Share

Chapter 13

Salubong ang kilay ni Maddie mula pag alis ng opisina ni Traec hanggang nakauwi sa kanilang bahay. Hanggang ngayon hindi pa din niya makalimutan ang nangyari at kung paano nagdesisyon si Traec na parang hawak nito ang buhay niya.

"Aba, ano bang akala niya sa akin sunod-sunurang babaeng walang sarili o kakayanang magdesisyon para sa sarili kong buhay?" Inis na sambit ni Maddie habang pabalik-balik siyang naglalakad sa kanyang silid.

Ang kaninang kumakalam na sikmura na sanhi ng gutom ay hindi niya maramdaman ngayon. Para sa kanya gusto muna niyang magpahinga panandali para naman kahit papaano ay makalimutan niya ang pangyayari na iyon. Maya maya'y napagdesisyonan niya munang ihiga dahil kahit na alas tres pa lamang ng hapon ay parang pang isang linngo na ang pagod niya dahil sa stress na iniisip at dala-dala niya.

"What have I gotten into, imbes na tahimik ang buhay ko sa states kahit na mabunganga si mama well at least kahit papano hindi tulad rito na may paladesisyon pala akong amo.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status