"How's your lunchdate with GM, my beautiful friend?" nanunuksong sabi ni Chu nang lapitan niya ako sa mesa ko.
Mag-aalas singko na at kanina ko pa sila hinahagilap ni Maple pero hindi ko sila makita kung saan.
"Edi kumain kami, iniwan niyo kasi ako. Alam mo bang sinabi ko sa kanya na I am having a lunch out with you, tapos bigla niyo akong iniwan."
"It was all Maple's idea." sumbong ba nito para linisin ang pangalan niya. "Pero okay na rin naman para magka-chance kayo ni GM to have some alone time."
"Alone time ka diyan, nagyaya lang maglunch out iyong tao kaya huwag kang assumera, friend."
"Hindi ako nag-aassume, ayoko lang na nadedehado si papi Jae."
"P-papi Jae?" tinignan ko pa si Chu upang sigiruhin kung tama ba ang narinig ko. Kung iyon ba talaga ang sinabi niya.
"O bakit ganyan ka makatingin?"
"Ewan ko sa iyo. Uuwi na ako, huwag kang magulo
"Sasama ka rin naman pala ang dami mo pang sinasabi kahapon." nang-aasar na sabi sa akin ni Jae habang papunta kami sa opisina niya.Doon ang meeting place ng mga empleyadong sasama sa team building ng JYB Interiors. Nabungaran ko kanina si Jae nang maalimpungatan akong may kumakatok sa pintuan ng bahay ko, napagsarhan ko pa siya ng pintuan kanina dahil sa itsura ko na nakapajama lang at gulo-gulo pa ang buhok nang makita niya."Wala na po akong choice kamahalan, nasa bahay ka na po eh. Nakakahiya namang paghintayin ka pa." sarkastikong sabi ko naman sa kanya habang iniirapan siya.Sa totoo lang ay kagabi pa niya ako kinukulit at wala akong isinagot dahil ayoko ngang sumama, dahil alam kong wala naman akong gagawin doon at lalong wala naman akong kilala sa mga empleyado niya maliban na lang doon kay Kim at kay Ryan na hindi rin naman ako interesadong makasama.Pero sa huli ay hinayaan ko na lang rin, pinagbigy
"Hoy, mamsh! Kanina pa ako daldal nang daldal dito pero wala ka man lang reaksyin diyan." biglang nabalik sa reyalidad ang diwa ko nang marinig kong nagsalita si Chu.Nakatingin siya sa akin at marahil ay hinihintay na pansinin ko siya, hindi ko alam kung ano na bang pinag-uusapan namin at hindi ko rin halos narinig ang lahat ng mga sinabi niya kaya sa huli ay bigla na lang akong napatango."Oh, anong tinatango-tango mo riyan? Naintindihan mo ba iyong sinabi ko kanina?"Umiling ako upang sagutin ang tanong niya na siya namang medyo ikinainis nito. Naglatuloy si Chu sa pagsipsip ng juice sa mula sa maliit na straw na nasa bibig niya at saka muling inulit ang mga sinabi niya sa akin."Sabi mo kanina na sinabi na niya sa iyo na gusto ka niya. Eh sino ba iyon?""Ha? May sinabi ba akong ganon?""So bingi ako, ganon ba? Aba'y oo, narinig kong bumulong ka kanina. Ang sabi mo pa nga," u
We are all settled at nasa kwarto na rin ang mga gamit ko. Pagdating namin sa resort kanina ay isa-isa nang nagpuntahan ang mga emplyedo sa mga assigned rooms nila at para saglit na magpahinga bago magsimula ang team building activities ng mga ito mamayang alas kwatro.Everyone is sharing with someone sa kwarto pero ang ipinagtatakha ko ay tig isa kami ng kwarto ni Chu."Mamsh, grabi naman si papa Jae. Pwede namang magkasama naman tayo sa kwarto, pinaggiwalay pa tayo.""Lalake ka pa rin, baka ayaw niyang makitang magka-""As if namang type kita, jusmiyo. Kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo hindi kita pagsasamantalahan 'no." Hindi pa ako natatapos magsalita ay sumingit na ito at kinontra ang sasabihin ko.Bahagya pa akong natawa dahil naimagine ko ang itsura ni Chu na nasa kabilang linya."Wala naman akong sinabing pagsasamantalahan mo ako."
I was sitting right beside Chu and the girl named Lauren was sitting in front of him, napakaamo ng mukha niya at mala-anghel ang itsura, bagay na siyang nakakapagpahinto sa akin para titigan siya.Pero sino nga ba siya? At bakit ba may pakiramdam akong parang ayaw rin niya kina Kim at Ryan, base na rin sa maging reaksyon niya kanina."Sorry sa pagsabat kanina, pero what I will not say sorry too is the thing that I said earlier. I saw how Kim bullied you, she must have been out of her mind para gawin ang bagay na iyon.""Exactly," si Chu ang nagsalita at sumegunda rito. "Magkakasundo tayo girl, hindi ko rin gusto ang tabas ng dila at hilatsa ng mukha ng babaeng iyon. Masyado siyang nakakainis." Tapos ay tinignan niya ang babae, tumingin siya sa akin at saka muling bumaling dito. "Pero teka, matanong ko lang, kalaban ka rin ba nila? I mean, did they do anything bad to you?"Umiling lang ang dalaga sabay inom
"Eli, are you ready?" Hindi ko namalayang tinatanong na pala ako nang ka-teammate naming si Lloyd na parte ng legal department ng kompanya ni Jae. All of them were looking at me as if they are waiting for my response sa tanong niya sa akin, kaya nama wala sa loob na napatango na lang ako. Abala akong nakatingin sa gawi ni Chu kung saan malapit lang dito ay naroon si Lauren. Muli kong naalala kung paano ako pinagbawalan ni Jae na lapitan siya pero hindi naman niya sinabi ang dahilan kaya imbes na malinawan ay lalo lang dumami ang tanong sa isip ko. "Eli, focus. Baka mauna ka pang ma-out diyan dahil kung saan-saan ka nakatingin." Mayamaya pa ay saway sa akin ni Jar nang marahil ay mapansin niyang pre-occupied ako. Gusto kong sabihing kasalanan niya iyong ngunit sa halip na gawin iyon ay tumango na lamang ako. Wala sa loob na napatingin ako sa makakalaban namin at nakitang naroon sina Kim at Ryan. Tinignan ko
Hindi siya nagbibiro... pero bakit?Nasa kwarto na ako at nagpapahinga, hinatid ako roon ni Jae matapos magamot ang sugat ko sa clinic at hindi na pinalabas pa.I was insisting na okay na ako at pwede na akong bumalik kung saan nagaganap ang team building games nila ngunit hindi na niya ako hinayaang bumalik pa roon. Sa halip ay inihatid niya ako ng diretso sa kwarto at sinabihang huwag na muna akong lumabas."Listen to me, Eli. Huwag matigas ang ulo mo, baka mamaya lang paglabas ko makita na kita ulit doon sa field.""Hindi nga!" Paulit-ulit naman 'to. Itinaboy ko na siya palabas dahil naririndi na ako sa mga paalala niya pero bago pa siya tuluyang makaalis ay muli na naman niya akong binalinga."I am watching you, I don't want to see you roaming around. Magpahinga ka muna rito, susunduin kita mamaya for dinner.""Ginagawa mo na naman akong bata."
Natapos ang weekend ko nang ganoon-ganon na lang. Hindi ko na nakita pa si Kim at Ryan kahit pa noong bumalik ako sa kwarto kasama si Jae, matapos ang hapunan ay nananatili na ako sa silid ko at hindi na ako muling lumabas pa.Hindi na niya ako hinayaang makihalubilo sa iba dahil baka raw mapano pa ang sugat ko, kaya naman sinamahan niya ako sa kwarto at sinigurong mananatili ako roon. Nilinisan rin niya ang sugat ko at pinalitan ng benda bago niya ako tuluyang iniwan para magpahinga.Kinabukasan naman ay maaga kaming umalis, hindi na rin kami sumabay sa bus dahil sinundo si Jae ng driver nito at wala na akong nagawa pa nang isama niya ako roon. Samantalang si Chu naman ay sa bus na sumabay."Bakit hindi tayo sumabay sa bus, isa pa, ang aga naman nating umalis. May problema ba?""Wala naman, I just need you to take a rest pagkarating natin sa bahay mo.""Bakit? May sakit ba ako?"
Eksaktong tatlong araw mula nang sumama kami ni Chu kay Jae ay nakapasok naman na ako. May galos pa at sugat ang kamay ko ngunit hindi na iyon namamaga at kaya ko nang ikilos, kaya naman kahit panay ang awat pa sa akin ni Chu ay hindi ko ito pinakinggan. Nag-asikaso na ako ng pagpapasok at maaagang nagtungo sa opisina.Nasa bukana pa lang ako ng pintuan papasok ay agad ko nang napansin ang matatalim na tinging ibinabato sa akin ni Maple. Hindi ko alam kung para saan iyon pero mukhang nahuhulaan ko na. Sa tabi naman nito ay naroon si Chu na kabaliktaran naman niya ang ipinapakita sa akin. Malapad ang naging pagkakangiti nito na siya naman ipinagtakha ko.Nilapitan ko silang dalawa paglapag ko ng bag ko sa mesa. Nakatitig pa rin sila sa akin nang may magkaibang reaksyon kaya naman ako na ang unang nagtanong sa kanila."Anong eksena ninyong dalawa?""At kami pa talaga itong may eksena? Ako nga itong dapat na magt