Share

Aksidente

" Bwahshshs cheersssssss! Alams mwo bwash" pagkakausap ni Calli sa isang bartender. 

Kasalukuyan siyang nasa Scorpion Bar, isang sikat na bar sa kanilang lugar. Pumunta siya roon upang maglasing at makalimot sa kaniyang mga problema kahit sandali lamang. Ito rin ang unang beses na siya'y uminom at malasing.  

" Pssshht pwogi! Pahinge pash ako alaksh, hindi pwa akos lashing", nakatitig niyang sabi na may kombinasyon pa ng pagpapakyut at pagpupungay ng mata.

Napangiti na lamang ang bartender at binigyan na nya itong muli ng alak. Iyon naman kase ang trabaho nya ngunit hindi nya maikakailang nakakaentertain pagmasdan ang babaeng nakaupo sa counter at paulit-ulit na humihinge ng alak. Gumuhit ang kurba sa kaniyang mga labi ng huminge nanaman ito ng dagdag pang alkohol at paulit-ulit na sinasabing hindi pa siya lasing.

" Miss tama na iyan, mukhang lasing kana", sita ng bartender kay Calli. 

" Lashing? Shinong lashing? Hindi ako lashing! Kampay! " sagot niya rito.

Napangiti muli ang bartender sa usal ng dalaga at napailing na lamang. " Mga babae nga naman" mga katagang nasa isip nya at napailing. Napasulyap siyang muli sa kinaroroonan ng dalaga na nakasubsob na sa counter at patuloy na may binabanggit na kung anu-anong salita. Hindi maikakailang maganda ang babaeng ito, ang kurba ng katawan ay nasa tamang posisyon, may mapupulang labi, mapupungay na mata, katamtamang tangos ng ilong, may makurbang buhok at malaporselanang kutis. 

Callixta Pov

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at napapikit akong bigla sa mga ilaw na tumama sa aking mukha na halos patay sindi. Maingay na tugtog, mga babae at lalaking sumasayaw sa dance floor, mga alak, at mga nagmamake out sa iba't Ibang sulok ng bar. 

" Ouch", biglang napahawak ako sa aking ulo ng nakaramdam ako ng kirot at pagkahilo. At unti-unting nagsink in sa akin kung bakit ako nandito at halos magpakalunod sa alak. 

" Gising ka na pala Miss" 

Napalingon ako ng makarinig ako ng bahagyang malakas na  boses malapit sa akin. Siguro'y sinadya niya iyon upang kahit na malakas ang tugtog sa bar na ito ay maririnig ko pa rin siya. 

Napakunot ang aking noo sa sinabi niya.

" Ilang oras  ba ako nakatulog dito?" tanong ko sa kanya. 

Namumukhaan ko siya, oo , tama! Siya iyong bartender kanina. 

" 2 hours" kibit balikat niyang tugon.

" WHAT?! 2 HOURS?! Oh my gosh lagot ako kila Mommy at Daddy!" histerikal kong balik tugon at dali-daling nagbayad. Tumakbo na ako palabas at palayo sa bar bagama't nakakaramdam parin ako ng pagkahilo at sakit ng ulo.

Walang hangover sa hindi nakapagpaalam na teenager! 

Nakarating ako sa parking lot na humihingal at habol ang hininga.

Fuck. Paniguradong magagalit sila sa akin. 

Pero who cares? Tsss wala naman silang pakialam sa akin maliban sa pera. 

Sumakay na ako sa kotse at nakita ko sa shotgun ang binili kong Margarita sa mall bago ako pumunta sa bar na iyon. Kaya inabot ko iyon gamit ang kanang kamay at ang kaliwa'y nanatili sa manibela. Binuksan ko na ang bote at nilagok ang laman. Gumuhit sa aking lalamunan ang pait ng alak. 15 minutes drive pauwi sa bahay at gusto kong ubusin ang alak na ito bago makarating ng bahay. 

Sunod sunod ang aking lagok habang patuloy pa rin sa pagdadrive .

" Calli, tatandaan mo palagi na mahal na mahal ka ni ate. Intindihin mo nalang sila Mom and Dad kase para sa atin naman ito. Lagi mong tatandaan na kakampi mo si ate. I love you Calli." 

" Bakit?! Bakit ang nag-iisang nagmamahal sa akin ,kinuha pa?! Ganun na ba ako kamalas Lord?! Bakit naman pati si ate Alliyah! Sya nalang ang meron ako! Kahit pinagkukompara kami palagi hindi ko pa rin kayang magalit sa kanya kase mahal ko si ate Alli! Mahal na m-mahal ko sya!" napaluha na ako ng maalala ko si ate Alli. Ang nag-iisang nagpakita ng pagmamahal sa akin.

Nararamdaman kong paunti-unti nang umeepekto ang alak sa aking sistema. Napahawak ako ng mahigpit sa manobela. Napakurap ako ng unti-unti nang nagbublurred ang aking paningin at halos sumasayaw na lahat sa paligid ko. Nanlaki na lamang ang aking mata nang may makita akong kotse sa intersekyon. Inapakan ko ang break ngunit ayaw gumana. 

Halos hindi ko na nalaman ang mga sumunod na pangyayare matapos sumalpok ang aking sinasakyan sa kotseng nasa intersekyon. Ramdam ko ang paghampas ng aking ulo sa unahang bubog at bumaliktad pa ang aking kotse. Naramdaman ko rin ang malapot na likido sa aking ulo at ilang bahagi ng aking katawan. Bumigat na ang talukap ng aking mata at unti-unting lumalabo ang aking pandinig. Bago ako nawalan ng ulirat ay narinig ko pa ang tunog ng mga sasakyan at siren sa aking paligid at tuluyan na akong sinakop ng kadiliman. 

Nagising ako na halos parang sinagasaan at sinakyan ng sampung elepante. Ramdam ko ang pananakit ng aking buong katawan at ang mga nakakabit sa aking katawan na wires. Pinakiramdaman ko muna ang aking palingid dahil may nararamdaman akong kakaiba. Lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa presumption na may 'mali' rito. 

Unti-unti kong binuksan ang aking mata. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Naririnig ko rin ang beeping sound ng aking aparato sa kwartong ito. Nangangalay na ang aking kamay kaya sinubukan ko itong itaas ngunit may balakid na pumipigil sa aking pulsuhan. Dumako ang aking tingin sa metal na nakasuot sa aking kamay at nakakabit sa bakal ng kama. Kumunot ang aking noo sa nakita, hindi naman siguro ako nagwawala o nananakit habang ako'y natutulog ngunit bakit may posas sa aking kamay? 

Habang nag-iisip ay nagbalik ang ala-ala sa gabing iyon.  Napatutop na lamang ako sa aking bibig. Marahil siguro ay nakabangga ako kung kaya't may posas ako. Marahil hinihintay na lamang nila akong magising at dadalhin na sa prisinto at ikukulong. 

"Pero hindi ko naman iyon sinasadya" mahinang usal ko. 

Iginalaw ko ang aking paa upang makita ko Kung ano na ang kalagayan ng mga ito ngunit sa paggalaw ng aking binti, hindi ko rin ito magalaw. Bigla akong nakaramdam ng bahagyang kirot mula rito. Itinaas ko ang aking ulo upang makita ang aking binti at paa.

" Ahhhhhhhh! Posas?! pero bakit pati paa ko ay may posas rin?! Hindi ba sa kamay lamang ito ginagamit ng mga pulis? Isa itong paglabag sa karapang pantao ko! Tinuring nila akong hayop! " lumuluha kong sambit. 

Ano bang nangyayari?! Hindi ko naiintindihan, oo, nakasagasa ako ngunit hindi na ito makatao. 

Nalunod ako sa malalim na pag-iisip hanggang ilang oras pa ay umikot ang door knob. Ibig sabihin ay may taong papasok sa kwartong ito. Ipinikit kong muli ang aking mata upang magkunwaring natutulog parin. 

Maya maya lamang ay gumawa ng ingay ang pagbukas ng pinto kasunod nito'y mga yabag na papalapit sa aking kinalalagyan. Sandaling natahimik ang paligid. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman at kaba. 

"Maaari kayang isa sila sa miyembro ng human trafickers? O di kaya ay mga mad scientists na nangangailangan ng human body para sa kanilang gagawing experiments? Susugatan ang tiyan, hihiwain at kukunin ang lamang loob! Ididissect tapos ilalagay sa garapon. Wawakwakin ang buong katawan at… at... "  

" I know you're awake", umiigting na pangang sabi nya.

Pero sandali paano ko nalamang umiigting ang panga nya gayong nakapikit ang mata ko? Jusmiyo Calli! 

I slowly opened my eyes and viola! Isang gwapong nilalang! Baka nasa langit na ako, at ang gwapong ito ang anghel na makakasama ko. Lilipad kami magkasama tapos hahawakan niya ang kamay ko. Sabay kami pupunta sa lupa upang gumabay sa mga tao tapossssss makikita ko abs nya, ang sharp jaw, ang maganda niyang mata, ang katawan niyang kaakit-akit, ang Vline at ang… ang...mahabang ano talong, oo, Yun! Talong nga pero Parang mas bet ko ang wand hihi. 

Wala sa sarili akong napakagat sa labi. Kailan ka pa naging malandi self? At kailan pa nagkaroon ng anghel na puro pagnanasa ang nasa isipan? Pagkausap ko sa sarili. 

Dahan-dahan kong iwinaksi ang mga nasa isip ko ng makita kong nakakunot ang kaniyang noo. 

"B-bakit a-ako nandito? B-bakit may posas ang mga binti at kamay ko? S-sino ka?" kunot noong tanong ko sa malumanay na tono habang nakatingin sa aking mga paa. Lumingon ako sa gawi niya nang wala akong makuhang sagot. I stared at his eyes still waiting for his response pero WALA. Hindi kaya bingi sya? Nagsalita naman siya kanina kaya alam kong hindi siya pipi o baka may deperensya sya sa utak? Baka isa siyang poging mad scientist na narito upang kunin at ibenta ang lamang loob ko. Nanlaki ang aking mata sa mga sumasaging kabaliwan na NASA isip ko. 

" YOU REALLY HAVE NO IDEA WHO YOU KILLED IN THAT FUCKING CAR ACCIDENT, DONT YOU?!" sigaw na tanong niya sa akin. 

Napapikit ako sa biglaang pagsigaw niya. 

"P-pasensya n-na pero hindi ko alam at hindi ko naman s-sinasadya." nakayukong tugon ko rito habang lumalandas sa aking mukha ang walang katapusang luha. 

He clenched his fist and started walking nearer. Hanggang ilang inches nalang ang layo niya sa akin. I can smell his strong scent from this distance. Bigla akong nataranta dahil sa distansya namin ngunit hindi ko naman maigalaw ang aking kamay at paa sapagkat may posas ang mga ito. So I decided to close my eyes. 

" Open your eyes", he sharly commanded. 

I slowly opened my eyes again. Praying that he already took enough distance ngunit pagmulat ko ay naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking panga. Horror filled my whole system. Hinigpitan niya ang paghawak sa aking panga kaya nagpakawala ako ng isang mahinang ungot. 

" Listen here bitch, isang beses ko lamang itong sasabihin sa iyo kaya mas mabuting itatak mo ito in your little head. DAHIL PAGBABAYARAN MO ANG PAGKAMATAY NG MAPAPANGASAWA KO AT NG MAGIGING ANAK SANA NAMIN! You will going to regret you live in this world. I'm going to make your life a living hell. Hinding-hindi ka magiging masaya! I will slowly kill you, Callixta Ystraella Belle," he loosened his grip. And I felt a huge and thick hand lands on my face. 

I was shocked. I whimpered from the pain on my jaw and cheek. Hindi ko na rin mapigilan ang mga luha kong halos araw-araw nalang tumutulo. He turned his back from me and walked towards the door. 

" I-I'm s-sorry," I silently stated coming from my heart. I was really sorry. Alam kong deserve kong makulong at pagbayaran ang mga nagawa kong pagkakamali. Hindi lamang maliit na pagkakamali sapagkat dalawang buhay ang nawala dahil sa akin. Isa talaga akong malas. Hinayaan ko na lamang ang aking luha total hindi ko naman ito mapupunasan dahil hindi ko maigagalaw ang aking kamay. 

Kumusta kaya sila mommy at daddy? Alam Kong hindi ko sila totoong magulang pero alam na kaya nila ang nangyari? Panigurado akong sasaktan rin nila ako kapag nalaman nila. O baka masaya pa nga sila dahil mawawala na ako sa landas nila. It's a huge favor for them na makulong at hindi na makakalabas pa. Hindi naman nila ako pag-aaksayahan ng oras upang kunan ng abogado. At wala rin namang saysay iyon dahil nagkamali ako. Dapat ko itong panagutan. At isa pa kailangan kong mahanap ang tunay kong mga mga magulang. Tumingala ako sa kisame at hinayaang lumakbay ang aking isipan. 

"Nakuha na natin ang mamanahin ni Callixta, please Arc honey patayin mo na sya."

Ibig ba sabihin ni mommy na patay na ang mga magulang ko at may iniwan silang mana sa akin kung kaya't bilang pamangkin at pinakamalapit kong kamag-anak sila  ang kumupkop sa akin? 

" Hindi. Buhay pa ang tunay kong pamilya, hahanapin ko pa sila. Yayakapin ng mahigpit at sasabihan ng mga katagang 'mahal ko kayo'. Lord please gusto ko pa pong maranasan ang tunay na pagmamahal at aruga mula sa aking totoong pamilya. " mahina kong usal habang kinakain na ng antok. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status