Share

Pahina 7

"Kakarating mo lang?" Tanong ko kaagad kay Kuya ng maabutan ko siyang nagtatanggal ng sapatos niya.

"Oo." Tipid niyang sagot kaya bigla akong nanibago.

Tinitigan ko ang kabuuan niya pati ang katawan niyang bahagyang nakatalikod sa akin.

Napakunot ang noo ko ng mapansin ang pasa sa braso niya pero binalewala ko iyon dahil kahit ako minsan ay magkakapasa sa iba't-ibang parte ng katawan ko ng Hindi namamalayan ngunit ng bahagyang nahagip ng tingin ko ang mukha niya ay tinanong ko na siya.

"Anong nangyari sa'yo?" May bahid ng inis sa boses ko.

"Maligo ka na, malelate ka. Matutulog muna ako, puyat eh." Tugon niya, binalewala ang tanong ko.

Mabilis siyang humilata sa kama at nagbalot ng kumot sa katawan.

Nanatili akong nakatayo roon at tinitigan siya.

sa umagang iyon kahit pa nag-aalala ako kay Kuya ay pinilit ko ang sarili na magpokus sa Klase.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status