Share

03

Ganon lang ang ginagawa namin tuwing hapon, pero takoyaki lang binibili namin. Minsan ako lang mag isa yung bumibili, minsan kasama sila.

Ngayong araw ay pupunta kami nila Chan sa Maseda kung nasaan ang bahay nila James, ilang kanto lang naman ito mula samin kaya nag lakad lang kami.

"Oyy pre" bungad ko sakanila at umapir pa sakanila, sanay ako sa ganito dahil  one of the boys nila ako nung high school kami.

Wala daw doon sila Tita kaya nag iingay sila, ngayong araw din lilipat saamin si Kaithlyn.

"Mga tanga, miryenda muna tayo bago mag lakad" sabi ni Johnray at inilabas naman ni James ang miryenda namin.

"Ayy, may ipapatitikim ako sainyo mamaya" sabi ni Chan, alam ko na ang nasa isip nito.

Takoyaki.

Nang matapos kami mag miryenda ay bumalik na kami sa bahay, doon daw matutulog ngayong gabi sila Timothy.

Pag dating namin ay tinulungan ni Zaina at Chan si Kaithlyn mag ayos ng gamit sa kwarto ko, si James at Timothy naman ay inilipat ang isang higaan sa kwarto ko para magkasya kaming apat.

Bumaba na si Zaina para mag luto, "Johnray, mauna kana sa Cristobal. Susunod ako" sabi ko at tinulungan si Zaina na mag labas ng pagkain galing ref.

Nailabas na namin ang kailangan ay umalis na din ako sa bahay. Nag message naman saakin si Johnray

From: tall

See you in Dapitan

Sabi nito kaya nag lakad na ako papunta don, nakita ko naman siya nag hihintay sa may tapat ng 7/11 nakalimutan ko palang ibigay sakanya yung pera.

Hinawakan ko naman ang braso ni Johnray ng mahigpit ng maka ramdam ako ng sakit ng ulo.

Pumunta kami sa may tindahan ng takoyaki, napatingin samin ng matagal iyong nag titinda bago tanungin ang order namin.

"T-tatlong bacon tatlong cheese" sabi ko sakanya at napa hawak ulit kay Johnray ng mahigpit  "Cleo, okay ka lang?" Tanong niya sakin, kaya ko pa naman kaya tumango ako.

Naka hawak at sandal lang ako sa braso ni Johnray habang niluluto yung takoyaki, minsan ay napapapikit kapag nararamdaman ko na parang tutumba ako sa pag ka sakit ng ulo ko.

Minsan ay napapatingin ako sa nag luluto, hindi ko din maiwasan. Kakaiba kasi yung kinikilos niya, napapansin ko na naka titig siya sa kamay ko na naka hawak sa braso ni Johnray.

Nang maluto ang takoyaki ay kinuha iyon ni Johnray, kinuha ko naman sa bulsa ko yung pang bayad kaya binitawan ko saglit ang braso ni Johnray na kanina pa lamog.

Muntik ako mapa tumba buti ay naalalayan agad ako ni Johnray, ibinigay ko na sakanya ang pera at nag lakad na kami pabalik ni Johnray sa bahay.

I hate being sick.

Naka mask naman ako.

"Dalhin niyo si Cleo sa upuan tiyaka niyo paypayan" sabi ni Johnray kaya binuhat naman ako ni Timothy at pinaupo sa upuan.

Naramdaman kong may usok sa harap ko, nebulizer pala.

Naging mabuti agad ang pakiramdam ko kaya nag miryenda na kami, pinag hati hatian namin yung 36pcs. na takoyaki.

"Mag papahinga lang ako sa kwarto" sabi ko sakanila at umakyat na sa taas para mag pahinga.

"Bakit?" Bulong ko sa sarili ko..

Bakit ganon tumingin iyong lalaki saakin, hindi ko naman siya kilala. Kung tingnan niya ako ay para bang kilalang kilala niya na ako.

Naka tulog ako kaka overthink doon sa may lalaki sa may Dapitan, sumakit kasi ulo ko kakaisip kaya nakatulog ako.

------

A/N: ngayon ko nalang ulit gagawin ito

------

Zaina's POV.

Excited ako sa pag biyahe namin Chan papuntang Maynila, sawakas makakasama ko ulit si Cleo.

Nang mag aya bumili ng takoyaki si Chan ay gumora na din ako dahil mukhang masarap iyon, pag dating namin don sa Cristobal ay may napansin ako.

Kakaiba yung titig nung nag titinda kay Cleo.

Hindi naman sa masamang way, pero parang.

Parang may gusto siya kay Cleo.

Hindi ko nalang pinansin iyong mga titig niya sa bestfriend ko, pero nakita ko. Nakita ko ang pag dampi ng mga daliri niya kay Cleo.

Binalewala ko na lamang iyon dahil naisip ko na nag o-overthink nanaman ako.

Don't get me wrong, Im not that strict friend. Hindi lang siguro ako handa magkaroon ng boyfriend si Cleo.

Or even crush.

Grabe naman kasi siya mag ka crush, ibibigay lahat. Mamahalin na para bang nobiyo na niya ito, kaya madalas nasasaktan.

Sana ay huwag mahulog si Cleo doon sa lalake na iyon, hindi naman namin siya kakilala.

Nang mag paalam si Cleo na mag papahinga siya ay kinausap ko na si Johnray dahil sa nangyari kanina.

"Pre ano bang nangyari bat inatake nanaman ng Asthma si Cleo?" tanong ni Timothy sakanya.

"Wala naman kaming ibang ginawa, basta pag lapit niya sakin bigla siyang napakapit sa braso ko" sabi ni Johnray

"Muntik na nga bumagsak kanina buti naalalayan-" pinutol ko ang mga salita ni Johnray.

"Nino?"

"Malamang ako, bobo kaba?" Abnormal amp nag tatanong lang eh.

Tumango lamang ako, naka upo kaming lahat sa sala ng maisipan kong buksan ang topic na iyon.

"Chan napansin mo din ba?" Tanong ko naman kay Chan kaya napa tingin sila sakin at kay Chan.

"Ang ano?"  Pag tatanong naman ni Kaithlyn

"Yung nag titinda ng takoyaki" sabi ko kaya napa ayos naman ng upo si Chan. "May ano don?" Kuryosong tanong ni James

"May kakaiba kasi sa tingin nung nag titinda kay Cleo" sabi naman ni Chan. "Huh?" nagtatakang tanong ni Kaithlyn

"Dont tell me pinag nanasaan niya si Cleo" nag aalalang sabi naman ni James "gago" sabi naman ni Johnray at binatukan si James.

"Parang may gusto kasi yung lalake kay Cleo, pinagselosan pa nga ako kanina" sabi ni Johnray kaya napa tawa kami.

"Ano? Bakit? Paano?" Natatawang tanong ni Timothy.

"Eh diba nga naka kapit sakin kanina si Cleo dahil masama pakiramdam, ansama nung tingin sakin mamser parang anytime susuntukin ako." sabi niya at itinaas ang manggas nung damit niya.

"Parang nag tataka ba't naka ganon si Cleo sakin" sabi niya at kumindat.

"Gwapo ko talaga" pahabol pa niya kaya binatukan naman siya ni James at Timothy.

"Obserbahan ko" sabi ko naman sakanila.

"Minsan ay sasama kami, sisiguraduhin kong magkalapit si Cleo at Johnray" sabi naman ni Timothy

"Gago, wag makikipag away" sabi naman ni Kaithlyn na nag aalala.

"Hayst sana all may crush" sabi ni Chan at nag cellphone na.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status