Share

Kabanata 12

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi na ako nakapagpalaam." umaktong parang naiiyak si Ericka matapos sabihin iyon.

Patungo na ako ngayon sa airport nang naisipan ko siyang tawagan. Matagal na rin kasi ang huling pag uusap namin at pagkatapos niyon ay hindi ko na sila nakausap pa dahil sa trabaho.

"Pasensya na, masyado lang ako maraming iniisip ngayon kaya ngayon lang ako nakaalala." paumanhin ko.

Sinabi ko kasi na aalis ako patungong Switzerland para puntahan sina Tita Linda. Wala pa akong plano sa ngayon, basta ang alam ko lang ay gusto kong umalis at lumayo muna pansamantala, hanggang sa maipanganak ko ang bata.

"Tatawagan mo ako ha, ready ako makinig sa mga chika mo, alam mo yan," sambit niya.

Tumango naman ako kahit na hindi naman niya ako nakikita. "Oo naman, tatawagan ko kayo ni Dexter." natatawang sambit ko.

Tumagal pa ang pag uusap namin ni Ericka at natapos lang nang nakarating na ako sa airport. Nag abot ako ng bayad sa driver at bumaba. Tinulungan niya ako sa pagbaba ng d
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status