Kasalukuyang nakaupo si Esmeralda sa damuhan sa labas ng bahay nila at nagbuburda. Nagtatago ang araw sa likod ng mga ulap pero nararamdaman pa rin niya ang mainit na simoy ng hangin. Pinili niyang sumilong sa isang malaking puno na napapalibutan ng sari-saring mga bulaklak.
Nawili siya nang dumapo ang isang paruparo sa isang kulay pula na bulaklak. Pinabayaan na lang niya ito at bumalik sa kanyang ginagawa.
Napili niya ang isang bulaklak na burdahin. At kapag natapos niya ito, isusunod naman niya ang pagburda ng paglubog ng araw sa Look ng Maynila. Sana dumating ang araw na sabay nila iyong titingnan ni Teban habang magkahawak kamay.
Ang saya-saya siguro niya.
Mayamaya, lumapit sa inuupuan niya ang isang batang lalaki— si Caloy. Isa ito sa mga an
Pinaypayan ni Esmeralda ang sarili. “Walang katotohanan ang sinasabi mong iyan, ama. Kanino mo iyan narinig? Sabihin mo nang ako na mismo ang magbigay sa kanila ng parusa. Hindi maganda ang sinasabi nilang iyan. Isang paninirang puri sa angkan natin,” palatak niya. Masama na ba siyang anak dahil sa kasinungaling sinasabi niya ngayon? Matagal siya nitong tinitigan na animo sinusuri kung nagsisinungaling ba siya o hindi. Sana hindi nito makita ang kasinungaling pilit niyang kinukubli mula rito. Humakbang ito nang pabalik-balik sa makinis na sahig ng kanyang kwarto. Mayamaya ay huminto ito. “Ang bawat usap-usapan ay may bahid ng kaunting katotohanan, hija,” saad nito. “Nagsasabi ka nga ba ng totoo o sinasabi mo lang iyan upang hindi ako magalit sa iyo?” tanong pa rin sa kanya ng ama.
"Anong sikreto ba iyang pinagsasabi mo?" tanong ni Leticia. "Look. I should have never talked to you. Mukhang wala ka namang magawa sa buhay. Bored ka. Kaya nilapitan mo ako. I'm an easy target, by the way. I'm the typical loner na tampulan ng mga bullies pero sa kalagayan ko, I will never allow anyone to bully me. Never. "Tumaas ang kilay ng estranghera. "Am I? Or isa lang iyan sa mga deductions mo?"Marahan siyang humilig sa mesa. "Anong kailangan mo? Bakit bigla-bigla ka na lang diyan nakikipag-usap sa hindi mo kilala?"Ngumiti ito ng nakakaloko. "Now, we are talking. Kilala kita. Kilalang-kilala. Kahit na ang hinaharap mo ay alam ko. I can be your most dangerous enemy, Leticia."Nagsalubong ang kilay ni Leticia. Mukhang may gustong sabihin ang babaeng ito. Ang dami-
"Sana ganyan kadali katulad ng pagkakasabi mo," komento ni Leticia. "Wala sana akong iisipin ngayon."How will she time jump if she did not know how?"Just close your eyes and focus. Your desire to travel should surpass the heavens. Ganoon dapat ang ma-feel mo, Leticia.""I don't understand what you are saying," saad niya. "Everything seemed difficult to comprehend,” reklamo niya sa katabi. “I wonder kung may problema ba sa comprehension ko or wala.”“You’re confused, Leticia. Iyan ang nangyayari sa iyo. Take your time. Huwag mong masyadong pahirapan ang sarili mo para hindi ka ma-stress.”Nanulis ang nguso niya. “Madali lang sabihi
Disclaimer: This is a work of fiction. The characters do not exist in real life and were based on the author's pure imagination. Some events were also fictional. Sinasabi ko lang ngayon dahil nakalimutan kong sabihin sa simula pa lang. Hahaha.*********Marahas na napalingon si Leticia sa pinanggagalingan ng boses. Pero kahit na hindi siya lumingon, kilalang-kilala na niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Kahit pumikot man siya.Nagsalubong ang kilay niya.Ano na naman ba ang pakulo nito sa buhay?Nakahilig ang lalaki sa may pintuan ng rooftop. Sa dinami-dami ng pwede niyang makasama sa pag-iwan sa kanya ni Bituin, ang lalaking ito pa? Oh, please. Not now. Gusto na muna niya
Hindi pumunta si Leticia sa library katulad ng nauna niyang plano. Instead, hinanap niya ang classroom ni Bituin nang hindi na muna iniisip si Milo. Mamaya na niya iisipin ang kasalanang ginawa niya sa lalaki.Ngayong nahimasmasan na siya, ngayon lang niya napagtanto na sumobra na rin siya sa ginawa niya kanina.Ilang ulit siyang napabuntong-hininga.Wala na siyang magagawa. When she will have the time, she will say sorry kay Milo. Hindi niya kailangang magpaka-bitch dahil hindi siya ipinalaki ng ganoon ng kanyang mga magulang.Isa-isang sinuri ni Leticia ang bawat classroom na may klase. Ang sabi ni Bituin may klase ito sa Physical Education subject. Dalawa lang naman ang pwede nitong puntahan. It’s either sa gymnasium or sa mga classroom. 
Malungkot na tiningnan ni Andro si Leticia. Kumikinang nga ang mga mata nito ngunit dahil sa problema nilang dalawa ngayon. Pilit itong ngumingiti sa kanya, pampalubag-loob. However, her guilt was like a leech, seeping all her positive energy. Hindi niya magawang maging masaya at umakto na parang walang nangyari."It will not be late, Leticia. Alam kong gagawin mo ang lahat para tulungan ako. Kaming dalawa ni Milo. You’re a responsible individual. Kayang-kaya mong lutasin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay mo."Natigalgal si Leticia.Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "You knew about what is happening to Milo? Kailan pa niya sinabi? Are you mad at me, Andro? Dinamay ko na ang kaibigan mo. You should be angry at me hindi itong ang bait mo pa rin sa akin. I do not deserve it. Na
Matagalan na tinitigan ni Bituin si Leticia, pagkatapos ay napabuntong-hininga ito. “That would be an invasion of their privacy, Leticia. And yes. Magagawa ko iyan. Kailangan ko lang ang isang timeline para makapunta roon. Pero sigurado ka bang okay lang sa kanilang dalawa ang gagawin mo?”“They must never know about this, Bituin. Gusto ko lang malaman if I could save both of them or not.""Akala ko ba ayaw mong malaman ang hinaharap, Leticia?"Nag-iwas siya ng tingin at itinuon ang atensyon sa baybayin. Malakas ang ihip ng hangin sa dalampasigan at malalaki ang mga alon. Gusto na muna niyang makapag-relax. Saka na lang siya pupunta sa library. Uunahin na muna niya ang dalampasigan.Muling itinuon ni Leticia ang atensyon kay Bituin na nagsalubong
Leticia and Bituin were transported in a different place and maybe in a different timeline. Hindi siya sigurado noong una dahil parang wala namang nabago sa surroundings niya. Nandoon pa rin ang nagsisitayuang mga puno kung saan sumisilong ang mga benches.Papalubog na ang araw. Sumabog ang kulay orange na liwanag sa buong lugar.Nasa subdivision silang dalawa nina Andro. Alam na alam ni Leticia ito dahil minsan na rin naman siyang nakapasyal sa bahay nito. Wala naman siyang nakitang pagbabago maliban na lang sa lalaking nakatingin sa malayo. Walang emosyon ang mga mata. Na animo wala ng buhay.Kung hindi lang nakikita ni Leticia ang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito, malamang matagal na niyang nasabi sa sarili na baka patay na ang lalaki.