Share

CHAPTER 63

Nagsimula ang hapunan na madalas ay tango at pilit na ngiti ang ginagawang tugon ni Lucine sa lahat ng mga itinatanong sa kaniya. Wala siyang lakas makipagtalo sa ama dahil sa mga desisyon nitong hindi man lang siya kinukunsulta. Ang paglalabas ng anunsyo ng kasal nila ni Claude ay sapat ng dahilan para makaramdam siya ng matinding inis. Dumagdag pa ang biglaang hapunan kasama ang pamiyang Zolina na tila sinadyang mangyari sa parehong araw ng paglalabas ng anunsyo ng kasal dahilan upang hindi niya makompronta ang ama. Naisin man niya, hindi niya gustong magmukhang walang galang sa harap ng bisita.

" Gagawin nating magarbo ang kasal dahil minsan lang naman sa buhay natin mangyari ang ganiting uri ng seremonya, " wika ni Hugo na sinang-ayunan ng kaniyang asawa.

" Mahalaga ang seremonyang ito lalo na sa mga kababaihan. Noong ako'y dalaga, isa talaga sa mga pangarap ko ang magkaroon ng malaking kasalan dahil isang beses lang 'yong mangyayari sa buong buhay natin..." saglit na tumigil
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status