Share

Prologue

"Cleo ikaw na kasi yung bumili"

Sigaw saakin ni ate, nag tatalo kami kung sino bibilhi ng takoyaki. Ayoko kasi lumabas dito sa bahay namin dahil natatakot ako at bawal din sa usok ng sasakyan.

"Cleo naman! Masama nga ang pakiramdam ko"

Kinuha ko ang one hundred pesos sa lamesa at nag suot ng mask at lumabas na.

Marunong naman ako tumawid ewan ko din kung bakit natatakot ako lumabas, dahil siguro don sa nangyari nung bata ako.

Pagka labas ko ng Prudencio St. ay Dapitan na tumawid ako ng kalsada at pumunta sa bungad ng Cristobal St. kung saan nando'n ang mga nag titinda ng mga miryenda.

Pumunta ako sa tapat ng tindahan ng takoyaki, tiningnan naman ako ng nag titinda nito na parang nag papahiwatig na ano ang bibilhin ko

"Isang cheese at bacon nga po" sabi ko tiyaka tiningnan ang cellphone ko kung mayroon ng message si Chan at Zaina.

Si Chan at Zaina ay isa sa mga bestfriend ko, dahil wala naman silang message saakin ay nag i* story nalang ako nung niluluto na takoyaki.

Laging napapatingin ang nag titinda saakin ng hindi ko alam kung bakit, siguro ay dahil ngayon lang nya ako nakita.

Dahil ngayon lang ako bumili dito, si ate kasi ang madalas bumibili dahil takot nga ako lumabas mag isa.

Nang matapos ay ibinigay nya na saakin ang supot na may dalawang takoyaki at ibinigay ko naman ang bayad sakanya, nadampi ang kamay niya sa kamay ko pero hindi ko nalang ito pinansin.

Umalis na agad ako para umuwi dahil ayoko mag tagal dito sa labas.

"Ate, eto na" sabi ko at inilapag ang takoyaki sa lamesa, umupo naman don si ate at kinain yung may cheese saakin naman ay iyong bacon.

"Ikaw na lagi bumili ng takoyaki, para masanay ka sa labas" sabi niya tiyaka ininom ang gamot niya at bumalik ulit sa kwarto n'ya

Niligpit ko naman ang pinagkainan namin at nag scroll muna sa social media ko, nami-miss ko na ang buhay probinsya.

Pero dahil malapit  na ako mag kolehiyo, kailangan masanay na din ako sa pamumuhay dito sa Maynila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status