Agad akong nakita ni Athena sa kinatatayuan ko at palihim akong nginisihan. She tiptoed once more to kiss him on the cheek.
"Ingat kayo sa biyahe ni ate." Saad niya at naglakad na papasok ng bahay. Nilagpasan niya lang ako at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay.Parang nag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko dahil hindi ako makagalaw. Nagbabadya ang mga luha ko't hindi ko mapigilang tuluyang mapahikbi.Napalingon si Creed sa gawi ko at malamig lang ako na pinanuod na umiyak. Lahat ng pagtitimping ginawa ko buong araw simula kaninang umaga nang ipagluto ko sila ng babae niya ng agahan, hanggang sa nang pumunta kami dito sa bahay namin. Lahat-lahat ng sakit, hindi ko na kinaya pang itago."Are you just going to stand there and cry? Gagabihin tayo sa daan. 'Wag kang umiyak-iyak diyan." Tinalikuran na niya ako't tumungo na sa sasakyan.Girlfriend pa naman niya ako, 'di ba? Akin pa 'din naman siya, 'di ba?Dapat siyang magpaliwanag kung bakit siya may kahalikang iba. Dapat siyang humingi ng tawad. Dapat siyang mangako na hinding-hindi na iyon mauulit. Kasi 'yon dapat! Kasi may girlfriend siya! Kasi may Ataisha na nagmamahal sa kaniya! Si Ataisha na kasama niya sa buhay!At ang kapatid ko pa talaga? Bakit sa dinami-rami ng babaeng maaari niyang matipuhan, siya pa? Si Athena pa talaga?Gusto kong isigaw sa kaniya lahat ng hinanakit ko, pero bakit gano'n? Sa isipin palang na baka hiwalayan niya ako dahil sa sasabihin ko, hindi ko na agad kakayanin? Na maigi pang mamatay nalang kaysa hiwalayan niya?Umaasa ako. Nakakapit pa'rin ako sa mga alaala naming masaya. Ayaw kong tanggalin ang mga iyon sa akin. Ayaw ko 'yong kalimutan. Ayaw ko siyang kalimutan.Siya lang ang masayang nangyari sa buhay ko. Siya lang ang nagpakita ng pagmamahal sa akin kahit sa bilang na panahon lang. Siya lang 'yung nagparamdam na talagang may pakialam siya sa akin.Siya lang.Kaya... Hindi. Hindi ko siya kayang bitawan.Pero kung bibitaw siya. Sige. Magpaparay na ako.Kasi gano'n ko siya kamahal.Kung sabihin niyang ayaw na niya. Kung sasabihin niyang may iba na talaga. Kung sasabihin niyang pagod na siya sa akin. Kung sabihin niyang hindi na ako.Okay lang.Tatanggapin ko.Pero kung sa akin nakasalalay ang pagsasama naming dalawa, hindi ko kakayaning bitawan siya. Selfish na kung selfish. Pero akin siya. Akin lang siya.***Tahimik ang biyahe namin pauwi sa bahay. A small part of me wanted him to explain it to me. Matatanggap ko kung ibang babae kasi ginagawa naman na niya 'yon simula noong manlamig siya sa akin.What I don't understand is now. My sister. He kissed my sister.It's not your usual goodbye kiss sa isang kakilala. It wasn't a cheek kiss either. It was a romantic kiss. A lip kiss.I don't lip kiss Chaos when I meet him sometimes. I don't even cheek kiss him. I don't kiss him at all! Kaya hindi pwedeng idahilan sa akin ni Creed na dahil kapatid ko si Athena kaya niya iyon ginawa.Pero wala. Wala akong narinig mula sa kaniya.Ilang minuto rin akong nakaupo doon at nakatitig lang sa kalsada sa harap namin, obviously waiting for him to explain kahit na inaantok na talaga ako.Then I realized na... hindi na. Wala na talaga. Hindi siya magpapaliwanag. Hindi siya magso-sorry. Hindi man lang niya ako kakausapin pampalipas oras sa haba ng biyahe.Wala.So, I slept.***Masyado akong antok at maga ang mga mata ko kaya kahit naalimpungatan ako nang tumigil ang sasakyan namin, hindi ko magawang idilat ang aking mga mata. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto, pero hindi naman 'yon sa parte ko. Baka lumabas na si Creed at balak akong iwan dito.Babalik nalang sana ako sa pagtulog nang hindi pinapansin kung ma-suffocate man ako hanggang bukas dahil duto ako matutulog. Pero agad ding napukaw ang ulirat ko nang bumukas ang pinto sa gilid ko at bahagya pang umihip ang hanging papasok sa sasakyan.Narinig ko ang pag-click ng seatbelt sa tagiliran ko bago ang bahagyang pag-angat ko sa ere.Si Creed?Iyon na ang pinakahuli kong naalala dahil hinila na ako nang tuluyan ng antok."Aisha, si Kuya Creed nasa labas!"Nangunot ang nuo ko sa sinabi ni Kanya. Inaalog-alog pa niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila kong balikat."Kanya!" Saway ko nang bahagyang maramdaman ang hilo sa ginagawa niya.Malisyoso siyang ngumisi at nginuso ang labas ng classroom namin. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil ayaw niya akong bitawan."Si Kuya Creed, nakasandal sa railing sa hagdan. Ikaw yata hinihintay." Taas baba ang kilay niya sa akin.Tinalikuran ko na siya't sinimulang sikupin ang mga gamit ko sa desk na ginamit namin kanina sa Permutations. "Asa namang ako pinunta niya dito. Baka naman si Ate Steffi lang pinunta niya."Katabi na kasi ng room namin ang hagdan papunta sa third floor at pababa sa first floor. Bali-balitang may gusto raw si Ate Steffi, ang constant panlaban ng school sa mga beauty competitions, kay Kuya Creed. Parehas silang nasa Senior High at baka kaya nandito si Kuya Creed para hintaying makababa si Ate Steffi na nasa room lang sa mismong taas ng amin."Si Ate Steffi kamo pero nakatitig sa pinto ng room natin?" Komento ni Kanya habang pilit na pinapahaba ang leeg at may tinatanaw sa kung saan sa labas ng room namin,"Tumigil ka na nga, Kanya. Inaasar mo nanaman ako. Hindi interesado si Kuya Creed sa akin. Ang bata pa natin, oh. Tsaka ang sikat-sikat niyan, sino ba ako?" Sinukbit ko na ang bag ko sa isang balikat at sinimulan nang maglakad palabas.Padami na ang mga estudyante sa labas ng corridor, lalo na dahil dito nga ang hagdan sa banda namin. Halos dito sila lahat dumadaan. Mahaba pa naman ang corridor namin kaya maraming classroom.Naiiritang hinarap kong muli ang room nang nasa bungad na't palabas na."Kanya, bilis naman! Pagagalitan ako neto, e."Naiinis kong pinanuod siyang nag-apply pa ng lip color. Pabango dito't doon.Antagal! Uuwi lang naman kami, ah."Ba't ka pa ba nagpapabango-pabango diyan? 'Di kita gets. Uuwi lang naman tayo.""Marami tayong madadaanang pogi palabas ng gate, 'no. Alangan namang amoy classroom ako." Umirao siya't lumapit na sa akin. "Ikaw din kaya. 'Di ka na fresh."Ha?"Anong 'di ako fresh ka diyan?" Tinalikuran ko na siya't handa nang iwanan siya sa classroom nang mabangga ako sa kung sino. Masyadong mabilis at masyado siyang malapit na hindi na ako nakaiwas o nakatigil pa.Agad kong nalanghap ang panlalaking pabango na halatang mamahalin dahil napakabango pero hindi masakit sa ilong. Mabilis akong umatras."I'm sorry, 'di ko sinasadya!" Bahagya pa akong yumuko."Oh my gosh ka, Aisha!" Rinig kong mahinang sigaw ni Kanya. Hindi ko siya nilingon at tiningala ang lalaking nabangga ko.Kinailangan kong sobrang tumingala dahil ang tangkad-tangkad niya. Ang bango-bango. Ang gwapo-gwapo.Nailang ako. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Isang pakiramdam na hindi ko naman madalas na maramdaman."I'm sorry." Paumanhin niya.Titig na titig siya sa mga mata ko. Wow.Ang lalim ng boses niya. Hindi ganiyan sa mga kaklase ko. At seryoso siya. Seryosong-seryoso."Ah, ako 'tong 'di tumitingin. Sorry."Hindi na siya umimik kaya akala ko ay wala na siyang balak magsalita. Pero lalo akong nagtataka sa bawat pagpatak ng segundo at hindi din siya umaalis sa harap ko."Kuya, sorry talaga—""Ataisha, right?"Sabay na sabay ang pagkakasabi namin noon na sabay rin kaming natigilan."U-Uh..." Napakamot ako sa batok ko. "Oo?" Sagot ko nalang sa tanong niya."Hi, Kuya Creed!" Singit ni Kanya na nakasukbit na ang bag sa magkabilang balikat."Hey, Ya." Nakita kong ngumiti si Kuya Creed kay Kanya at aaminin kong medyo napatulala ako do'n.Ang gwapo lalo kapag ngumingiti!"Si Ate Steffi ba, Kuya?" Kunwareng luminga-linga si Kanya kahit halata namang wala siyang tinitignan. Napailing nalang ako sa asta ng kaibigan."Uh, hindi. May pinapasabi kasi si Ma'am Olegario."Tumango-tango si Kanya at malisyosang tumawa. "Bakit mo nga na
Eight years ago...May sarili palang opisina si Ma'am Olegario at nasa likod lang 'yon ng building namin. May sa apat na palapag itong gusali at puro mga opisina ng mga guro ang umu-okupa.Bumungad kaagad sa amin ang bundok-bundok na mga kwaderno namin. Alam kong amin iyon dahil may color coding daw ang mga notebook sa bawat section na hawak ni Ma'am."Uh..." Napakamot ako ng batok. "Iuuwi ko ba 'yan lahat para ma-distribute sa Lunes, Kuya?""No, silly." Natatawa niyang iniabot sa akin ang isang susi. "Pinakita ko lang sa'yo so you'd know where you'd take your boy classmates on Monday. Sila ang pagbubuhatin mo niyan, hindi ikaw. This is the key. Kahit iwan nating hindi naka-lock, maaaring ang guwardiyang naglilibot ang makakitang hindi ito naka-lock. So, we better be sure.""Uh... Thanks, kuya."Bakit pati ang tawa niya, mababa din?Doon kami pinaka-unang nagkausap. Doon kami pinaka-unang nagkakilala. I remember being so amazed by him. Being so infatuated by him."Do you already have
Isang purple daisy cami dress na lang ang sinuot ko dahil sabi ni Riel ay dadaan lang naman raw kami sa isang mall. Doon raw kami sa malapit na stuff toy store sa west entrance.Sa totoo lang, gusto kong bawiin 'yung sagot ko sa kaniya. Aba, after noong meet up namin kaninang umaga, he rushed me to go home. Ngayong hapon daw magkita kami sa harap ng McDo na malapit lang sa bahay namin. Hindi raw niya ako susunduin directly sa amin dahil baka raw makita pa kami ni Creed.Talagang siguradong-sigurado siya na papayag ako dahil ayan na nga, may plano na kaagad siya.Umiinom siya ng McFloat nang bigla akong sumulpot sa harap niya at nameywang. Pinasadahan niya muna ang suot kong damit bago nangiwi."Ang ikli naman niyan pero sige, pwede na."Nagtaas ako ng kilay sa sinabi niya at pinakatitigan siya. "Ano?""Hehe, wala naman. Tara na?"Nilibot ko ang tingin ko sa buong lugar bago siya binalingan ulit. Umirap ako. "'Di mo 'ko in-orderan? Peyk prends.""Syempre meron. Ikaw na 'yan, e." Taas-b
Hindi pinapansin ang komento ko, nanatili ang panunuod niya kay Sas na ngayon ay malapit na sa bend at paliko na. Tinungga ko ang Iced Coffee ko bago ulit binalingan si Riel.Ibubuka ko palang ang bibig ko, bigla namang lumingon siya sa akin kaya bahagya pa akong nagulat."Mukhang hindi sila titingin sa direksyon natin." Hinawakan ni Riel ang kamay ko. "Tara!"Bored akong nagpatianod, not really minding the rush in the tone of his voice. Hindi naman ako interesado sa plano niya but to stay at home and endure the painful moments, I'd rather do something downright stupid. Like participating in Riel's plans, for example."Sas!" Medyo malakas na tawag ni Riel.Lumingon naman kaagad si Saskia sa amin. Bahagya pa siyang nagulat nang makita kami. Naglakbay ang mga mata niya sa kung saan-saan hanggang tumigil ito sa mga kamay namin ni Riel na magkahawak.Napansin kong nanatili ang titig niya doon kaya balak ko na sanang paghiwalayin ang mga kamay namin nang higpitan naman ni Riel ang pagkakah
Ilang beses ba akong muntik mabilaukan? Hindi ko na'rin talaga alam. Grabe naman pala kasi ang acting skills ni Riel, hindi ko alam na ganoon siya ka-talented.Kapag tumatayo si Saskia para humingi ng tissue o kaya ay para mag-banyo, todo acting si Riel para lang lalong mapaniwala si Creed na bading nga siya. Unang-una, hindi ko alam kung ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan niya. Nagkita na sila ni Creed noon, nagkausap, at muntik pa nga'ng mag-away. Hindi siya bading noon sa paningin ni Creed kaya paano naman niya mapapaniwala na totoo nga'ng ganoon siya ngayon? Ano 'yon, na-realize niya lang biglaan?Siniko ko siya nang nagpipigil pa'din ng tawa.Si Kent naman ay parang walang pakialam na kumakain. Hindi na'rin niya kami tinatapunan ng tingin at si Saskia lang ang binabalingan kapag may mga tanong ito.Natapos kaming kumain na hindi napapansin kung nariyan pa ba sila Creed o wala na. Nakatalikod rin kasi ako sa entrance ng café kaya hindi ko alam kung umalis na sila o nandiyan pa.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa amin matapos kong itanong iyon."Saan pa ba?" Tanong niya na para bang ang tanga-tanga ko para itanong pa iyon. "We're going home." Nanahimik nalang ako, takot na baka lalo ko siyang magalit kung magsasalita pa akong muli. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at napakagat sa aking labi.Sobrang sakit na."Saan tayo pupunta nanaman, Creed?" Tanong ko habang inaayos ang mascara ko sa maliit na salamin sa harap ko.Niliko niya muna ang sasakyan pa-kaliwa bago niya ako nilingon. "Guess where, baby?""Guess where ka diyan." Umirap ako, natawa naman siya dahil nahuli niya pala. "Saan nga!"Sasakmalin ko na'to. Kung 'di ko lang mahal, e.Bahagya kong natigil ang pagma-mascara nang maramdamang lumapat ang labi niya sa siko kong nakaangat sa ere. "Just any guesses will do, baby.""Tch!" Siniringan ko siya. "Wala akong alam. Saan nga?""Sa puso mo kasi 'yon, baby."Nangunot ang nuo ko. "Anong puso ko? Napra-praning ka nanaman diyan, Creed.""Sa puso m
"You know what? I think we should go travel, you know."Nabaling kay Kanya ang paningin ko mula sa pagtitig ko sa labas ng café. She suddenly popped in my Instagram chats kaya magkasama kami ngayon. Sabi niya ay magkita naman raw kami since the last interaction we had was a year ago."Travel? Where?"After namin maka-graduate ng college noon, her parents migrated to States kung saan siya nagtrabaho bilang guro. It was hard at first to be away with my bestfriend pero kalaunan ay nagkaroon na'din talaga ng katahimikan between us. Hindi na kami nakapagkita uli after noon. Ngayon nalang ulit after niya ipaalam na lumipat na siya dito para magturo sa next school year."Ayaw mo ba? Magsa-summer na'rin, oh."Hindi ako nakaimik sa sinabi niyang iyon. Even to that particular season of the year, I am now sensitive talking about it. Parang last year lang, kami pa ni Creed ang magkasama sa bakasyon. Ngayon...Ngumiti ako nang malawak. "Sige ba!"Sumubo siya ng cake na in-order niya bago ngumisi s
Grey stones, concrete grounds, blowing wind. What happened, Kanya? Why did you leave me like that?Dahan-dahan kong pinasada ang likod ng kamay ko sa mga mata kong hilam sa luha habang nakatitig sa pangalan niyang nakaukit sa bato. A year had past and it still hurts. Five days ago, it was me visiting Halter.Now, it's me visiting you, Kanya.Bakit? Bakit lahat na lang yata ng sakit ay sinalo ko na? All the possible emotional torture, inako ko na? Bakit kapag hindi pa natatapos ang isa, may dadagdag na naman? Bakit ba ayaw niyong maubos na lang?Hindi ko ba deserve maging masaya? Bakit nagsunod-sunod? Bakit kailangan sa akin mangyari lahat ng 'to? Ba't parang sa akin lang?"I miss you. You were the only sunshine in that dream I had last night. You just... you never fail to make me remember that this is your day, girl. I love you."Noong unang mga linggo na mamatay siya, I was frequently with her in my dreams. She never really left me, even after she died. She accompanied her up to the