Share

Chapter 8

Catch up 

Pagbalik ko ng kusina ay nadatnan kong kumakain na yung iba kong mga kasama tsaka sila andy sa kusina. Nung nakita nila ako ay inaya na rin nila akong kumain at sumabay sa kanila, walang pag dadalawang isip naman akong sumabay sa kanila. Sobrang bait ng mga tao dito at napaka dali lang pakisamahan kaya naman hindi masyadong awkward saming lahat dahil nasa iisang lugar lang kami.

Masayang nag kwe kwentuhan sila habang kumakain habang ako naman ay nakikinig lamang, minsan ay natatawa na din ako sa mga pinag uusapan nila pero ngiti lamang ang pinapakita ko. Hanggang sa matapos ang pag kain namin ay puno pa rin ng tawanan ang kusina.

Mabilis na nakakapagod dumaan ang buong gabi. Simula kanina na pumasok ako dito sa kusina ay hindi na ulit ako lumabas dahil baka makita na naman ako ni lordy. Dito nalang ako sa loob ng kusina tumulong at inabala ang sarili ko.

Hindi naman sa ayaw kong makita niya ako, sobrang saya ko nga nung magkita ulit kami ngayon. 

Sobrang saya! 

Sadyang hindi ko lang talaga alam kung anong sasabihin ko at isasagot ko sa mga tanong niya. Mas ok na saakin yung iwasan sya, kesa naman mag sinungaling ako sa kaniya. 

Nang matapos ang party ay may nag text saakin na hindi naka register sa cellphone ko at alam kong si lordy iyon.

-Unknown number 

'Andy gusto mo bang hatid nalang kita mamaya?'

-Unknown number 

'Andy umuwi na ko. May emergency. Ingat ka sa pag uwi!'

-Unknown number 

'Reply ka kapag naka uwi kana rin'

Habang naka higa sa kama ay naka titig lamang ako sa text saakin ni lordy kanina. Actually naka uwi na ako sa bahay at nakapag linis na rin ako ng katawan, nagpapahinga nalang ako ngayon. 

Pinalitan ko naman ng pangalan yung number nya at sinave iyon. 

Sinundo ako kanina ni renz sa mansyon. Nagulat nga ako nung bigla siyang dumating sa mansyon para lang sunduin ako eh! Sabi nya ay gabi na daw, delekado na, kaya nag alala siya saakin at sinundo ako. Syempre wala na naman akong magagawa nandun na sya kaya sumabay na ako pauwi. 

Tatanggi sana ako, kaso naalala ko galing syang trabaho, pagod sya tapos sinundo pa ko dito eh ang layo layo nito sa pinagtra trabahuhan namin. Nag effort siyang sunduin ako tapos tatanggihan ko pa? 

Nagkibit balikat lang siya "Bakit nag tatanong lang naman huh!" inosente nyang pagtatanggol sa sarili niya. Lalo naman akong nainis

"Palibhasa kasi hindi ka naglilinis ng unit mo" inis na sabi ko sa kaniya at padabog na umupo ulit sa tabi niya

Kahit naman anong gawin ko dito sa hinayupak na to, hindi to aalis!

"Sinong nag sabing hindi ako nag lilinis ng unit ko? FYI love kasing kinis ng mukha ko yung unit ko" pag mamalaki niya pa. Sarkastiko naman akong natawa. 

"Ulul wag mo kong niloloko renz! Once a year ka lang naglilinis ng unit mo! Labag pa sa kalooban mo!" pang babara ko naman sa kaniya. 

Totoong once a year sya nag lilinis ng unit niya! New year pa! para daw buong taon malinis yung unit niya kahit hindi niya linisan

Napasinghap naman siya ng malakas "Hoy saan mo nakuha yang fake news na yan?!" 

Tinaasan ko naman siya ng kilay "Ohh bakit may angal ka? " maangas na tanong ko sa kaniya. Mabilis naman siyang umiling iling. 

"Wala huh! Sabi ko nga ang galing mong mag linis ng unit mo. Dapat yung sakin din nililinisan mo" pang aasar niya pa.

"Di ka talaga titigil?"

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo love! Plus points pa yun sa langit kapag nilis mo din yung unit ko. Nalinis mo na yung unit ko, Nakatulong kapa sa kapwa mo diba?!" malumanay niya sabi.

Marahas naman akong kumuha ng tinidor kaya napatingin sya sa kamay ko na may hawak ng tinidor 

"Sabi ko nga kakain na ko! " mabilis niyang sabi at natatawang nag simula ng kumain.

Tignan mo lang tong hinayupak na to! Ang lakas mang asar! 

Pagkatapos namin kumain at tulad ng nakasanayan ay si renz ang nag hugas ng mga pinagkainan namin.

Mabilis na lumipas ang mga araw at puro trabaho at bahay lamang ang ginawa namin at halos sa araw araw na lumipas ay hindi pwedeng walang text sakin si lordy at iya. 

-Lordy

'See you later!'

Habang nag hahanda para sa pagkikita namin ni lordy ay nag text siya. 

Habang nag susuot ng sandals sa sala ay biglang pumasok si renz sa unit ko. 

Nagtataka naman siyang tumingin saakin

"May pupuntahan pala tayo? "

Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa narinig "Anong tayo? Ako lang! "

"Saan ka naman pupunta aber? " naka pamewang na tanong niya

"Nag kita kasi kami nung childhood friend ko dun sa engagement party kaya nag kayayaan kami" paliwanag ko sa kaniya at tumayo na ako dahil tapos ko ng ayusin yung sandals ko. Pumasok ako sa kwarto ko dahil kukunin ko na yung bag ko nang maramdaman kong naka sunod sya saakin

"Childhood friend! Babae?" inosenteng tanong niya

"Lalaki" sagot ko at kinuha ko na yung bag ko tsaka lumabas ng kwarto. Sumunod naman siya.

"childhood friend tapos lalaki? " di makapatiwalang sabi niya. Tinaasan ko naman sya ng isang kilay

"Bakit? Anong problema dun? " tanong ko sa kaniya. Kami nga mag best friend!

"Wala naman sge umalis kana! Wag kana bumalik!" aniya gamit ang nagtatampong boses habang naka labi at nag papadyak na umupo sa sofa.

Natawa naman ako "Para kang tanga" nagulat naman ako ng marahas siyang tumayo

"Sige! Sumama kana sa lalaki mo! Kaya kong palakihin yung mga anak natin na ako lang mag isa" pag iinarte nya habang uma-acting na may dala dala siyang mga bata. 

"Cut! Di bagay sayo! "

Tumigil naman siya sa pag acting at pinang liitan ako ng mata "Wala ka talagang support sa kaibigan mo no?" sarkastikong tanong niya.

"wala akong kaibigan na alien" pang babara ko sa kaniya at malakas naman siyang napasinghap.

"Sge na lumayas kana!" sigaw niya habang naka turo pa sa pinto ng unit

"Bye!! " paalam ko at nag lakad paalis. Maya maya naman ay narinig ko na naman siyang sumigaw sa likod ko 

"Ay wait!! Hatid na pala kita! "

Hinarap ko naman siya "Sure ka? Baka pagbayadin mo ko ng pang gas, sinasabi ko sayo renz wala akong pera!"

Dinuro niya naman ako "Tignan mo lalabas ka lang tapos wala ka palang pera! Wag kana tumuloy"

"Manahimik ka na nga malalate na ko" pag sasaway ko sa kaniya at nagsimula ng mag lakad

"Tara na alert! Bilis!" aniya at nauna pa saaking mag lakad, napa iling naman ako. 

Sinabi ko kung saang restaurant nya ako ihahatid dahil doon kami magkikita ni lordy. 

Nang makarating kami sa labas ng restaurant ay marami pa syang pinaalala saakin tulad ng wag daw ako mag papagabi, tawagan ko daw sya kapag magpapasundo na ko, bibisitahin pa namin si nanay yuna, at marami pang iba. Pinaalis ko muna sya bago ako pumasok sa mamahaling restaurant 

Yes, mamahalin. 

Nung una hindi ako pumayag at sinabi ko sa kaniya na wala akong pang bayad sa kakainin ko, pero sabi niya ay treat nya naman daw kaya wala na dapat akong ipag alala. Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag. 

Aaminin ko, medyo kinakabahan ako. Siguro dahil ngayon nalang ulit kami makakapag usap. Siguro dahil ngayon ko nalang ulit siya makakasama ng solo. Siguro dahil matanda na kami at hindi na kami bata. Hindi ko rin alam kung kailangan ko bang maging pormal o ano. 

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob ng restaurant.

Pag pasok ko ng restaurant ay nakita ko agad siya na naka upo sa pinaka malapit sa bintana. Nang mapansin nya ang prensensya ko ay tumingin siya dereksyon ko at ngumiti. 

Nang magtama ang mga paningin namin ay biglang tumibok ng malakas ang puso ko kaya naman huminga ako ng malalim ng ilang beses para pakalmahin ang sarili ko

Nagtungo na ako sa dereksyon nya at tumayo naman sya para ipaghila ako ng upuan at nag pasalamat naman ako. 

Tumawag muna siya ng waiter at tinanong muna ako kung anong gusto ko, sinabi ko naman na kung ano yung sa kanya ay yun nalang din ang sakin.

Alam kong awkward tayo sa isa't isa ngayon, pero isipin nalang natin na tayo pa rin yung mga batang masayang naliligo sa ulan habang nag hahabulan" aniya at mahinang natawa. Natawa rin ako ng maalala ang mga araw na iyon. 

"Sige ako na una mag kwe-kwento para hindi kana mahiya sakin!" aniya ay humugot ng malalim na hininga tsaka tila nag iisip kung saan siya unang mag sasalita. 

"I am Lord ian Rosete. Single, your one and only lordy, i am a business man. Actually business partner kami ni Florence. My favorite food is ice cream because someone told me na nakapag papagaan daw ng loob kapag kumain ng ice cream." aniya habang naka ngiti kaya naman napangiti na rin ako

And that someone is me. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status