VIER'S POV Nanlalaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil sa tanong na 'yon ni Carol. Hindi pa naman kami ni Hector pero ilang araw ko na ring pinag-iisipan ang tungkol doon. Palagay ang loob ko sa kanya at magaan din siyang kasama. Yun nga lang eh ilang pa lang naman ang nakakalipas mula nang makilala namin siya at ilang araw pa lang rin mula nang ipaalam niya sa akin ang kanyang interes at espesyal niyang pagtingin sa akin. Magiging napaka-easy to get ko namang babae kung kaagad kong tatanggapin ang sinasabi niyang pag-ibig niya para sa akin. Pero sa isang banda, naiisip ko na rin na hindi na rin naman ako bumabata. I, of course, need a partner to be with in the future. Kaya napapaisip na rin ako."Uy! Ano? Kayo na?," pag-uulit pa ni Carol sa naitanong na niya. Hindi ko alam kung curious lang ba talaga siya o parang dismayado sa nararamdaman niya na maaari kong isagot sa tanong niya."H-hindi pa naman–.""Hindi pa naman!," mataas ang tonong pag-uulit niya sa kasasabi ko lang. Bigl
CLOUD'S POV Walang humpay at paulit-ulit ang ginagawa kong pagbibilin ngayon kay Steffano patungkol sa mga dapat niyang gawin sa pagpapatakbo nitong restaurant at pati na rin ang mga bagay na dapat na niyang tigilan mula sa araw na ito, kagaya na lang ng panglalandi niya sa halos lahat ng mga babae naming staff. Iyon ay kahit pa kanina ko pa napapansin na hindi naman niya pinakikinggan ang lahat ng sinasabi ko. Well, sabagay nga naman. Kung pagpapatakbo at pagpapatakbo lang din naman nitong maliit naming business, I am so sure that he can handle it. He's great pagdating sa kusina at pati na rin sa pakikipag-usap sa mga clients, pero 'yung pagiging babaero at kalandian niya? Uh, that's another thing. One thing na kadikit na 'yata talaga ng pagkatao niya. Kaya kailangan ko talagang idildil sa kanya, o mas tama 'yatang sabihin na, kailangan kong ipaalala sa kanya ng paulit-ulit ang mga dapat na niyang iwasan o bawasan sa pag-alis ko. He needs some focus from now on."Have you lost you
VIER'S POV Day off ko ngayon at naisipan na rin ni Hector na ayain akong lumabas for a date. Ayon kasi sa kanya ay hindi raw kasi masyadong nakakapag-usap sa tuwing may trabaho ako. Iyon ay kahit pa nga halos araw-araw pa rin naman kaming nagkakasama lalo na tuwing hinahatid niya kami ni Carol pauwe. Hindi ko tuloy napigilan na muling makaramdam ng labis na tuwa na halos magpatalbog sa dibdib ko. Halos prinsesa na niya ako kung ituring sa araw-araw. Bumibisita siya sa restaurant kapag naroon lang siya sa building at kung naman may trabaho o meeting siya sa ibang lugar ay sinisigurado pa rin niyang makakarating siya para ihatid kami pauwi. Minsan nga ay nakakaramdam na rin ako ng matinding hiya sa kanya dahil kahit sobrang pagod na siya ay pinipilit pa rin niya na maihatid kami ni Carol. Parati niya ring ipinapaalala sa akin na mahalaga ako at karapat-dapat na alagaan ng husto kaya raw ganoon na lang kung protektahan niya ako.Such a sweet gesture from a real gentleman like him."B
CLOUD'S POV Sinimulan ko ang araw na ito ng may positibong pananaw sa mga bagay-bagay na maaaring mangyari. Malaki rin ang kumpyansa ko na sasang-ayon si Vier sa mga nais kong mangyari at sa mga plano ko para sa aming dalawa at sa anak namin. Inakala ko na sa wakas ay mapapanindigan ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. Na matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan naming dalawa ay isang magandang daan pa rin pala ang magiging hantungan namin. Daan na tatahakin namin ng magkasama. Ng magkahawak-kamay. At magkasama sa anumang hamon o hirap na naghihintay sa amin. Pero mukhang hindi iyon ang tadhanang nais ibigay sa amin ng panahon at ng pagkakataon. Papunta na sana ako sa bahay nila pero si Carol ang una kong nakita. Sobrang saya niya na muli akong makita sa 'area namin' kung tawagin namin dati. Masaya rin naman akong makita siya pero si Vier talaga ang pakay ko kaya magpapaalam na sana ako sa kanya nang,"Wala sa kanila si Vier. May date siya ngayon kasama 'yung boss namin. 'Yung
Matinding pagkabigla at nag-aapoy na galit sa aking sarili ang patuloy na bumabalot sa akin habang mag-isa akong nakaupo dito sa loob ng restaurant kung saan kami magkikita ni Allen. Masaya ako na muli siyang makita. Kahit nga nang marinig ko pa lang sa telepono ang boses niya na tila masayang-masaya nang kumpirmahin ko na naririto nga akong muli sa Bulacan ay nakaramdam na rin ako ng galak sa puso ko. Masaya ako na may mga kakilala ako dito na excited pa rin na makita ako matapos ang lahat-lahat ng nangyari sa amin ng kapatid niya. Na pamilya pa rin ang turing niya sa akin hanggang ngayon. Pero kahit anong pilit ko na ikubli na lang sa aking sarili ang sakit na nararamdaman at punan na lang ang utak ko ng masayang isipin na may maituturing pa rin akong kapamilya dito ay hindi ko pa rin magawang magsaya. Hindi ko magawang alisin sa isip ko ang nasaksihan ng mismong mga mata ko kanina. Paulit-ulit iyong tumatakbo sa utak ko na parang sirang plaka na unti-unti ring sumisira sa kalo
Apat na taon na pala ang nakalipas! At ngayon nga, muli nang nakatapak ang mga paa ni Vier sa sariling bayan. Hindi maipinta ang kanyang ngiti nang sa wakas ay matanaw na niya ang ina at mga kapatid, kasama ang kanyang bestfriend na si Carol na buong-lakas pang kumakaway sa kanya. She was welcomed by warm hugs and kisses na tuluyang nagpaluha sa kanya. She missed them a lot."Kumusta ang byahe anak? Pagod ka ba? Baka nahihilo ka pa ha, magsabi ka kaagad?," anang kanyang ina na lumuluha pa sa tuwa."Ayos lang po inay," aniya habang hinahangod ang likod nito. "Kayo, kumusta kayo? Baka sumasakit na ulo n'yo sa tatlong ito ha," dagdag niya habang matamang nakatingin sa tatlo niyang utol na nakapalibot sa kanila."Mababait kami ha, di ba 'nay?," pagpapasweet ni Allen, ang sumunod sa kanya. Naka-tapos na ito at ngayon ay tumutulong na rin sa pamilya at sa pag-aaral ng dalawa pa nilang kapatid.“I missed you sis,” singit naman ni Carol at nakiyakap na sa kanilang mag-ina."Miss you too," g
CLOUD'S POV: Ilang ulit ko na marahil tiningnan ang sarili sa rear-view mirror, just checking how I look. I smiled at what I saw. I look fine, as always. And I'm feeling great ng mga sandaling iyon. Hindi ko rin napigilang mapadako ang tingin sa glove compartment ng sasakyan kung saan nakalagay ang espesyal na bagay na iyon. Medyo nadala ako sa emosyon at hindi na napansin na medyo matagal na pala akong hindi nakatingin sa daan.Boom! May pagmamadali akong bumaba ng sasakyan nang makita ang nagawa ko sa papatawid na sasakyan sa harapan."Ay jusko! Ano ba 'yan? Marunong ka bang mag-drive hijo?," nakakabingi ang boses na iyon kaya hindi ko na binigyang-pansin pa. Kaagad din naman itong huminto. "Cloud?" Nakatuon ang tingin ko ng mga sandaling iyon sa mga kabataang bumababa ng van kaya laking gulat ko nang banggitin ng maingay na nilalang na 'yon ang pangalan ko."Ikaw na nga!" Bahagya pa 'kong natigilan sa kaharap. Kaya pala ayaw kong tingnan ang mukha nito kanina pa."Ano'ng gina
VIER'S POVKinabukasan ay maaga akong nagbalik sa ospital para makapagpahinga naman si Alvin mula sa buong magdamag nitong pagbabantay kay Francis. Hindi pa rin kasi ito nagigising pero ayon naman sa Doctor ay wala kaming dapat na ipag-alala. Dahillang daw sa mga gamot na itinurok sa binata kaya hindi pa rin ito nagkakamalay. Naupo muna ako sa upuan sa gilid at binuksan ang dala kong laptop. Inabala ko na lang ang sarili sa panonood sa mga winning performances ng mga nakaraang season ng PhilDance. Matapos nito ay ang mga current competition naman sa bansa ang niresearch ko para malaman ang height at trend na kailangan naming sabayan sa nalalapit na kompetisyon. Siguradong naghahanda na ang mga dancers nila. Binilinan niya kasi ang mga ito na magwarm up na bago siya umalis sa bahay ng pinsan ni Alvin. At pagbalik niya ay magsisimula na silang magpractice. Hindi sila dapat huminto sa paghahanda dahil lang sa naganap na aksidente. Hindi sila dapat na mag-aksaya ng oras. They have thei