Share

Chapter 4

Chapter 4

Napahilot ako ng mariin sa sintido ko dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Mukhang susumpungin na naman ako ng migraine ngayong araw.

 Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko saka inilibot ang paningin ko. Waaaait whaaa-t? It took me minutes bago pa ma-absorb at magsink-in sa utak ko na hindi ito ang kwarto ko. Dali-dali naman akong napabangon at bigla na lamang akong tumayo sa kama.

 "AAAAHHHHHY!" bigla akong napasigaw ng malakas nang ma-out of balance kaya naman agad na lamang sumalampak ang katawan ko sa sahig.

 "Ano ba yan? Get yourself up! Para kang batang lampa" isang malakas na sigaw ng lalake ang bumungad sakin sa pinto.

 "Aba, grabe ka ha! Wait, you're the guy whom I ask for a dance sa hall last night diba?" nagtatakang tanong ko.

 "uh yea, ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" mariing sagot nito.

 "Teka ano bang ginagawa ko dito?" I replied with anger written on my face.

 "Why don't you ask that to yourself? Ikaw 'tong ang lakas ng loob uminom ng marami, di naman pala kaya ang sarili" saka padabog na tumalikod sa akin.

Mayamaya'y hindi ko namalayan ang sarili kong sumusunod sakanya palabas ng kwarto.

 "Baka naman may coffee rito, sobrang sakit ng ulo ko" I calmly ask him.

 "Ofcourse meron, black coffee ba or with creamer?"

 "Black coffee, no creamer, with half tsp. of sugar." I pleaded.

 "Oh matapang na kape pala ang gusto" tugon nito na parang nang-aasar pa.

 "Yupsie, ayaw ko kasi sa mahihina eh" I replied to him in a sarcastic way. Hindi ko alam pero parang may nagtulak sa akin para sabihin yun. Like I would like to see how stubborn and grumpy he is.

 "Magtimpla ka mag-isa mo" he said while he turned his back on me saka itinuloy ang niluluto.

 Mahina akong napatawa dahil bakas sa itsura at sa reaksiyon ng mukha niya ang pagkainis. Napaka pikunin talaga ng taong 'to.

 "See, sunog na yang bacon mo masiyadong malakas ang apoy ng burner, you also put too much oil eh non-stick naman yang pan na gamit mo"

 "Hindi naman ikaw ang kakain kaya huwag kang magreklamo so tumahimik ka nalang, kung gusto mo magluto ka nalang rin diyan ng para sa sarili mo."

 "Okaaay okay, fine" malumanay kong tugon.

 "What the heck, ang pait naman nito!" sigaw niya.

 "Sunog nga kasii-"

 Agad itong tumayo sa kinauupuan niya, mukhang wala na itong balak na tapusin pa ang kinakain.

"Anyways, pagkatapos mo magkape at kumain, mag-ayos ka na ng sarili mo. I'm just gonna get myself ready for work, ipapasakay nalang kita ng taxi mamaya. Hindi ako nagpapatuloy ng stranger sa penthouse ko."

 He didn't even threw a glance at me, naglakad nalang ito papasok ng kuwarto niya. Pinaglihi siguro ang lalake na 'yon ng nanay niya sa sama ng loob. Kung hindi naninigaw, nakasimangot na akala mo pinagbagsakan ng langit at lupa which is sobrang nakakapagtaka dahil kung hindi ako nagkakamali, he's really nice with me last night nung sumayaw kami if I remember.

 Tinapos ko na agad ang niluluto ko, I made a Japanese souffle pancake for us and cooked some bacon and sausages.

 Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na rin ito sa kanyang kuwarto na naka-corporate attire. He looks so neat and clean halata at bumabakat sa polo nito ang mga pandesal niya at sa itsura palang nito mukhang ang bango-bango na.

 Hell no, ano ba naman kasi tong iniisip ko.

 "Kumain ka muna alam ko namang gutom ka pa" alok ko sakanya.

"No thanks anong oras na din naman, I'm already late. Dalian mo nalang diyan."

 "Dali na, kahit na konti lang naman. Maybe a bite will do, this is just my way of showing my sincere gratitude to you for letting me stay here on your place kahit na hindi ko alam bakit ako nandidito ngayon at kung anong nangyari satin last night"

"Fine okay, and nga pala Maddie regarding about last night. Wala namang nangyari na kung ano man ang nasa isip mo o iniisip mong may halong malisya. I just saw you lying on the floor tulog at lasing-lasing thats why I helped you. Dapat nga you should be grateful to me kasi hindi kita hinayaang matulog sa sahig kagabi" then he chuckled na parang nang-aasar pa.

"Uhh- really? By the way thank you for bringing me here at your place. Kahit papano hindi mo ako hinayaang matulog sa floor kaya you should eat what I have cooked. If ayaw mo, atleast try it kahit na konti lang."  then I flashed a smile.

 He let out a deep sigh saka ito tipid na ngumiti at lumapit sa table. Dahan-dahan siyang umupo sa upuan malapit sa akin.

 "This one tastes good" saka turo sa Japanese souffle pancake na ginawa ko.

 "Thank you, nagtataka ako kasi kumpleto naman ang mga ingredients at stocks mo dito for pastry pero" mahinang saad ko.

 Bago ko pa matapos  ang sasabihin ko, he cut me off.

 "I have no time for that, wala din naman nagturo sa akin magluto so don't expect me to cook like a chef, anyways pakitabi nalang yung mga plato sa sink Nana Rosa will be here to clean later. Mag-ayos ka na, we'll go after 5 minutes."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status