Share

CHAPTER NINE

Abala si Calla sa kinakaing pizza na siyang pinakapaborito niyang pagkain nang biglang magsalita si Dev. Napatigil siya sa tangkang pagsubo at napatingin sa kaibigan. Kumunot ang kanyang noo. 

"So, how was your date with Alpha Cadmus?" Tanong nito sa pagitan ng pagnguya ng pizza na nasa loob ng bibig nito. 

Umangat ang kilay ni Calla. Sa pagka-ka-alam niya ay wala naman siyang binanggit dito o kahit kay Nirel tungkol sa pagyaya sa kanya ng alpha ng Black Forest na lumabas. 

Inabot niya ang baso ng juice at uminom bago sinagot ang tanong ni Dev. "Hindi ako sumama," walang pakialam na tugon niya sabay subo sa hawak na pizza at bale-wala iyong nginuya habang abala sa pagkalikot sa hawak niyang cellphone. 

Sabay na napatingin kay Calla ang dalawang kaibigan. 

"Bakit naman?" Tanong ni Nirel na puno ng pagtataka sa tinig. Napatigil pa ito sa pagnguya ng kinakaing pizza. 

Calla rolled her eyes and shrugge

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status