Share

Chapter 39

"Talaga po, Tito Doc?!"

Bakas na ang sigla sa mukha at ang saya sa namumugtong mga mata ng anak ko. Parang hindi ito dumaan sa malalang pag-iyak kanina kung makangiti. Mabilis ang naging kilos niya nang umalis sa pagkakahiga sa bisig ko at umupo kaya naman alisto akong umalalay sa kanya.

"Totoo pong sasamahan n’yo kami ni Mommy sa family activity ko sa school, Tito Doc?"

Hanggang ngayon ay napapailing pa rin ako sa naging tawag ng anak ko kay Kaiden. Basta na lamang niya itong tinawag ng ganoon noong minsan namin itong nakasabay sa elevator. Sinaway ko si Bennett pero sinaway rin ako ni Kaiden. Aniya ay okay lang sa kanya iyon.

Yumukod si Kaiden kaya nagkapantay sila. Isang beses niyang mahinang kinulbit ang baba ng anak ko at nakangiti itong sinagot, "Yes. Let me be your Dad for one day. If that’s... okay with you." Nagbigay pa siya ng isang sulyap sa akin bago ibinalik agad ang tingin kay Bennett.

"Okay na okay po, Tito Doc!" masiglang ani B

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status