko nga alam kung may nangyari ba talaga sa atin."

"Paano mo nga malalaman eh lasing na lasing ka?"

Sinubukan kong kumalma lalo na at may ibang tao sa paligid namin. Mabuti na lang at bahagyang malakas ang tugtog sa paligid pero ipinagpapasalamat ko ring naririnig niya pa rin ako at ang mga rant ko sa kanya.

Ilang mga salita pa ang sinabi ko ngunit para na siyang bingi na kunwari ay hindi na ako marinig. He even made it look like the sound around is too loud for him to hear me, bagay na lalo kong ikinabwisit.

Tatayo na sana ako at lalapitan siya nang sabay na dumating suna Chu at Maple na nagtatakhang nakatingin sa amin. Hindi ko na natuloy ang balak ko at bumalik muli sa pagkakaupo. Diretso ko siyang tinignan, nagbabanta iyon na tila ba sinasabi sa kanyang humanda siya kapag kami na lang dalawa.

"Okay ka na ba, ghorl? Kumalma na ba iyang pagkatao mo?" nilapitan ako ni Chu at saka ako binulungan sabay ngisi.

"Ha?"

"Nakita kita, gigil na gigil ka."

"Magtigil ka diyan. Don't tell me naniniwala ka sa isang iyan." binulungan ko siya pabalik, kinukumbinsi na sa akin siya maniwala.

"Between you and him, mas mukhang sa kanya ang bet ko, friend." he even told me that while giving me a grin.

Gusto kong mainis pero hindi na ako nag-abala. Tinignan ko si Maple, nagbabakasakaling makuha ko ang simpatya niya ngunit nanunuring tingin lang ang ibinato niya sa akin. She's telling me as if marami akong dapat na sabihin sa kanya.

Nakuyom ko ang parehong palad ko, lalo lamang humigpit iyon nang makita ko si Jae na nakangising nakatingin sa akin, nang-aasar at nang-iinsulto.

Ngumisi ka hanggang gusto mo. Sa loob-loob ko habang pinagmamasdan siya.

I hate this, I hate being cornered at lahat ng ito ay kagagawan niya. Ng abnormal na lalakeng ngayon ay kaharap ko.

Gusto kong magsising tinulungan ko siya noong gabing muntik na siyang pagkaisahan nina Gim at Cris. Walang ibang dapat sisihin  sa problema ko ngayon sa kanya kung hindi ako.

Pero may araw talaga siya.

"H-hindi pa ba tayo uuwi, m-may pasok pa tayo bukas." Kunwari ay yaya ko kina Chu at Maple para lang mailayo ang mga sarili namin kay Jae.

Saka ko na siya haharapin, saka na kapag kami na lang dalawa. I was waiting for Chu and Maple's reply pero tinignan lang nila ako at nakuha ko na ang ibig sabihin noon.

"Sorry, ghorl. Masyado pang maaga at saka nakakilala ako ng mga boys doon sa kabilang side kanina, the wanted me to join them kaya I am afraid hindi muna ako makakauwi." si Chu ang unang kumausap sa akin. Napaisip ako, as usual, ano ba namang aasahan ko sa kanya gayong nuknukan ng rupok ang isang 'to.

Bumaling ako kay Maple, lihim akong nakiiusap na magyaya na siyang umuwi ngunit nalaglag na nang tuluyan ang balikat ko nang umiling ito sa akin.

"Hindi ka pa rin uuwi?"

"Uuwi na pero may dadaanan pa ako."

"Sasamahan na lang kita." hinawakan ko pa ang kamay niya para lang pumayag siya pero marahan niyang pinalis iyon.

"Hindi pwede, dadaan ako sa papa ni Luie. Nakalimutan kong ngayon pala niya ibibigay iyong sustento ng bata para sa susunod na buwan." Then she turned to Jae na siyang ikinagulat ko, lalo namang nanlaki ang mga mata ko nang ibilin ako nito sa lalake na para bang nagbibilin ng batang iiwan ng nanay.

"JYB, pwede niyo po bang isabay pauwi 'tong kaibigan namin. Baka kasi kung saan pa 'to makarating kung uuwi siya mag-isa."

"Kaya kong umuwi mag-isa. Hindi ko kaila-"

"Sure, pauwi na rin naman ako. Idadaan ko na lang siya sa bahay niya."

"Okay," tapos ay muling bumaling si Maple sa akin. "Mag-iingat ka, hmm? Noong huling umuwi ka ng lasing, muntik na kitang sunduin sa presinto kaya magbehave ka."

"Hobby mo na pala iyon 'no?"

Tinignan ko lang siya ng masama dahil wala na akong magawa pa. Umalis na rin ako sa lugar na iyon pagkalabas ni Maple, minadali ko pa ang paglakad para hindi niya ako masundan ngunit sa huli ay naabutan pa rin niya ako.

"Saan ka sa tingin mo pupunta?" hinawakan  ako ni Jae sa kamay para pigilan ako at saka niya ako hinarap.

"Uuwi, saan pa?"

"Ihahatid na kita."

"Hindi naman ako tanga para hindi makauwi sa amin ng mag-isa."

"Sinabi ko bang tanga ka? Ihahatid lang kita, huwag kang assumera." He held my hand and slightly dragged me towards his parked car at the corber of the street.

Nagpumiglas ako ngunit sadyang naging malakas siya kesa sa akin. "Remember the last time na hinayaan kita? Muntik ka nang maging social media sensation, sa tingin mo ba kapag hinayaan kita ngayon makakauwi ka ng matino?"

"Akala mo naman kung sinong super hero 'to. Kaya kong umuwi mag-isa, hindi ko kailangan ng tulong mo." Pagkasabi noon ay mabilis kong pinalis ang kamay niyang nakahawak sa akin at saka ako naglakad papalayo.

May ilang hakbang na ang layo ko sa kanya nang mapahinto ako sa nakita kong naglalakad sa harapan ko.

It was him, ang lalakeng isinumpa ko na ng ilang libong beses pero hindi pa rin maalis sa sistema ko, ang lalakeng dapat ay pakakasalan ako.

Sinubukan kong umiwas ngunit huli na dahil nakita na niya ako, hindi ko na sana siya papansinin pa at kunwari ay hindi ko siya napansin ngunit bigla akong tinawag ng kasama niya.

"Eli, is that you?" maarteng tanong pa nito sa akin.

Wala na akong lalong nagawa nang lapitan nila ako at kausapin, kingina, kailangan kong makipagplastikan sa dalawang ito kahit na hindi ko pa rin nakakalimutang sila ang nanloko sa akin.

"O-oo, ako nga." sabi ko pa sabay ngiti sa kanilang dalawa. "Kayo pala iyan, sa dinami-dami naman ng makikita 'no, kayo pa talagang dalawa."the I whispered. " Kapag minamalas ka nga naman."

"Ano iyon? May sinasabi ka ba, Eli?" si Ryan ang sumunod na nagtanong na siya namang mabilis kong sinagot.

"Naku, wala! Wala, ang sabi ko what a small world. Akalain niyong dito pa tayo nagkita-kita."

"Oo nga, how are you? I hope you're doing okay already. Its been six months, sana let by gones be by gones."

Eh kung sprayan ko kaya ng baygon iyang pagmumukha mong hayop ka. Sa isip ko ay pinatay ko na siya ng ilang ulit pero kailangan kong kumalma habang kaharap sila. I don't wanna look stupid in from of them, ayokonv magmukhang hindi pa naka-moved on kaya kailangan kong pigilan ang inis ko.

Kahit pa sa totoo lang ay gusto ko na silang bulayawan.

Ipinagpasalamat kong konti pa lang ang nainom ko kanina, kung hindi ay baka may maging eksena na naman sa pelikula ang ending ng gabi ko ngayon.

"What are you doing here? Ikaw lang ba mag-isa?" Muli akong kinausap ni Kim sabay angkla ng braso nito kay Ryan, abat talagang nanadya pa ang bruha.

I stay calm, pinilit kong huwag pansinin inis at pang-aasar na dala ng pagmumukha nilang dalawa. I have to look okay, I have to be okay.

Nag-isip ako ng pwedeng gawin at sabihin, naalala ko si Jae na ilang hakbang lang ang layo sa akin. Mabilis ko siyang binalikan at alam kong hinabol ako ng tingin nila Ryan at Kim nang bigla ko silang iniwan.

"Mamaya ka na umuwi." sabi ko sa lalake sabay hila sa braso nito.

"Oh, anong masamang hangin ang nagpabago sa isip mo? Akala ko ba ay ayaw mong sumabay."

"Huwag ka nang magtanong, sumakay ka na lang."

Itinuro ni Jae ang kotse niya sabay sabing..."Pasakay na nga ako, pinigilan mo lang ako, hindi ba?"

"Ibang sakay iyong tinutukoy ko."

Gumuhit naman ang pilyong ngiti nito sabay halukipkip sa magkabila niyang kamay. Bago pa man siya mag-isip ng kung ano-ano ay hinila ko na siya papalaput kina Ryan sabay kapit sa braso niya. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya pinalis niya ang kamay ko at saka ako inakbayan.

"Sino siya, Eli?" Otomatikong nagpalit ng tono ng boses si Kim pagkakita kay Jae. Umalis rin ito sa pagkaka-angkla kay Ryan sabay hawi ng ilang hibla ng buhok nito sa tenga.

Harot!

Magsasalita na sana ako para ipakilala siya ngunit bigla akong inunahan ni Jae. He even extended his hand para kamayan ang mga ito while introducing himself to them.

"Jae Yuri Brillante." he said to the politely.

"Of the Brillante Corporation?" excited na dugtong ni Kim. Hindi nito maitago ang tuwa lalo na nang abutin nito ang kamay ni Jae.

"Yeah, how did you know?"

"I work at one of its affiliates and I've been wanting to meet you. Hi, I am Kimberly San Juan. Kim na lang for short."

"Hi Kim, and you?" binalingan niya si Ryan pagkatapos para makipagkamay rito.

"Ryan Manansala, Atty. Ryan Manansala."

"Of the Manansala and San Diego Associates, tama?"

Kingina, magkakakilala ba sila?

Nakatanga lang ako sa kanilang tatlo, mukha namang okay lang sila pero hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa dalawang kaharap ko. I am looking at them as if my blood has reached its boiling point. Hindi ko nga namalayang napahigpit na pala ang hawak ko sa braso ni Jae, naramdaman ko na lang na marahan niyang pinisil ang balikat ko.

"Yes, I am the son of one of the lead partners there."

"I see," tumango-tango pa siya pagkatapos.  "And I see that you two knew my girlfriend, Eli."

"G-girlfriend?" hindi makapaniwalang sabi ni Kim. She even looked at me, mocking me as if hindi siya naniniwala sa sinabi ni Jae sa kanila.

Gusto ko ring masamid pero pinigilan ko dahil sa totoo lang ay iyon rin naman ang gusto kong sabihin niya.

"I never thought that you're Eli's new man." si Ryan naman ang nagsalita habang nakatingin sa akin. "Ang alam ko kasi ay single ang tagapagmana ng Brillante Corporation."

"Hindi ako na-inform na may pagkatsismoso ka pala." kunwari ay natawa pa ako para itago ang inis dito. "Joke lang, ang ibig kong sabihin eh bakit naman. Hindi ba ako pwedeng magka-boyfriend?"

"Hindi naman, I just never thought that you will be introducing him to me this early."

Ikaw nga tayo pa lang may bago ka na eh. Kapal neto.

I smiled again as I looked at Jae, pinandilatan ko siya ng mata as if sinasabi sa kanyang sakyan niya ang lahat ng sasabihin ko.

And to my surprise ay nakuha naman niya iyon.

"I don't brag about it, we just want to keep the relationship private as much as posible. Hindi ba, babe?"

Jusko po Panginoon, patawarin Mo po ako.

"Babe?"

"Oo, hindi ba? Babe?"

"Ah, babe. Tama, we want to keep it as private as possible. Medyo mahirap kapag nalaman ng iba iyong about sa amin, alam niyo na."

"Yeah, isa pa we just started. Mahirap namang mapre-empt, hindi ba?"

Tinignan ko si Kim at Ryan na bakas pa rin sa mga mukha ang pagdududa. Kailangan namin silang makumbinsi kaya naman kumilos na ako, bahala na si batman.

I faced him, smiled at him then gave him a peck on the lips na siyang ikinagulat ng lahat ng naroon, maging si Jae.

"What's that for?" Kunwari ay tanong pa niya sa akin.

"W-wala, I just wanted to kiss you. I can't help it, masyado kang charming." Muntik pa akong mainis lalo na nang lumapad ang pagkakangiti niya.

"I am sorry about that,"  binalingan ni Jae ang dalawa. "We have to go, mukhang masyado nang maraming nainom itong girlfriend ko but it was nice meeting you both."

"Same here, ingat kayo." I can hear dismay on Kim's voice, alam kong type niya si Jae. Alam ko iyon dahil pinagmasdan ko siya kanina at kung paano niy ito tignan.

Sa kabilang banda ay may naidulot rin namang ganda ang pang-aasar ng taong ito na nagamit ko pa sa ex ko. Gusto siyang pasalamatan habang naglalakd kami pero bago ko pa man magawa iyon ay narinig ko na siyang nagsalita.

"So babe, saan tayo pupunta? Your place or mine?"

"Siraulo mo, huwag kang feeling." bulong ko pa rito habang papalapit kami sa kotse niya.

"Oh huwag kang magpahalata, kunwari sweet pa rin tayo dahil nakatingin pa rin sila sa atin."

"Pasalamat ka, dahil kung hindi... kanina ka pa nasikmuraan."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status