Share

XVI. I Like You

"Sasama ka rin naman pala ang dami mo pang sinasabi kahapon." nang-aasar na sabi sa akin ni Jae habang papunta kami sa opisina niya.

Doon ang meeting place ng mga empleyadong sasama sa team building ng JYB Interiors. Nabungaran ko kanina si Jae nang maalimpungatan akong may kumakatok sa pintuan ng bahay ko, napagsarhan ko pa siya ng pintuan kanina dahil sa itsura ko na nakapajama lang at gulo-gulo pa ang buhok nang makita niya.

"Wala na po akong choice kamahalan, nasa bahay ka na po eh. Nakakahiya namang paghintayin ka pa." sarkastikong sabi ko naman sa kanya habang iniirapan siya.

Sa totoo lang ay kagabi pa niya ako kinukulit at wala akong isinagot dahil ayoko ngang sumama, dahil alam kong wala naman akong gagawin doon at lalong wala naman akong kilala sa mga empleyado niya maliban na lang doon kay Kim at kay Ryan na hindi rin naman ako interesadong makasama.

Pero sa huli ay hinayaan ko na lang rin, pinagbigy

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status