Share

CHAPTER TEN

"Alpha, may mga namataang dayong taong-lobo sa hilagang bahagi ng ating teritoryo. Sa ngayon ay nagmamasid muna si Brant at ang team niya. Ayon sa kanya ay wala naman daw kahina-hinalang pagkilos mula sa mga dayo. Ang nakapagtataka lang ay tila namamatiyag ang mga ito sa paligid," turan ni Finn kay Cadmus pagkaupong-pagkaupo nito sa upuang nasa harapan ng kanyang mesa.

Nag-mindlink si Finn sa kanya kanina tungkol sa mga dayong taong-lobo kaya kaagad niya itong pinareport sa kanyang opisina.

Ibinaba ni Cadmus ang hawak na ballpen at sumandal sa kanyang upuan bago tumingin sa kanyang beta.

"Dagdagan ang ibayong pag-iingat. Hindi man sila gumagawa ng aksyon pero kakaiba ang ginagawa nilang pagmamasid sa paligid natin. And make sure to tighten the security around Black Forest," ani ni Cadmus kay Finn na kaagad din namang tumango.

Tumayo si Cadmus at nagsimulang maglakad palabas ng kanyang opisina.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status