Share

Chapter 2

“WE’RE HERE” Karen shouted while raising her right hand.

After more than an hour of driving we arrived at our destination. Nakarating kami sa isang dine and bar sa Tagaytay. Ipinark ni Karen ang sasakyan at sabay-sabay kaming lumabas ng kotse. Dumaan pa muna kami sa isang pathway na parang bridge bago kami makapasok sa loob mismo ng bar.

Inilibot ko ang paningin nang tuluyan kaming makapasok. Maraming wooden chairs and wooden tables roon. Open ang dine and bar na iyon at kitang-kita ang kapaligiran. Maraming puno ang makikita at kitang-kita rin ang sunset. Napakaganda ng kulay kahel na araw. May bubong naman kaya hindi kailangang mag-alala kung uulan anumang oras. Marami ng customers roon at mukhang may nag ce-celebrate pa ng birthday dahil may maingay na nagkakantahan ng birthday song.

“Nasaan na raw sila?” tanong ko kay Karen na inililibot ang paningin bago tumingin sa kanyang cellphone.

“Narito na raw sila, e.”

“Sino bang ka-text mo sa kanila?” tanong naman ni Vera.

“Si Long hair— ayun!” nakangiti niyang itinuro ang bandang dulo.

Sabay kaming napatingin ni Vera sa itinuturo ni Karen. May nakita akong tatlong lalaking magkakatabing nakaupo sa 8-seater wooden table. Seryoso lang akong nakatingin roon samantalang rinig ko ang impit na tili ni Vera.

“Tara!” masaya at kinikilig na sabi ni Karen. 

Sabay-sabay kaming naglakad papunta roon at nakita naman agad ng tatllong lalaki ang pagdating namin kaya sabay-sabay silang tumayo. 

“Hi!” masayang bati ni Karen sa kanila ng makalapit kami.

“Hi, girls!” nakangiting ani no’ng lalaking hanggang balikst ang buhok— ang lalaking natitipuhan ni Karen. “Kumusta ang biyahe papunta rito?” nakangiting tanong nito.

“Med’yo ma-traffic pero okay naman,” nakangiting ani Karen. Pasimple na lamang akong napapailing dahil sa hindi matanggal na ngiti nilang dalawa ni Vera.

“Yeah. Sakto kasing uwian ng mga working at friday pa. But then, thanks God na nakarating kayo ng ligtas,” sabi muli ng lalaking may mahabang buhok. “Nnyway, I’m Nikolaj Lozano. Just call me Niko,” nakangiting pakilala niya at isa-isa kaming kinamayan. 

Nikolaj has black and curly hair na hanggang balikat, thick eyebrows, sharp nose, manipis na labi at pangahin. Parang siya 'yong tipo na palaging seryoso sa kanilang magkakaibigan. O dahil lang sa features ng mukha niya? He's wearing a white shirt, brown jacket, black pants and white shoes. 

“I’m Owen Rubia!" masiglang pakilala ng isa. He has ash grey hair, thick eyebrows, matangos na ilong and heart shape lips. He's wearing an army green pullover sweater, maong pants, and black loafers. Feeling ko naman siya 'yong tipo na chickboy base sa kilos niya at pananalita. 

Oops! Huwag judgemental, Inari!

“I’m Kaiden Petterson.” And Kaiden has a natural look brown hair, thick eyebrows, matangos na ilong, singkit na mga mata, at mapupulang labi. He's wearing a black and white stripe shirt, a pink jacket, black pants and black boots. Napangiti ako nang makita ko ang suot niya. Madalang kasi akong makakita ng lalaking nagsusuot ng mga damit na may pambabaeng kulay katulad ng pink. 

Isa-isa rin kaming nagpakilala sa kanila. 

Ngumiti ako habang pinagmasdan ang tatlo at nagpakilala, “Inari Rivera.”

Lahat sila ay matatangkad na halos nasa 6-footer na yata. Lahat sila ay mukhang mababait at magaan ang loob ko sa kanila. Lahat sila ay pala ngiti. Pero sa kanilang tatlo ay si Kaiden ang may pinakamasayahing mukha.

“Uh, take a seat,” Owen said smiling as he pointed to the chair in front of them.

Umupo naman kaming tatlo at ganoon rin sila. Karen automatically sat in front of Nikolaj. Sa gitna naman si Vera na katapat ni Owen kaya sa dulo nalang ako umupo at katapat ko naman si Kaiden. Katabi ko ang rail at kitang-kita ko ang ibaba ng dine and bar. Para kaming nasa itaas dahil sa ibaba ay may mga punong makikita.

“Let’s take an order,” ani Niko at kumaway sa waiter na agad namang lumapit. 

We ordered rice, bulalo, pinakbet and sinigang na bagnet. We also ordered dessert and beers. When our orders were served, we started eating habang nagku-kwentuhan.

“So, graduating na kayong tatlo?” Niko asked in the middle of our meal. Kanina pa kami nag uusap-usap pero ngayon niya lang ito naisipang itanong.

“Yup!” masiglang sagot ni Karen.

“What course are you taking up?” Owen asked this time. 

“Tourism kaming dalawa ni Karen at Business Administation naman kay Inari,” sagot ni Vera.

“Why Business Ad.? I mean, do you plan to have a business after you graduate?” tanong ni Kaiden na nasa akin ang paningin.

Tumango ako. “Yeah. I actually have a plan to have my own restaurant after I graduated,” sagot ko at tumango siya. Hindi na siya nagtanong muli pero nanatiling nakatingin sa akin.

“What about you guys? Graduate na kayo, 'di ba?” tanong ni Karen at tumango naman pareho si Owen at Niko. “Nag wo-work na kayo?” nakangiting dagdag tanong ni Karen.

“Yes,” sagot ni Owen 

“I’m an Engineer,” ani Niko. Hindi naman tunog na nagyayabang iyon. Napanganga si Karen at parang kinilig.

“I’m working at my Dad’s company,” ani naman ni Owen.

Napatingin kaming tatlo kay Kaiden na saktong umiinom ng beer. Napataas ang dalawa niyang kilay habang nasa bibig ang can ng beer, ibinaba niya naman iyon agad.

“What about you?” tanong ni Karen sa kanya.

“I’m still studying,” aniya na nakangiti.

“Ha?” naguguluhang tanong ni Vera. “I thought you were all graduates?”

“I’m a med student,” simpleng ani Kaiden. Mukhang namangha roon si Karen at Vera.

“Wow! A future Doctor!” maarteng ani Karen.

Marami pa kaming napag-usapan habang kumakain. Nang matapos naman kaming kumain ay umalis si Karen at Niko sa table. Nagpunta sila sa kabilang dulo ng bar habang may dalang tig-isang beer, magkaharap silang nag uusap habang nakatagilid sa rail. 

Si Owen at Vera ay magkatabi na ngayon at masaya ring nag uusap habang umiinom ng beer. Nasa tapat ko pa rin naman si Kaiden at pareho kaming tahimik na umiinom. Nakatingin lang ako sa kanan ko kahit wala na akong makita roon dahil madilim na.

“May boyfriend ka raw?” Rinig kong tanong ni Kaiden kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin habang may maliit na ngiti sa labi.

“Yeah,” simpleng sagot ko at lumagok ng beer. 

“Matagal na kayo?”

“One year.” Napatango tango siya at lumagok sa beer niya. Tumitig siya sa akin habang ibinababa ang can.

“Are you a dog person, a cat person or neither?” 

Napatitig ako sa kanya bago natawa sa biglang layo ng tanong niya. Napailing pa ako bago sumagot. “I’m a dog person. I have three Bichon frise,” nakangiti kong sagot.

“Woah!” manghang aniya.

“What about you? Are you a dog person?”

“Yeah. Minsan nagpapalit ako ng anyo bilang aso,” seryosong sagot niya.

Natulala ako sa kanya bago napahagalpak ng tawa. Natawa rin naman siya sa sariling biro. “Ano’ng oras ka naman nag papalit ng anyo?” natatawang sakay ko sa biro niya.

“Depende. Minsan kapag may magandang babae sa harapan ko. Tingnan mo mamaya aso na ang kaharap mo,” nakangiting aniya. Napataas ang dalawa kong kilay habang nakangiti.

“So, are you saying that I'm beautiful?” natatawa kong tanong.

“Yeah.” Halatang nahihiya pero natatawang aniya at napakamot pa sa batok.

“Smooth,” natatawa ring sabi ko.

“So, pagkatapos ng pag-aaral ay magtatayo ka ng restaurant?” seryosong tanong niya muli at nangalumbaba sa mesa habang nakatingin sa akin.

“Oo. Iyon ang gusto ko noon pa. Buti nga suportado ng parents at hindi naman nila ako pinipilit na magtrabaho sa company namin.” Napatango siya. “What about you? Why a Doctor?”

“I want to become one,” simpleng sagot niya pero parang maraming sagot ang nakapaloob doon. Napatango ako bago lumagok sa beer ko. “And I want to become yours,” seryosong dagdag niya pa habang nakatitig sa akin. 

Napaubo ako. Muntik na akong mabulunan kaya dali-dali siyang tumayo at nag-aalalang lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng tubig at pinainom.

“You okay?” nag-aalalang tanong niya ng matapos akong uminom. Nakatayo parin siya sa gilid ko. Napatingala ako sa kanya at nakita ko ang nag-aalala niyang mukha.

“Bakit ka kasi nagsasalita ng ganoon?” inis kunwari kong sabi at mukhang nagulat siya roon.

“I-I’m sorry. I was just k-kidding,” tarantang sagot niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. 

“Kidding? Eh, bakit parang totoo?” seryoso ko pang tanong. Pero sa loob-loob ay natatawa na sa reaksyon niya.

“Halata ba?” taas kilay niyang tanong.

Napakunot ang noo ko bago natatawang nag-iwas ng tingin. Napangisi rin siya bago inilipat ang upuan niya sa tabi ko at umupo roon.

“I’m really sorry. You okay now?” kunot-noong tanong niya muli.

“Yeah, I'm okay.”

“Are you sure?” may pag-aalala pa ring tanong niya.

“I’m okay. Don’t worry.” Ngumiti. Mukha namang nakahinga siya nang maluwag.

“Good.” 

Kumuha siya ng beer at nagbukas ng isa bago ibinigay sa akin. Nagbukas rin siya ng para sa kanya.

“Last ko na 'to," sabi ko habang nakatingin sa beer. Pangatlo ko pa lang naman iyon.

“Why? Nahihilo ka na ba?”

“Hindi naman. Ako kasi ang mag da-drive,” sabi ko na sumulyap pa kay Vera. Paniguradong malalasing ang mga iyan mamaya.

“Matagal mo na silang kaibigan?” tanong ni Kaiden kaya napalingon muli ako sa kanya.

“Yeah. Since high school,” nakangiti kong sabi. “Kayong tatlo?”

“Simula noong nasa tiyan pa kami ng mga nanay namin,”aniya. 

Natatawa ako sa paraan ng pagkakasabi niya niyon. Para siyang bata.

“Wow! So, I assume na magkakaibigan ang mga mommy ninyo?”

“Oo. They have been best of friends since high school.” Napatango ako. “Paano mo naman nakilala ang boyfriend mo? Schoolmate?” pang-uusisa niya na nangalumbaba muli at itinuon ang paningin sa akin.

“Nope. Sa blind date.”

“Tulad nito?” bakas ang gulat niya at naalis ang pagkakahalumbaba niya. Tumango lang ako. ”Sayang! Naunahan ako,” bulong niya pa. Hindi ko na lang iyon pinansin. ”Saan siya nag-aaral?”

“Schoolmate siya ni Liam. Do you know Liam? Liam Alvarez?”

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “Oh, really? I know Liam. Siya ang nag set ng blind date na ito, hindi ba?”

“Siya nga,” nakangiti kong sagot.

“Ano’ng pangalan ng boyfriend mo? Baka kilala ko?”

“Kevin. Kevin Romero.” Nawala ang ngiti ko nang nangunot ang noo niya. “Why?” taka kong tanong.

“Iyon ang boyfriend mo?” nakangiwing tanong niya. Taka akong tumango. “Eh, mas gwapo pa ako roon eh!” 

Napanganga ako sa sinabi niya at kalaunan ay natawa ng malakas.

“Bwisit ka! Akala ko kung ano na!” natatawa ko pang sabi. Kinabahan talaga ako roon. Akala ko’y may sasabihin siyang hindi maganda.

“Totoo naman, ah! Mas gwapo pa ako roon sa boyfriend mo.”

“Oo na,” natatawa kong sabi. Ngumisi rin siya. Napapailing na lang ako sa kalokohan niya. Atleast hindi naging boring ang pagsama ko rito dahil sa kanya.

Sumulyap ako sa wristwatch ko. “Alas dyis na pala,” wala sa sarili kong sabi.

“Gusto mo nang umuwi?” tanong ni Kaiden.

Naiangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya. “Ah, hindi naman.”

“Magkikita pa kayo tayo after nito?” parang wala sa sariling tanong niya habang matamang nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil doon.

“S-siguro.”

Hindi na siya nagsalita ulit pero nanatili siyang nakatingin sa akin kaya naiilang akong nag-iwas ng tingin. Sakto namang tumama ang paningin ko sa p’westo kung nasaan sila Karen at sakto ring napatingin siya sa akin. May sinabi siya kay Nikolaj bago sila sabay na naglakad papunta sa table namin.

“Ano? Uuwi na ba tayo?” tanong ni Karen nang makalapit sa pwesto namin. Umupo sila ni Niko sa tapat namin.

“It’s twenty minutes past eleven. Ano, Inari, uuwi na tayo?” tanong naman ni Vera.

“Okay lang ako. Kayo ba? Baka nag e-enjoy pa kayo?” sagot ko bago inubos ang laman ng pangatlong beer ko.

“Oh, e'di tara na. Antok na rin ako,” sagot ni Karen.

“May sasakyan ba kayo? Ihahatid na namin kayo,” alok ni Owen.

“May dala kaming sasakyan tsaka malapit lang naman kami.” Si Karen ang sumagot. Sabay kaming napalingon sa kanya ni Vera pero hindi niya napansin iyon.

'Gaanong kalapit ang isang oras na biyahe?'

“Sure ba kayo? Sundan na lang namin kayo? Mga babae kayo at delikado na masyado ngayon lalo pa’t gabi,” nag aalalang sabi naman ni Niko na nakaharap kay Karen.

“No. Okay lang kami. Mas malayo ang i-da-drive niyo.”

“Sino sa inyo ang mag da-drive kung gano’n? Pare-pareho kayong nakainom.”

“Ako,” sabi ko at itinaas pa ang kamay ko.

“Are you sure? Hindi ka ba nahihilo?” mahina at bakas ang pag-aalalang tanong ni Kaiden sa akin. 

Ngumiti ako sa kanya.  “Hindi. Don't worry.”

“Okay. Mukhang hindi na namin kayo mapipilit na ihahatid namin. Mag text na lang kayo kapag nakauwi na kayo, okay?” ani Niko na kay Karen nakatingin.

“Ow-kay,” maarte namang sagot nito.

“Tara! Sabay-sabay na tayong lumabas,” ani Owen na hinawakan pa sa braso si Vera at tinulungang tumayo. 

Nagsitayuan na kaming lahat. Pumunta muna ang tatlong lalaki sa counter para magbayad ng mga in-order. Bumalik rin sila sa amin pagkatapos at dumiretso na kami palabas. Kanya-kanyang paalamanan ang nangyari. Si Karen at Niko, si Vera at Owen at kaming dalawa nii Kaiden.

“Mag-iingat kayo, ha?” ani Kaiden sa akin. 

Nakangiti akong tumango. “Kayo rin.”

“Ah…” Napakamot siya sa batok at nahihiyang ngumiti. “It’s nice to meet you, Inari Blaire,” nakangiti niyang inilahad ang kanang kamay sa akin na nakangiti ko namang tinanggap iyon.

Hindi ko man ginusto noong una ang mapasama sa date na ito at napilitan man na makihalubilo sa kanila noong una, masaya pa rin ako na nakilala ko ang tatlong lalaki. Lalo na si Kaiden.

“Nice to meet you too, Kaiden Tobias.”

Nakangiti kaming tumitig sa isa’t isa habang magkahawak ang kamay. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status