Share

Missing Piece (Part 6)

"Okay. Today, you will write an essay about Freud's Psychosexual Theory. Explain each stages. The Oral stage, Anal Stage, Phallic Stage, Latency Stage and Genital Stage" explain ni Zidane sa gagawin nila.

"Bakit naman essay. Mahina ako sa essay" bulong na reklamo ni Anthony. Siniko naman siya ni Daniella as a sign na dapat siyang manahimik.

"Napano ka?" nainis naman lalo si Anthony.

"Shhhh. Quiet please" nag-iikot-ikot si Zidane para tignan ang ginagawa ng lahat. Medyo nagtagal siya sa pwesto ni Skyler. Strength ni Skyler ang essay at alam na alam niya yung topic kaya madami itong naisulat. Sa tuwa ni Zidane ay pasimple niya itong hinawakan sa balikat.

Alam ni Skyler na ito yung way ng pagsabi ni Zidane ng "you are doing great" kaya napangiti ito.

Dahil simpleng gesture lang yun a hindi siya madaling mapapansin ng iba pero napansin ni Jaspher ang ngiti ni Skyler.

Akala ko ba ayaw niya kay sir Cortez?

Nang magpapasa ng papel. "Ang dami mong nasulat hah? Nareview mo ng maigi ito?" tanong ni Zidane.

Tumango si Skyler. Hindi ito sumagot by word pero halata sa kanya na natutuwa siya sa pagpansin ng teacher nila sa kanya.

Na-weirduhan talaga si Jaspher dahil yung way na kausapin siya ni Zidane ay malambing.

Parang kamakailan lang palagi silang nag-aaway. Nagflashback sa kanya yung karoommate ni Skyler na kaboses na kaboses ni Zidane.

****

Pagdating ng break nila. Lumapit si Jaspher kina Nathan at Skyler. "May itatanong ako sayo?" nakatingin ito kay Skyler.

"Yung kasama mo sa bahay. Posible kaya na si Sir Cortez yun?" paghihinala nito sa kanya.

Nagulat si Sky sa tanong nito. Kahit si Nathan ay nagulat. "Talaga? Magkasama kayo ng bahay ng teacher naten?"

"Ano bang iniisip niyo. Syempre hindi. Bakit naman ako makikitira sa teacher naten" pero sa totoo lang kinakabahan siya na mabisto ng mga kaibigan.

Napaisip si Nathan "Sa bagay. Bakit mo naman kase naisip yun?" baling nito kay Jaspher.

"Kaboses niya kase yung kagabi. Yung kumakausap sayo habang kacall kita"

"Magkaboses lang sila pero magkaibang tao sila" pagsisinungaling nito.

Natigilan sila ng magkaroon ng ingay sa may pintuan ng classroom nila kaya napatingin sila lahat doon. Nandoon ang classmate nilang si Archie kaharap niya ang isang babaeng accountancy student. Nag-aabot ito ng love letter kay Archie.

"Ang swerte naman niya" narinig nilang sabi ni Ivan mula sa di kalayuan.

Natigil ang mundo ng lahat sa isinagot ni Archie sa babae "Pasensya na pero hindi ko matatanggap yan lalo na ang feelings mo"

"Seryoso?" gulat na sabi ni Skyler. "Bago to hah. Walang babaeng pinapalampas yang si Archie diba? How come ni-refuse niya yung babae?"

"Nakakapagtaka nga" dagdag ni Nathan.

"Pero sabi ni Nikko single ka ngayon" naluluhang tanong ng babae.

"oh tapos? Hindi ibig sabihin nun available ako. Umalis ka sa harapan ko" hindi rin maipaliwanag ng mga kaklase nila bakit ang sungit niya ngayon. Lagi siyang sweet lalo na sa mga babae.

Umiiyak na umalis ang babae. "Ano bang problema mo? Nag-effort siyang gawin yun para sayo. Pwede mo naman sabihan siya ng maayos" sermon ni Nikko sa kanya. Isa din sa kaklase nila.

"Tinanong mo pa kung anong problema ko? Bakit mo tinutulungan ang babaeng yun para magconfess saken?" medyo nagtaas ang tono ng boses nito.

"Hindi naman sa tinutulungan ko siya pero nakiusap lang kase siya."

"That's insensitive. Nagconfess ako sayo. Alam mo kung anong nararamdaman ko para sayo. Tapos heto ka ipagtutulakan ako sa ibang tao? Seriously?! You can reject me if you want. Pero wag mo kong saktan sa ganitong paraan" at nagwalk out ito.

Nagulat sila sa narinig nila. Si Archie na kilalang babaero sa kanila ay nagconfess ng love sa best friend niyang lalake. And the way he express his emotion ay seryosong-seryoso ito. Malayo sa Archie na kakilala nila before.

They were speechless until "Naiintindihan ko siya" singit ni Ivan na nasa tabi na nina Skyler pero sapat yung lakas ng boses niya para marinig ni Nikko. "Masakit na yung taong mahal mo ipinagtutulakan ka sa iba. Kung may gusto ka din naman sa kanya. Bakit i-pupush mo pa siya sa iba? Huwag niyong masyadong pinapahirapan ang mga sarili niyo."

Napatingin ang mga kaibigan niya sa kanya. Hinawakan siya sa noo ni Skyler. "Nilalagnat ka ba? Bakit parang ang seryoso mo"

"Parang relate na relate ka" singit ni Nathan.

Bakit hindi mo itanong

sa

kapatid mo. "Oo naman nakarelate ako dun at masakit yun"

Naalala niya ang scene kung saan inabutan siya ng letter ni Alvin na galing pala sa ibang babae.

......

Related chapters

DMCA.com Protection Status