Share

~ V

SHE MAY WAS very happy as she stepped on inside the ferris wheel carriage. Alam naman ng kambal na dapat na nilang i-report ang tungkol sa bata na ito sa mga pulis na naka stand by sa entrance ng amusement park pero paano nga naman nila mahihindian ang napaka cute na batang gustong-gusto sumakay rito? Nakangiti si Anastasia habang hawak ang kamay ni She May, parehas silang excited sumakay. Hawak-hawak naman ang sling bag ng kambal, yumuko ang binata para pumasok na din sa carriage dahil sumenyas na ang operator ng ferris wheel na aandar na ito.

“Slow down, slow down.” Saway ni Aslan sa dalawa dahil parehas itong humahagikgik. “Aandar na daw tayo kaya ‘wag muna kayong malikot.” Nakinig naman ang dalawa at parehas nga itong umupo ng nakangiti.

Ilang minuto lang ang tumagal pag-aantay ng dalawa kaya no'ng maramdaman nila na umaangat na sila dali dali nanaman silang sumilip para tumingin kung paano sila tumataas.

“Wow! Kuya Pogi, Kuya Pogi!” the little girl called him while pressing her face in the glass window of the carriage. “Look! We’re going up!” Tuwang-tuwa si She May nang sinabi iyon sa binata, natawa naman si Aslan at tumango. Inalalayan niya ang bata para hindi masiyadong umalog ang carriage na pinag lalagyan nila.

Dahan-dahan silang umaakyat, at bawat paggalaw nito ay hindi mapigilan ng bata ang mamangha sa mga nakikita. At ng hindi makuntento, sumampa pa ito sa hita ni Anastasia na nakasilip din at nakangiti para makita ang mas magandang view nito sa ibaba. Sa oras na huminto sila sa pinaka tuktok, kumislap ang mata ni She May sa tuwa.

“Ang ganda..” she mumbled. Lumingon ito kay Aslan at nakitang tumawa ang binata. Tila parang nagtaka ang bata ng makita ang mata ni Aslan. “Kuya Pogi, why is your eyes are in different color?” confused, she snuggle to Aslan. Hinawakan niya si She May at binuhat, hinimas nito ang ulo.

“That’s a secret for you.” sabay kurot nito ng mahina sa pisngi ng bata. Kita na ni Aslan ang antok sa kulay asul nitong mga mata. “Your eyes are beautiful, little girl.”

Ngumiti naman si She May at hinawakan ang pisngi niya. Dahan-dahan nitong hinaplos gamit ang mga maliliit nitong kamay ang mukha ng binata papunta sa mata. “But yours are beautiful too, Kuya Pogi..” she mumbled again bago humikab at kusutin ang mata.

 Aslan smile again and ruffles the little girl’s hair. She May giggle and hug him, yumakap din siya pabalik sa batang babae. Nakarinig sila ng putukan at pag-ilaw ng kalangitan kaya ang batang hawak niya ay dali-daling bumalik sa pwesto nito kanina sa hita ni Anastasia. Magiliw naman na ngumiti ang kambal niya at tumingin ulit sa bintana ng carriage nila para sumilip. 

She May’s eyes are brimming in so much joy and happiness as she saw the ocean of sky full of colorful lights—fireworks. Ni hindi nito maalis ang tingin sa langit na bawat segundo ay napupuno ng makukulay na ilaw galing doon.

“Bakit may fireworks?” Nagtatakang tanong ng binata sa kambal pagkatapos ay sumilip din sa bintana para tignan ang fireworks. “May mahalaga bang celebration si Tito Shin?”

Lumingon sa kanya si Anastasia na nakayakap sa batang halos idikit na ang mukha sa bintana ng carriage nila. “I informed Tito Shin na lalabas tayo, and he said since busy tayo at matagal-tagal na din no’ng huli tayong nagpunta rito,” Huminto ito at tumingin ulit sa kalangitan bago ibalik ang tingin sa kambal ng nakangiti.

“He said that we must enjoy the whole day because he has a surprise for us.” she laugh softly. “I didn’t know that Tito Shin can be cheesy sometimes.”

Napangiti naman si Aslan ng bahagya. Natapos na ang fireworks display para sa kanila ng Tito Shin nila habang si She May ay patuloy pa rin na nakangiti sa hita ni Anastasia. Pupungas-pungas itong yumakap sa kambal niya. Naramdaman na nilang pababa na ang carriage na sinasakyan kaya sumenyas si Anastasia sa kambal at nilabas ang cellphone para mag selfie.

***

“Carla! Oh my, God!” Humahangos silang sinalubong ng isang babae sa entrance ng amusement park paglabas nila, na marahil ay ang ina ni She May. Inabot nito ang bata at hinalikan sa ulo. “Bumibili lang ako ng cotton candy mo tapos paglingon ko wala ka na. Did you know how worried Nanay was?!” katabi nito ang mobile ng mga pulis na kasama, tila parang ni-report ang pagkawala ng anak niya.

Pilit na ngumiti ang kambal at nagpaalam nang aalis dahil kating-kati na si Anastasia magpunta sa club na ni-recommend ng isa sa mga nurse niya. Pero bumalikwas si She May sa buhat ng kanyang Nanay, tila naramdaman na hindi na si Ate Jewel niya ang may buhat sakanya.

“Kuya Pogi..” Tawag nito sa binata habang kinukusot ang asul nitong mata. “Hindi na kita makikita ulit?”

Lumapit si Aslan kay She May at ginulo ang buhok nito. “I don’t know. Maybe?” Tumatawa nitong kibit balikat.

“But I want to see those lights again..” Inaantok nitong tugon. He put his index finger between his lips and hush the little girl.

“We made a promise, little girl.” Aslan smile and kiss her forehead. “I’m sure we will meet again.” Nagpaalam na sila ng kambal niya na aalis na pero humabol pa ang bata bago makatulog ulit.

“Kuya Pogi... Name..”

Hindi na niya piniling sumagot dahil nakatulog naman na ang bata. Nagpasalamat ulit ang ina nito sa kanila at nagpaalam. Dumiretso na sila sa kotse niya para umalis. Halos kalahating minuto lang ang tagal ng kanilang byahe ng makarating sa club na ni-recommend ng nurse ni Anastasia.

“KD’s Fantasy?” Hinubad nito ang suot na trench coat at inabot sa kambal. “Suotin mo ‘yan, skirt pa naman ang suot mo. For sure malamig at maraming tao sa loob.” Sumaludo si Ana at nagpaalam na mag-ccr muna para mag-ayos bago dumiretso sa loob.

 Nauna na siyang pumasok, sinalubong siya ng makukulay na ilaw at pamilyar na amoy ng tipikal na club. Maraming tao ang nagsasayawan sa maingay na tugtog sa loob, wala akong narinig na tugtog sa labas, basta simpleng sign board na may nakasulat na ‘KD's Fantasy' na malamang ay gawa sa gold ang nakalagay sa harap. Buti hindi iyon ninanakaw? Hm. And sound proof? Not bad for a club, huh. Wika nito sa sarili. He brushed his hair upward when a woman suddenly fell to his chest, probably because she’s tipsy. Ngumiti ito sa kaniya at kinawit ang kamay sa batok ng binata. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya.

“I’m sorry, I was a little tipsy.” Malakas ang boses nitong paghingi ng pasensya. “Are you alone?”

Sasagot na sana ang binata ng may humila sa kanya. “It’s too early to flirt, sweet. Ni hindi ka pa nga nakakaupo nakikipag sayaw ka na sa ibang babae.” Malakas na boses ni Anastasia ang umalingawngaw sa tenga niya. Suot na nito ang trench coat niya na kalahati sa hita nito ay natatakpan na.

“I’m not.” Kakalasin na sana niya ang kamay ng babae sa batok ng may humila ritong isa pang babae na nakapulang dress.

“Sorry! My friend is really drunk, did she cause you any trouble?” Hinila nito ang kaibigan na nakatingin kay Aslan ng nakangiti. Umiling sila ng sabay kambal. “Great! Sorry ulit, ha? Enjoy kayo, love birds!” the woman in red pulled her drunk friend and vanished into the crowd.

Hinila na ni Anastasia si Aslan para umupo sa bar counter at umorder. “What a pain in the ass. Palagi na lang tayong napagkakamalan na may relasyon.” Pinigilan siya ng binata para umorder at ito mismo ang nag salita.

“One Sex on The Beach and a bottle of Cuervo,” sabay abot nito sa kanyang card pagkatapos ay lumingon sa kambal na nakasimangot. “It’s because we’re fraternal twins and you even wore that kind of contacts.” Humalumbaba ito sa counter top. "Kaya hindi talaga nila aakalain na kambal tayo hanggat hindi nila nakikita ang parehas na kulay ng mata natin." dugtong pa nito sa sinasabi pagkatapos ay bumuntong hininga.

“Cocktail drink and bottle of Cuervo. Enjoy.” wala pang dalawang minuto, nakangiting sinerve ng bartender ang order nila. Tinitigan ni Anastasia ang kambal. Confused,

“Really now, big brat?

“What? May surgery ka bukas, ‘di ba?” sumagot ito habang nakikipag paligsahan sa titig ni Anastasia.

Mataas naman ang tolerance nila ng kambal pagdating sa alak, pero hindi na niya isusugal na painumin si Anastasia dahil nga meron pa itong surgery bukas nga maaga. His twin sister was grumpy as their orders are served. Kinuha nito ang inumin at tumingin ulit sa kaniya.

“Seriously, Jade? Isang baso lang tapos wala na?” Nagmamaktol nitong tugon sa kambal. “Edi sana nag-inuman na lang tayo sa condo mo kung ganito lang 'yong ipapainom mo sa 'kin.” she, then rolled her eyes.

Nilagyan ng bartender ng yelo ang baso ng binata at nilagyan ito ng alak. Kinuha niya ito at ininom ng bottoms up. “I smell grumpy Juju. Why so grumpy, little brat?” Nanunukso itong nagtanong pagkatapos punasan ang labi.

“It’s because you’re pissing me off!” sagot ni Anastasia sabay sipsip nito sa cocktail niyang inumin hanggang sa mangalahati. “Tignan mo, ‘yong inorder mo pa pinapahirapan akong painumin! Kailangan sumipsip pa!” Nakasimangot nitong tuloy sa sinasabi. Nilabas nito ang cellphone at inaliw ang sarili para mawala ang inis sa kambal.

Tumawa si Aslan at tinungga ulit ang bagong lagay na alak sa baso. “Chill, little brat. Sasamahan mo na naman akong ubusin ‘tong isang bote.” kinuha nito ang cellphone ng kambal at binulsa. He raised his index finger, “Pero isa lang. After that, ihahatid na kita sa bahay.”

Mabilis namang tumango ang kambal at humalik sa kaniyang pisngi. Narinig naman nila ang mahinang tawa ng bartender na nag-se-serve sa kanila sa pang iinis ni Aslan sa kambal. Alam kasi ng binata na masisira na ang mood ni Anastasia kaya kahit labag sa loob niya ang pag-inom ng kambal, pumayag na lang siya kesa sa mabalewala ang buong araw na pinag-enjoyan nila.

Mabilis na naubos ni Anastasia ang cocktail drink niya kaya nanghingi ito ng isa pang baso sa bartender na agad namang nagbigay. Nagkukwentuhan at tawanan sila ng kambal ng mapansin ni Aslan na nangalahati na ang iniinom nila. Tila parang may naisip na kalokohan na naman ang kambal niya ng hilain siya nito at yayaing magsayaw sa dance floor.

“Halika, sayaw tayo!” Tumayo si Anastasia at hinila siya dala-dala ang basong hiningi sa bartender kanina. “Mahaba pa ang gabi! Kalahati pa lang ‘yang iniinom natin!” hindi siya nagpahila sa kambal, pero sinenyasan niya itong sumayaw mag-isa dahil wala naman sa sistema niya ang pagsasayaw lalo na kapag nasa club siya.

“Hmp! Boring!” sabi ni Anastasia sa kaniya, pinahawak nito ng sling bag niya at tumakbo sa gitna ng crowd. Natawa sila ng sabay ng bartender at uminom sa kaniyang baso, pagkatapos nilapag niya ito at tumingin kay Anastasia para bantayan.

Sinusubaybayan niya ng tingin ang kambal na sumasayaw sa dance floor nang may naramdaman siyang umupo sa tabi. Hindi siya lumingon para tignan ang umupo pero naramdaman niya ang pagbabago ng atmosphere sa paligid kaya’t nagdesisyon siyang sumulyap. Nakita niya ang lalaki na nakasabay sa elavator.

“Go. Enjoy the night, I can take care of myself.” sabi ng lalaki sabay sumenyas na umalis sa dalawang pang lalaki na mukhang body guard nito dahil sa suot. Sumulyap ito kay Aslan at inabot ang basong ginagamit niya para uminom. Ang lalaki mismo ang nagsalin ng alak sa baso niya at tinungga iyon. Habang ang bartender naman ay napansin ni Aslan na umalis para mag-asikaso ng iba pang umoorder sa counter. Nagtataka siyang tumitig sa lalaki ng magsalita ito.

“Hey.” sabi ng lalaki sabay pinunasan ang labi saka humalumbaba. Nagsalin ito ng alak sa basong ginagamit ni Aslan kanina at inalok ito sa kanya. “Drink.”

Again, familiar chills ran down through his spine.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status