"NGAYON ko lang nalaman ang palagi niyang pagpunta rito dahil hindi siya nasusundan ng taong pinagbabantay ko sa kanya. At hindi rin naman sinasabi sa akin ang pag-alis-alis ni Lexi kaya akala ko na palagi silang magkasama."Tulala kong natitigan ang labas ng restaurant ko. Kita ko mula sa kinatatayuan ang kotse ni Kevin sa parking lot kung saan nito hinatid si Lexi. Tuwid na nakatayo sa labas niyon ang isang matangkad na lalaki na hula ko'y bodyguard."Pasensya na, Inari! Hindi ko hinihiling na mapatawad mo siya, pero sana ay maintindihan mo pa siya kahit kaunti.""Mabuti pa puntahan mo na siya, Kevin," sabi ko nang hindi siya nililingon. Saka ko ito hinarap. Nakatungo ito. Kanina ko pa napapansin na hindi niya ako matingnan sa mga mata. "Hindi niya kailangan ng magbabantay sa kanya, Kevin. Kailangan ka ng asawa mo. Alam kong isa sa dahilan kaya ganoon ang nararamdaman ni Lexi ay dahil nasa puso niya pa rin ang takot na mawawala ka. She needed your support and love, Kev. Ibigay mo '
"INARI!" Mabilis kong naiangat ang ulo nang marinig na may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nakita ang dalawa kong kaibigan na papasok ngayon ng Library. Nakaupo ako sa dulong bahagi ng Library at may nakapatong na libro sa table na nasa harapan ko. Vacant ko ngayon at dito ko naisipang magpalipas ng oras. Pasimple akong napatingin sa mga estudyanteng napalingon din sa mga kaibigan ko dahil sa malakas na sigaw nila. Umiling-iling ang iba na para bang naiinis bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Maging ang nasa mid 30's na ginang na siyang Librarian ay masama na ang tingin sa dalawa na ngayon ay naglalakad na palapit sa akin. "Ano ba kayo? Nasa library kayo, wala kayo sa palengke!" mahina kong asik nang makalapit sila sa akin. Hindi nila pinansin ang sinabi ko at sa halip ay nakangisi silang umupo sa upuan na nasa tapat ko. Napailing ako sa kaisipang mukhang may kalokohan na namang sasabihin ang dalawang ito.
“WE’RE HERE” Karen shouted while raising her right hand. After more than an hour of driving we arrived at our destination. Nakarating kami sa isang dine and bar sa Tagaytay. Ipinark ni Karen ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas ng kotse. Dumaan pa muna kami sa isang pathway na parang bridge bago kami makapasok sa loob mismo ng bar. Inilibot ko ang paningin nang tuluyan kaming makapasok. Maraming wooden chairs and wooden tables roon. Open ang dine and bar na iyon at kitang-kita ang kapaligiran. Maraming puno ang makikita at kitang-kita rin ang sunset. Napakaganda ng kulay kahel na araw. May bubong naman kaya hindi kailangang mag-alala kung uulan anumang oras. Marami ng customers roon at mukhang may nag ce-celebrate pa ng birthday dahil may maingay na nagkakantahan ng birthday song.
"Bakit tahimik kayo diyan?"Tanong ko kina Karen at Vera na parehong nasa passenger seat. Kanina pa sila tahimik simula no'ng umalis kami sa Tagaytay. Malapit na kami sa condo pero tahimik parin sila at pareho lang silang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse."Hindi na ako makikipag blind date kahit kailan," ani Karen na hindi inaalis ang tingin sa bintana."Bakit naman?" tanong ko at sinulyapan siya sa rearview mirror. Nanatili itong nakatingin sa labas ng bintana. "Nabighani ka ba sa kagwapuhan ni Nikolaj?" nakangisi kong tanong. Muli ko siyang sinulyapan. Sa pagkakataong ito ay seryoso siyang lumingon sa akin at umalis pa sa pagkakasanda
“SA ospital na lang,” ani Vera. “Kay Tita Precious na dahil kakilala naman 'yon.” giit ni Karen. “Iyon na nga, eh! Kakilala 'yon.” nakikipagtalong ani Vera. “Eh, ano naman? Bakit, natatakot kang pagalitan niya si Inari?” Bakas na ang pagka-inis sa boses ni Karen. Matalim na ang tinging ibinibigay kay Vera. Umismid si Vera. “Ah, basta sa ospital.” Napahilot ako sa sentido at malalim na nagpakawala ng buntong-hininga. Pinag-uusapan lang nila kanina ang tungkol sa pagpapa-check up ko habang nag-aagahan kami hanggang sa magtalo na sila. Ang gusto kasi ni Vera ay sa hospital pero ang gusto naman ni Karen ay sa clinic ni Tita Precious— ang Tita niyang OB-Gyne. “Mag pe-pregnancy test na lang muna ako,” singit ko sa pagtatalo nila kaya natigil sila at sabay na nilingon ako. “Iyon na lang muna ang gagawin ko,” dagdag ko pa. Agad na tumango naman sila pareho. “Ako na ang bibili ng pregnancy test after nating mag breakfast,” presinta ni Vera. Natahimik din ang lamesa pagkatapos niyon. Nan
ILANG minuto pa akong nakayakap kay Karen habang pinapahinahon niya ang sarili. Nang lumabas si Vera sa kwarto nito ay humiwalay agad sa akin si Karen at pasimpleng pinunasan ang kanyang mukha. Ayaw ipakitan rito na umiiyak siya. Pero mukhang napansin pa rin ni Vera na may mali sa kaibigan namin. “Ano’ng nangyayari? Umiiyak ka ba?” takang tanong nito kay Karen. “Hindi, ah!” Mariing tanggi ni Karen at tumayo. “Tara na.” Kunot-noo siyang tinitigan ni Vera kaya nakangiti niya itong inakbayan bago siya bumaling sa akin. “Tara na!” masayang aniya na ikinawit sa braso ko ang isa pa niyang braso. “Alis nga!” masungit na ani Vera na tinanggal ang braso ni Karen sa balikat niya. “Para namang magkakasya tayo sa pinto nito!” “Napakasungit mo! Akala mo naman maganda ka,” nakangusong ani Karen. “Hoy, sa ating tatlo ako ang pinakamaganda. Ipagtanong mo pa,” maarteng ani Vera. She even flipped her long black hair. “Oo na. Oo na,” walang ganang ani Karen at umirap. “Palibhasa hindi ka kagandaha
"I missed you, Inari. I really do."Napangiti ako ng sabihin iyon ni Kevin pagkatapos ng mahabang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang magkayakap pa rin. Nakangiti ko siyang hinarap at nanatiling nasa balikat niya ang pareho kong mga braso. Tinitigan ko siya at wala na ang bakas ng pagkabalisa na nakikita ko sa kanya kanina. Maliit ang ngiti niya habang nakatitig siya sa mukha ko."Bakit naman kasi hindi ka man lang nagpaparamdam? Ganoon ka ba kabusy?" nagtatampo kong tanong."I'm sorry! Naging busy lang ako this past few weeks. Babawi ako," aniya na hinawi pa ang buhok na humarang sa mukha ko at inilagay sa likod ng tenga ko.
NAPALINGON ako kay Kevin nang makabalik ito mula sa kusina. Nakatingin siya sa akin at parang hindi malaman ang gagawin. Tumingin muli ako kay Lexi na malungkot na nakatitig kay Kevin bago siya muling tumingin sa akin. She was even surprised to see that I was already looking at her and she looked uncomfortable. Maybe because I caught her staring at him. "Can we talk?" tanong ko kay Lexi. Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Napasulyap pa siya kay Kevin bago humarap muli sa akin. "S-sige." Naglakad ako papunta sa nursery room. Nilampasan ko si Kevin na balisang nakatingin sa akin. Pumasok ako sa kwarto. Kasunod ko lang si Lexi at siya na ang nagsara ng pinto. Lumapit ako sa crib and I stared at the baby sleeping peacefully. Parang hindi ito ngumal-ngal kanina. Parang nag