Share

Chapter 01

1. She's here

The moment I opened my eyes, is the same moment that everything flashes back. Bumuntong hininga na lang ako at tumayo mula sa pagkakahiga.

It's my parents' decision, paano pa ako makakaangal?

Bumaba na ako para kumain. Hindi ko alam kung anong oras nila ako ihahatid at itatapon doon.

My Lolo is living somewhere in Northern Luzon and I know how life runs in that kind of places.

Sa isang katulad ko na puro good times at pagbubulakbol ang alam, isang masamang panaginip ang mapunta doon.

I run my fingers through my blonde locks.

Naabutan ko si Mommy and Daddy na nakaupo na at nagsisimulang kumain.

"Good morning." I flatly said.

Wala ako sa mood but I shouldn't be disrespectful as well.

Umupo na ako sa tapat ni Mommy at inayos ang plato ko.

"Pack all your things first after you eat. Ihahatid ka namin ng Mommy mo."

Ngumuya muna ako at lumunok. Napansin ko ang pagtutol sa mga mata ni Mommy nanf bumaling siya kay Dad.

I'm so sorry, Mom. Kung hindi lang sana matigas ang ulo ko.

"The driver just can send me there."

"No." matigas na sabi ni Dad.

Okay, fine, hindi na nga lalaban eh.

Tumayo na agad ako matapos kong kumain. Wala naman na akong gagawin sa hapag, at isa pa, hindi ako makahinga ng maayos.

First time nagkaroon ng tension sa pagitan namin ni Daddy at hindi talaga ako sanay.

Naligo muna ako at nag ayos bago kinuha ang dalawang malalaking maleta.

I know I'm not going to enjoy my stay there but might as well bring everything I need. Malay ko ba kung may malapit na mall manlang ba o grocery doon.

Isa isa kong binuksan ang drawer ko at ibinato sa kama ang mga damit na titiklupin.

Who says I enjoy things like this? My gosh!

I rather sleep, o kahit makipagbasag ulo ako basta hindi ganito.

Nakakainis naman.

"Scarrlet, anak."

Tumingin ako sa may pinto sandali. "The door's open, Mom."

Bumukas naman iyon at bumungad ang maganda kong nanay. Well, kanino pa ba ako magmamana?

She's Sabrina Gallegos, the loving wife of Matias Gallegos and the main source of light in this mansion.

Hindi ko masyadong alam ang love story nila pero sa pagkakatanda ko ay nagkakilala sila sa school ni Mom kung saan nakidnap daw si Dad ng bad guys and si Mom ang nagligtas sa kaniya.

And the rest is history.

Umupo si Mommy sa kama ko at tiningnan ang mga gamit na nagkalat. Maya maya pa ay sinimulan niyang ayusin iyon. Tinanggal niya sa pagkaka-hanger ang mga damit at isa isang tiniklop para ayusin sa loob ng maleta.

Ramdam ko ang bigat sa bawat galaw ni Mommy. It's not like I'm going to live there my whole life!

Why is she acting this way?

Pero sa kabila ng paglalaban ng isip at konsensiya, nakita ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa tabi niya at nakayakap.

Hindi ko man aminin, but I will surely miss my Mom.

She touches my hair and gave off a tight smile.

"Magpapakabait ka doon, ha? Huwag matigas ang ulo."

I wrinkled my nose.

"Mommy, hindi naman ako doon titira habang buhay. I'm sure it will not take a month at papabalikin na ako ni Dad dito."

But instead of agreeing with me, there's tears im her eyes when she hugs me.

B-bakit ako biglang kinabahan?

"Ang laki mo na, Anak. Hindi ko akalain na lalaki kang matapang at palaban kasi noon, ang hina ng boses mo at sobrang lampa mo pa."

She laughed when I hissed. Kailangan pa ba niyang ipaalala iyon?

"But inspite of everything, you'll always be our baby. Dadating ang panahon kung kailan hindi mo na kami makakasama. Kung kailan sarili mo na lang ang makakapitan ko."

She cupped my face and make me look at her. We almost have the same features. Hindi ko maintindihan, but Mom doesn't seemed to age.

Naaalala ko pa kung ano ang hitsura niya noong bata ako, at ganoong ganoon pa din siya ngayon.

"Anak, promise Mommy that when that time comes, hindi ka panghihinaan ng loob, ha? You will be brave enough to face everything kahit pa wala kami sa tabi mo. Always think that we are guiding you, rather. Your fight is our fight, too. At gagawin namin lahat para lang hindi ka masaktan because you are our only treasure."

Napalunok ako habang tumatango. I am not used of dramas, because I think those are just craps and OA. But today, it feels different.

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Mom's words are just too mysterious that it keeps ringing on my head.

"Ano ba iyan? Ang drama ko na. Ayusin na nga natin ang gamit mo, baka naghihintay na ang Daddy mo."

I gulped again when I stand up to go to my drawer.

Tinitigan ko pa si Mommy na parang walang nangyari.

I hate this feeling.

Ayaw kong isipin but why does she have to act that way?

Because I feel like I'm going to leave them for good.

"Is everything ready?" Dad asked me after he placed my last luggage on the car.

I nodded. Kailangan ko bang dalhin buong kwarto ko? Ayaw na ba nila akong bumalik?

Sumakay na kami sa sasakyan. It's almost dawn, and ganito talaga ang biyahe papunta sa probinsiya ni Lolo.

Masyadong mahaba ang biyahe kaya baka mag overheat ang makina kung sa araw babiyahe.

I closed my eyes as we slowly go outside the mansion. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

Para akong naiiyak, and I hate it. Kailan pa ako nagsimulang maging emosyonal?

Pero pakiramdam ko ay ito na ang huling beses na tutuntong ako sa mansyon namin.

Hindi ako sigurado pero pakiramdam ko ay may mangyayaring kakaiba sa pagpunta kong ito sa Lolo ko.

I just wore my earphones and crossed my arms just infront of my chest.

Anuman ang mangyari, bumalik man ako o hindi, I will stay as the Scarrlet I am today.

Naalimpungatan ako nang tapikin ako ni Mommy.

"Honey, aren't you hungry?"

As if on cue, my stomach growls. Mukhang narinig naman niya iyon kaya inabot niya sa akin ang take out nila kanina.

Nagcellphone lang ako habang kumakain. They are both talking about business at alam namin na wala akong kainteres interes sa mga bagay na ganiyan.

Not long enough when I finished eating. Hindi na ako makatulog dahil matagal tagal din akong naidlip kanina.

Nakatingin lang ako sa labas. Madilim ang kalsada at tanging puno na ang aming dinadaanan.

Nakakatakot, but this kind of place brings peace in me.

Natigilan ako nang makita ang isang matandang babae na madadaanan namin.

I am pretty sure that our car is tinted kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang nakikita niya ako sa kabila noon.

Napaayos ako ng upo nang matatapat kami sa kaniya.

I can see her mouthed something. Kumunot ang noo ko at hinabol pa siya ng tingin pagkalampas namin sa kaniya.

"Are you okay, Anak?"

Tumikhim ako at umayos ng upo.

"Y-yes, Mom."

Napalunok ako habang inaalala ang sinabi niya. Hindi ako sigurado kung tama ang pagkakaintindi ko but it looks like 'Malapit na.'?

"Aahhh!" I creased my forehead when my birthmark suddenly aches.

"Anak, what's happening?"

Rinig kong tanong ni Daddy mula sa unahan. Simula kanina ay ngayon lang siya nagsalita.

He is looking at me using the rear-view mirror.

"I-I'm okay--- arayy!"

Something inside me burned up. Para akong napapaso, pumipintig ang birthmark ko at pinagpapawisan ako ng malagkit.

Inihinto agad ni Daddy ang sasakyan sa gilid. They both rushed beside me.

"Scarr, look at Mommy. What's wrong, baby?"

"M-mom.."

Is all that I can say.

Natanaw ko ang maliwanag na sinag ng buwan mula sa unahan ng sasakyan. Mas lalong sumakit ang likod ng aking balikat dahil doon.

Habang lumilinaw ang sinag ng buwan ay ang mas lalong paghapdi ng aking pakiramdam.

Para bang may koneksyon silang dalawa na walang ibang nakakaalam.

"Scarrlet, tell us what's wrong?!"

Nababahidan ng pagpapanic at pag aalala ang kanilang boses.

I bite my lip to surpress another scream.

Daddy cupped my face and make me look at him. "Tell Daddy what's wrong, honey."

I can feel my tears rolling down my face. Humikbi ako nang kumirot muli ang pakiramdam ko.

"M-my birthm-mark, Dad.."

I managed to say.

Agad hinawi ni Mommy ang jacket na suot ko at nanlaki ang mga mata niya sa hindi malamang dahilan. She looks shocked as well as Dad who had a glimpse of it too.

Gusto ko sanang magtanong but what I am feeling is unbearable.

Bago ako mawalan ng malay ay nakita ko pa ang makakahulugang tinginan nina Mommy at Daddy.

And because of that, my whole life suddenly changed.

Nagmulat ako ng mata at nabigla nang makitang nakahiga na ako sa kama.

Inilibot ko ang aking mata.

Nasaan ako?

Bumangon ako. Nandito lahat ng gamit ko. Pero hindi ito ang kina lolo!

"Mommy? Daddy?"

Pagtawag ko. Pero hanggang sa makalabas ako sa kwarto ay walang sumasagot.

It looks like an apartment or a condo unit.

Pero nasaan ako?

Naupo ako sa sofa ng sala.

Wala ang cellphone ko, ang laptop ko!

Where could possibly be my parents send me?

Natulala ako ng ilang sandali. Ang huling naaalala ko ay nasa biyahe kami papunta kina Lolo. After I ate my dinner, nakatulog ulit ako.

May nangyari ba? Bakit parang may kulang pero hindi ko matandaan?

Napatayo ako sa kinauupuan at nagpasyang mag ayos. Hindi masasagot ang tanong ko kung magkukulong ako dito, kung saang lupalop man ako naroroon.

But before I could even take a step towards the room, nahagip na ng mata ko ang isang puting papel na nakatiklop at nakapatong sa may center table na kaharap ng sofa'ng inupuan ko.

Naupo akong muli at kinuha iyon. I can hear my heart's loud beating because of the anxiety.

May pangalan sa unahan kaya sigurado akong para sa akin ito.

Nanginginig man at namamawis ang kamay ay pinilit ko ang sarili ko na buksan at basahin ang nakalagay doon.

Scarrlet, our Princess,

Sigurado kami na sa paggising mo ay nakaalis na kami ng Daddy mo. Marahil ay nagtataka ka kung nasaan ka at naguguluhan kung bakit ka namin dinala diyan sa halip na sa bahay ng Lolo mo. Scarr, anak, may mga bagay kaming naitago ng Daddy mo sayo. Mga bagay na pupunan ang matagal nang espasyo sa buhay mo. Alam namin na nagkamali kami dahil hindi agad namin nasabi sayo. Na itinago namin sayo kahit pa may panahon naman para maipamulat at sabihin sayo ang totoo. Hindi lang kasi namin kaya na bitawan ka, Anak. Mahal na mahal ka namin, sobra sobra kaya inakala namin na okay lang kung aangkinin ka na namin ng lubos. Akala kasi namin, magiging normal na ang lahat. Na nagtagumpay na kami sa pagtatago sayo. Pero hindi pala. Dahil may isang papel kang kailangang gampanan sa mundo mo. Sa mundo kung saan ka talagang nagsimula. At sa pagkakataong ito, alam namin na makakaya mong tumayo nang mag isa. Naalala mo ba ang mga sinabi ko bago tayo naghiwalay, Anak? Hindi mo man kami kasama, pero lagi mong tatandaan na gagabayan ka namin at patuloy na mamahalin kahit hindi ka namin tunay na anak.

Scarrlet, nais namin na mahanap mo ang iyong tunay na magulang at malaman ang iyong tunay na pagkatao. Nang sa gayon ay mapagtagumpayan mo ang misyong nakalatag sa iyong mga balikat. At kung sakali man na muli tayong magkikita, paulit ulit naming sasabihin sayo kung gaano ka namin kamahal.

Patawad, Anak, kung hindi na kami nagpaalam pa. Hindi namin makakayanang makita kang umaalis sa aming mga yakap. Sana mapatawad mo kami, Anak.

Nawa ay mahanap mo ang mga sagot sa iyong katanungan, at magiging malaking tulong ang eskwelahang iyan. Hanggang sa muli.

Mommy

Nag uunahang tumulo ang mga luha ko. Joke ba 'to?

May hidden cameras ba dito? Naprank?

Hindi ako kailanman umiyak, pero sa puntong ito ay hindi ko mapigilan ang paghikbi.

What the hell is happening? Am I missing something?

Ampon ako?

Bakit? Bakit?!

Eskwelahan...

Natigilan ako.

I have to know the truth. I have to know everything.

*****

Marie Mendoza

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Grace Obeng
i can't read the language
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status