Share

03: Desisyon

"ANDRO, please remain," saad ng guro nina Leticia na coach din ng lalaki sa freesbi. "The rest, you may go."

Isa-isang nagsilabasan ang mga kaklase nila samantalang umakto siyang natutulog. Tapos na ang klase niya sa araw na ito. Magkaklase sila Andro sa isang subject sa English. Maaari na siyang umuwi pero hindi na muna. 

Isang linggo na mula nang magkita sina Leticia at Andro. At ginawa ng lalaki ang sinabi nito. Hindi na ito ulit nagsalita tungkol sa mga panaginip nito. Hindi na rin siya nito kinulit na tulungan. 

There were times that she was tempted to approach him and help him, but in the end, she chose not to. Natatakot siyang baka bumaliktad ang nangyayari rito sa kanya. Baka dalawin siya ng babae.

Mas naging worst ang itsura ni Andro. Usap-usapan na baka nagkaroon na ito ng sexually transmitted disease dahil sa mga babaeng umaaligid dito. Para namang napapasa ang sakit na iyon sa pag-uusap, eh hindi naman.  Kailangan ng sexual contact para mangyari iyon. Dapat talaga mag-review ang mga ito ng s*ex education. Popular din kasi ito sa mga lalaki. 

Malaki-laki na rin ang ibinagsak ng timbang nito. Nangangayat na at hindi na gaanong sumasali sa mga practices. 

If she would look back, the Andro right now was different from the Andro before. Napakali ng pagkakaiba sa Andro na nagtali ng sugat niya.  Sa Andro na tumulong sa kanya upang hindi siya bumalik sa nakaraan. 

Sa kabila ng negatibong mga issues tungkol sa lalaki, nanatiling tikom ang bibig ni Leticia. Ayaw niyang makialam sa problema nito. 

"May problema ka ba? Wala ka ng pokus sa practice. Mababa na rin ang mga scores mo sa quiz. Kung patuloy kang magkakaganito, baka mawala ang scholarship mo," simula ng professor na at the same time ay coach ng lalaki.

Mukhang hindi na lang pinansin ang pagtutulog-tulugan niya. 

"Patawad, Coach."

Sa pagkakaalam ni Leticia, may asawa na si Coach at may nag-iisang anak na kasintanda ni Andro. Kaya naman hindi na maitatanggi ang pag-aalala nito sa lalaki. 

"Sabihin mo nga. May problema ka ba? Sa family mo? Nobya? Mga babae? Or teammates? This is not the usual you. Concerned na ako sa iyo. Palagi ka na ring tulala."

Napabuntong-hininga ito. "It's nothing, Coach. Babawi ako. I promise."

Narinig niya ang animo pagtapik  nito sa balikat ni Andro at ang pagsara ng pinto. 

"Leticia, nakikinig ka sa may usapan ng may usapan," simula ni Andro. “Alam kong gising ka riyan.”

Nag-angat siya ng ulo. Nakatalikod sa kanya si Andro. "Kumusta ang mga panaginip mo?" tanong niya.

"Ang pangalan niya ay Felipe Gutierrez, isang manunulat, manunula, at lawyer. Sa panahon ng mga Espanyol, nakipaglaban siya sa mga ito gamit ang kanyang mga salita na isinulat sa papel. Naging kapitan pa nga siya ng isang barangay at hinangaan ng maraming mga tao. Mukhang ako ang reincarnation ng lalaking iyon."

Maging siya man ay nanaginip sa buhay ng isang babaeng nagngangalang Esmeralda Gonzalez na nabuhay rin sa panahon ng mga Espanyol. Hawak-hawak nito ang isa sa malaking sikreto na siyang gigimbal sa mga taong kulang na lang ay sambahin ang isang taong itinuturing ng mga itong diyos-isang prayle. 

Minaniobra nito ang silya at humarap sa kanya. "Hindi ka na nagtaka. May alam ka nga."

"Madali akong maniwala sa sinasabi ng mga tao. Naalala mo iyong sinabi mo na kaya mong pumunta sa hinaharap? Hindi ba’t naniwala ako agad sa iyo noon?"

"Nagsinungaling ka. Tulungan mo akong matahimik na ang isipan ko. Gusto ko nang bumalik sa normal na buhay, Leticia. Naaapektuhan na nito ang lahat."

Kulang na lang ay lumuhod ito sa kanya. 

"Hindi ba sinabi mo sa akin noon na ikaw na lang ang gagawa ng paraan upang mawala ang mga panaginip mo? At isa pa, huwag mong ipakita sa akin ang side mo na iyan. Huwag mong ipakita ang kahinaan mo sa kahit na kanino. Gagamitin nila iyan upang maibagsak ka. Nasaan na ang mapagmataas na lalaking kilala ng mga estudyante?"

"Alam mong hindi iyon ang totoong ako. May mga pinakita ako sa ibang tao na hindi totoo. Dahil kailangan."

"Tungkol sa sinasabi mo, maaring tama ka nga. Maaaring ikaw si Felipe sa nakaraan. At anong gusto mong mangyari? Anong tulong ang gusto mong ibigay ko sa iyo? The way I see it, ang kamatayan lang ang paraan pero hindi ikaw ang tipo ng taong kikitil ng sarili mong buhay. That was never an option in the first place."

"Sinabi mong kaya mong makapunta sa nakaraan. Tulungan mo akong makita si Felipe."

"Naniwala ka sa sinabi ko? Naniniwala ka na? Nagsisinungaling lang ako. I can never go to the past. Napakaimposibleng mangyari iyon. Kung gusto mo talaga ng tulong ko, maging matatag ka. Huwag kang magpaapekto sa napapanaginipan mo. Isipin mong panaginip lang ang lahat. Hindi dapat kontrolin ng panaginip na iyon ang kasalukuyan. Kung patuloy kang magpapaapekto, mababaliw ka."

"Napakagandang payo," sarkastikong wika nito. Tatayo na sana ito nang magsalita siya. 

"Huling tanong...gusto mo bang makalimutan ang lahat? Gusto mo bang maalis sa alaala mo ang lahat ng panaginip mo?"

Actually, she had another ability. Iyon ay ang alisin ang lahat ng alaala ng isang tao. Ang lahat ng alaala nito. That was the most dangerous thing. She cannot do that, and she will not do that kahit na bigyan siya ng isang milyong peso. Because that would mean erasing someone’s identity, making him a blank slate.

"Hindi ako duwag, Leticia. Mas gusto kong makilala muna si Felipe kaysa kalimutan siya. Interesado ako sa buhay niya."

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Never pa siyang nakarinig na gustong makilala ng nasa present ang tao sa past nito. Si Andro pa lang. Bilib din siya sa fighting spirit nito.

"Alright.” Tumayo si Leticia. “Bilib ako sa fighting spirit mo. That’s good. Ngayon, tatanungin kita. Kaya mo bang harapin ang consequences na pinili mo?"

"Nakaya ko pa ngang harapin ka," sagot nito. “Kakayanin ko para lang mawala ang lahat ng mga panaginip.”

TAHIMIK na nakamasid si Leticia sa ground. Naglalaro ang mga players ng frisbee. Katatapos lang ng practice nina Andro. As usual, sablay ang laro nito. Minsan, napansin niya ang pagkainis ng mga kasama nito dahil sa kawalan nito ng pokus sa laro.

Nakapagdesisyon na siya. Kailangan niyang ayusin ang ginawa niya. Kailangan niya itong tulungang mawala ang mga panaginip nito. Pagkatapos... hindi na niya ito kakausapin. Tama ng nandamay ulit siya ng isa pang inosenteng tao. 

"Andro!" tawag niya rito.  Pinunasan nito ang basang katawan dahil sa pawis. 

Nagpasahan ng nakakalokong mga ngiti ang mga kasamahan nito nang makita siya. 

"Kaya pala ayaw sumama sa atin, mga pare. May date pala," kantiyaw ng isa.

Tumalim ang mga mata niya sa nagsalita. "Mandiri ka naman sa pinagsasabi mo. Hindi totoo ang Beauty at the Beast."

"Teka. Sino ba si Beauty? Sino naman ang halimaw?" ani ng isa at sinundan ng halakhakan. 

"Magsitigil na nga kayo," saway ni Andro sa mga kasama nito. "Umalis na kayo."

Tinapik nito sa balikat ang kaibigan. "Sige na. Good luck sa date ninyo. Balitaan mo kami, pre kung kailan ang kasal." Sinundan iyon ng malutong na tawanan.

Hinarap siya ni Andro. “Pasensya ka na sa mga ugok na iyon. Walang magawa sa buhay. Hindi naman kulang sa aruga,” hingi ng paumanhin nito.

Tipid siyang ngumiti. It did not bother her anymore. Sa paglaki niya, hindi na siya ganoon ka sensitive sa life. May mas importante pang bagay kaysa magpaapekto sa ibang tao at sa mga insecurities niya. Idagdag na ang pag-se-self pity niya minsan.

"Tutulungan na kita. Alam ko kung paano mawawala ang mga panaginip mo." Not totally na alam niya. Trial and error lang itong gagawin niya. She will do everything para hindi siya mag-fail sa pag-try. Nakasalalay ang katinuan ni Andro. 

"Ayoko munang mawala si Felipe, Leticia. Gusto ko pa siyang makilala nang lubusan."

She stared at him with wide eyes. “Nahihibang ka na ba? Hindi pwedeng hindi mawala ang mga panaginip mo. Baka dumating ang araw ay malito ka kung sino ang dapat nasa present and past. Ikaw dapat ang magmay-ari ng katinuan mo. We need to erase his memories sa isipan mo. Or else, pwede siyang mag-take over sa iyo at ikaw na mismong nagmamay-ari ng katawang iyan ay tuluyang mawala.”

“But…”

"No buts, Andro. Kalimutan mo siya. Hindi mo ba alam kung bakit ka nagkakaganyan? Dahil hindi dapat magsama ang nakaraan at kasalukuyan. Isa lang dapat sa inyo ang magpatuloy. Kung hahayaan mo ang mga alaala ni Felipe, mawawala ang Andro at mapapalitan ni Felipe. At alam kong alam mo kung anong ginawa ni Felipe," pag-uulit pa niya para mas lalong mag-sink in sa utak nito ang punto na gusto niyang ipaalam dito. 

Napahawak ito sa buhok at napasabunot. "Mali bang makilala ko ang nakaraang buhay ko?"

"Isang napakalaking pagkakamali. They were meant to perish together with their lives. Mag-focus ka sa kasalukuyan, Andro. That will save you. Patay na sila. Reincarnations should remain a myth in the people’s live. The fact na nakatayo tayo ngayon at naaalala ang nakaraan natin, at ang mga kasalanang ginawa natin noon ay isang malaking pagkakamali. Hindi iyan ang natural law."

"Paano kung may gustong sabihin sa akin si Felipe?"

Natigilan siya. “What could that be? Andro, he will do everything para i-take over ng memories niya ang isipan mo. Then, he will live forever. At ikaw? You will cease to exist. You will not stay in the past nor in the future.”

“Gusto niyang mas kilalanin ko pa siya,” frustrated na saad nito. 

"Huwag mo siyang intindihin. Maniwala ka sa akin. Walang magandang idudulot ang katigasan ng ulo. 'Curiosity can kill a cat.' Ginawa ang kasabihang iyan bilang babala sa mga katulad mo. Hayaan mong manahimik ang nakaraan," dagdag pa niya.

"Tutulungan mo na akong mawala ang panaginip?"

"Oo. Sa huling pagkakataon. At please lang, Andro. After we settled your problem, kahit na anong mangyari, huwag ka nang lumapit o makipag-usap sa akin. Walang magandang maidudulot iyon sa inyo. "

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status