Share

Chapter 6

Flashback 02

"A-a-anak Anak! " mahinang tawag sakin ni mama at mula sa kabilang linya ay naririnig ko ang panginginig ng boses ni mama. Tila hinahabol ako ng mga kabayo sa sobrang kaba.

"MA!? " tawag ko sa kaniya habang lumalabas sa cafeteria para mas marinig ko si mama ng maayos dahil medyong maingay sa cafeteria. 

"A-alam kong may klase kapa p-pero" nanginginig pa din ang boses nya kaya bawat segundo na lumilipas ay lalo akong kinakabahan

"Asan ka ma? " tanong ko sa kaniya dahil ang pag kakaalam ko ay pumasok siya sa trabaho sila ni papa.

"S-sunduin mo ko d-dito" nauutal na sabi niya pero mahahalata sa boses nyang pilit nya pinapahinahon ang boses nya para lang makapag salita ng maayos. Bumalik naman ako sa cafeteria para ayusin ang mga gamit ko dahil hindi na talaga maganda ang pakiramdam ko tungkol dito

"Saan yan ma? " tanong ko sa kaniya habang inaayos ko na ang mga gamit ko. 

Nag tataka namang tumingin saakin yung mga kaibigan ko pero hindi ko na sila pinansin at hindi na ako nag paliwanag sa kanila at basta basta nalang umalis. Pipigilan pa sana ako ni pia para tanungin pero napansin nyang nag mamadali na talaga ako.

"S-sa lumang building sa may b-besente"

Huh?  Besente?  Anong ginagawa nya dun? Sobrang layo ng lugar na yun sa pinag tra-trabahuhan nya! Dalawang oras pa mula dito sa school namin ang papunta dun! 

"besente?  Sobrang layo nyan ma!  Anong ginagawa mo jan? " nagtatakang tanong ko sa kaniya at pilit na pinapakalma ang sarili ko 

"Humingi ka ng t-tulong sa mga ate mo" 

Tulong?  Bakit kailangan humingi ng tulong? Bakit sya umiiyak? Bakit nanginginig yung boses nya?  Ano bang ginagawa ni mama sa besente?  Anong nangyayari? 

"Ma kinakabahan na ko!  Ano bang nangyayari sayo? " pag amin ko kay mama daw pati ako ay hindi na din mapakali.

"Yung b-boss ko a-anak" nauutal na sabi niya at nag simula na namang humikbi at ang tangi ko nalamang naririnig mula sa kabilang linya ay hagulgol na iyak mula kay mama 

"Ano yung boss mo ma?" Yung boss niya?  Baka may nangyari sa boss ni mama!  Ang bait pa naman nun!  Yung boss kasi ni mama at papa ay mag asawa at alam din nila na mag asawa si mama at papa. 

Wag nyong sabihing naaksidente yung boss ni mama! Sobrang laki na ng naitulong nang mag asawang yun sa pamilya namin at ilang decada na ding nag tra trabaho yung mga magulang namin sa kanila dahil yung sinusweldo nila ay yun na ang nag papakain saamin araw araw at nag paaral saamin hanggang sa makapag tapos sila ate ng senior high 

"pinag—" naputol naman ang sasabihin nya ng magsimula na naman siyang humikbi at humagulgol sa iyak

"Pinag samantalahan a-ako" aniya at lalo pa syang humagulgol habang ako naman ay tila nasabugan ng sampunong bomba sa harapan ko at tila hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko at tila na bingi ako dahil sa narinig ko

S-si mama ni rape ng boss n-niya? 

Pero pano niya magagawa yun kay mama?  Sobrang bait niya at tinitingala ko na sya. Iniidolo ko pa sya dati dahil sa kabaitan nya at pinangarap ko pang maging kagaya niya na tumutulong sa ibang tao. 

Nang may lumandas na luha sa mukha ko ay dun lang ako naka galaw at bumalik sa huwisto 

"P-pano— ma!! Hintayin mo ko jan!!" tumakbo na ako papunta ng gate namin at sobrang swerte ko ng makitang walang guard iyon dahil baka kumakain na din.  Naka sara ang gate pero hindi naman naka lock kaya mula dito sa loob ng school ay binuksan ko ang gate tsaka tumakbo sa sakayan ng mga taxi. May ipon naman ako sa baon ko kaya may pang bayad ako at ang importante lang ngayon ay mapuntahan ko si mama

"Bilisan nyo anak b-baka magising na s-siya" aniya sa mahinang boses at pinapahinahon ang sarili 

" Sge ma,  tatawagan ko lang sila ate at papa. Tatawagan ulit kita" paalam ko sa kaniya dahil alam kong hindi ko yun kakayanin kung ako lang mag isa,  kailangan ko ng tulong

"Sge anak" simpleng sagot niya ngunit alam kong sobrang kinakabahan sya

"M-magtago ka muna jan ma saglit lang kami promise!" sabi ko habang sumasakay sa taxi at sinabi kung saan ako pupunta

"Hihintayin ko k-kayo anak" aniya at bakas sa boses niya na naiiyak na naman siya. Hindi na ako sumagot at pinatay na ang tawag para tawagan si ate nicole.  Naka ilang ring pa iyon bago nya sinagot

"Hello Ate! "

"Oh Bakit napatawag ka reid?" halata sa boses nya na nagulat siya sa pag tawag ko ngunit hindi niya na pinansin iyon.  

Nang maalala ko ang mga pinag usapan namin ni mama ay bigla akong naiyak pero pilit ko namang pinapatahan ang sarili ko dahil kailangan ko agad masabihan sila ate para matulungan namin si mama

"Ano ba reid hindi kita maintindihan! Nasan ka?  Pupuntahan kita" aniya at bakas sa boses niya ang pag alala

"a-ate kailangan ni mama ng tulong natin" 

"Ano?  Ano bang pinagsasasabi mo?" naguguluhang tanong niya. 

"S-sa besente. Yung lumang building. Nandun si mama. Kailangan niya ng tulong natin! "

"Sge tawagan mo si Ate at tatawagan ko si papa" aniya at bakas na din sa boses ang pag aalala at kaba

"Sge ate dun nalang tayo magkita kita at bilisan natin bago mahuli ang lahat" hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay ko na ang tawag para tawagan si ate dionna. 

Ilang ring lamang ay sinagot na agad ito ni ate. Pinahinahon ko muna ako sarili ko bago nag salita

"Ate kailangan ni mama ng tulong natin" pag bungad ko sa kaniya at ilang sandali pa bago siya mag salita

"Anong kailangan?  Anong pinag sasasabi mo jan? Eh nasa trabaho si mama" aniya at medyo tumawa pa. Akala nya siguro ay niloloko ko lang siya.

"Sa pinaka lumang building sa besente. Dun tayo magkikita kita, tinawagan na din ni ate nicole si papa"

"Teka ano bang nangyayari sayo airi? Ano bang pinag sasasabi mo jan?" naguguluhang tanong niya

"Ate kailangan nga ng tulong ni mama!" pag papaintindi ko sa kaniya

"Alam mo airi kung prank to tigilan mo na—" aniya at pilit na tumatawa pero na ririnig ko na sa boses nyang kinakabahan na sya

"Ate ano ba!?  Sa tingin mo mag loloko ako sa mga ganitong sitwasyon!"  ilang sandali pa bago siya mag salita

"Sge tatawag na din ako ng pulis, dun nalang tayo magkita kita" aniya at hindi na ako hinintay na mag salita at binabaan na niya ako ng tawag. 

Pagkababa ng tawag ay tinawagan ko agad si mama ngunit ilang tawag na ang nagawa ko pero hindi niya pa din sinasagot. Nag simula na naman akong kabahan.

"Kuya paki bilisan naman oh!"

"Sge po" at ginawa niya naman ang gusto ko

Ilang tawag pa ang ginawa ko pero hindi pa rin sinasagot ni mama. Nagsimula namang lumandas ang mga luha sa pisngi ko.  Nakita ko pang tumitingin sa direksyon ko ang driver ngunit hindi ko na lamang iyon pinansin dahil kinakabahan na talaga ako ngayon 

Ma!  Hintayin mo kami pleaseeee!  Malapit na kami ma!  Lord please wag mo pong pababayaan yung mama namin!  Mahal na mahal po namin siya please! 

Kada segundo at minuto ang lumilipas ay lalong na dadagdagan ang kaba sa puso ko at hindi na ako mapakali. Bigla namang tumunog ang cellphone ko at nang tignan ko yun ay si ate Nicole pala kaya naman agad agad ko iyong sinagot 

"A-airi" nauutal nyang tawag sakin.  Naiintindihan ko naman sya dahil kahit ako ay nanginginig pa din dahil sa sobrang kaba at ang layo ko pa sa lugar kung nasan si mama

"Ate anong nangyari?  Natawagan mo na ba si papa? " 

"A-airi kasi" hindi na niya napag patuloy ang sasabihin niya ng impit syang humikbi 

"Ano na ate?  Anong sabi ni papa?  Nasan na daw siya? " kuryosong tanong ko sa kaniya

"S-si papa kasi airi vdwksjskjsnd" hindi ko na naintindihan ang pinag sasasabi niya dahil nag simula na siyang mag hagulgol sa iyak 

Paano ko siya maiintindihan kung puro iyak yung naririnig ko?  Alam ko kung gano kahirap yung sitwasyon namin ngayon pero mas kailangan naming maging malakas ngayon para kay mama.  Paano namin maliligtas si mama kung lahat kami ay mahihina? Sa ganitong oras kailangan naming lumaban at mag pakatatag. 

"Ano?  Hindi kita maintindihan ate! Huminahon ka muna ok? Para maintindihan kita" sabi ko sa kaniya at mula sa kabilang linya ay narinig ko siyang huminga ng malalim ng tatlong beses bago mag salita 

"N-naaksidente si p-papa Airi! Wala na din si papa" aniya at nag simula na naman siya humikbi tila may panibagong bombang sumabog sa harapan ko at tila kinukurot na ang puso ko 

"Ano?  Saan daw naaksidente?" bakit ngayon pa?  Bakit naaksidente?  Pati ba naman si papa?  

Lord please iligtas mo po si papa at mama please! Nag mamakaawa po ako sayo!  Kahit ako nalang po!  Wag lang ang mga magulang namin!  Sobrang halaga nila sakin at hindi ko kaya na mawala silang pareho saamin! Sobrang dami na nilang sinakripisyo saamin!  Please lord ako nalang po!  Wag lang ang mga magulang namin! 

Sobrang mahal na mahal ko po sila na kahit ang sarili ko ay kaya kong ibuhis para lang sa kanila! 

"Pwede mamaya nalang natin pag usapan yun?  Kailangan na nating maligtas si mama" Hindi.  Hindi pwede yun!  Kailangan din ng tulong ni papa! 

"Ate saan daw naaksidente si papa? Ako nalang ang pupunta sa kaniya! Para kayo ni ate dionna ang pumunta kay mama tumawag na din ng pulis si ate dionna" sabi ko sa kaniya dahil hindi naman pwedeng lahat kami ay pumunta kay mama.  Dapat isa saamin ang pumunta din kay papa

"Sge! Sa may Dela fuente naaksidente si papa.  Ikaw na ang bahala kay papa huh!  Balitaan mo kami pag dating mo dun!  Kami na bahala ni ate kay mama tutal may mga pulis naman"

"Sge ate balitaan nyo din ako at mag ingat kayo" paalala ko sa kaniya 

"Ikaw din Airi" aniya at hindi na ako sumagot at pinatay ko na ang tawag bago ko balingan ang driver 

"Kuya paki liko naman po sa Dela Fuente high way" hindi na sya sumagot at lumiko na lamang. Ilang Segundo lamang ang lumipas ng makarating kami sa Dela Fuente high way. 

Lumapit agad ako at nakipag siksikan sa mga taong nandun. Napapalibutan ng mga pulis ang tatlong sasakyan na umuusok pa ang nag pagunaw sa mundo ko. 

Dito naaksidente si papa kaya nasisiguro kong isa sa mga sasakyang ito ang sinasakyan ni papa ng maaksidente siya

"Sir ano pong nangyari dito?" tanong ko sa police officer na malapit lang saakin. Nilingon niya naman ako at sinagot. 

"Nagkabanggan ma'am. Pero aalamin pa po namin kung ano talaga ang puno't bunga ng insidente" aniya at umalis dahil may inaasikaso siyang isang bagay

"Excuse me ma'am kaano ano nyo po si Mr. Alexander Dacio?" medyo nagulat naman ako ng may kumalabit saakin

"Tatay ko po" sagot ko sa police officer na nag tanong saakin

"Please follow me" simpleng sabi niya at nag simula na syang maglakad kaya naman sumunod na lamang ako 

Huminto naman kami ng makarating kami sa isang sasakyan na sa tingin ko  ang pinaka napuruhan dahil kalas kalas na ang ibang parte ng sasakyan at hindi katulad ng dalawang sasakyan ay may apoy pa itong konti.

"Ito po ang sinasakyan ng biktima at sinugod na kanina sa hospital ang lahat ng nasama at sugatan sa insidente" aniya habang pareho naming pinag mamasdan ang sasakyan sa harap namin 

[ End of Flashback ]

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status