Share

Chapter 6: Another After The Other

CLAIRE'S POV

"Lumayo ka sa'kin!" Sa sobrang inis ko ay tinapakan ko nang napakalakas ang kaliwang paa niya dahilan para mapalayo siya sa'kin at ininda ang sakit no'n.

Nagtatatalon siya sa sakit habang nakahawak sa paa nitong tinapakan ko. Sinipa ko naman ang lalaki sa kanan ko at buong puwersang hinila ang dalawa kong kamay mula sa kanila. I have no choice but to do this. How can they act indecently?

Kaagad akong lumapit sa isang humawak sa'kin at sinuntok ito sa mukha. Mabilis ko pa siyang sinipa sa tiyan kaya natumba siya at hindi kaagad nakatayo. While the other guy who grabbed me tried to attack me from the back, I caught his arm and immediately twisted it as I faced him.

"Fuck! Bitiwan mo ako!" sigaw nito sa'kin. Sa halip na sumunod sa kaniya, pinilipit ko pa lalo ang braso niya dahilan para mapasigaw siyang muli. Why would I listen to him?

"At bakit kita bibitiwan? Ilang beses kong sinabing bitiwan niyo ako kanina, sinunod niyo ba?" tanong ko naman sa kaniya saka ngumisi.

Nagkamali yata sila ng biniktima. Sinabi ko na kaninang pakawalan na nila ako, but they didn't listen. As someone who learned martial arts, I could have broken their bones if I wanted to. I'm just trying to control myself because I don't want to hurt anyone.

"Aray! Tama na!" pagmamakaawa niya sa malakas na boses nang mariin kong kurutin ang tainga nito. Tinigilan ko na rin nang makita kong iiyak na siya at masyado ng namumula ang tainga pati ang mukha niya.

Sinipa ko pa ang isa sa kasamahan niya nang subukan muli akong atakihin nito. Pagkatapos, humarap ako sa isa pang lalaking tumatawa lang kanina. He was about to attack me when their leader stopped him.

"You're strong," nakangisi nitong papuri. Hindi ko alam kung ano bang binabalak niyang gawin. He didn't even attack me at least once after I hit him.

"It's nice meeting you, I'm Paul." Masamang tingin ang ipinukaw ko sa kaniya nang bigla siyang magpakilala. He's kidding me. Napasinghal na lang ako. Anong akala niya, biro lang ang lahat ng ito? Matapos nang ginawa niya sa'kin?

"Alam mo bang hindi ko gustong gawin ito?" naiinis kong tanong sa kaniya na binalewala ang kaniyang sinabi.

It's true that I didn't want to do this but they forced me. And aside from not wanting to hurt anyone, I decided not to show this fighting skill to others. Simula kasi nang mawala si Papa, hindi na ako nag-aral pa ng martial arts na siyang nagturo sa'kin noong sampung taon pa lang ako. He said that I have to learn to fight to protect myself as if he knew this day would come.

Naiiyak ako kapag inaalala ko siya kaya hindi ko na itinuloy pa ang pagsasanay ko. Hindi ko na naman kailangan pang magpatuloy dahil sapat na ang mga natutunan ko. But since I don't want to be recognized, I keep this to myself and that's also why I couldn't defend myself from those bullies. Someone might find me.

Mabilis akong lumapit sa harapan ng leader nila na nagpakilalang 'Paul'. Bigla kong naitaas ang kamao ko na handa na sana siyang suntukin pero hindi ko na itinuloy. Instead, I stomped on his left foot for the second time which made him groan in pain. I hate him!

"Fuck!" nasasaktan naman nitong sigaw habang nakahawak sa paang tinapakan ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka siya tinalikuran at nagpatuloy na sa paglalakad paalis.

"Wait." Napahinto naman ako bago naiinis siyang nilingon. He's getting on my nerves.

"Let me escort you," alok niya na tinaasan ko naman ng kilay. "You're lost, aren't you?" dagdag niyang tanong. Doon ko naman napagtanto na hindi ko nga pala alam ang daan pauwi. This is embarrassing.

Hindi pa ako nakasasagot nang magsimula siyang maglakad kaya't sinundan ko naman siya ng tingin. Tumigil siya nang malagpasan ako saka sumenyas sa akin na sundan siya. Napaiwas na lang ako ng tingin at napagdesisyunang tahimik na sumunod na lang sa kaniya.

Hindi nagtagal ay huminto siya sa isang kalye at doon ko na napansin na mukhang malapit na 'yon sa bahay namin. Nilagpasan ko siya at hindi na nagawang pansinin.

"Your name, tell me your name," habol niyang sambit na ikinatigil ko.

Naikuyom ko pa ang kamao ko nang maalala ko ang ginawa niya sa'kin na hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko. Ayokong dumagdag pa ang nangyari ngayon sa mga iisipin ko. Hindi ako nagtatanim ng galit, bumabawi ako.

Kaagad humakbang ang mga paa ko pabalik sa pwesto niya at walang pag-aalinlangan siyang sinuntok sa mukha gamit ang buo kong lakas. Napaurong naman siya na inalalayan pa ng mga kasama niya. Pinunasan nito ang nagdugo niyang labi bago magkasalubong ang kilay na tumingin sa akin.

"Hindi mo na kailangan pang malaman, since we're not gonna see each other again," huli kong litanya bago siya tinalikuran at nagpatuloy sa pag-alis.

• • •

"Meyn!" Lumapit sa'kin si Mama at niyakap ako nang mahigpit.

Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan ko siyang nakaupo sa couch at mukhang hindi mapakali. Kanina pa siguro siya ganoon kahihintay sa'kin.

"Sorry, Ma," kaagad kong paumanhin sa kaniya. Humiwalay siya sa pagkakayakap at hinawakan ako sa kamay.

"Where have you been? Pinag-alala mo ako nang sobra." May pagkabalisa ang kaniyang tinig. "What happened to your hand? Okay ka lang ba? Masakit ba?" sunod-sunod niya pang muling tanong nang makitang namumula ang likod ng kamay ko.

"Wala ito, Ma. Okay lang ako," sagot ko na lang saka umiwas ng tingin.

She hugged me again as she held her tears. "Sorry. I'm sorry, anak." Her voice is so soft that it's squeezing my heart when I'm acting cold to her like this.

"Let's talk about it tomorrow, Ma. Gusto ko munang magpahinga." Humiwalay ako sa pagkakayakap niya at mabilis na pumasok sa kwarto ko.

Ayoko muna siyang kausapin ngayon dahil siguradong walang papasok sa utak ko. Naisipan ko munang maligo bago humiga sa kama at natulog na para magpahinga. I had enough today, I feel drained.

Kinabukasan, nagising ako ng mga alas diyes na ng umaga. Inayos ko ang pinaghigaan ko at naglinis na rin ng kwarto. Hanggang sa mapadako ang aking mata sa dingding at nakita ang isang bagay na nakasabit doon. Nakadikit 'yong diploma ko habang nakasabit ang isang gintong medalya.

Napabuntong-shining na lang ako. I missed receiving my award on stage. Looking back, running away was just too embarrassing, it's the worst.

Bigla akong napahawak sa tiyan ko nang maramdaman kong kumalam 'yon. Kailan ba ako huling kumain? Sa pagkakatanda ko ay kahapon pa ng umaga. Hayst, nagugutom na ako, sana may pagkain sa labas.

Lumabas ako ng kwarto at nagpunta ng kusina. Pagkarating ko ro'n, nakita kong may nakahandang pagkain sa lamesa kaya naupo ako kaagad at nagsimula nang kumain.

Nang matapos, dumaretso ako sa sala at naupo na lang sa couch. Sakto naman na biglang lumabas si Mama sa kwarto niya at lumapit sa'kin.

"Kumain ka na ba?" tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Hmm," tanging sagot ko lang saka tumango.

"About yesterday, matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'yon. Pero gusto ng Papa mo na 'wag na lang ipaalam at magkaroon na lang tayo ng simpleng pamumuhay," paliwanag niya.

Narinig ko ang mga sinabi niya pero hindi ko siya pinansin. Mayamaya pa ay tumingin ako sa kaniya at doon ko nakita ang seryoso nitong mukha. Hinawakan niya ako sa magkabila kong balikat bago diretsong tumitig sa mga mata ko.

"Anak, listen carefully to everything that I'm about to say... Wala pa akong lakas ng loob para sabihin sa'yo ang totoo, pero kailangan mo nang malaman ang katotohanan. Matagal ko nang pinaghandaan ito dahil alam kong magagalit ka sa'kin pagkatapos. Kaya ngayon pa lang ay humihingi na ako ng tawad sa'yo. Patawad, anak."

Tinanggal nito ang kamay niya sa balikat ko pagkatapos ay humugot ng isang malalim na buntong-hininga.

"Ano bang sinasabi mo, Ma?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

Ano na namang katotohanan ang sasabihin niya sa'kin? Ibig sabihin may iba pa siyang nililihim sa'kin? May hindi pa siya sinasabi sa akin bukod sa mayaman siya? For some reason, it's making me nervous. Parang ayokong pakinggan ang lahat ng 'yon pero kailangan.

"I-I and my husband..." Bigla na lang pumatak ang luha sa mga mata niya at parang nagdadalawang-isip pa kung itutuloy ang kaniyang sasabihin.

Nananatili lang akong nakatingin sa kaniya at hinihintay kung ano ang gusto niyang ipahayag. Hindi ko maintindihan ang kinikilos niya ngayon. Ganoon ba kahalaga ang sasabihin niya para mahirapan siya? But I guess, this is really a serious matter.

"Me and my husband... are not your real parents." Tuluyan na siyang napaiyak pagkatapos niyang sabihin 'yon. Ako naman ay pilit pang ipinapasok sa aking utak at iniintindi ang mga binitawan niyang salita.

"Me and my husband... are not your real parents."

Nakailang ulit ko pang inalala 'yong sinabi niya bago ko naintindihan ang ibig nitong sabihin. "You're lying right?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Napailing lang siya habang tuluyang bumuhos ang luha sa kaniyang mukha. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko at tumulo na rin ang luha mula sa aking mga mata. This can't be real.

"You're lying! Magaling ka naman doon 'di ba?" Napatayo ako sa pagkakaupo dahil sa masidhing emosyon na nagpupuyos sa dibdib ko.

"I'm sorry. Please, pakinggan mo muna ako," pakiusap niya. Sinubukan kong pakalmahin muna ang sarili ko at ang makinig sa mga sasabihin niya. It was so hard for me to believe what she confessed and the fact that she has something to explain made me feel more broken because I know she's telling me the truth that I couldn't deny.

"Then tell me, tell me everything," aniko sa mahinahong tono na pilit pinapakalma ang aking sarili. Sinubukan niya munang tumigil sa pag-iyak bago nagsimulang magsalita.

"M-Matalik kong kaibigan ang Mommy mo. Ang totoo mong pamilya ang siyang nangunguna sa pinakamayaman sa buong bansa. May maganda silang kalooban at tumutulong sa lahat ng taong nangangailangan."

Hindi na lang ako nagsalita sa sinabi niya na lalo pang nagpagulo sa isip ko dahil hindi ko maintindihan. Anong ibig niyang sabihin? My biological parents are the top richest family in the country? Ibig sabihin, sila ang nasa rank one?!

"Halos ang pamilyang Wilk at Sciff lang naman kasi ang nakagagawang tumulong sa atin na siyang nangunguna na pinakamayamang tao sa buong bansa."

Naalala ko ang sinabi ni manong kahapon. Ibig sabihin isa sa dalawang pangalan ng pamilyang binanggit niya ay siyang tunay kong pamilya? This is too much, why is she telling me this now?

"Nasa sinapupunan ka pa lang ng Mommy mo ay may gusto nang pumatay sa'yo pero hindi namin kilala at alam ang dahilan kung bakit. That someone threatened your real mother to kill her unborn child, which is you. Kaya naman sinubukan nilang gawin ang lahat para maprotektahan ka," dagdag niya.

I faintly gasped after hearing those shocking truths that kept me in the dark. I couldn't utter a word. So it was all to protect me? Even on that day?

"That's why when you were born, pinalabas ng mugalang mo na namatay ka sa pagkakapanganak at ibinigay sa amin para kami ang mag-alaga sa'yo. Napag-usapan namin na sabihin sa'yo ang totoo sa oras na makapagtapos ka ng high school kaya binigyan ka namin ng simpleng pamumuhay at tinalikuran muna ang lahat sa kasiguraduhang ligtas ka."

Nanghina ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam na may ganoon silang dahilan kaya nila nagawang magsinungaling sa'kin. They did all of this for my sake and everything happened because of me.

"Pero 'di nagtagal, nang tumuntong ka ng labing dalawang taong gulang, nalaman ng taong gustong pumatay sa'yo na buhay ka pa. That was the day when they attacked us in our home and killed your father..."

Dahan-dahan akong napaupo at muling napaiyak dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Nanghihina ang mga binti ko at naikuyom ko na lang ang aking kamay. All this time, my suspicion was right and it hurts me more knowing that it was really true.

Ako nga ang dahilan kung bakit namatay si Papa. Nang dahil sa'kin, napatay siya ng mga tauhan ng taong gustong pumatay sa'kin para lang sa kaligtasan ko. On that night, he died trying to save me. So it was really because of me. I was right, after all.

"Lumipat tayo ng bahay at muling nakalayo sa kaniya pero ngayon, nagawa niya ulit akong matagpuan," she continued. I can't stop my tears from falling. Nabalot ng lungkot at galit ang puso ko. Tila kidlat na kumislap sa isang madilim na silid, gumuhit sa karimlan ang mga alaalang nakatanim sa aking isip.

"Ma, bakit ngayon mo lang sinabi? N-Nang dahil sa'kin, namatay si Papa. Kasalan ko kung bakit siya namatay!" I exclaimed in grief.

Lumapit siya sa'kin at bigla na lang akong niyakap habang marahang hinaplos ang aking likod.

"Claire... Wala kang kasalan, anak. Hindi ko gustong sabihin sa'yo dahil ayokong sisihin mo ang sarili mo sa bagay na 'yon. I just had no choice but to tell you everything. You're old enough to be aware of this, anak. But I'm still afraid that you're not ready to face your enemy. Sooner or later, he might show up and harm you if we're not cautious," aniya habang nakayapos sa'kin.

"S-Sorry, Ma. S-Sorry," patuloy ko pa ring paghingi ng tawad. I'm such a fool. I didn't even know that my father saved me so that I could live. But I was living a pathetic life all this time!

"Wala kang kasalanan, naiintindihan mo?" Tumango ako sa kaniya habang patuloy pa rin sa paghagulhol. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa aking noo at muli akong niyakap ng mahigpit.

"I understand if you can't forgive me, anak. Pero sana 'wag kang magagalit sa tunay mong magulang. Nagawa lang naman nila 'yon para sa kaligtasan mo," she muttered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status