Share

Get out

Nagising ako ng maramdaman kong may mabibigat na mga yabag papasok sa kwarto ko. Iminulat ko ang aking namamagang mga mata at nakita ang dalawang nars. Isang lalaki at isang babae. Sa tantsa ko'y nasa mid twenties pa lamang ang lalaki at nasa early thirties naman ang babae. 

" Anong kailangan nyo sa akin?!" matapang kong tanong.

"Kami walang kailangan sayo ngunit si Master meron." ani ng lalaki habang nakatingin sa itaas na bahagi ng kwarto. 

Tumingala ako at nakita ang isang cctv. So all this time pinapanood nila ako? Gusto ko pa sanang tanungin kung sinong master ang kanilang tinutukoy pero bigla akong nataranta ng may inalabas na syringe ang babaeng nars.  I tried to free myself but to no avail. I can't break the handcuffs. Lalo ko lamang nasusugatan ang mga parteng iyon. Hinawakan ako ng lalaking nars sa balikat at itinaas ang manggas ng hospital gown na isinuot nila sa akin. 

" Please. Maawa kayo, hindi ko naman sinasadya ang mga nangyare." pagmamakaawa ko.

The woman just smirked at me. Na para bang wala lang sa kanya ang lahat. 

" Do you know what is this?" she gripped my hair and pinakita sa akin ang syringe na may lamang likido. Pag-iling lamang ang nagawa ko. Unti- unti na niya itong ibinaba kalebel ng aking balikat. Naramdaman ko na lamang ang matulis na karayom ang tumusok sa akin. Napahiyaw ako at sinubukan muling makaalpas at makawala. 

Binitawan nila ako pagkatapos at akmang aalis na ng pigilan ko sila. Makikita ang pagka-irita sa mukha ng babae. 

" S-sandali ano ang inyong itinurok sa akin?" ngunit wala man lamang akong makuhang sagot mula sa kanila sapagkat nagpatuloy na sila sa pag-alis. 

Maya-maya lamang ay may naramdaman akong kakaibang sakit na nanunuot sa aking buong katawan. 

" AHHHHHHHHHH! Tama na, please. Ansakit sakit na. " ramdam ko na para bang may kung anong kumakain at humahalukay sa aking mga laman. 

" AHHHHHHHH!!!! H-hindi k-ko na k-kaya . " napasigaw akong muli sa hapdi at kirot ng aking katawan. 

 Halos isang oras ko ininda at nanalangin na mawala na ang sakit ngunit nananatili parin ito. Hindi ko na kaya. Isa itong torture! Mas gugustuhin ko na lamang na mamatay kaysa maranasan ang ganitong sakit sa mga araw na darating pa. 

" Patayin nyo nalang ako." mahina kong usal habang sumasama na sa dilim ang aking ulirat. 

Nica Pov

" Kapapasok lamang po na balita, isang kotse na sinasakyan at minamaneho ng anak ng business tycoon na sila Mrs and Mr. Belle ay sumalpok sa kotse na sinasakyan ng fiancee ni Mr. Greyson Blast . Iniimbestigahan pa ang mga nangyare at casualties nang nasabing aksidente." I turned off the TV when suddenly my phone rings.

"Yes?" I paused for a while para hayaang magsalita ang nasa kabilang linya.

"I'll be there in a few minutes" agad kong sagot at pinatay ang tawag.

Btw, ako si Nica Patterson, 23, isang kilalang imbestigador sa bayang ito.

Sa 15, nagsimula akong maging nahuhumaling sa pag-iimbestiga sa mga krimen lalo na sa paglutas sa pagpatay sa aking kaibigan, si Poppy Lee. Si Poppy ay binaril noong 2015 at ang pumatay ay hindi kailanman dinala sa hustisya. Kaya nangako ako sa libingan niya na ako ang magresolba sa kaso niya kahit anong mangyari at anuman ang mangyari. It took me almost 6 years and I have still few clues. Palagi akong nauuwi sa dead end. Hindi pangkaraniwang senaryo iyon para sa akin dahil nangangahulugan ito na may makapangyarihang tao sa likod ng kanyang pagkamatay. Hindi ito ordinaryong kamatayan ngunit may nagsasabi sa akin na may mas malaki at mas malalim na dahilan sa likod nito.

Kinuha ko ang jacket ko at nilagay ang baril ko sa bewang ko. Tumungo ako upang pumunta sa pinangyarihan ng aksidente na nag-flash sa screen ng TV kanina.

"This will be a long day", bumuntong hininga ako.

After 10 minutes nakarating na ako sa lugar at nakita ko na lang yung dalawang sasakyan na may mga police yellow na lubid. Ipinakita ko sa isang police ang aking I.D at hinayaan na niya akong pumasok inside where it happens. I roamed my eyes in the scene–bloods, yupi-yuping kotse, at ang isang kotse ay nakabaliktad parin. Sinigurado ng mga pulis na ligtas kami sa paglapit sa sasakyan. Dahil malaki ang posibilidad na sumabog ang kotse dahil sa leak ng gasolina. Sinuot ko ang aking guwantes at sinimulang suriin ang buong lugar. Nakikipag-usap din ako at nagtatanong ng ilang mga katanungan sa ilang mga saksi. A police officer informed me earlier na ang sakay ng binanggang kotse ay ang fiancee ni Blast, at ang driver nito. At ang nakabangga naman ay ang anak ng mga Belle na kasalukuyang nawawala pagkatapos maaksidente. Maraming naghihinuha na siya ay tumakas but I doubt that. By observing her car, impossibleng makalayo sya. Ibig sabihin lamang niyan ay may kumuha sa kaniya.

Maingat kong pinag-aralan ang posisyon ng mga kotse at nagsimulang mag-isip ng mga teorya na may ibinigay na bilis. I was lost in my own thoughts ng nagring muli ang aking phone.

"Yes?" iritadong sagot ko.

"Found anything?" tanong ng kabilang linya na hindi pinansin ang tono ko.

"Nothing much. I'll send a request for their autopsy to further analyze the situation and study if there's a foul play here." tapos nagsimula na akong maglakad papunta sa kotse ko.

"Good. Make sure the autopsy result is genuine,.kung may foul play dito baka may mga taong guluhin ito." bumuntong hininga siya.

" Woahhh don't worry dude, I got this. Hindi ka naniniwala sa akin diba? Tsk such a cruel demon. Anyways, I'll call you when I got the result and come up with the final investigation." pagkatapos kong mag salita, nasa tapat na ako ng kotse ko.

"Nga pala, kamusta na yung babae?" Dagdag ko.

" She's weak. And a little cry baby." he hissed with the thought of that gorgeous girl.

" She's still gorgeous. Nasaan na siya ngayon?" Nakakunot na kilay na tanong ko habang nakatingin sa dulong sulok nitong kalsada. May isang madilim na eskinita doon.

"Bakit may pakialam ka kay Ms. Patterson?" napuno ng sarcasm ang boses niya.

" What's with your mood, Mr. Blast? Of course I am infront of this crazy ideas of yours. Maybe I deserve some informations regarding her whereabouts, 'di ba? Besides I took care about it already and the next thing I'm Ang gagawin ay kausapin ang kanyang mga magulang." Napangiti ako habang sinasabi ang mga linyang iyon. Bipolar talaga siya.

" Trabaho mo yan Patterson. Siguraduhing pulido ito."

"Aye , aye captain" pangungutya ko bago ibinaba ang tawag.

Naglakad ako patungo sa madilim na eskinita at ginamit ang aking flashlight. Naglakad-lakad ako pero wala akong nakitang kahina-hinala hanggang sa may natapakan ako. Isang lata ng beer at ilang tira ng mga ginamit na sigarilyo. Nilagay ko ang flashlight ko sa dingding at may nakita akong X mark.

"What the!" May assumptions na ako pero kailangan ko munang tingnan at pag-aralan ang mga autopsy reports.

Naglakad ako pabalik sa aking kotse at nagmaneho patungo sa laboratoryo kung saan ginawa ang autopsy. Bumibilis ang tibok ng puso ko bawat minuto. Hindi ito maaaring mangyari. Naikuyom ko ang aking kamao, namuo ang galit at napuno ang aking buong sistema.

Ipinatong ni Blast ang kaniyang mga paa sa table kaharap ng kaniyang upuan. Sumandal siya sa kaniyang upuan upang magrelax habang ang isang kamay ay may hawak na wine glass. Ipinikit niya ang mata habang nag-iisip. Na agad namang nagpairita sa akin. 

"Blast! Fuck you, pinapunta mo ba ako dito para panoorin ka lamang na magrelax? Bwisit." I harshly shouted and cursed. 

" Relax Patterson. Baka matumba ka na lang dahil sa inis." pang-aasar nya pa sa akin habang nakapikit parin ang mata.

"Whatever Blast, gusto ko lamang sabihin sayo na alam na natin ang katotohanan kaya ano pang saysay ng pagkeep natin kay Callixta. Gaya ng sabi ko napakainosente sya at hindi siya nababagay sa mundong meron tayo." pagpapaliwanag ko sa kanya. 

Iminulat ni Blast ang kaniyang mata at nagtaas ng kilay. Napairap na lamang ako. 

" Nakikita mo sa kaniyang kalagayan si Potty, hindi ba?" he asked with prying eyes. " Kaya mo siya tinutulungan at kinukumbinsi ako na pakawalan siya? Tama ba ako , Patterson?" 

Napalunok ako sa sinabi niya. Totoo ang lahat ng iyon ngunit hindi ko maamin sa sarili. Ibinuka ko ang aking bibig para magsalita ngunit muli ko itong itinikom sa takot sa mga katagang maari kong bitawan. Napasulyap ako sa kinaroroonan ni Blast na ngayon na nasa akin na rin ang buong atensyon naghihintay ng aking kasagutan.

''I don't—" naputol ang aking sasabihin nang bumukas ang pinto at iniluwa si Chandler, ang matalik na kaibigan ni Blast at ang kaniyang kanang kamay. Napabuntong hininga na lamang ako, at tahimik na nagpasalamat sa interapsyon. Ngayon lang ako natuwa kay Chandler dahil sa pangyayari kanina. I boredly look at him. Blast, Chandler, Dustin and I are childhood bestfriends. 

" Oh Hi Nics, anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang naglalakad palapit sa akin at ginulo ang aking buhok. 

" CHANDLER FREDERICK STEWART!" sigaw ko sa kaniya at binato ng papeles na nadampot ko sa table ni Blast. Alam niyang ayaw ko na ginugulo ang aking buhok ngunit para bang lagi niya akong gustong inisin. Tinangkang lumayo ni Chandler sa akin ngunit hindi ko iyon binigyan pa ng tiyansa at tinakbo ang aming distansya. Nakatalikod na siya sa akin upang harapin si Blast kaya sumampa ako sa likod niya na dahilan ng pagka-out balance naming dalawa at natumba sa lalagyan ng papeles ni Blast. 

" What the fuck Nics. Gusto mo bang bangasan ang gwapo kong mukha?" bakas sa kaniyang mukha ang pagka-irita.  

" GET THE HELL OUT OF MY OFFICE, PATTERSON AND STEWART! NOW!" nanlaki ang aming mata at napalingon sa kinaroroonan ni Blast. Umuusok ang kaniyang ilong sa galit. He clenched his fist, the demon is now awake . Bullshit. 

" I SAID FUCKING GET OUT!" he repeated and pulled out a caliber 45. Ikinasa niya ito and that's our que to run. Dali-dali akong tumayo sa pagkakatumba at tumakbo habang si Chand naman ay nakipag-unahan pa rin sa akin. Tsss napaka-isip bata rin talaga nito. Pipihitin ko na sana ang door knob nang bahagya akong itulak ni Chand palayo dito at siya ang magbubukas sana ngunit mabilis ang reflexes ko kaya mabilis ko siyang hinila. We are struggling to get out nang—

BANG!

Napatalon kaming dalawa at awtomatikong napalingon muli kami kay Blast na halos lumabas na ang ugat sa mukha. Galit na galit na siya at nakatutok na sa amin ang baril na kani-kanina lamang ay ipinutok niya.

"OUT!" he gritted his teeth. 

Hinawakan ni Chand ang kamay ko at binuksan ang pinto. Hinila niya ako ng mabilis palabas bago pa kami tuluyang mabaril ni Blast.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status