43Pakiramdam ko ay palagi akong magugulat sa mga kayang gawin ni Lucian. Parang kanina lang ay nasa condo kami bago pumunta ng munisipyo. Lahat ng gamit namin ngayon ay naririto na sa bahay niya. "Paano iyong condo unit mo Lucian? ""May mag aasikaso noon darling. May makakasama ka pati rito sa bahay para may katulong ka.""Hindi naman kailangan Lucian, kaya ko naman rito.""I know darling, pero mas mapapanatag ako kung may kasama ka rito. Hindi tayo palaging magkakasama dahil nasa trabaho ako. " Malambing itong yumakap sa akin at saka pinatakan ng halik ang leeg ko."Maya maya darating ang nga makakasama mo rito sa bahay darling. For now, magpahinga na muna tayo. Alam kong napagod ka dahil sa ginawa natin kagabi." Nakangising sabi nito sa akin. Naalala ko naman ang ginawa namin kagabi kaya naman napatawa ako. "Hindi ko kasi maintindihan ang trip mo, kung kelan gabi saka mo naisipang mag gym." Naiiling na sabi ko sa kanya. Add"Maganda naman para sa katawan iyon darling. May nali
44Madaling araw na ay hindi pa umuuwi si Lucian. Hanggang ngayon ay naririto pa rin ako sa sala at hinihintay siya. Sinubukan ko na rin siyang tawagan ngunit hindi niya ito sinasagot. Tinanong ko na rin si Hyna at Leighton ngunit umiling lamang ang dalawa sa akin. Ayaw rin nila akong paalisin kaya naman wala akong magawa kundi ang hintayin siyang makauwi.Third Person's POV"YOU FUCKER! NASAAN SIYA HA? " Bugbog sarado na si Lucian dahil sa kanyang kaibigan na si Helios. Nagkita sila sa likod ng Valiente, meron sila doong 'hideout'. Napakalawak ng lugar na iyon na kakasya ang nasa sampung kotse. Pinagawa talaga iyon ni Kyros para maging tambayan nilang lima."Sorry bud. She's mine." Inuubong sabi ni Lucian sa kaibigan, hinayaan lamang niya na bugbugin siya nito. "Tangina naman Lucian ! Sabi ko na sa iyo huwag si Lyrica." "What the fuck! Anong ginagawa niyong dalawa? " Mabilis na lumapit si Kyros at tinulungan ang kaibigan na si Lucian. "Helios! Nababaliw ka na ba? " Hindi makapaniwa
45"Wow! Asensado si ate girl! May kotse na may driver pa. Hi pogi!" Bati ni Shiela kay Leighton. Napatawa naman si Jessie dahil doon."Huwag nga kayong ganyan. Siya si Leighton. Leighton mga kaibigan ko, si Jessie at Shiela." "Hi! Sa tabi mo ako mauupo ha! " Nakangising sabi ni Shiela dito, napailing na lamang si Leigh at saka inaya kaming sumakay sa kotse."Tawagin niyo na lang akong Leigh." Maikling sabi nito."Saan ba ang punta niyo ngayon Lyrica? " Tanong ni Leigh sa akin. Nasa tabi niya ngayon si Shiela at magkatabi naman kami ni Jessie sa likod ng sasakyan."Uh, Shiela saan ba tayo ngayon? " "Hmmm, sa mall lang. Kumain muna tayo tapos mag ikot ikot! Maraming sale ngayon sa mall!""Gaga ka! Kaya pala aya ka ng aya! Tsk, wala akong budget, nakakainis 'to!" Hinampas ni Jessie si Shiela sa braso. "Hayaan mo na, marami akong budget for today!""So, saan galing ang budget mo? Tiba tiba ka na naman sa costumer mo kagabi? ""Yes! Napakagalante ba naman ni Sir Xyver. Siya ang costum
46Inabot na kami ng gabi sa pamamasyal sa loob ng mall. Hindi ko na masyadong naisip si Lucian dahil sa pagod, naging tagabitbit pa namin si Leighton habang si Hyna naman ay namili na rin ng kanilang gamit mag asawa."Sa wakas, uuwi na tayo." Pagod na pagod na sabi ni Jessie. Kakatapos lamang naming kumain ng hapunan pero ramdam na ramdam talaga namin ang pagod. "Uh, Shiela ako na ang magbabayad. " Sabi ko naman kay Shiela dahil kanina pa siya gastos ng gastos dahil sa pinamili namin.Pumayag naman siya kaya iniabot ko na sa waiter ang card na ibinigay sa akin ni Lucian, hindi naman siguro siya magagalit dahil sa nagbayad ako ng aming pagkain."Si bakla nakablack card! " Parang nawala ang pagod ni Shiela dahil sa nakita niyang iniabot kong credit card sa waiter."Gago! Binigay ba iyan sayo ni Lucian? " Gulat na gulat ring tanong sa akin ni Jessie."Uh... Oo, sabi niya kasi kapag daw may gusto akong bilhin iyan daw ang gamitin ko. Ano bang meron dito? " Nagtataka kong tanong.Nasamid
47"Lucian..." Mabilis akong napatayo ng makita ko si Lucian. Bumati lang din si Leigh at Hyna dito bago lumabas ng kusina."Hi darling, miss me? " Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tumakbo ako palapit sa kanya para yumakap, napaiyak na rin ako dahil muli na kaming nagkita."Shhh, don't cry darling. Sorry at hindi ako personal na nakapagpaalam sa iyo." Malumanay na sabi nito sa akin."Wala ka man lang halos paramdam Lucian. Hindi mo man lang ako itinetext kahit isang beses sa isang araw... Napakarami kong tawag at chat sa iyo. Alam ko namang importante ang ipinunta mo sa Cebu pero sana naman hindi mo malimutang magmessage sa akin kahit isang beses." Umiiyak pa rin na sabi ko."Galit ka pa rin ba kasi ayaw ko ng may bodyguard? Sabi mo, sabihin ko sa iyo ang mga saloobin ko tapos magagalit ka... " Dagdag ko pa."I'm so sorry darling..." Guilty na sabi nito."Hindi talaga ako makapagmessage sa iyo dahil sobrang busy ko talaga..." Dagdag pa niya."Alam ko naman iyon, pero asawa mo
48"Hijo, anong klaseng pagpapakasal ang ginawa ninyo at wala kaming kaalam alam? " "I learned my lesson ma. " Malamig na sabi ni Lucian."Sigurado akong kung saan na namang squatter nakuha ni Lucian ang babae niya." Naiiling na sabi ng isa pang babae na naroroon."Ate Lily, stop disrespecting my wife." Ramdam ko ang galit doon ni Lucian."Why? Hindi ka pa talaga natuto. Halos mabaliw ka na dahil sa babae mo noon and then what? Uuwi ka ritong may dala na namang babaeng hindi namin kilala! " Galit na bulyaw sa kanya ng ate niya. Halos hindi na ako makahinga dahil sa naging reaksiyon nila... "Magsitigil kayo! You're all scaring Lyrica." Saway ng mamà ni Lucian sa mga naroroon."Come here hija, pagpasensiyahan mo na ang pamilya namin. Paranoid lang talaga ang mga iyan dahil sa dinanas noon ni Lucian." Malumanay na sabi pa nito sa akin."Salamat po." Malumanay na sabi ko at saka sumama sa kanya pag upo sa mesang naroroon. Nakakahiya naman kung bigla na lamang akong aalis... Ayokong big
49"Darling, let's go? Pinahanda ko na kay manang Linda ang pantulog mo. " Tumango lamang ako kay Lucian at saka ngumiti.Magkasama kami ngayong dalawa sa kwarto dahil dito kami matutulog ngayon sa bahay ng magulang niya. Pagkapasok nga namin sa kwartong iyon ay hindi na rin ako nagulat sa kung gaano kalaki iyon. Mas malaki pa yata ito kaysa sa bahay namin sa probinsiya. "Maiiwan muna kita rito darling. Pupuntahan ko lang si Ate Lily.""Sige Lucian.""Thank you darling." Seryosong sabi nito sa akin."Bakit ka naman nagpapasalamat? " Natatawang tanong ko sa kanya."Because you're still here.""Baliw. Syempre, I'm your wife." Biro ko sa kanya kaya naman napatawa siya."Hmmm, sarap naman sa pandinig darling." Yumakap pa ito sa aking likuran nakaharap kami ngayon sa isang malaking salamin na nasa loob ng malaking kwarto."Halata nga, namumula ka oh. Kinikilig ka no?" Mas lalo siyang napahalakhak dahil sa sinabi ko."Damn, why are you so good at this huh? " Pinupugan niya ang leeg ko ka
50Kinaumagahan ay nagising akong nakayakap sa akin si Lucian. Nakasiksik ang kanyang mukha sa aking may leeg. Napangiti na lamang ako ng makita ang mukha niyang mahimbing na natutulog sa aking tabi.Hindi na rin siya umalis kagabi at inaya na lamang akong matulog. Sabi ko nga sa kanya ay sa sofa na lamang ako matutulog pero ayaw niya. Dapat daw ay tabi kaming matulog dahil baka biglang pumasok sa kwartong ito ang kanyang Mamà, sumang ayon na lamang ako sa gusto niya. Marami pa kaming napagkwentuhang dalawa bago makatulog.Marahan akong umalis sa tabi ni Lucian para hindi ko maabala ang pagtulog niya. Nagdiretso na ako sa cr para gawin ang aking ginagawa sa umaga. Nang matapos ako ay tiningnan ko muna ang aking cellphone. Nagulat naman ako ng makita ang chat sa akin ni Marco, ngayon na lamang ulit siya nagparamdam sa akin. Nangungumusta ito kaya naman nireplyan ko siya. Si Jessie at Shiela ay may mensahe rin na agad ko naman ding sinagot.Maya maya pa ay biglang tumawag sa akin si Shi