Share

CHAPTER 114

Hindi alam ni Lucine kung anong dapat na maramdaman habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. Ito na ang ika-siyam na linggo ng kaniyang pagdadalang tao at nakikita na niya ang unti-unting pagbabago sa tiyan niya. Wala siyang suot na saplot maliban sa panloob dahil katatapos lamang niyang maglinis ng katawan. Marahan niyang hinimas-himas ang tiyan habang may matipid na ngiti sa kaniyang labi.

" Señorita? " Napatingin si Lucine sa pinto nang may kumatok. Mabilis niyang kinuha ang maluwag na bestidang nakababa sa ibabaw ng kaniyang kama at dali-daling sinuot bago lumakad palapit sa pinto. Binuksan niya ito at bumungad ang kasambahay na si Cora. " Ah, magandang hapon po, Señorita. Nakahanda na po ang mga pagkain sa ibaba. "

Tumango si Lucine. " Sige, susunod na lang ako. Gagayak muna ako. "

Tumango ang kasambahay bago tumalikod at isinara naman ni Lucine ang pinto. Bumalik siya sa harap ng salamin upang muling masdan ang sarili niya. Sa loob ng maraming linggo, wala siyang pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status