Share

Chain the Truth
Chain the Truth
Author: Miss Sirius

Prologue "Killer"

“Start praying,” sabi ko sa kanya habang nakatali ang kanyang paa at kamay sa upuan. Nakikita ko rin na pumapatak na rin ang sandamakmak na luha sa kanyang mga mata.

“Parang awa mo na huwag mo akong patayin may anak pa ako at inaantay nila akong umuwi,” pagmamakaawa niya sa akin. Ngunit kahit anong gawin niya ay hinding hindi na magbabago at magda-dalawang isip na pasabugin ang kanyang ulo gamit ang hawak kong baril.

 “Paano naman ako?! Binigyan niyo ba ako nang pagkakataon? Naawa ba kayo sa akin noong naghi-hirap ako sa kamay ninyong lahat?” tanong ko sa kanya habang inaantay ko nalang ang oras na iputok ang baril.

“Nakaraan na iyon. Please kalimutan na natin ang nakaraan. Maganda na ang buhay mo ngayon at alam kong hindi mo kayang pumatay nang tao. Mabait ka, busilak ang iyong kalooban. Patawarin mo na ako. Nag-bago na ako at pinagsisisihan ko iyon. Ayoko pang mamatay!” Medyo naiirita na rin ako sa boses niya. Kahit anong pagmamakaawa pa ang gawin niya ay buo na ang aking desisyon.

“See you in hell mister.” Ito ang huling salita na inilabas nang aking bibig sabay pinaulanan ko nang bala ang lalake kasabay nang mga putukan nang mga iba’t ibang klaseng paputok at ingay sa labas.

Andito ako sa loob nang isang abandonadong gusali. Napatingin ako sa labas nang bintana. Tumama sa aking mukha at katawan ang malamig na hangin. “Panibagong taon, panibagong mundo. Uubusin ko kayong lahat. Pagbabayarin ko kayong lahat sa ginawa niyo sa akin.”

Muli kong itinuon ang aking atensyon sa lalakeng walang buhay. Inilabas ko ang lagaring bakal sa loob nang aking bag at sinimulang putul-putolin ang iba’t-ibang parte nang kanyang katawan.

            “Hindi man ako patu-tulugin nang konsensya ko, mas mabuti nalang na maibigay ko ang hustisya sa sarili ko.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status