Share

Chapter 1.1

Fired on the First Day (Part 1)

"Are you sure, ate?" Summer immediately moved away her look from the mirror then turned it to her sister Scarlet who was now sitting on the study table. They were inside their room; three beds were inside.

She nodded.

"Of course,” she replied, “Napakaganda kaya ng offer doon sa kompanyang 'yon kaya papatulan ko na,” She looked again at the mirror. Her brown hair was in ponytail style. Nakasuot siya ngayon ng tee shirt na naka-tuck in sa high-waist jeans.

Samantha Myrtle "Summer" Molina was already twenty-one years old. She was fresh graduated from college. Panganay siya sa kanilang tatlong magkakapatid at noong ipinanganak ang kanilang bunsong kapatid ay namatay din ang kanilang ama sa aksidente noong namamasukan ito bilang driver ng truck sa isang hardware, simula noon ay mag-isa na lamang ang ina sa pagpapalaki sa kanila.

Wala naman silang kamag-anak na makakatulong sa kanila dahil ayon sa kaniyang ina ay mag-isa na lamang ito noong lisanin ang Isla dela Merced at makipagsapalaran kasama ng kanilang ama.

"Ate, anlayo kaya no'n. Ikaw lang mag-isa,” May bahid ng pag-aalala ang pananalita ni Scarlet, ikalawa niyang kapatid, nasa dalawampu't isang taong gulang ito. Basta lang na nakapusod ang buhok nito habang nakasuksok ang salamin sa mata. Tanging kupas na P.E tee shirt ang suot nito ay jogging pants ang pang-ibaba.

Alas-singko pa lamang ng umaga pero nagsusunog na ito ng kilay sa pagbabasa. Sa kanilang magkakapatid ay si Scarlet ang pinakatutok sa pag-aaral, hindi rin maipagkakailang ito ang pinakamatalino. Nagtataka nga lang siya kung bakit hindi accounting ang kinuha nitong kurso o anumang academic, dahil Hospitality Management pa ang kaniyang kinuha, katuwiran nito, mas in-demand ang ganoong field sa panahon ngayon lalo na't kumakapal ang turismo sa bansa.

Samantalang si Summer naman ay Business Administration ang kinuha at nangangarap na maging negosyante at presidente ng sariling kumpanya kalaunan. Pero dahil hindi naman lahat ng tao ay sa itaas nagsisimula, susubukan niyang maging empleyado ng isang sikat na kumpanya sa malayong lugar—ang El Salvador Hotels and Resort.

Gusto muna niyang maging empleyado sa mababang posisyon bago sa itaas. Nang sa gayon ay mas maging pamilyar pa siya sa pagpapatakbo ng negosyo. She often heard from their neighbors that her mother came from a rich family before but because of the bankruptcy, their wealth gone.

She couldn’t help herself from asking how that happened. Hindi ba marunong humawak ng business ang lolo niya? Magaling namang negosyante ang kaniyang ina at nakakaubos ito ng isang banyerang galunggong sa paglalako.

Pero alam niyang negosyo iyon, napakaraming posibilidad sa mga pangyayari. Aangat, bababa, walang kasiguraduhan.

Minsan na rin niyang naitanong sa ina ang tungkol sa bagay niyon pero ang ikinukwento nito sa kaniya ang mala-telenovelang pinagdaanan ng ina dati. Kung paano ito palayasin sa isang islang hindi nga niya alam kung totoo ba. Basta naririndi na siya sa paulit-ulit ng kwento ng ina na hindi niya alam kung totoo ba.

"Of course, mukha ba akong mahina, ha?" buwelta niya sa kapatid sabay pahid ng liptint sa kaniyang labi. Hindi na siya nag-abala pang magsuot ng kolorete dahil hindi naman party ang kaniyang pupuntahan.

Besides, she is naturally beautiful. Fair skin, rosy cheeks, red lips, attractive eyes, and pointed nose. Her simple outfit fits really good to her because of her slim body, sexy to be specific.

"Hindi naman sa gano'n. Pero, ate, 'di ba malayo 'yon?" usisa pa ni Scarlet. Sandaling napahinto si Summer sa ginagawa. Minsan nang natanong ng mga kapatid kung saan ba siya magtatrabaho pero hindi niya binabanggit na sa isang pueblo sa loob ng isang isla ang papasukan niya, limang oras ang layo mula sa Maynila.

"Oo. E, maganda kasi ang offer kaya G na lang. Huwag kang mag-alala dahil nakausap ko naman na ang HR na nag-interview sa akin noong nag-apply ako, may tutuluyan na ako roon,” Kalmadong wika ni Summer. Lumaki sila sa iisang bubong na mag-iina at hindi sila nagkakawalay-walay. Siya lamang ang kauna-unahang susuway sa kinagisnan.

"Pero alam ba ni mama 'yan?" Tanong pang muli ng kapatid. Napalunok nang mariin si Summer. Her mother didn't know anything about this. Because she knows that if she tells it to her mother, it will not let her.

"Hindi,” Tugon niya.

"Pero, ate, magagalit si mama,” Saad ni Scarlet. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Summer. Oo, hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ikagagalit iyon ng ina.

"Mama will understand my decision,” She said. "Nag-aaral ka at graduating, si Solenn naman ay ay college na rin. Kung magsasama-sama tayo rito at walang susugal sa malayo para magtrabahp, hindi tayo aasenso,” Pangaral ni Summer. Iniligid niya ang kaniyang tingin sa buong silid na kinaroroonan nila at nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

Anliit ng kwarto nilang tatlo at pinagkakasya-kasya pa nila ang tatlong kama. Ang kanilang ina naman ay may sarili nang puwesto sa palengke at maghapon na nagtitinda roon para lang makaipon ng pampaaral nila. Dahil naman magkakaroon na siya ng trabaho, gagawin niya ang lahat ng makakaya niya. Gusto na niyang patigilin sa pagtitinda ang ina, gusto na niyang palakihin ang bahay, gusto na niyang makaranas ng kaginhawaan na tila pinagkait ata sa kanila.

"Ate, aalis ka?" Napatingin siya sa may dulong kama nang marinig ang tanong ng bunsong kapatid na si Solenn. Kakagising pa lang nito at binuksan agad ang cellphone kahit hindi pa makamulat nang maayos.

"Oo. Kayong dalawa na lang ni Scarlet ang maiiwan dito kasama ni mama kaya bawas-bawasan mo ang kaka-overnight mo sa bahay ng mga kaibigan mo,” Sermon ng ate sabay ismid. Si Solenn ang pinakapilya sa kanilang tatlo.

Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang mga kabulastugan nito. Nag-iinom, kung saang-saang bar tumatambay, baka nga rin nagalaw na ito ng kung sino, pero kahit ganoon ay hindi na nila ito pinagsasabihan dahil matalino si Solenn, matataas ang marka sa paaralan at maraming raket na nakakadagdag sa pantawid ng araw-araw.

"Si ate naman. Malapit na 'kong mag-third year, 'nu? Kaya dapat mag-chill-chill muna,” Katuwiran ng kapatid habang nakadukdok ang mukha sa cellphone. Napapikit sina Summer at Scarlet nang sunud-sunod ang pagtunog ng notification mula sa telepono ng kapatid.

"Sige. Kapag nakasama ka sa Dean's lister, may gift ako sa'yo,” Saad ni Summer. Agad namang napatingin ang kapatid na mukhang pera sa kaniya.

"Chanel? LV?" Sunod-sunod na tanong nito. Hindi niya alam kung bakit sa kabila ng hirap ng buhay nila ay nagpipiling susyal pa ang kapatid.

"Ewan ko sa'yo,” Tanging pag-irap ang nagawa ni Summer. "Aalis na 'ko. Basta kapag tinanong ni mama kung nasaan ako, sabihin n'yo gumala lang. Magchachat na lang ako sa'yo, Solenn, mamaya kung nakasakay na ako para kunwari wala kayong idea na sa ibang lugar ako magtatrabaho,” Bilin niya. Alam niyang mapapagalitan ang mga kapatid kapag nalaman ng ina na hinayaan siya na magtrabaho sa malayo.

"Kailan ka 'te, uuwi?" Tanong ni Scarlet. Sandaling napahinga nang malalim si Summer dahil hindi niya alam ang itutugon.

"Kapag maluwang na ang sched. Magpapadala naman ako ng pera kada sweldo,” Saad niya sabay labas na ng kwarto na animo'y sa kabilang bahay lang pupunta. Nasa labas na ng kuwarto ang kaniyang maleta na naglalaman ng damit. Huminga uli siya nang malalim.

Handa na siyang harapin ang desisyon niya.

Mula Maynila ay apat na oras ang ibinyahe ni Summer patungong Palawan sakay ng jeepney. Mula El Nido, Palawan naman ay tatlong oras ang kaniyang ibinyahe sakay ng ferry boat hanggang sa marating ang daungan ng barko ng El Salvador.

Malalakas at malalamig ang simoy ang sumalubong sa kanilang mga pasahero ng bangkang patungo rito. Ang malawak na basang kapatagan ay binubuo ng puting buhangin at hinahalikan ng malinaw na tubig-dagat, ang sikat ng araw na tumatama sa katawan ng tubig ay nagniningning na tila mga kristal.

Mula sa bangka ay tanaw ni Summer ang maliit na siyudad sa loob ng isla, hindi ito tulad ng mga syudad na matatagpuan sa Maynila dahil ang arkitektura at disenyo ng mga imprastaktura ay hindi modernisasyon ang tinataglay kundi Paraiso.

Ang pinaka entrada ng isla ay isang napakalaking arko na yari sa kahoy at kawayan na dinisenyuhan pa ng mga artipisyal na bulaklak at dahon. Kung ang disenyo ang pagbabasihan, masasabi mong parang nasa Hawaii ka. Napangiti si Summer nang mabasa ang nakapintang pangalan sa arko. 'El Salvador'. Hindi siya magtataka kung bakit ganito ang pangalan nito, bagay na bagay sa hitsura ng lugar na maihahalintulad sa tunay na paraiso.

"Ma'am and sir, welcome to El Salvador! Enjoy!" bati ng operator ng ferry boat na iyon nang iangkla na ang sasakyan sa entrada. Nagsimula na ring magsipagbabaan ang mga pasahero na karamihan ay mga turista.

Summer stood from her seat to get her suitcase placed inside the hand luggage of the ferry. Napansin niya na ang mga kasamahang pasahero niya ay hindi maleta ang mga dalahin kundi travelling bag lang. Mukhang siya ang may pinakamaraming bitbit.

She swallowed hard as she pulled her stuff from that place. She can't help herself from groaning because of the heavy weight of her luggage. Nagitla siya nang may umalalay sa kaniya na ibaba iyon at tinulungan siyang mailapag ang dalahin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status